Teenage Cappuccino - 1


TEENAGE CAPPUCCINO - Sugar and Salt (Chapter 1)

Posible bang ma-inlove ka sa isang tasang kape? Kung pupunuin ito ng pagmamahal, mauubos mo kaya sa sobrang tamis? O mananawa ka?

Habang abala ako sa pag-browse sa net, naging hobby ko na yung may katabing kape.. Tara! Bakit mo hindi mo subukan? Subukan mong ma-inlove sa isang tasang kape..

-----

"Nabalitaan mo na?"

"Nakita mo na sya?"

"Brad-pit ang ganda..(tingin sa bintana) .. seksi pa.. at mukhang sosyal!"

"Brad!"

"Brad-pit!"

"Hanggang kailan mo balak titigan yang libro natin?"

"Brad-pit, tigilan mo muna ko.. utang na loob, bukas na ang exam natin.."

"Brad-pit naman! bukas pa lang ang panglimang araw natin dito sa 4th year, at ito palang ang unang exam.. (tumingin sa bintana), Hindi pala exam!"

"May tawag dun eh! .. Iisipin ko, teka.."

"Brad-pit ano ba tawag dun? (tingin sa bintana)..

"Weekly exam?"

"Hahahaha! g***! patawa ka!"

"Ayan na sya Brad! (tingin sa bintana)..

"Busy!"

"Tignan mo lang!"

"Busy!"

"Sulyap lang!"

"Busy!"

"Ahhhhhhhh-Ohhhhhhh!"

"???"

"Nakita mo? Tumingin sakin!"

"Busy!"

"Labo mo naman brad-pit.. (awkward face)"

"Busy lang brad.."

Robert, 16 years old, lalaki.. tunay na lalaki! minsan napagkakamalang bakla, underdog, mahilig ako sa movies, computer games, at walang girlfriend! At ito ang last year ko sa high school, na hindi ko alam kung napag-tripan na ba talaga ako ni kupido.. mas naniniwala kasi ako kay santa kesa sa kanya. Deds na si Erpats, at malapit na si Ermats, sa kunsumisyon sa akin.. Araw araw nyang hiling ang isang apo, na manggagaling sa akin.. Malabo mangyari kung ako lang mag-isa. At wala pa sa isip ko..

May ari kami ng isang cafeteria.. katabi lang ito ng eskwelahan namin, at naging tanyag na tambayan ng mga chiks sa school, dahil sa sikat naming "Cappucino" homemade.. likha ng makukulit na kamay ng ermats ko.

Una! 3 teaspoon of sugar, Half teaspoon ng coffee, 1 teaspoon ng hot water(panimula), Step 2! Isalang sa mixer ang kumpletong sangkap nito, haluin! at kung sira ang mixer, gamitin ang kamay.. Hanggang magkulay caramel, step 3! lagyan ng 1 spoon ng powdered milk.. Step 4! lagyan ng hot water.. haluin, pero sakto lang.. Hayaang magkaroon ito ng float.. Final step! gamit ang granules na coffee, mag spread ka sa ibabaw ng float.. at lagyan ng iba't ibang design. puso, smiling face, names, at ang paborito ni ermats ay ribbon! at ang dahilan ay hindi ko na alam..

Bukas ang panglimang araw namin sa school, 4th year, section yellowbell.. at bukas ang first exam namin..

"Kaya ako busy! Kaya wag kang makulit!"

"Kaya wala kang syota eh!"

"Bakit meron ka?"

"Malapit na!"

"Class! Please stand up!"

Ang titser namin sa unang subject.. Si Ms. Ramirez. Matandang dalaga, at ubod ng sungit. Resulta ng menoppose. Isa sya sa mga middle class teachers, at ang grade nya sa mga estudyante ay flat 5.. Istilo nya ang istilo ng maraming titser, at lagi nilang linya ang.. "Class copy this, and tommorow exam!" sabay upo sa harap, babasahan kami ng magazine.. idol nya si Kris Aquino.

Guro ko na sya noong second year, at sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakalimutan nyang isa ako sa mga estudyante nya, na binigyan nya ng blankong grade sa Araling Panlipunan.. At hanggang sa ngayon, ay pinapasukan ko sa hapon bilang back subject.

"Ano pangalan nung dalawa sa dulo?" bungad agad ng mabait kong guro.

Tahimik ang klase.. Walang gustong sumagot.. at wag mo ding balaking umutot, dahil siguradong maririnig ito sa buong klase, at matutunton na ikaw ang salarin.

Ngunit isang chamcha(Sipsep) na estudyante ang nagbulgar kung sino ang Green Hornets!

"Robert and Richard ma'am!"

Doon ko napansin na kami pala ang tinutukoy ni Ms. Ramirez nung mga sandaling yon, at dahil nga subsob ang aking ulo sa notebook, late ko nang na-gets na gagawin kaming mukhang tanga sa araw na ito.

"Richard? Richard Suarez?! Ikaw na naman?" banat agad ni ma'am.

"Hindi ba't binagsak na kita nung 2nd year?"

Ngayon yata alam ko na kung bakit ako nag ba-back subject ngayon..

"I don't want the two of you, to ruin my morning.. So please pay attention" bawi nya.

Nakahinga ako ng maluwag.. Yun ang akala ko nang tawagin ni Ms. Ramirez ang isang estudyante na nasa labas..

"Can you come in? and introduce yourself to everyone?"

"Sya yun Brad-pit!"

"Sya yung bagong transfer! Yung sinasabi ko!"

"Shhh!"

"Put*** swerte! Dito pa napabilang sa section natin!"

"Shhh!"

Pumasok ang isang anghel sa eksena, hindi lang sa klase.. kundi sa eksana ng buhay ko, at hindi lang sa buhay ko.. Sa buhay ko na payapa.. Ilog na dinaanan ng bangka, ang naramdaman ko.. Para syang si Moises, na hinati ang ilog.

"Brad-pit may syota na kaya yan?!"

"Shhh!"

"Brad-pit?"

"Brad?"

Sa mahaba at straight nyang buhok, na parang aktibo sa cosplay at pinaglihi sa manga karakter, naglakad sya at tumayo sa gitna ng klase.. sa harap naming lahat. Na-hit ang alarm ko.. Nawala sa isip ko ang review. Tumingin sya sa paligid, pinagmasdan ang kanyang papasukang klase sa buong taon. Sa punit punit na cartolina na galing pa noong nakaraang taon, at bungi bunging salamin sa bintana. Isama mo pa ang blackboard na ilang taon nang nakipagbuno sa mga titser, at makukulit na estudyante. bumahid sa kanyang mukha ang pagkadismaya.

"Brad.. Speechless.."

"Oo.."

"Hindi sya.."

"Ikaw!"

"Korni mo Brad-pit.."

Tahimik ang buong klase.. Lahat ay nag-aabang sa pagbigkas ng kanyang pangalan. Walang katinag tinag ang mga lalaki, pati ang mga estudyanteng dumadaan at siguradong nagbubulakbol sa labas ng aming kwarto ay talagang napahinto din.

"Ano 'to meditation?"

Pasok ng siraulo kong kaklase na si Martin. Mas kilala sa tawag na "Martin-Ace", sya ang class joker.. Alas ng klase pagdating sa kalokohan at kagaguhan. Walang tropang babae, at laging basted.. At kapag naasar sya sa pinaka pangit na babae sa campus, ay trip nya nang maghanap ng away.

"Martin! Will you just shut--" Banat sana ni Ms. Ramirez.

"Hi.. I'm Sophy.. Short for Sophia.. Sophia Monsood."

Nagpalakpakan ang buong klase. Naghiyawan ang mga lalaki, nagtawanan ang lahat ng estudyante sa paligid. Huli ng na-gets ko ang lahat, dahil lahat sila nakatingin sa akin..

"Monsood!" Oo.. Monsood ang last name ko. Pero hindi ko sya kaano-ano.

"Class!!!!!"

Nahati ang lupa, nabasag ang bungi bunging salamin sa bintana, nag-apoy ang buong paligid, Umakyat si lucifer galing sa ilalim ng lupa. Isa 'to sa mga imahinasyon ko kapag narinig ko na ang lion's roar, este ang sigaw ni Ms. Ramirez. All of a sudden, tahimik ang klase..

