Flamingo - Chapter 2

"Ikinasal ako sa Sarah na hindi ko kilala!"


Sobrang weird. Sa ilang taong pagsasama namin, totoong wala akong ideya sa nakaraan nyang buhay. May mga bagay kaming pinaguusapan ukol dun, pero mababaw pa sa tubig na nasa baso ang mga detalye. Kaya halos pulutin ko isa isa yung mga ngipin ko, nung bumagsak ang panga ko sa gulat nung nalaman ko ang balita. May malaking question mark na biglang sumulpot sa ibabaw ng ulo ko, dahil sa biglaang paggulo ng mga pangyayari. Hinanap ko sa paligid kung merong prankster na may hidden cam, wala naman. Kung maipapalabas ako sa tv, sana lang naka-blurred ang mukha.

"Hindi ka pwedeng maging balo sir. Buhay pa ang asawa mo. Naka-address sya somewhere in the province of mojaeles, ayun sa sinumite nyang birth certificate sa kasal nyo"

"Miss alam ko yun. Pero imposible! Sarah Roman ang pangalan ng asawa ko, at mahimbing na ang tulog nya ngayon. Kung pwede ko lang syang hukayin at iharap sa inyo gagawin ko"

"I know sir. Pero kailangan muna naming i-verify kung talagang pumanaw na ang isang tao, bago namin i-process lahat ng papeles. Lumabas sa records naming buhay ang asawa nyo, at ayun sa census ngayong taon kaka-register lang ng pangalan nya. Tanong ko lang sir, sa asawa nyo ba talaga ang mga dokumentong ginamit nya noong ikinasal kayo?"

"Saan po ba ang mojaeles na yan?" may bahagyang pagtaas na sa aking boses.

...

"Hinanap mo sya?" wika ni Ingrid.

"Oo. Wala akong ibang choice" sagot ko.

"Hmm. Sounds interesting. The more you continue your story, lalo akong nahihiwagaan sa pagkatao mo, at ni Sarah."

"Sa akin wala. Kay Sarah meron" sambit ko.

Tumitig sya ng may halong pagtataka. Nawala ang space sa pagitan ng kanyang kilay. Ano mang oras alam kong may salitang lalabas sa kanyang bibig. Kaya bago nya pa masabi, inunahan ko na sya ng pagpapatuloy sa kwento.

...

"Sir, malapit na ba dito ang mojaeles?" tanong ko sa lalaking nagkakarga ng gasolina sa bitbit kong kotse.

"Medyo malayo pa bossing. Taga maynila kaba?"

"Oo, paano mo nalaman?"

"Hindi kasi pamilyar ang ganyang klase ng pananamit dito. Yung pabango na gamit mo din amoy siyudad" paliwanag nya.

Napakunot noo ako sa sinabi nya. Tumingin ako sa paligid. Wala na ngang natirang bakas ng kabihasnan saan man ako tumingin. Iba din ang simoy ng hangin. Naalala ko bigla ang amoy ng puno na nakatayo sa likod ng bahay namin noon. Amoy probinsya. Amoy librong bagong bili. Matapos magbayad, mabilis kong hinarurot ang sasakyan. Ayokong maabutan ng pagkagat ng dilim sa kalsada, lalo na sa ganitong lugar. Hindi ako sanay na hindi nakakakita ng street lights sa kalsada, pakiramdam ko'y nasa ibang parte ako ng pinas na hindi pa natutuklasan ng kahit sino.

Nawala ang pangamba ko nung dumaan sa ulonan ko ang malaking arko na yari sa bato. Nakaukit ang salitang "mojaeles", nakadugtong ang mga salitang "nandito kana tanga!"

"Purok kwatro, Purok kwatro"

Paulit ulit na bulong ko sa sarili habang nasa mabagal na takbo ang sasakyan. "Bakit ba walang numero?" naiinis ko pang wika.

"Ano hinahanap mo?" muntik ko nang madukot ang nakaipit na tubo sa gilid ng driver's seat nang biglang sumulpot ang lalaki sa bintana ng tsikot. Kung gutom ako sigurado nakahandusay na sya ngayon.

"Purok kwatro boss" wika ko sa lalaking mukhang pitong taon nang hindi nakakakain ng masustansyang pagkain.

"Halatang naliligaw ka! Purok kwatro na ito. Walang numero ang mga bahay dito, kasi maliit lang naman ang bayang ito. Kung alam mo ang pangalan ng hinahanap mo, madali lang iyong matunton" paliwang nya, habang panay ang iwas ko sa nagtatalsikang laway.

"Sarah! Sarah Roman. Kilala mo ba?" tanong ko.

"Ahh.. Diretso ka lang dyan sir" habang itinuturo ang daan na pilit nilalabanan ni Pnoy.

"Malaking bahay na kulay pula. Nag-iisa lang yun sa pinakadulo, madali mo yung makikita" dugtong nya.

Matapos magpasalamat at mag-abot ng konting barya, agaran kong tinungo ang sinasabi nang lalaking jeproks. Sinilip ko pa sya sa rear mirror baka kasi bigla syang mawala. Hindi naman ako nabigo, pero may kakaibang ngiti syang ibinigay sa akin. Kakaisip muntik ko pang mabanga ang gate ng pink na bahay na nasa harapan.

"Pink? Nasaan ang pula?" tanong ko sa sarili.

