Teenage Cappuccino - 17

TEENAGE CAPPUCCINO - Closer (Chapter 17)


Kitang kita ko kung paano mahirapan ang isang halaman sa pagsalo sa bawat butil ng iyak ng langit.. Hindi normal ang araw na 'to para sa akin. Kakaiba ang luha ng langit sa umagang ito. Malayo pa ang tag-ulan, at papasok palang ang tag-lamig, pero ang puso ko ay tila el-nino sa pag-iinit, pag-aasam, at pananabik na muling makita ang kanyang mukha. Maaga akong gumising hindi dahil trabaho ng isang boyfriend na sunduin ang kanyang girlfriend, kundi para maipakita sa kanya na sincere ako sa pinagmamalaki kong pag-ibig para sa kanya..

..
...
....

Dear Diary,

Pagpasensyahan nyo na po ang aking kakaibang pantasya sa mga oras na 'to. Pero hindi ko mapigilang hindi isipin ang aking unang GF. Tama! Sinagot na ako ni Sophia! Hindi pala! Kami na! pero walang formal na ligawan or bolahan o kung ano pa mang tipikal na ginagawa ng magsing irog. Sobrang saya ko! Ngayon lang ulit ako nagsulat at dumalaw sayo. Sorry din kung ginawa kitang post-it o reminder. Gusto ko lang magkaroon ng pruweba ang araw na 'to. Baka kasi bukas paggising ko eh nanaginip lang pala ako..


Malakas ang patak ng ulan sa malamig na umaga. Bitbit ang asul na payong na iisang tao lamang ang kasya, at suot ang jacket na inagaw sa ilalim ng aparador at amoy pangtaboy sa ipis, anay, at kung anu pang lamang loob ng lumang aparador ko.

"Sorry! na-late ba ko? sorry talaga!"

"Hindi! hindi! Maaga lang siguro ako nagising!"

"Dapat hindi kana tumuloy, malakas ang ulan.." sabi nya habang nagmamadaling sumilong sa dala kong payong.

"Ayos lang! College lang naman ang water proof, eh high school palang naman tayo"

Ngumiti sya at diretsong tumingin sa akin. Kakaibang pakiramdam ang nararanasan ko ngayon. Hindi ko alam na grabeng saya pala ang maidudulot ng pag-ibig sa isang tao. Akala ko noon, masaya na ako sa pagbabasa ng update ng naruto, pag-collect ng character sa suikoden 2, at paglilibot sa pantasya. Pero ngayon alam ko na kung bakit naimbento ng smart at globe ang unlimited call and text.

Pilit naming pinagkasya ang sarili namin sa iisang payong na aking dala-dala. Tensyon pa din ako sa mga oras na 'to. Malakas ang buhos ng ulan, pero mas malakas ang tibok ng aking puso na naging dahilan para tululyang manginig ang aking mga kamay sa paghawak sa kakapirasong silong. Naging dahilan din ito para tuluyan nang maging malapit kami sa isa't isa.

"Tumangkad ka yata?" agad nyang napansin habang nakatingin sa akin.

"Talaga? Hindi ko napansin!"

"Dati ka naman nang matangkad, o talagang maliit lang ako.."

"Hahaha! Siguro nga!"

Ngumiti lang ulit sya, at nagbalik tingin sa kanyang nilalakaran.

"Siguro nga.. O di kaya pwede ding lagi kitang tinitignan bilang nakaka-angat sa akin.." mahina nyang bulong.

Tinitigan ko sya habang seryoso ang kanyang mga mata sa pag-iisip, at tila naka tingin sa kawalan. Pinatong ang aking kanang kamay sa kanyang ulo, dahilan para mapabaling ang kanyang tingin pabalik sa akin.

"Tignan mo yun!"

Sabay turo sa dalawang gusali na madalas kong natatanaw mula sa eskwelahan.

"Yung nasa kaliwa ay mas malaki, kesa sa nasa kanan"

Tumango lang sya, na tila nag-aabang sa back story ng nabanggit kong gusali.