"Ms. Monsood, continue please.." sa malambing na tinig.

"Will I continue, with this kind of people? Who thinks my name was funny?"

"Homaygad brad-pit!"

"Ingles brad.."

"Oo.. Fluent.. parang British.."

"(Sigh) Anyway, Transfer ako from Santana University, an all girls school--"

"And that's a exclusive school, just for everyones concern" singit ni Ms. Ramirez.

"16 years old, friendly, at walang balak makipag boyfriend.." Nagulat ang lahat ng nakarinig sa kanyang sinabi, kahit ang buddy kong si Richard ay hindi makapaniwala. Pero okei lang ako.. Sanay akong makarinig ng ganyan sa mga magagandang babae.. At no effect na sa akin yan. May mga babae talaga na mas trip nilang mukha silang tough sa harap ng mga lalaki, just in case ay hindi sila pagkaguluhan.. at tanging pinagpala lang ng magandang itsura ang may ganitong talent.

Bakante ang upuan sa aking harapan, absent yata ang estudyante na dapat ay doon nakaupo.. At dun sya pinapwesto ni Ms. Ramirez. Paupo na sana si Sophy, napansin nyang wala ang armchair ng upuan.. Tumingin ito sa paligid.. Na syang dahilan upang tumingin din ako sa paligid, at sa kadahilanan ay hindi ko na alam.

"Ma'am walang armchair ang upuan ko." batid nya.

"Pagtiyagaan mo muna Ms. Monsood, I'll get you a better seat tomorrow.." sagot ni ma'am.

"But how can I study well, with this kind of chair?" sagot naman nya.

"Well you can sit here.. Beside me.."

Anak ng angry birds! Bumanat na si Richard! Bagay na pinaka ayaw kong marinig sa lahat, dahil sa hitik sa ka-kornihan ay ubod pa ito ng luma.. Binalak kong tumawa, pero nagulat ako dahil pinaunlakan ito ni Sophy. Bagay naman na ikinagulat ko. Sabay tingin sa akin ni Richard.

"Oha? Panis brad-pit.." bulong nya.

"Hi i'm Richard! You did well today, introducing yourself in front of us." panimula ng loko.

"I guess, wala naman special sa ginawa ko, so kung pwede lang.."

"Huwag mo akong daanin sa pa-cute mo.."

Wasak ang pagkatao ni Richard, nakita ko syang lumubog sa kanyang inuupuan, nag evaporate sya, at tuluyang naging usok. Naglaho sya at tinangay ng hangin.. Paalam brad-pit!

"Suplada nito brad-pit.." bulong ni Richard.

"Guys, please let me concentrate.. Please?" sita ni Sophy, habang nakatingin sa amin.

"Tama ka brad.."

-------------------------

"Maigi naman at dumating kana!"

"Pagod ma.. Dami ginawa sa eskwelahan.."

"Style mo bulok! Pang apat na araw dami na ginawa?"

"Opo! Sa totoo nga lang, baka hindi ako makatulong sayo nitong buong taon, tingin ko lang"

(Batok!) "Huwag mo ko daanin sa ganyan ha! Kabisado ko na yang style mo!"

"Nandun yung bagong apron mo! Wag mo na isalang sa washing machine, at iwanan ng isang linggo ha!"

"Yes ma.."

"Hala sige! At mag-aasikaso pa ako ng pang hapunan"

"Yes ma.."

"Bilisan mo at ang daming tao sa labas!"

"Yes!"

Ang pinaka ayaw kong bahagi ng buhay ko ang tumulong sa shop, hindi dahil tamad ako. Kundi madalas dumaan dito lahat ng chiks sa eskwelahan, at ayokong nakikita nila ako dito. Mas gusto kong gawin ang regular na gawain ng isang teenager.. Ang ano? Ang mag enjoy sa buhay binata, at magpakasawa sa video games.

Tumambad sa akin ang sangdamakmak na costumer ng shop, Araw araw ganito ang naaabutan ko.. dahil rush hour, at uwian ng mga estudyante. Ang masaklap lang, ay wala man lang makatulong sa akin.. Wala akong kapatid, nag-iisa lang ako, at sa hindi maipaliwanag na dahilan, mas na-enjoy ko ang ganito.. Wala akong kaagaw sa lahat ng bagay, walang pag iinterisan si mama kapag mainit ang ulo nya, at malamang ganun din si erpats kung nabubuhay pa sya.

Sa malayo pa lang kita ko na ang parating na mga naka school uniform. At dahil nga cafeteria ang shop namin, ay madalas tambayan ito ng mga kababaihan. Dito ako madalas makarinig ng mga chikahan. Kung sino ang mga crush nila, at sino ang hindi nila crush, at ang pinaka ayaw nilang titser. Mag aapat na taon na ako sa ganitong gawain, at kahit isang beses ay wala pa akong narinig na may gusto sa akin.

"Kuya, isang orig!"

"Sa akin din kuya!"

"Make it four kuya!"

Orig ang tawag sa sikat naming cappucino, Sinuot ko ang paborito kong cap, dahilan upang hindi nila ako mamukaan.

Gawa dito, gawa doon.. Nakakasawa din.

"Anak kumusta?"

"Okei ma!"

"Wag masyadong dry"

"Yes ma!"

"Shake mo pa ng konti yung isa oh!"

"Yes ma!"

"May customer sa harap mo!"

"Yes ma!"

"Ano sayo ma'am?" tanong ko habang nakayuko at abala sa pagtatrabaho.

"Yung sikat na cappucino nyo.."

"Bago 'to" bulong ko sa sarili, dahil hindi nya tinawag na orig ang cappucino namin.

"Yes ma'am.."

"Robert, sandali lang ha at dadaan ako sa tita mo.. Kakatawag lang.."

"Ma! Anong oras ka babalik?!"

"Saglit lang ako! Wag kang umatungal dyan!"

"Mag to-tong its lang kayo eh!"

"Hindi! Wala akong pera!"

"Tsk!"

Wala ka nang makatulong, iiwan ka pa.. Ang ganitong bagay ang kinaiinisan ko bilang nag-iisang anak.. Kundi saluhin lahat ng utos ng magulang. Bakit kasi hindi pa sya mag-asawa ulit? Bata pa naman ang ermats, dahil maaga sya nag-asawa. Pero dahil sobrang mahal nya si papa, ay ayaw nya na daw mag asawa.. Bagay na bilib naman ako sa nanay ko, na kahit picture na lang ni papa na hawak ang kanyang manok, na syang nakasabit sa sala namin, ang tanging naiwang alala ni papa, ay hindi nya pa din 'to malimutan. Ano kinamatay nya? Leptospyrosis.. Lumusom sya sa baba, dahil lasing.

"Brad-pit!"

"Oi! Brad! Buti dumating ka!"

"Hoy! Hindi ako nandito para tumulong! nalimutan mo lang 'tong P.E. uniform mo"

"Hindi ka talaga maasahan brad-pit!"

"Busy.."

"Tsaka bakit dala mo yang PE uniform mo? bukas pa PE natin.."

"Nilagay ni ermats sa bag ko.."

"Sige isang pabor na lang.."

"Ano?"

"Abot mo lang 'to sa isang costumer dun, sa dulong kaliwa.."

"Homaygad!"

"Bakit?"

"Si Ms. Suplada Monsood brad!"

"Talaga?"

"Akalain mo? Ganun talaga kasikat ang cafe nyo!"

"Akin na yan!"

"Alin?"

"Yung kape! Reretoke ko lang!"

"Hahaha! babanat oh!"

"Syempre!"

Mag-ingat sa magagandang babae, magaling sila manghuli ng nagnanakaw ng tingin, kabisado ko na yata ang mga ganyang tipo, dahil sila yung mga babaeng tila parang langaw ang mga mata, dahil alam nila ang gumagalaw sa paligid. Mga lalaking aalialigid sa kanila, at nagpapapansin. Pero dahil expert ako sa ganyang tipo.. Alam ko ang mga moves na authentic at genuine. Sa ganitong klaseng sitwasyon, dapat kalmado at prente ka lang! testing!

"Wow! Puso!"

"Hahahaha!"

"Korni mo brad-pit!"

"Sige ikaw magbigay.."

"Oo ba.."

