TEENAGE CAPPUCCINO - The Unknown Path of Love (Chapter 12)
Inlab ako sa babae na maari kong sabihing isang pangarap. Isang pangarap si Sophia, pantasya. Sabi ni ayek, walang kasing hirap ang pagtupad sa isang pangarap, pero nalaman nya sa huli na meron pa palang mas mahirap.. Ano? Yun ay kung paano mo pahahalagahan at aalagaan ang isang pangarap, dahil baka sa huli ay bumalik lang ito sa pagiging pangarap, at manatili nalang na ganito.
Matapos ang konbersasyon ko kay Sophia, ay isang bagay lang ang patuloy na naglalaro sa isip ko.. Kung bakit malaya syang nakakapagsabi sakin ng kanyang nararamdaman, ibig sabihin ba nun eh trust worthy ako? o talagang nag-aalala sya sa nararamdaman ko para sa kanya? aaminin ko.. medyo kinilig ako sa second thought ko.
"No.."
"Sorry.. But I have to.."
"Mahal kita.."
"Sorry.. Hindi kita kayang mahalin.."
"I-i don't know kung makakaya ko kapag.. kapag nawala ka.."
"You have to.. please.. I have to go.."
..
...
....
BLAG!!
Nagising na lang ako nung bumagsak ang katawan ko sa sahig.. Masakit ang aking ulo, Lintik na panaginip.. Pangalawang beses ko nang napaginipan ang ganung eksena, pero hindi ko makita ang hitsura ng kausap ko.. Hindi typical tulad nung mga ibang panaginip ko.. Anong oras na ba?! Napuyat ako sa pagka eksayted sa araw na 'to.
Ano bang meron?
Araw ng sabado.. Ito ang araw na makakasama ko si Sophia ng weekends, pupunta kami ng mall, kakain ng fishball sa bermuda garden dun sa malapit na park, mag-uusap at magtititigan, at sasabihin nyang "sobrang mahal nya ako" at laglag na naman ang pagkalalaki ni Raymond. Pero ang reality.. Ay ito ang araw na aming group work or group study.. Kasama si Richard at Martin. Reality sucks sometimes..
Bumangon ako sa mula sa sahig, agad akong umupo sa harap ng pc. Nagpunas ng kung anong panis. Medyo matagal ang loading ng pc, kaya minabuti kong bumaba ng sala..
ngunit..
Laking gulat ko ng nakita ko si ermat na nakahiga sa sahig.. mabilis akong tumakbo sa kinaroroonan nya, niyugyog ang kanyang katawan.
"ma! ma! ano nangyari?!"
"tulong! tulong! mga kapitbahay!"
"Ro-robert.."
"Ma? ano nangyari?"
"lintik ka! wag kang maingay.."
"awkward gesture"
"nahilo lang ako, kaya ako bumagsak.."
"dadalhin kita sa ospital!"
"mabuti pa ihiga mo ako sa sofa, at magluto ka ng almusal, hindi pa din kasi ako kumakain.."
"ano ba naman yan ma?! bakit ka nagpapalipas ng gutom?"
"lintik ka kasi, ayaw mo akong tulungan dito."
------
Naabutan na din ako ng hapon sa pag-aasikaso sa shop. Matapos nyang makakain, ay minabuti ni ermat na dumiretso sa kanyang silid para magpahinga.. ilang beses kong inalok sya na dalhin sa ospital, pero mas matigas pa ang ulo nya sa akin. Isa lang ang binilin nya.. kundi ang bantayan ang shop, kaya heto ako ngayon, nakatunganga sa mga taong lumalabas-pasok sa cafeteria..
Badtrip! paano pa ako makakasama sa group study namin? hindi ko naman pwedeng iwan ang shop, dahil tiyak pagbalik ko ay baka nasa labas na ang mga gamit ko, at nakasupot sa trash bag..
Klang! Klang!
Tunog ng bell ng pintuan ng shop.. Senyales na may customer. Mula sa counter tinignan ko kung sino ang papasok, sya na lang ang gulat ko ng napansin kong si Richard yun.. Napansin nya agad ako, at mabilis syang lumapit sa akin.