"Naunang maitayo ang maliit na gusali, bago ang katabi nito.." paliwanag ko.

"Sa sumunod na taon tska palang naitayo yung katabi nya, na mas mataas sa kanya ngayon.." dugtong ko pa.

Tuluyan nang hindi nagpantay ang kanyang mga kilay sa kakaisip, at ang kanyang labi na pilit nyang kinakagat. Gusto ko nang tumawa pero pinigilan ko pa din. Baka maasar lang sya.

"Sinasabi mo bang ikaw yung gusali na mataas? at ako naman yung mababa?" may pagkasarkatiko sa kanyang boses.

"Tama! Hindi maitatayo yung mataas na gusali, kung walang inspirasyon na manggagaling sa maliit na gusali.."

"Tulad natin.. Hindi ako makakatayo ng ganito na may halong saya, kung wala ka sa tabi ko.. I always look up to you Sophia.." dugtong ko na kahit medyo basang basa na ang kaliwang manggas ng jacket ko.

Sa puntong yun ay tuluyan nang lumabas ang puti at pantay pantay nyang mga ngipin. Masaya ako na naiintindihan nya ang mga sinasabi ko. Kapag sinabi kong mahal ko sya, ngumingiti lang sya, at alam ko sa bawat ngiti ay naipapadama sa akin na parehas lang ang tibok ng dalawang magkaibang puso.

--------

"Don't laugh at me, idiot!"

Sabi sa last line ng movie na pinapanood namin sa film showing. Sampung beses ko nang napanood ang pelikula na 'to, at ang pagkakatanda ko ay ito din yung movie na pinanood namin last year. Akala siguro ng titser namin na maloloko nya kami, eh hindi naman kami pinanganak kahapon! pero ang ending nagbayad pa din ako, para lang makasama si Sophia na manood.

Kahit pa balibaliktarin nila ang eksena eh alam na alam ko na ang plot, at twist ng movie. Kaya sa halos dalawang oras na nakalipas, ay wala na kong ginawa kundi sulyapan ang mukha ni Sophia. Kahit pa siguro pumikit na ako eh kayang kaya ko nang iguhit ito sa isang blangkong papel.

"Robert, tara na.." anyaya nya.

Laking gulat ko ng wala na palang tao sa paligid, bukas na ang mga ilaw, at patay na ang 40 inches na tv sa library. Nakatulog na pala ako..

"Kanina pa kita gustong gisingin.."

"Oh bakit hindi mo ginawa?"

"Mukha ka kasing puyat kagabi!" sabay turo ng kanyang daliri sa aking noo.

"Ganun ba.."

"Oo! Ano bang ginawa mo kagabi at napuyat ka?!"

"Ha? Hindi! Hindi! Nakatulog lang talaga ako sa palabas, tara na! Baka malate tayo sa susunod na klase!" pagmamadali ko para lang maiba ang usapan.

"Hay.. Robert! We're already late.."

Tinignan ko ang orasan na nakasabit malapit sa counter ng library, tska ko lang napansin na halos 30 minutes na pala kaming late, at alam kong kasalanan kong lahat! Peste talaga! Nagskip na naman ako ng isang klase, ang masama pa ay sinama ko pa sya. Naglakad sya papalapit sa akin, at tumabi sa upuan na kasunod ng inuupuan ko.

"Okei lang Robert, hintayin na lang natin ang sunod na bell.."

"Argh! Sorry!"

Tumingin sya sa akin na nagtataka ang hitsura.

"It's not your fault.. Hinayaan ko din kasing matulog ka.. I just want to stare at your face.." paliwanag nya. tuluyan na kong namula sa kahihiyan. Inisip ko kung natatawa ba sya habang pinagmamasdan nya akong natutulog.

Hindi na ko makapagsalita, natabunan na ko ng kahihiyan. Hindi ko na din sya matignan ng deretso.

"Nagsasalita ka pala ng tulog!" bulalas nya.

"Ako? Talaga? Ano naman sinabi ko?"

"Paulit ulit mo lang binabanggit ang pangalan ko.."