Pinagmamasdan kong ibigay ni Richard ang orig coffee namin, na may heart shape sa float. Pakiramdam ko'y magandang panimula 'to. Nakakaramdam din ako ng isang mainit na last year sa huling yugto ng aking high school life. Isang history na syang magbabago sa wasak kong lifestyle. Masaya akong napapasipol sa mga bagay na naiisip ko.

"Hi Sophy! It's me again.."

"Hi there! You're working here?"

"Hindi.. Kaibigan ko may-ari nito.."

"Hmm.. someone told me, na da best daw ang coffee dito?"

"Yup! you have the sample.. try it!" Kindat at big smile ang senyas na binato sa akin ni Richard, senyales na oks na oks ang lahat! Masaya ako sa magandang panimula.. Isang magandang step sa aming pagkakaibigan.

"Richard? Tama ba?"

"Yes!"

"Who made this coffee?" nakangiti nyang sabi.

"Yung friend ko, na nasa counter.."

"Can I talk to him?"

"Hmm.. Hindi naman sya mukhang busy, so.. go ahead!"

Ngayon lang ako nakakita ng anghel na naglalakad at hindi lumilipad, at ang matindi ay papalapit sya sa akin. Mukhang hindi gasgas ang style ko, at may epek pa kahit konti.. Hindi ko naman siguro dinaan sa gayuma ang babaeng 'to. Pero sa isang kisapmata lang ay nandyan na sya papalapit sa akin.

"Hi! What's your name?"

"Ro-Robert!"

"Hmm.. I remember you! Ikaw yung katabi ni Richard, tama ba?"

"Yes!"

"And kayo din ang owner ng sikat na cafe na 'to?"

"Hindi naman talaga ganun kasikat.."

"Anyways.. Thanks for putting a SALT in my coffee, instead of SUGAR"

Kwentong Tambay - Final Chapter

Love is not blind, it sees but it doesn't mind.


Pag-ibig na daw ang pinaka makapangyarihang bagay sa mundo. Maraming bagay ang nagagawa ng pag-ibig sa buhay ng tao, at maniwala ka't sa hindi ito din ang susi, sa matagal nang hinahangad ng karamihan.. Ang kapayapaan.. Kung sawi ka sa pag-ibig, huwag mong sisihin ang magulang mo.. Hindi nila kasalanan kung bakit ka pinanganak na ganyan. Dahil ang katotohanan, kahit mismo sa pag-ibig, nauuso din ang discriminate.

Oo! Totoo!

Madami na akong kilalang nabasted sa iba't ibang dahilan.. Nandyan yung hindi daw mayaman, at hindi afford na gabi-gabing loadan ang kanyang nililigawan. Meron namang may pag-asa nga, pero nagdadalawang isip naman kung sasagutin, dahil sabi daw ng barkada eh "Hindi kayo bagay eh!" or "Sya boypren mo?" at ang malupit dito eh, kapag nakarinig kapa ng "Wala na bang iba?"

Classic ba?

Minsan iniisip ko na sana baliktad ang mundo! Yung may parallel world na pwede mong pasukin.. Tulad nung kay Coraline. Mangbabasted kaming mga lalaki! Paiiyakin namin yung mga babae! Ang saya! Tapos hindi na linya ng mga babae ang.. "Collect and Select" dahil aagawin na ng mga lalaki at magiging.. "Upload and Select" astig hindi ba?

Pero hindi pa din pala.. Dahil ang tunay nga naman na lalaki, ay hindi marunong maglaro ng babae.. Kung masakit para sa lalaki na mabasted ng isang babae, manhid naman ang maitatawag ko sa lalaking kayang makatiis ng babae.. Sila yung mga lalaking lapastangan.

Brutal? Hindi.. Ika nga ng idol ko.. There is a great woman, behind every idiot.

Woman is the nigger of the world! Kahit sila ang second na nag-exist sa mundo, sila pa din ang numero uno sa lahat ng bagay.. Hindi dahil hindi dadami ang lahi ng tao, kung wala sila.. Kundi dahil..

Sila ang inspirasyon ng bawat lalaki sa mundo..

Adan! Tanggapin mo ang katotohanan.. Nabuhay ka lang para sa kanya, at maniwala ka.. Mas pipiliin mong mamatay para sa kanya..

-----
Rhea

Kahit masakit hindi ko nagawang ikurap ang aking mga mata.. Nasa harap ko ang pinaka masakit, pinaka masaklap na pangyayari sa buhay ko..

Oo, isa lang akong babae, isa ding tao.. Nilikha upang makaramdam ng saya.. At..

Lungkot at sakit..

Malaya ang aking mata na masaksihan ang hindi dapat, na sana pala ay hindi ko na pinilit malaman noong una pa lamang.. Kahit anong gawin ko, wala akong panglaban sa nagliliyab na damdamin, na kahit sampung truck ng fire truck, na nanggaling sa sampung distrito ng magkakaibang siyudad ay hindi ito kayang tupukin..

Ngunit..

Anong magagawa ko? Uulitin ko.. Isa lang akong babae.. Isa lang ding tao.. Saksi ako.

..
...
.....

Sa malayo nakatitig ako sa kanilang dalawa.. Pilit niyayapos ang aking puso, na napuno na yata ng pag-aalinlangan sa sarili.. Pinukaw na ng luha ang init ng aking pagmamahal..

Luhaan ang aking mga mata, habang pinagmamasdan si Dudes at Kath, sa hindi kalayuan na tanawin.. Mali yatang sinundan ko sya, pero tama din para malaman ko ang totoo.. Hindi pa pala ako ang panalo sa laro, na ilang beses na naming nilalaro.. Talunan ako..

-----
After 1 week..


Dudes

Hindi ako mapakali sa last second ng aking pinakahihintay na sandali.. Exicted ako! Bitbit ang isang bugkos ng bulaklak, na hindi galing sa sementeryo. Suot ko ang paboritong polo, na binili ni nanay mula sa kanyang bonus. Pinalantsa ito ng maigi, at sinuyod ang bawat kanto.. Planado!

Diretso ang pagkakahati ng aking buhok, na namumukadkad sa gel, na tila libro na kapag hinangin ay kusang lilipat sa next page.. At kahit na walang pabango, mataas pa din ang kumpiyansa ko sa sarili..

Ito ang araw na makikipagkita ako kay Kath sa muling pagkakataon.. Hindi ko alam ang mangyayari, wala akong ideya kung may pupuntahan nga ba ang eksenang papasukin ko.. From plan A, na kalimutan na sya nag shift ako sa plan B, as in Batman! bahala na si Batman!

..
...
....

Isang hakbang palabas ng pinto, huminga ako ng malalim, nagbanggit ng kauntin dasal, at nag sign of the cross.. Tulad ng nakagawian, nagsindi ako ng yosi, pangbawas ng tensyon..

Hindi pa man ako nakakababa ng hagdanan, agad tumunog ang aking phone.. Agad kong binunot at nagulat sa caller..

Si Rhea..

"Hello? Rhea!" pauna ko.

Tatlo hanggang limang segundong katahimikan ang sumagot sa akin.. Nakaramdam ako ng goosebumps, at nagtayuan ang aking mga balahibo.. Dahil ang babae sa kabilang linya, ay umiiyak..

"Dudes, pwede ba tayong magkita?" tanong nya sa malamig na boses.

"Nasaan ka? Ano nangyari?" agad kong tanong.

"Nandito ako una nating pinuntahan, noong una tayong lumabas.." sagot nya.

Namatay ang linya, pakiramdam ko'y may ibang nangyayari.. Hindi ko alam, pero ang mas lalong nagpagulo ay kung saan ko nga ba sya pupuntahan..

Binalak ko syang tawagan muli, upang alamin ang eksatong lokasyon nya, subalit isang txt message agad ang sumalubong sa akin..

"Sana tanda mo pa kung saan tayo unang nagkausap at nagkakilala ng husto, nandito lang ako at hihintayin kita.." Isang mahabang text message na walang clue.

Ako si Batman na mahilig sa bahala na! At sya si Riddler, pero walang clue na binigay..

Para akong gago, na paikot ikot sa loob ng aking kwarto.. Nagkalat ang upos sa sahig.. Paubos na ang sigarilyo, pero wala pa ding laman ang utak ko..