"Brad-pit ang aga mo?"
"Nag jogging kasi ako, napadaan na din dito.."
"Oh tubig!" sabay hagis ng isang bote ng criminal water.
"Anong balita?"
"Ayun! si ermat bumagsak kaninang umaga, hindi kasi nag-almusal, nahilo"
"Kumusta na sya?"
"okei na naman, kaso gusto nya matulog at magpahinga.."
"mabuti para gumaling sya"
"mabuti? eh paano ako makaka-alis mamaya?"
"hahaha! problema mo na yun!"
Matagal tagal na din pala kaming walang bonding ni Richard nitong mga nakaraang linggo, palibhasa'y naging busy ako sa club, at kay Sophia. Kaya parang namiss ko din ang bestfriend ko. Mag aapat na taon na kaming magkakilala ni Richard, mula pa nung unang taon ko sa HS, sya ang aking buddy talaga.. Para kaming Green hornets, Batman and Robin, at Vic and Joey.. Kung naaalala nyo ay magaling sumayaw si Richard, kaya mabilis syang lapitin ng mga chiks. Kasalungat ko sya, dahil ang pag-iisip palang sa pagsayaw ay tila napapagod na ako. Magkaiba lang talaga kami sa maraming bagay, pero magkasundo sa mga kalokohan.
"Tawagan mo si Sophia brad, paliwanag mo hindi ka makakapunta.."
"Magagalit yun!"
"Oh sige mag-isip ka paano ka makaka-alis dyan.."
"..."
"Kita mo, hindi mo din alam.."
"Hindi pa ko sumasagot.."
"..."
KLANG! KLANG! Dalawang dalagita ang customer na pumasok, hindi sila mga estudyante ng eskwelahan. Dahil una ay sabado at walang pasok, pangalawa hindi sila pamilyar sa akin..
"Chiks brad-pit!" mabilis na aksyon ni Richard.
Nakita kong papalapit ang dalawang dalaga sa counter, kung saan nakatambay kami ni Richard.
"Yes ma'am?!" agad agad kong tanong.
"Two cappuccino, and two bottled water.."
"Ok, hanap nalang kayo ng table, hatid nalang po sa inyo.."
"Thanks!" "Thank you kuya.." sagot ng dalawa, at tuluyang tumalikod.
...
"Ano ka ba naman brad?"
"Bakit?!" sagot ko habang abala sa paggawa ng kape.
"Dapat binola bola mo muna, cute pa naman.."
"Gawain mo yun brad, dapat ikaw gumawa.."
"Ang KJ mo brad-pit, wala naman si Sophia dito.."
Napatingin lang ako kay Richard, pero tama ang sinabi nya.. Yun kasi ang unang pumasok sa isip ko nang pumasok ang dalawang dalaga. Pero nung lumapit na sila,ay bigla kong naalala ang presenya ni Sophia na para bang nawalan ako ng gana tumingin sa ibang babae..
"Stick to one lang ako brad.."
"Hahaha! Ang korni mo!" malakas nyang tawa.
"Teka nga.. matanong nga kita.."
"Ano!?" habang abala pa din ako, at hindi nakatingin sa kanya.
"Talaga bang inlababo ka na sa Sophia na yan?"
"Siguro.."
"Mag iisang buwan pa lang yata kayong magkakilala diba?"
"Mag 3 weeks.."
"Kita mo.. At hindi kapa nya talaga sinasagot tama?"
Hindi ako nakasagot sa puntong yun.. talagang bagon kakilala ko lang si Sophia, pero pakiramdam ko'y hindi makukumpleto ang araw ko na hindi sya nakikita or nakakasama. sapat na siguro ang dahilan na yun para sabihin kong mahal ko na sya.
"Hindi pa.."
"Hay.. Dapat kilalanin mo muna sya maigi, sige ka.."
Napatingin ako bigla kay Richard, nag aabang ng sunod nyang sasabihin..
"Baka sa huli.."
"Iwan ka nya.."