Naloko na! Tuloy hindi ko na alam ang gagawin ko. Sa sinabi nya, hindi ako pwedeng magkaila o magpaliwanag. Bukong buko ako! Tawa lang sya ng tawa, halata sa kanya ang pang-aasar.

"Sinabi ko yun?"

"Biro lang! hahaha!"

"Pfftt!!"

Sa mga simpleng bagay ay nadadala ako sa kanyang emosyon. Bawat salitang sabihin nya ay mabilis na tumatatak sa aking isipan. Pakiramdam ko tuloy ay mahihirapan akong mag move on sa kahit sandaling minuto na wala sya sa tabi ko. Kung pwede ko lang syang angkinin ginawa ko na. Kung pwede lang talaga.. Masyado na kong makasarili para lang sa pansariling kaligayahan. Ito pala ang side effect ng sinasabi nilang pag-ibig. Hindi na ko magtataka kung bakit nag-exist ang mga love guru, tulad nila Papa Jack, Madam Auring, at Kris Aquino(joke lang yung last).

Limang segundong katahimikan sa pagitan naming dalawa ang bigla nalang nanaig. Bagay na wala naman akong sasabihin, ewan ko lang sya. Sapat na saking makasama sya, at makita ang kanyang presensya. Second option ko na lang yung sulitin sya.

"Robert.. I like you!"

Namilgo ang aking mga mata nung biglaan syang nagsalita. Tinignan ko sya, nakangiti sya at hindi seryoso. Sa ganitong pagkakataon, hindi ko alam ang nasa isip ng isang baabe kapag nagsabi sya ng ganun sa isang lalaki. At bakit nga ba lagi akong naaabutan ng nerbyos kapag ganito na ang sitwasyon?

"Naalala mo nung nung sinabi mo din sakin na gusto mo ako?" tanong nya.

"Tumango lang ako, at tila naghihintay ng susunod nyang sasabihin.

"Alam mo bang gusto ko nang umiyak nun.."

"Umiyak? Bakit?"

"Dahil hindi ko alam ang magiging reaskyon ko.. matutuwa ba ako o malulungkot, maiinis o magagalit.."

"Sa akin?!"

"Hindi.. Sa sarili ko.. Alam kong mali na ang ginagawa ko sayo. Masyado kong inaasa ang sarili ko sayo, pakiramdam ko kasi lahat ay ok kapag nandyan ka lang sa tabi ko. Huli na nang malaman kong seryoso ka pala.. Wala nang halong biro ang lahat ng ginagawa mo.."

"...."

"Robert.. What will you do, if the thing we scared the most will happen soon?"

"..."

"Robert.. answer me.."

"Sophia! Malayo pa yun! Madami pang mangyayari na hindi natin alam! I-enjoy nalang natin ang bawat araw na magkasama tayo, wag nating pabilisin ang oras.. Ayokong masayang ang oras natin kakaisip sa bagay na matagal pang mangyayari"

Natahimik sya at tila napaisip sa mga sinabi ko. Gusto kong mag sorry dahil medyo tumaas ang tono ko, pero alam ko sa sarili ko na yun lang ang pwede naming magawa. Ngunit nagulat ako ng makita kong bumalik na naman ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Kung ganun--"

"You have to work hard everday!"

"Huh?!"

"Work hard to make me happy! Everyday!"

Jusko! Parang nagwish lang sya kay santa na sana maging pasko araw araw! Mukhang mahirap ang gusto nya, pero kung ang pasayahin lang sya sa araw araw ang dapat kong gawin para patunayang sobrang mahal ko sya, eh hindi na ko magdadalawang isip pa.

Malakas ang sigaw ni San Pedro, dahilan para magising si Kupido sa mahimbing nitong pagkakatulog. Pinagalitan nya ang alagad ng pag-ibig. Nakalimutan daw nitong bigyan ng laman ang mga pusong sobra sobra sa puwang. Mabilis na kumilos ang tama na si Kupido, agaran syang bumaba ng lupa para tignan ang mga taong patuloy na naglalakbay sa gitna ng kadiliman..