Dumadating sa buhay ng isang tao ang isang problema, minsan hindi natin inaasahan na kahit nasa gitna tayo ng kasiyahan ay bigla nalang nagbabago ang ihip ng hangin.. Yung iba hindi kinakaya, dinadaan ito sa sariling pasya, at kung anung desisyon pa iyon ay hindi ko na sasabihin.. Tulad ng sabi ng iba, daanan lang ang problema.. Wag mong tambayan! Ngunit wag na wag mong tatakbuhan.. Dahil ang pagtakbo sa problema, ay ang isang karera sa buhay na dehins ka mananalo..

..
...
....

Pinatay ko ang yosi sa ibabaw ng isang bulok na paso.. Tulala ako, naka apat na missed call na din ako, ngunit hindi nya talaga sinasagot. Darating na sana ako sa punto na parang gusto ko nang sumuko, at piliin ang last option na syang kanina pang tumatakbo sa isip ko..

Pinagmasdan kong maigi ang yosi, habang tuluyan itong mawalan ng baga..

Namatay ito sa harap ko..

..
...
....

Rhea..

-----

"Boss pwede ba pakibilisan natin?" pangungulit ko sa drayber.

"Sir, hindi naman po ito edsa para makipag karera ako.." sagot ng pilosopong drayber.

"...."

"Kasi may hinahabol po ako eh!" muli kong sagot.

"Sir, ano ho bang problema?" tanong ng drayber.

"Kasi yung girlfriend ko.. May masama yatang nangyari.." paliwanag ko.

"Bakit yata? Bakit hindi ka sigurado?"

"...."

Tama nga naman si pilosopong drayber.. Bakit nga ba wala akong ideya sa mga nangyayari? Parang maling tawagin ko syang sa akin, kung hindi ko alam ang kanyang nararamdaman.. Complete stranger pa kami ni Rhea sa isa't isa, pero sa loob ng maikling panahon, pakiramdam ko'y mas malaki na ang pinagsamahan namin, kesa sa panahong inubos ko noon kay Kath.

At heto na naman ako.. Nagbabakasakali sa kanya, at binalewala ang nararamdaman ng isa..

Gago ako bilang tao, hindi magandang ehemplo bilang lalaki, at hindi sapat na sabihing mahal ko sya, kung ang sarili kong nararamdaman ay talagang hindi ko alam..

"Hindi ka na sumagot iho?" tanong ng drayber.

"Hindi ko alam ang sagot boss.." sagot ko sa malungkot na tono.

"Ano ka bang bata ka.." boses nya na may halong panghihinayang.

"...."

..
...
....

"Malapit na ba tayo?" tanung ko ulit.

"Depende yan sa pakiramdam mo sir.." sagot nya.

Ano daw? Depende daw sa pakiramdam ko? Ano palagay nya sa akin compass? or some kind of GPS device? Hindi naman ako si James Bond, at hindi din ako mahilig sa babaeng may sabit..

"Ano ulit boss? Hindi kita naintindihan.."

"Depende sa pakiramdam mo yan, kung malapit na ba tayo o hindi pa.." ulit nya.

"Sir, hindi ko talaga maintindihan.."

"Ito na! Dito na pala tayo.. 130 lang.." paniningil nya.

Sa tapat ng isang karinderia.. Sa isang mahaba at matataas na pader, Sa tapat ng isang malaki at kinakalawang na gate.. Sa sementeryo..

"Boss, bayad ko.. Sukli po ha! Wala ako pang miryenda mamaya.." pakisuyo ko sa drayber.

Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa.. Sa hitsura nya na medyo may edad na, at naglalaro sa 40 hanggang 50, hindi sumayad sa isip ko na isa syang bakla..

..
...
....

"Iho.. Depende yan sa pakiramdam mo.."

"Ano ho?"

"Bobo ka yata talaga.." bulong nya.

"Depende yan sa pakiramdam mo, kung ang pakiramdam mo ay malapit lang sya sayo, wag ka nang magpakalayo.. At kung pakiramdam mo'y malayo sya sa iyo.. Wag mo nang piliting lumapit pa sa kanya.." mahabang paliwanag nya sa nabubulol pang boses.

"Okei salamat! Akin na po yung sukli.." sagot ko.

-------

Isa lang ang pwede nyang puntahan sa ganitong lugar.. Sa puntod ng kanyang ama, ang namayapa nyang ama. Dito kami unang nagka usap.. At sa panahong iyon, hindi ko pa din maintindihan kung bakit palagay ang loob ko sa kanya..

Sa matataas na talahib, at zigzag na daan, na kahit SOCO(hindi po yung mga tsismosa) ay hindi mareresolba ang krimen na mangyayari dito, kung meron man.

"Saan na ba yun?" bulong ko sa sarili.

Hindi naman yata ako naliligaw.. Bukod sa matataas na talahiban ay wala na akong makita.. Lord tulungan mo ako.. Sa hindi kalayuan ang puno na pagkataas taas, ay syang nagbigay sa akin ng ngiti! agad ko itong sinundan..

"Rhea!"

..
...
....

"Dudes.. Sabi ko na at pupunta ka.." pauna nya.

"Nagmadali pa ako.. Ano ba nangyari?" agad kong tanong.

"Wala.. Nakalimutan mo na?" balik tanong nya.

"May nakalimutan ba ako?"

"Death anniversary ni Daddy ngayon.."

Ano?! Nagdrama sya sa akin sa phone, para papuntahin ako sa death anniversary ng kanyang ama.. Nakakatawa na nakaka-inis din pala..

"One year na din pala, nung huli tayong nagpunta dito.. Hindi ako makapaniwala na ikaw pa din pala ang kasama ko ulit dito.." malambing nyang tono.

Lumambot ang kaninang naiinis kong damdamin, at napalitan ito ng sang dakot na awa.. Pakiramdam ko'y naghahanap sya ng atensyon, na kung sa akin man ay hindi ko alam.. Naupo ako sa tabi nya, at nagsindi ng asul na kandila.. Tanda ng pag respeto.

"Sorry, nakalimutan ko.. Bakit ba hindi mo pina-alala?" pauna ko.

"Akala ko naman kasi tanda mo pa.." sagot nya.

"(Sigh) Madami kasi akong pinilit kalimutan sa loob ng isang taon.."

"Huwag mong sabihing kasama 'to sa mga bagay na yun?"  tanong nya.

..
...
....

"Hindi naman.." sagot ko.

"Effortless answer.." bulong nya.

"Ano?"

"Hahahaha! Wala!" nakangiti nyang sagot.

"Ano nga ulit? Dinaan mo ako sa english eh!"

Nakakawala ng kahit anong problema ang kanyang mga ngiti.. Bakit ba hindi ko 'to nakita noon? Bakit ba wala akong inisip nun kundi puro si Kath.. Bakit ba pinilit ko ang sarili ko sa isang babae na sya ding nagdulot ng sakit noon..

Pakiramdam ko'y sobrang malapit ako sa kanya.. At kahit hindi ko pa sya gaano kilala, batid kong mapapalagay ang aking loob.

Napangiti na lang ako..

..
...
....

"Dudes.. Gusto ko sanang linawin ang lahat.." sa seryosong tono ngunit malungkot na hitsura.

Tahimik lang ako, alam kong may sasabihin syang importante..

"Alam kong mahal mo pa din sya.. Nararamdaman ko yun!"

"Darating ang araw, kung hindi bukas, siguro ngayon.. Iiwan mo ako.."

"Rhea!" putol ko.

"Pero!"

"Pero isa lang ang sasabihin ko sayo.. Bumalik ka sa akin, kapag sinaktan ka nyang muli.. Hindi ko alam kung tama ba ito, alam kong mali.."

"Mahal kita Dudes, at ayokong makikita kang nasasaktan.. Ayokong dumating ang isang araw na sisisihin mo ako dahil hindi kita hinayaang sundin ang nararamdaman mo.."

Bilang isang lalaki, paborito kong kanta ang Boys Don't Cry.. Pero sa pagkakataong ito, kusang pumatak ang aking luha. At napatunayan sa sarili na, ang tunay na lalaki ay iiyak, pagdating sa babaeng nasasaktan sa kanyang harapan.. korni na kung korni, pero pakiramdam ko'y tutulo din ang sipon ko..

"May pangako ka sa akin, pero sa ngayon.. Kailangan yatang hindi ko asahan yun.."