Hindi ko maintindihan kung bakit sinasabi sakin ni Richard ang mga bagay na 'to, pero napaisip din naman ako.. Marami pa akong hindi alam kay Sophia, maliban sa kanyang nakaraan. Bukod dun ay wala na! Clueless ako na helpless pagdating kay Sophia.
"Hindi pa nga sinasagot, iiwan na?!" pabiro kong sagot kay Richard.
Sa sagot kong yun, ay tila nakaramdam din ako ng kaba.. Pero tulad ng sabi ng makatang si Kiko Balagtas sa kanyang florante at laura.. ""Pag-ibig, 'pag na'sok sa puso nino man, hahamakin ang lahat masunod ka lamang", at ako ang tanga na sumunod sa nararamdaman ng puso ko. Bahala na! Kung magkaganun man eh charge to experience na lang..
"May naisip ako brad!"
"Oh? Ano?"
"Tutal hindi ka maka-alis dito, eh dito nalang tayo mag review?"
"Ha?"
"Nahihibang ka naba? Tingin mo makakapag concentrate ako habang nagbabantay dito?!" dugtong ko.
"Bakit sa tingin mo makakapag concentrate ka ba kapag kaharap mo din si Sophia?" maloko nyang balik tanong.
RIINNGGG!!
Nag-ring ang phone namin sa shop, at dahil busy ako sa mga order ay agad kong sinenyasan si Richard na sagutin ang phone. Umaayaw pa ang loko na parang nang-aasar lang.
"Hello?!"
"Nandito sya, kaya lang medyo busy.."
"Sino yan!?" tanong ko.
"Sophia!(sagot nya pero walang boses)"
"Hindi nga!?"
"Hindi nya daw sure kung makakapunta sya, bakit daw hindi nalang dito sa shop nila, wala din kasing magbabantay dahil masama pakiramdam ng nanay nya.."
Hindi pa ako naniniwala kay Richard, pero nang pindutin nya ang loudspeaker ng telepono ay nagulat ako, dahil boses nga yun ni Sophia.
"Ah! okei! 1 hour and i'll be there.." sagot ni Sophia.
Binalak ko pang habulin ang tawag, pero mabilis nya itong binaba.. Tawa naman ng tawa si Richard.
-----
Mabilis kong nilinis ang sala, nagpaalam din kay nanay na maaga kong isasara ang shop dahil sa darating kong mga bisita, as usual nagalit sya pero sa huli ang pagiging nag-iisang anak ko ang nanaig! Isa din advantage! naghanda na din ako ng meryenda, habang si Richard ay abala naman sa paglalaro ng games sa pc ko.
Nung makatapos ay agad kong hinagilap ang aking cellphone para tawagan si Sophia, tanungin kung nasaan na sya, paraan din para marinig ang boses nya. Ngunit isang mensahe galing kay Agnes ang agad na tumambad sa akin. Binasa ko muna ang nilalaman..
"Nasaan ka na?"
Ano yun? Wrong send? Nag reply ako ngunit hindi nag send, walang signal sa loob ng isang isolated area.. Binalak kong lumabas para makahanap ng maganda gandang signal, ngunit sakto sa pagbukas ko ng pinto, ay ang mala anghel na mukha ni Sophia ang sumalubong sa akin.
"Tuloy ka!" mabilis kong bati na abot bumbunan ang ngiti.
"Thanks! nandito na ba sila?"
"Si Robert palang.."
"Really? Ang aga ko pala.. masyado yata akong excited.."
"halika tuloy, pinaghanda na kita ng meryenda.."
Tinour ko sya sa loob ng aming bahay, iikot ka lang ng 360 degrees ay makakagala kana na walang kapagod pagod, sa kaliwa kita na agad ang kusina, sa kanan ang living room, at sa deretso ay hagdan paakyat sa second floor.. two way ito at sa unahan ang shop.
"Pasensya kana maliit lang ang bahay namin.."
"Ok lang, sa amin malaki pero parang ako lang ang nakatira.."
"Nasaan ang mommy mo?"
"Nasa taas, masama ang pakiramdam.."