Mula nung pumasok sya loob ng kwarto, nagsimula na ding pumasok ang kanyang buong pagkatao sa aking puso. Nagkaroon ito bigla ng paliwanag sa matagal nang tanong sa aking isipan. Kung ano nga ba ang pakiramdam ng tinatawag nilang pag-ibig.. Kung anong mangyayari sa isang tao na may impluwensya nito. Kung anung hirap at pasakit ang pwedeng maging side effect. At kung anong klaseng kaligayahan na nagiging dahilan ng mga taong puyat.

Walang recess sa pag-ibig.. Walang vacant hours, walang uwian na! Wala ding makakapagsabi kung kailan ka pwede humingi ng leave, at kung kailan ka pwedeng mag-resign.. Ang sitwasyon sa dalawang tao na kailangan ng matinding sakripisyo ay sya ding bagay na naging dahilan kung bakit nagbigay ito ng ngiti sa magkaibang tao.

Nagring na ang bell, tapos na ang oras na binigay samin o pwede ding oras na ninakaw namin..

"Kita na lang tayo after ng class ko sa club!" paalam nya.

"Sige! See you later!"

..
...
....

"Work hard! Work hard!"

"Work hard to make her happy!"

Sabi ng makulit kong isip, habang naglalakad ako papasok sa susunod kong klase. Walang wala sa isip ko ang mga sinasabi ng puso ko.

"Paano ko nga ba sya mapapasaya?"

Sabi nga ni Ayek, meron pa daw mas mahirap kesa sa pagtupad sa pangarap. Yun ay kung paano mo ito pahahalagahan at aalagaan, para hindi manumbalik sa pagiging pangarap na lamang.

Club..

Nauna yata akong dumating, wala pang tao at tahimik pa ang paligid sa labas ng kwarto. Dahan dahan kong binuksan ang pinto, ngunit laking gulat ko nang makita kong meron babaeng nakatayo sa loob ng classroom.. Nakatayo sya at nakaharap sa board. hawak ang kapirasong pinilas na papel.

Walang tunog na ginawa ang aking sapatos nang pumasok ako sa kwarto. Hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa isip ko na gulatin sya, ngunit ng papalapit ako ng papalapit ay tila nakikilala ko kung sino.

Tumutula sya..

Mag-isa?

Tahimik akong nakinig sa kanyang likuran..

they started as strangers
two people who are not lovers
yet they have something special
and to find it out is crucial

two unknown and innocent hearts
just started sharing sparks
it unfolds what they truly feel
their moments that no one can steal

falling in love is like the rain
unpredictable especially the pain
be strong and tough as a wall
coz you have no idea to whom you'd fall

it can make you so happy or sad
and even make you feel good or bad
it's the best yet the worst thing
that this life could ever bring

when love comes your way
you'll do everything to make it stay
sacrifice your own happiness
for your loved one to have the best

distance shouldn't be an issue
it's always about the two of you
you may be miles away from each other
still, it's the heart that connects you together

fights, tears, sadness and even lies
never get tired to same old lines
those are just part of the story
so be ready to suffer from misery

the whole world may be against you
no worry as long as the love is true
don't just stop without giving a fight
at least you did what you know is right

no matter how hard the trials are
don't let it make you fall apart
always think of how did you start
enough to hold on even if it's hard

if destiny won't let you be together
then do the magic of staying forever
just what the fairytales leave to its reader
the promise of "happily ever after"

"I love you, Robert.."

..
...
....

Isang mahinang bulong.. Pero hindi nakisama ang katahimikan ng kwarto at syang naging dahilan para tuluyang itong mag-echo papasok sa aking tenga.

Tinulak ng malakas na hangin ang aking katawan, dahilan para malaglag ang aking damdamin sa isang malalim na bangin..

"Agnes?"

Lumingon ang babaeng tila nagtatago sa isang maikling tula, may kakaibang takot sa kanyang mga mata, at hindi maipaliwanag na damdamin ang aking nadarama..

0 comment/s:

Post a Comment