"You're free.. Go get her!" hindi na nya napigilan pang umiyak.

..
...
....

History repeat itselfs..

Tumayo ako sa kinatatayuan ko, tinignan ko sya.. Naalala ko ang eksena kung saan iniwan ko din sya para kay Kath, para sundin ang nararamdaman ng puso ko.. para pagbigyan ang bagay na nakasakit sa akin noon.

Ngumiti ako sa harapan nya.. Binunot ang phone sa aking bulsa, at inabot ito sa kanya..

"Para saan 'to?" tanong nya.

"Ayokong tawagan mo ako sa susunod na pinaka-importanteng bahagi ng buhay ko.." sagot ko.

Sa muling pagkakataon, ngumiti ako sa kanya.. Tumalikod at diretsong naglakad papalayo. Malayong malayo..

Hanggang sa hindi na nya ako matanaw, gusto kong tumakbo papalayo sa kanya, malayo sa paningin nya.

Gusto kong tumakbo palayo sa kanya, hindi para takasan sya..

Tatakbo ako palayo sa kanya para harapin ang problema..

----------

Ang byahe ay parang buhay ng tao, madadaanan mo ang lubak at patag na daan. Mag e-enjoy ka sa iyong makikita, at dadaanin ng antok at pagod.. At sa muling paggising mo, muli kang ngingit sa dampi ng hangin.. Ibang kabanata na naman, ibang ruta at ibang klaseng kalye.. Wag kang magtaka kung bakit hindi man lang humihinto ang byahe, na parang ilang taon mo nang sinasakyan.. Nasa iyo ang pasya, ikaw ang driver ng buhay mo.. Nasa iyo din kung iiwas ka sa lubak o sasagasaan mo ito.

Mag-enjoy ka lang.. Hayaan mong gumulong ang gulong, at magpaikot ikot ito. At kung sakaling ma flat ka, hindi imposibleng may talyer na pwedeng tumulong sayo.. At baka malay mo, sa isang stop over ng buhay mo, makakuha ka ng pwede mong makasama sa byahe..

Sa byahe ng buhay mo.. Relax, Enjoy, ang buhay ay simple lang.. Basta marunong kang mag-maneho ng tama.

..
...
....

"Akala ko hindi kana darating.." isang matamis na ngiti ang sinalubong nya sa akin.

"Sorry! masyado ba akong late?" tanong ko.

"Hindi naman.. A little bit, pero okei na din yung late.. much better kesa hindi ka dumating.." sagot nya.

"Tara sa loob.. nandun sila Edgar at Vincent, and some friends.." anyaya nya.

Sa simpleng black shirt at faded pants, lutang na lutang ang kanyang kagandahan. Radiant! Parang shampoo! Humakbang ako papalapit sa kanya, gusto ko syang titigan..

"Dudes? Papasok ba tayo? o mag-hihintay ng pasko dito?" biro nya.

Hindi ko magawang sumagot, mabigat ang nararamdaman ko.. Lumapit pa ako sa kanya ng ilang hakbang pa. Gusto kong masilayan ang kanyang maamong mukha..

Mukha ng babaeng minahal ko ng sobra, at pinag ubusan ko ng kilay.

Si Kath..

Sa HULING pagkakataon, gusto ko syang makita..

..
...
....

"I'm sorry.."

Niyakap ko sya.. Ang malandi nyang pabango ang pilit naglaro sa aking damdamin, mula noon hanggang ngayon. Bilang lalaki, ayokong makasakit ng damdamin.. Hindi din ako marunong gumanti.. lalo na sa babae.

Ngunit ito ang pinili ko, hindi ng tadhana.. Ako ang driver ng buhay ko, at ako lang din ang magpapasya kung kailan ako hihinto, at kung kailan muling ba-byahe..

"Dudes? May problema ba?" agad nyang tanong.

"Wala.. Gusto ko lang magpaalam Kath.." sagot ko.

"Huh?"

"Alam kong, mayabang ang dating ko kung ako magsasabi nito.. Pero.."

"Pero ano?" ano!?" may galit sa boses nya.

"Hindi tayo para sa isa't isa.." dugtong ko.

"Oo.. Sa panahong wala ka.. Yung mga panahong iniwan mo ako, Wala akong ibang inisip kundi ikaw.. Ikaw! Yung mukha mo parang naka-install sa utak ko.." paliwanag ko.

..
...
....

"Sorry Dudes.. Alam ko din namang masakit para sayo ang nangyari, pero nandito ako ngayon! Bumalik ako para sayo! Heto ako! Dito sa harap mo!" sagot nya.

"Hindi ganun kadali Kath.. Maraming nagbago nung umalis ka.."

Buntong hininga na lang ang naisagot nya.. At tulad ng inaasahan, isang episode na naman ng MMK ang eksenang ito. Pumatak na ang kanyang mga luha. Nagmistula syang bata sa aking harap.. Nagmamaktol, garalgal ang boses..

"Kasalanan ko 'to.. diba?" tanong nya.

"No.. Hindi mo pwedeng angkinin ang kasalanan ko Kath.." sagot ko.

"Kasalanan ko ang lahat Kath.. Kasalanan ko kung bakit hinayaan kitang umalis, Kasalanan ko kung bakit hindi ko inayos ang lahat, naging duwag ako ng maraming beses.. Naging tanga ako ng mahabang panahon.. Ako yung tipo ng lalake, na walang sariling desisyon.. Walang pakielam, at binabalewala ang mga nangyayari.. ako yun.. at hindi mo dapat sisihin ang sarili mo Kath.." paliwanag ko.

..
...
....

"Pwede ba akong mag request Dudes?"

Tumingin ako sa kanya.. Hindi ko na namalayan na wala na pala ang luha, na kanina ay nagpupumilit umapaw..

"Pwede bang tumambay ka muna, kahit limang minuto?" tanong nya.

"Sure.." sagot ko.

Sa isang bangketa, at madilim na kalsada na tanging ilaw lang ng poste ang nagbibigay liwanag.. Kung saan magsisimula at magtatapos ang limang minuto, dun kami naupo..

"May yosi ka pa?" tanong nya.

Inabot ang isang stick, at lighter..

"Nakakatawang isipin Dudes, kung paano tayo nagsimula, ganun din pala tayo magtatapos.." pauna nya.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Nagsimula tayo sa yosi.. tama ba?"

"Ahahaha! Oo!"

"Kasing bilis ng usok maglaho ang panahon.." malungkot nyang tinig.

"Alam kong masaya ka sa buhay na pinili mo.. Masaya ko para sayo!" dugtong nya.

"Darating ang araw, na may darating na lalaki sa buhay mo, na kaya kang alagaan at panindigan sa lahat ng bagay.." sagot ko.

"Alam ko.." sagot nya.

"At yun ang hihintayin ko.."

"Ang araw, ng pagbalik mo.."

Ngumiti sya, at pinatay ang yosi gamit ang kanyang rubber shoes.

"Go Dudes! Baka hinihintay ka na nya.. Don't miss the last ride of your life.." masaya nyang sabi.

-------

Ngayon ko lang napagtanto.. Hindi si Kath ang babae sa kantang Crazy Mary..

..
...
....

"Hello?" boses ng nasa kabilang linya.

"Naiwan ko yata ang cellphone ko?" sagot ko.

"Dudes?"

"Sa bintana! pwede ko bang makita ang naiwan ko?" tanong ko.

"Nasaan ka? Hindi kita makita!" nagmamadali sa kanyang boses.

"Dito sa harap.."

"Do you remember my promise?" tanong ko habang nakatitig sa kanya mula sa baba.

"Yes.."

"Tingin ko kasi, hindi ko matutupad yun.."

..
...
.....

"Nang hindi ikaw ang kasama ko.."


=============END================

Kwentong Tambay - Chapter 24

Life is a piece of cake -Ely Buendia

Jesus, Allah, Buddah, Hari Krishna, Vishnu, at Pera.. Isa lang yan sa mga sinasamba ng mga tao.. Kung si Jesus ang diyos mo, Christian ang tawag sayo.. Kung si Allah, Muslim ka.. Hindi ko lang alam ang tawag sa mga taong sumasamba sa pera.. Siguro tawag sa kanila pulitika.

Ako?