"Talaga? Bakit hindi mo dinala sa malapit na hospital?" kasunod na naman ang batok!
"Ayaw nya eh! Tska nahihilo lang naman sya.."
Umupo sya sa maliit naming sofa, binuksan ko ang tv at naglipat ng channel para lang mabawasan ang katahimikan sa paligid, dahil dinig na dinig ang malakas na kabog ng aking puso, dahil sa sobrang exited.
Nagsalin ng juice sa mga nakalatag na baso, syempre apple juice.. :naughty:
"Nasaan si Robert?"
"Nandun sa kwarto ko, naglalaro ng games sa pc.."
"Ahh.." sagot nya pero halatang wala sa isip ang sinasabi.
Napansin kong malikot ang kanyang mga mata, kung saan saan sya lumilingon, tinitignan ang kabuuan ng aming bahay. napako ang kanyang mata sa larawan ni itay na nakasabit sa wall, na pwede mong i-hit ang like button.
"Sino sya?"
"Si papa.."
"Nasaan sya?"
"Natutulog.."
"Tulog? Akala ko nasa trabaho.."
"Tulog sya sa sementeryo.."
"Ay! Sorry.."
"Okei lang.."
"Bakit naman dun sya natutulog? Nag away sila ng mommy mo? pinalayas ba sya?"
TOINK!!
"Hindi hindi! Patay na sya, deds na!" paliwanag ko.
"Ahh.. I see.. Sorry again!"
Inabot ko sa kanya ang baso ng juice, at umupo sa tabi nya.. Amoy na amoy ko ang bagsik ng kanyanga pabango. Mabilis nyang ininom ang juice na para bang uhaw na uhaw. Sa eksenang yun, ay para bang bigla nalang nablangko kaming dalawa, hindi alam ang sunod na pag-uusapan. Tila naghihintayan kaming may maunang magkwento o magsabi ng kung ano anong bagay.
Tumagal ng halos sampung segundo ang katahimikan, nang biglang nag ring ang phone ni Sophy, na nasa kanyang mini pouch na naipatong nya sa estante katabi ng tv set namin. at bilang isang maginoong lalaki ay kailangan kong tumayo para unahan sya sa pagdampot nito, hindi ko napansin na nakipag habulan din pala sya sa pagsagot sa unknown caller.
5..
mabilis ang pangyayari, nagtrip ang loko lokong tadhana..
4..
hindi ko sadyang matapakan ang kanyang mga paa, sa pagmamadali..
3..
kitang kita ng aking mga mata, na babagsak sya..
2..
passive ang skill ko na tinatawag na "gentleman's tech"..
1..
mabilis kong sinalo ang kanyang pagbagsak, ngunit mali!
..
...
....
Nung dinilat ko ang aking mata.. ang maamong mukha ni Sophia ang tumambad sa akin, nakayakap kami sa bawat isa, naipit ang aking paa sa kanyang paa, dahilan para bumagsak din ako. Pero ang pangyayaring ito ang sinasabing.. "swerte", ramdam ko ang mabilis na tibok ng kanyang dibdib, ang pagdaloy ng kanyang hininga na walang kasing bango, amoy hininga ng bata.. natatakpan ng kanyang malambot at itim na itim nyang buhok ang aking mga pisngi.
Nag-lock ang aking mga mata diretso sa kanya, dinaig pa ang last skill ni kardel. Wala akong magawa kundi titigan ang perpekto at kasing kinis ng rebulto nyang mukha. Parang gusto ko nang mamalagi sa ganitong posisyon, at kung may dadaig pa sa salitang "lubos", ay yun na yun!
"Sophia, alam kong hindi ako ang unang nagsabi sayo.."
"Huh? A-ano?" nahihiya nya pang sagot.
"Hindi ako ang unang nagsabi sayo na, talagang maganda ka.."
"..."
"Pero.. gusto ko mapabilang sa mga taong nakaka-appreciate nito"
"Uhmm.. And I want you to be the last one who says these things.."
~You make me feel like a lavender sweater, and I'm caught in bad weather in my volkswagen jetta.