Lumingon lingon ako sa paligid. Malawak na palayan nalang ang kumaway sa akin. Wala nang ibang bahay. Bumaba ako ng auto, doon ko lang napansin na may kalakihan ang bahay. Halata sa itsura ang dumaang panahon, na kung susumahin mas matanda pa sa mga kwento ng lolo ko.

Huminga ako ng malalim bago pindutin ang door bell. Hindi ko alam pero biglaan nalang sumulpot ang imahe ni Sarah sa isip ko. Isang may edad na babae ang nagbukas ng gate. Napasimangot ako hindi dahil gutom na ako, dahil mukhang nahawa ako agad sa reaksyon nyang kahit si vice ganda ay hindi sya kayang mapatawa.

"Good afternoon! Pwede po kay Sarah? Sarah Roman" pauna ko.

Matino naman yata ang pagkabati ko kaya ganun nalang ang gulat ko noong binagsak nya ang gate. Weird! Sobrang weirdo ng mga tao sa Purok Kwatro, Mojaeles. Pakiramdam ko'y nababalot ng sumpa ang lugar na ito. Naghintay pa ako ng ilang minuto, kung walang magbubukas aakyat ako ng bakod. Pero syempre kunwari lang yun. Lalakad na sana ako paalis nang muling nagbukas ang gate.

"Marcus?"

Hindi matandang babae, kundi isang lalaki na sa tingin ko ay naglalaro ang edad na 40 pataas. Lalong tumayo ang balahibo ko nung banggitin nya ang pangalan ko.

"Opo sir. I was looking for a girl named Sarah Roman" wika ko. Hindi ko pinahalatang may katiting nang takot sa likod ng utak ko.

"Nasa loob sya, pasok ka muna.."

Namangha at nanglaki ang aking mata sa gulat. Malaki pala talaga ang bahay lalo na't nasa loob ka. Malaking espasyo para lamang sa sala. May magarbong spiral staircase na nagdudugtong sa naka-hang na terasa. Amoy na amoy ang kalumaan sa loob ng bahay. Mga antigong kagamitan. Mga santo, at iba't ibang imahe ng yari sa kahoy at bato.

"Ano? Nakita mo ba si Sarah?" wika ni Ingrid.

"Oo! Nakita ko sya, pero hindi nya ako nakita.." sagot ko.

"Sorry?" nagtatakang tanong nya.

Bumaba ang lalaking nagpapasok sakin kanina. Nawala ang antok ko nung napansin kong kakaiba na ang kinikilos nya. Pero imbes na magpakita ng takot, matapang ko syang sinalubong. Huminto ang kanyang hakbang bago pa makalapit sa kinatatayuan ko. Mula sa kanyang likod sumulpot ang babaeng hindi nagkakalayo sa itsura ni Sarah.

Nagsalo ang lungkot at saya sa emosyon ko. Tuwa dahil halos napabilis yata ang reincarnate ni Sarah, at lungkot dahil hinaplos nya ang kanyang kamay sa aking mukha.

"Daddy, anong hitsura nya?" wika ng babaeng kaharap ko, ngunit malayo ang tingin.



--------


"A story inspired by the movie 3 idiots"

18 comment/s:

coolcorpse said...

napakamysterious ni sarah :) sayang at di nya makita si marcus

Amphie said...

love at mystery ang kwentong ito. salamat sa pagdalaw idol :)

starbuko1234 said...

twins wahahah kaabang-abang buti na lang na padaaan sa tcaf

Amphie said...

hahaha! hindi sila twins, pero salamat sa idea. abang nalang ng kasunod.

coolcorpse said...

Kaya pala idol, aabangan ko 'to. Napukaw niya yung curiousity at interesting eh. Tsaka hindi sya katulad nang iba na cliché.

yammakoolet na bata said...

hindi ko masyado nakuha.. Hahaha lagi mo nalang ako iniiwan ng madaming katanungan pag katapos ng story/chapter mo. :) 1dol!

Amphie said...

salamat sa pagbisita idol! follow mo na din ang blog hehehe! pasensya na kung laging bitin, para lagi kang babalik.. hehehe!

Lally de Jesus Ocampo said...

Kelan yung next? :)

Amphie said...

next week nalang miss, medyo may hinahabol lang akong kwento. salamat sa pagbisita :)

yammakoolet na bata said...

sure!ikaw pa! ayan po naka follow na po ako! tapos nung dati pa o naka like sa fanpage mo. :) nung sunday ng gabi sinimulan kong basahin yung Teenage Cappucino at umabot ako hanggang 6am in the morning and 15chapters lang kinaya ko! grabeeee ang ganda ganda! kaso kailangan ko pang matulog kahit saglit buti late yung pasok ko nun. hahaha :D

Amphie said...

haha! salamat sa pagbasa, kailan ko lang natapos yun. buti nga natapos pa. thanks sa pag-follow sa blog, at pati na din sa fb :)

Amphie said...

ano yung cliche? hehe! next week nalang ang update, may ihahabol lang na kwento this week :)

yammakoolet na bata said...

walang anuman! kaw pa! malakas kana sakin! ang galing galing mo e! :">

coolcorpse said...

hala hmm yung alam mo na kaagad yung mangyayari kasi halatado na sa mga pangyayari idol :)

Amphie said...

tagal mo sumagot cool, na-search ko na sa google haha!

rhed said...

nice!... tamad na ko magtrabaho diretso na ko sa next chapter.. hehehe

Amphie said...

B.I. ang blog na 'to hehe!

rhed said...

hahaha Hindi naman, pang alis stress nga eh...:D

Post a Comment