Lumaki ako na kilala si Jesus.. Hindi dahil ito ang sabi ng ermats ko, at nakalakakihan. Pero dahil ito ang nakasanayan ko.. Ang labo hindi ba? Kasi kung nasanay ka sa rubber shoes, maiilang ka nang gumamit ng leather, na syang require kapag sa opisina ka nagtatrabaho.. Sa madali't salita, sosyalan!

Love.. Isang bagay na makikita mo sa bawat relihiyon.. DAW! Set aside muna natin yung PEACE.. May mga nagsasabi na.. Natagpuan daw nila ang pag-ibig at kapayapaan sa kanilang relihiyon, Pero.. Pero na naman.. Kung iisipin mo.. Sa Pilipinas, merong iba't ibang relihiyon pa ang nagkalat, Karamihan dito nagsasapawan.. Kanya kanyang pabida, Kanya kanyang punch line.. Hindi kalaunan, nauuwi sa parinigan, siraan, at walanghiyaan.. Nasaan ang LOVE?

Tapos papasok ang Pulitiko na sumasamba sa pera.. Ito magulo na! Hindi hamak na mas malakas mag impluwensya nang mga taong sumasamba sa pera.. Kaya nilang bilhin ang isang relihiyon para sambahin sila. Totoong mas makapangyarihan ang pera sa lahat.. At kahit masakit at masamang pakinggan, wala tayong magagawa.. Lunukin mo yung religious pride mo kung maaari.

Ang olats lang..

Ay yung mga taong pumapayag o sumusunod dito.. Hindi dahil ito ang nakasanayan nila.. Dahil ito ang NAIS nila.. Another term pala sa pera.. ay Demonyo..

At kung sumasamba ka sa pera.. Demonyo ang tawag sayo..

----------------

"Sorry, pero tingin ko hindi ako makakarating.." malinaw at matapang kong sagot.

Sinalubong ko ang bagyo, nang walang pag-aalinlangan man lang. Bagay na pwede kong ikasawi sa hinaharap.. Manhid na ang puso ko sa pangalawang beses. Wala na ang apoy na pwedeng magpa-alala sa akin, na minsan pala ay nagturo sa akin kung paano mapaso.

Ika nga ni Ramon Bautista, ang pag-ibig nga daw ay isang korning joke, na nadaan sa malupit na delivery.. Ang sakin naman, kahit anung astig ang pagdeliver mo dito, sa huli.. Korni pa din. Binaliktad lang.. pero magkaiba ang kalalabasan..

..
...
....

Hindi nya nagawang magsalita.. Tahimik sya, ngunit dinig ko ang kanyang buntong hininga.. Dama ko ang tibok ng kanyang puso. Mabilis ito, at naghahanap ng exit.

Hindi ko magawang magbigay ng kaunting puwang, para makapasok ang init ng araw, sa loob ng maliit at malamig na kwarto. Lalaki ako.. Hindi bagay ang maging maarte, pero tao din ako, marunong makinig, at magsawa sa pakikinig.

"Hmm.. It's okei.. Hindi naman ako mapilit.." sagot ng nasa kabilang linya.

"Sabihan mo na lang ako, kapag nakapag move on ka na.." dugtong nya pa.

Naputol ang linya, binaba nya ito. Pinaramdam nya sakin na hindi kawalan ang aking pagpunta.. Sino ba naman ako? Sa dami ng pwedeng magpasaya sa kanya, tingin ko kulang pa ako sa sense of humor, para mapangiti sya.

------

Humaba na lang ang aking nguso, kakaisip sa mga sinabi nya. Pinagmukha nya akong tanga.. Iniwan nya ako ng palaisipan ng wala man lang clue. Ilang beses ko nga ba sasabihin sa kwentong 'to na walang laman ang aking utak.

Dumaan ang isang linggo, hindi man lang ako nakakatanggap, ng kahit anong balita galing sa kanya. Pero okei lang! Tingin ko dun na din naman matatapos ang aming kwento. Sasabihin ko na naman.. Walang part two ang Romeo and Juliet, dahil parehas silang namatay..

------

Typical na araw.. Typical na istorya ng mga tao sa aking walang-payapang-madadama street.

At dahil weekend, inisip kong magsimba, magpunta ng park, mag-gala sa mall, mag skate sa mega, at bumili ng pellet gun, para pag tripan ang mga kalapati na paulit-ulit, na dumadapo sa makikintab na bubong ng aming kapitbahay. Malaking tulong siguro yun!

Pero dahil nga tamad ako, at hindi isinilang sa mundo para ma-inlove sa kahit anong sports.. Pinili ko na lang magbabad sa fb, twitter, at pinoyden. adult zone!

"Nasaan kaya si Rhea.." bulong ko sa sarili, habang nag ba-browse sa isang dating site.

Kapag sumasagi ang pangalan nya sa linya ng aking mga sulat, hindi ko maiwasang hindi mapangiti.. Isa syang inspirasyon.

..
...
....

SOCO ang authority sa lugar namin, kapag tsismis na ang usapan.. Sila yung mga taong, laging full signal ang WiFi, at malakas magbigay ng news feed sa bawat member.. Walang initial payment sa grupo nila, kailangan lang ay maboka ka! Dito sila dalubhasa.. At tulad ng Gremlins, dumadami sila kapag nababasa. Daig nila ang mga langaw kung mag fiesta sa isang tumpok ng pupu.

Tulad din ng mabilis nilang pagdami, ganun din kabilis dumating ang balita sa aming lugar. Si Kath ang subject! Ang kanyang pagbabalik.. Wala pang nakakapag patunay, dahil ako lang ang nakakita sa kanya.. Batid kong gusto nila akong i-ambush interview.

-----

Kath

Lungkot ang kapalit ng aking pagiging makasarili.. Sinayang ko ang dapat na nasa akin na. Alam kong maraming bagay ang dapat kong ipaliwanag sa kanya, ngunit paano ko ito gagawin kung sya mismo ang pilit nang umiiwas sa akin..

Napabuntong hininga na lamang ako sa inis at panghihinayang..

Ngunit hindi pa huli ang lahat, meron pa akong isang move sa larong aking pinili..

-----

Rhea

"Kumusta kaya sya?" bagay na agad pumasok sa aking isip.

Itong mga nakaraang araw, hindi ako mapakali.. May kung anong bagay na syang gumugulo sa aking isip. Halos isang linggo na din kaming hindi nakakapag usap ng maayos..

Hindi ko pa masyadong kilala si Dudes, pero isa lang ang sigurado.. Totoo syang tao, at sa tingin ko hindi nya gagawin ang mga bagay, na syang gumugulo sa isipan ko ngayon.

Yayain ko kaya sya lumabas?

Weekend naman..

-----

Na-hook ako sa No String Attached na syang pinagbibidahan ni Natalie Portman at Ashton Kutcher, sobrang nakakaturet ang last scene.. Kung saan sinabi nung leading man na..

"I'm warning you, if you take one step closer, I'm never letting you go."

Yung emotion at love intensity ay lutang na lutang, dinala ako sa ere at hinayaan akong malunod sa hangin.

Pinatay ko na ang tv, hindi ko inalis ang pirated na cd sa loob ng player.. Nagsindi ng yosi, at tuluyang tumambay sa bintana, ng aking inuupahang kwarto.. Hithit buga.. Hithit buga..

Sumagi sa isip ko, kung nagkaroon lang talaga ako ng lakas ng loob para pigilan sya, eh di sana happy ending na! tapos na sana ang kwento at hindi na ako nagsusulat pa ngayon.. Pero wala nga namang juice ang isang istorya, kung matatapos itong happy ending, para ka lang nanood o nagbasa ng child's book na sobrang saya ng ending, na after 1 hour ay limot mo na ang istorya..

Lumakas ang ihip ng hangin, ang sarap sa pakiramdam.. Kahit amoy laman loob ng pusa ay ayos lang.

Nakakabagot din pa lang magkulong sa kwarto.. Nagpasya akong lumabas, para naman masilayan ng konting araw ang aking balat. Bagama't hapon na umaasa pa din akong makakatulong ito sa mga cell kong nabubulok na..

Bitbit ang kaunting barya, at cellphone. Nagpasya akong tumambay sa park, katabi ng ilog.. Kung saan payapa kong mararamdaman ang hangin..

..
...
....