~You make me feel like I'm complete work of art, when I'm just falling apart, a really nice piece of art"
Hindi ko alam kung bakit na LSS ako sa kantang nice piece of art, habang kayakap pa din sya. Isang bagay na lang ang tumatakbo sa isip ko sa mga oras na 'to.. walang iba kundi sul?itin ang pagkakataon na bihira lang talaga mangyari. Kayang kaya kong muling angkinin ang kanyang mga labi, gusto ko muling matikman ang mapangahas at mapanuksong sarap.
Ito na yun..
Blangko na ang paligid, hinawakan ko ang kanyang batok gamit ang aking kanang kamay, naghintay ng reaksyon ngunit wala. Nakatingin pa din kami sa isa't isa..
..
...
....
5 milliseconds to land..
"Whoa!!"
"Sorry! Sorry!"
Bumalik ang aking kaluluwa sa aking katawang lupa, nung makita kong nakatayo si Richard at nakatingin sa amin. Nabasag ang momentum ng istorya, nawala ang kilig factor, at namutla ako sa kahihiyan.. Mabilis na tumayo si Sophia, na agad ko naman sinundan.
"Ehem! Sorry guys.." pauna ni Richard habang natatawa.
P.I. sayang ang pagkakataon, bakit ba hindi ko naisip na nasa loob pala ng bahay si Richard? Hindi ko alam ang susunod kong reaksyon, kung lalakad ba ako pakaliwa, o dederetso pakanan.. Para akong ipis na tinupok ng tsinelas na hindi alam ang pupuntahan dahil sa hilo.
Ngunit hinila ni Sophia ang aking mga braso, dahilan para tuluyan akong mapaupo sa sofa at para makalma. Para lang akong gago na hindi alam ang gagawin. Napapakamot ulo pa, habang dahang dahang tumitingin kay Sophia, nakatayo pa din si Richard at panay ang tawa sa amin.
Ngumiti sakin si Sophia..
"Muntik na yun ha!" sabay batok!
Napakamot ng ulo ulit, habang nakangiti..
"Parating na si Martin guys.." singit ni Richard.
---------
Natapos ang group study namin sa saktong alas sais ng gabi, Nagpasya na ding umalis si Richard at Martin. Ako naman ay hinatid si Sophia sa malapit na sakayan, para hindi na sya maglakad pauwi.
"Robert, what if kung umalis ako ng bansa after ng graduation?"
"Saan ka naman pupunta?"
"Kung mag college ako sa abroad.."
"..."
"Magagalit kaba sakin?"
"Hindi ko din alam, hindi ko naman pwede i-predict ang nararamdaman ko.."
"Ok lang sayo?"
"Kung ngayon, syempre hindi.." nahihiya ko pang sagot.
"Ikaw?"
"Anong ako?"
"Anong unang gagawin mo, kapag naka alis nga ako?"
"..."
"Wala.."
"Wala?"
"Wala naman kasi ako magagawa kung yan ang mangyayari.."
"Pero.."
"Gagawa ako ng paraan, para masigurong babalikan mo ako.."
"talaga? ano naman yun?"
"Simple lang.. Mamahalin lang kita.."
"???"
"ayan na taxi, ipapara na kita.."
"okei.. monday na lang ulit! ingat ka!"
"Kaw din! ingat! bye!"
Hindi ko alam ko kung saan ko huhugutin ang aking hininga, matapos ang maikling usap namin. Para bang may nakabara sa lalamunan ko na mahirap iduwal. Sa totoo lang ay sobrang mahal ko na sya, pero may takot pa din ako. Mahaba haba pa ang aming dadaanan sa loob ng isang taon, marami pa kaming pagsasaluhang mga pangyayari.. At sinisiguro ko na sa panahong yun, ay wala akong gagawin kundi ipakita sa kanya at iparamdam na mahal ko sya.. Yun na lang siguro ang magiging puhunan ko, para balikan nya ako..
Binunot ko ang aking cellphone para tignan kung anung oras na nga ba..
Syet!
Napamura matapos mabasa ang txt msgs galing kay Agnes..
0 comment/s:
Post a Comment