Naupo ako sa sulok kung saan, hindi ako mabilis makita ng mga tao.. Ayoko din naman sa masyadong mataong lugar, hindi ako sanay..

Pinagmamasdan ko ang mga batang makukulit na naglalaro sa kalakihan ng park, wala silang pakielam sa hirap buhay, nag e-enjoy lang sila bilang bata, at sinusulit ito. Sa kabilang sulok naman.. Mag-ama na namimingwit ng janitor fish, batid sa kanilang mukha ang saya, na sa tingin mo ay hindi galing sa isda ang kanilang ikinatutuwa, kundi sa bonding moments nila..

Magsisimula na sana kong kausapin ang mga halaman, kulisap, lamok, at mga upuan nang biglang may bumati sa akin..

"Dito lang pala kita makikita.."

..
...
....

Sa isang madilim na sulok, at walang tigil na hampas ng hangin.. hindi ko inasahan na dito ko pa sya makikita.

"Madalas tayo dito noon.." pauna nya.

"Oo.. nakakatuwa din isipin.." sagot ko.

"Hindi ka pa din nagbabago, napaka simple mo pa din.."

"Ikaw lang yata nakakapansin nyan.."

"Ako lang naman kasi ang nakakakilala sayo." paliwanag nya.

"Pwede ba akong maupo?" tanong nya sa malambing na boses.

"Pwede! Hindi naman ako may-ari ng park.." pabiro kong sagot.

"Patawa ka pa din!"

Huli na nang malaman kong nakikipag palitan na ako ng mga ngiti sa kanya.. Parang na refresh ang aking pagkatao.. Sa mul?ing pagkakataon, pina-alala na naman sa akin ng diyos, na tao lang ako.

"Hindi tayo nagkaroon ng pagkakataong mag-usap noon.. Pasensya na kung hindi man lang kita pinansin sa airport.." paliwanag nya.

"Okei lang yun.. Inisip ko na lang din na hindi kita nakita.." sagot ko.

"Nakita ko kasing may kasama ka, at hindi ko inakala na sya din ang parehas na babae noon sa mall.."

"Si Rhea.."

"Nice name.." sagot nya.

"Sya ba ang girlfriend mo ngayon?" tanong nya.

"Oo.."

..
...
....

"Sige maiwan na kita.. Kailangan ko na yatang umalis.." paalam nya.

"Okei.. ingat ka.." sagot ko.

Batid sa kanyang mukha ang pagkadismaya.. Pinipigilan nya ang kanyang emosyon, at ganun din ako.. Ayoko nang muli pang mahulog sa isang panandalian na panaginip.. Nagsawa na din yata ako mag-isip at tuluyang nang naging manhid..

Pero..

Isang balakit sa pakiramdam ang eksenang ito.. Umalis sya, at hindi ko pinigilan.. History repeat itself nga daw.. Ang pinagkaiba lang, ay kung bakit parehas pa din ang nararamdaman ko nung nangyari noon, at nangyayari ngayon..

Parang pinupunit na papel ang aking dibdib, habang tinititigan ko syang lumalakad papalayo sa akin.. At may kaunting bagay na nagsasabing kailangan ko syang pigilan.

..
...
....

Ano ba pakiramdam ng hindi mo makuha ang gusto mo, kahit na kaya mo? Ang sakit hindi ba? yung tipong gusto mong kumain ng isang pagkain, ngunit naisip mo na hindi pwede, dahil hindi naman sya kasama sa budget.

Ilang beses ko nang naranasan ang mga bagay na 'to.. At sa huli isa lang ang sinabi ko sa sarili ko.. Dehins na mauulit 'to. Ayoko nang saktang muli ang aking damdamin sa isang bagay na pwede ko namang gawin.. Katulad din nito pag-amin sa isang kasalanan na hindi mo naman talaga ginawa.. Ang pinagkaiba lang may part na masama, at may part na mabuti.

Huli na nang malaman ko, na tumayo na ako sa aking kinauupuan.. Sinundan ang kanyang mga hakbang.. Wala na yata akong pakielam.. Pinilit kong abutin ang kanyang mga braso.. Nung mahuli ko na ito, niyakap ko sya mula sa likod..

Mahigpit..

Sa pagkakaikot ng aking braso sa kanyang malamig na katawan, naramdaman ko ang patak ng kanyang mga luha.. Unti unti itong pumapatak sa aking mga kamay, pinuwesto ko ang aking mga palad na tila pasalo.. Gusto kong sabihin sa kanya, na hindi ko hahayaang umiyak sya ng ako ang dahilan..

"Sorry Kath.."

"Mali lang talaga na pumayag akong umalis ka, nawalan ako ng lakas ng loob.." paliwanag ko.

"Dudes.."

"Isa lang ang bagay na pumasok sa isip ko, sa aksyon mong ito.."

"Ano?"

..
...
....

"Naisip kong matimbang sya sayo, at ayaw mo lang akong masaktan.." paliwanag nya.

"Huwag mong pilitin ang mga bagay na hindi naman talaga tama, dahil.."

"Dahil ako lang ang masasaktan.." dugtong nya.

Para natapakan ang aking pride ng sampung beses at paulit ulit, sa kanyang mga sinabi.. Parang nanggaling na din sa kanya mismo na, layuan mo na ako! Ngunit hindi ako nagpatalo..

"Kath, kung naging matapang lang ako noon, at kung hinayaan mo lang akong gawin ang gusto ko.. Hindi na sana nagin kumplikado ang lahat"

"Ginawa ko lang yun dahil mahal kita.."

"At.."

..
...
....

"At mahal pa din kita ngayon.."

Umihip ang isang napakalakas na hangin sa paligid.. Iniwan nitong tuyo ang aking pakiramdam. Pakiramdam ko'y binitin ako sa tuktok ng Eifel Tower nang wala man lang harness.. Na-alala ko ang last line ng last movie kong pinanood.

Nanglalambot ang aking mga tuhod, para gusto ko nang bumigay.. Ngunit hindi pwede, may damdamin akong sinasa-alang alang sa pagkakataong ito. Subalit..

Ilang beses kong uulitin..

Tao lang din ako..

Nadadala ng emosyon, at natututo ding magkamali..

Hindi nya alintana kung anong mangyayari, humarap sya sa akin, ganun pa din ang aking braso na nakayakap sa kanyang katawan.. Hinaplos nya ang aking mukha, na parang ayaw nya na itong bitiwan pa..

Naglaro na sa isipan ko ang maamo nyang mukha, pinararamdam nya sa akin na huwag ko syang hayaang umalis sa aking tabi.. Lumutang ang aking isip at tuluyan nang dinala ng hangin.

"Dudes.. Hindi mo kailangan sagutin ang mga bagay na narinig mo, sapat nang nalaman ko na nandyan kapa din, at alam kong hindi mo ako hahayaan.." paliwanag nya.

Dahan dahan syang bumitaw sa aking piling.. Naglakad sya paatras na may ngiti sa kanyang mga labi, at iniwan akong lutang.

Ano gagawin ko?

Anong reaksyon ang igaganti ko?

Gago lang talaga ako, yun at yun din ang mga sinasabi ko..

..
...
....

"Kath!" sigaw ko.

Sya namang lingon nya na may halong tamis sa kanyang mga mata, para syang bata..

"Kailan ulit yung get together?" walang kwentang tanong ko.

"Next week.. See you there!" sagot nya.

Sabay talikod sa akin.

Ngiti na lang ang aking nagawa, napakamot ng ulo, at napaupo sa duyan.. Hindi ako nagsisisi na gawin ang bagay na gusto ko.. Ang sarap sa pakiramdam kapag ang mga bagay na gusto mong gawin, ay nagagawa mo..

----

Tulala pa din ako habang pinagmamasdan ang mga ilaw, na syang nagbibigay ganda sa park.. Gusto kong sulitin ang pakiramdam ng isang masayang tao. Nang biglang nag ring ang aking phone..

Binalak ko itong sagutin ngunit miss call lang pala..

..
....
.....

Si Rhea..

Kailangan ko na palang gumising sa panaginip, tapos na ang commercial na nagsasabing masarap tumaya ng lotto, dahil may pagkakataon kang maging bilyonaryo.

Kwentong Tambay - Chapter 23

"Love one another" -George Harrison's last words before he died.


Nagalit ka dahil hindi mo nalaro ang last part ng Suikoden II, dahil naputulan kayo ng kuryente.. Hindi na naman nagbayad ang mga magulang mo, at iniisip mong hindi ka importante sa kanila.. Natuto ka nang sumagot sa kanila. Alam mo na din kung paano magsinungaling, madalas mong itago sa kanila ang report card mo.. dinadahilan mong may utang ka pa sa titser mo, kaya hindi nila ito ibibigay.. kahit na alam mong sopas at lugaw lang naman sa canteen ang hindi mo nababayaran..

Rebelde..

Madalas ka nang sumama sa mga barkada mo sa loob at labas ng eskwelahan, Isang sutsot lang nila alam mo na ang ibig sabihin.. Cutting Classes Period nyo na! Hindi na Math ang subject kundi Counter Strike.. Hindi na Science, dahil Emperador o kaya Gin-Pomelo na ang inyong pinag-aaralan.. At lalong hindi na Social Studies at History ang topic, dahil SM Megamall o hindi kaya Marketplace ang iyong binabaybay.. Galit ka pa sa umaga, dahil kulang ang baon mo, na sana ay pamasahe mo na papuntang MP, para tumambay sa arcades at bilyaran.. Isama mo na ang pangbayad sa isang sandok na lugaw..

Nung magising kana sa katotohanan.. Panahon na ang nang-iwan sayo.. Out of school youth ka at hindi nakatapos, walang diplomang magliligtas ng iyong kinabukasan. Nakasandal ka na lang sa kanto at humihithit ng sigarilyo.. Kasali ka na din sa fraternity na wala nang ginawa kundi mag meeting sa sementeryo. Naka ilang vandals ka na din sa pader sa mga nitso, wala nang magagawa sayo ang mga nakahimlay kundi isumpa ka..

Reality..

Minsan talagang darating ang dagok lalo na at hindi ka handa.. Babagsak ka sa isang sementadong lupa, duguan at hindi makabangon.. Kung iisipin mong maraming dugo ang nasayang, maniwala ka.. mas madami pa ang panahon na nalagas, kumpara sa red blood cell mong hitik sa 420..

Pero..

Kung ang pagbangon at pagpunas lang ng dugo ang magagawa mo.. Gawin mo na.. Walang tutulong sa isang pipe na maintindihan sya, kung hindi sya magmumukhang gago sa kakakumpas ng kanyang kamay. Mahirap pero sulit..

Maraming bagay na hindi mo maiintindihan kung hindi ka gagawa ng bagay, na sa tingin mo ay makakapag dulot sayo ng hindi tama.. Hindi ko sinasang-ayunan na gumawa ka ng hindi mabuti.. Pero minsan..

Kailangan natin gumawa ng masama, para matuto tayong magpakabuti. Dahil hindi lahat ng bagay ay kailangang gawin ng may halong kabutihan, Hindi general requirements yun sa buhay.

Hindi din lahat ng mabait kinatutuwaan.. karamihan dito inaabuso at wina-walanghiya..

-------------------------

Ano nga ba ang lasa kapag pinaghalo mo ang mapait sa matamis? isipin mo na lang ampalaya shake! Ganito ang pakiramdam ko ngayon.. Mapait ang kinahantungan ng love story ko pagdating kay Kath, subalit kasing tamis ng unang tikim ang dating naman sa akin ng kay Rhea..

Sigurado ako sa mga bagay na masaya ako.. Pero hindi naman ako sigurado kung hanggang saan ako ngingiti para dito. Aaminin kong nasanay ako sa simpleng ligaya, para ka lang nagyosi ng fortune, tapos biglang marlboro.. Nakakapanibago, at mahirap ipagpalit ang nauna.. Pero kung tutuusin.. Una-unahan lang yan. Nauna lang sya magsawa sa akin..

Masayang mukha ni Rhea ang huling mukha at syang deretsong tumatakbo sa isip ko nung hinatid ko sya sa kanyang bahay.. Kung nakakaranas ka minsan ng LSS, palagay ko mauuso din ang LFS.. Corny..

..
...
....

"Madaling araw na pala.." bulong ko sa sarili ko.

Ramdam ko na ang ginaw ng hangin.. naupo ako sa tapat ng isang saradong tindahan.. Nag unat ng aking mga binti, na kanina ko pa gustong ipahinga.. Dinukot ang huling sigarilyo sa bulsa tska sinindihan..

Tahimik kong pinagmamasdan ang dating bahay ni Kath, tanaw ko pa din ang ala-ala.. Sariwa pa din ang mga bagay na lumipas na pala ng isang taon.

Naisip ko din na kung naimbento na ang time machine, o kya naman ay tropa ko si Doraemon.. Babalikan ko kaya ang sandaling iyon? o hahayaan ko kung anung meron ako ngayon.. Masisira lang ang space time continuum.. At baka bumalik lang si Hitler sa kasalukuyan..

-------

"Anak hindi sa lahat ng bagay kukunsintihin kita.."

Malumanay na boses ng aking mahal na ina.. Tandang tanda ko pa kung paano nya ako pagsabihan kapag nakakagawa ako ng kasalanan.. Minsan nabansagan akong Mama's Boy sa eskwelahan, dahil masyado ako palasumbong..

Sa dami ng problema ko sa buhay, at sa darating pa.. Alam kong nandyan sya para sa akin.. Hinding hindi nya ako iiwan, o kakalimutan.. Sobra ang pagmamahal nya.. Pero minsan hindi talaga gumagana ang utak ng tao.. Kapag galit ka nakakapagsalita ka ng hindi tama, at hindi mo na alam kung nakakasakit ba ito.. Tama?

Ilang beses ko din sya sinagot.. Ilang beses din akong nangatuwiran ng mali.. Pero isa lang ang sinasagot nya..

"Problema nandyan lang yan.. Lilipas at lilipas din.."

Huwag mo nga naman tambayan ang problema, sa halip mag vandals ka lang at layasan mo ito! Hindi mo mamamalayan at matatawa ka na lang, dahil maiisip mo na minsan pala sa buhay mo napadaan ka sa isang kanto, at nagsulat ka ng pangalan mo. Kasing simple lang isipin kung ano ang binabasa mo ngayon.

..
...
....

Binuga ko ang huling usok ng sigarilyo sa hangin.. Kasing bilis pala nito maglaho ang panahon.. Mahaba haba na din pala ang tinambay ko sa tindahan.. Sa isang stick lang, para na akong nag travel ng light years.

Pinilit kong tumayo sa kinauupuan, sampung hakbang bago ako makarating sa bahay.. Muli kong sinilip ang kalsada.. Napabuntong hininga..

"Last na 'to.." bulong ko sa sarili.

-------

Bago pa man ako makahiga naramdaman ko nang babagsak na ang aking katawan.. Hapong hapo kong niyakap ang aking unan.. Pinilit kong abutin ang comforter gamit ang aking paa.. Tinakpan ko ang aking buong katawan.. Naghalo ang lamig ng hangin at init ng comforter, bago sa pakiramdam ko.. Dilat pa din ang aking mga mata sa gitna ng dilim..

Nag-iisip..

Nakikiramdam..

Tumama na ang antok, kailangan ko nang matulog..

------

"Salamat sa paghatid.." pauna ko habang binubuksan ang gate ng bago kong tutuluyan.

"Kailan tayo ulit magkikita?" tanong ni Edgar.

"Edgar.. huwag mo na akong kulitin muna.." sagot ko.

Hindi sya sumagot.. Batid sa kanyang itsura ang pagkadismaya, ayoko mang sabihan sya ng mga bagay na nakakasakit sa kanya, yun lang ang magagawa ko para tigilan nya na ako..

Alam kong hindi tama, pero isa sya sa mga pagkakamali ko..

"But.. how about the reunion?" singit nya pa.

"Pag-iisipan ko pa.. Hindi pa ako handang harapin si Dudes" sagot ko.

"Mahal mo pa ba sya?"

..
...
....

"Hindi ikaw ang dapat makarinig nito.. Pero oo.. at alam mo yan Edgar.." sagot ko.

---------

"Good Morning!"

"Bumangon ka na!"

"Bakit hindi ka pumasok?"

Sa umagang ito, meron pa palang mas maingay kesa sa mga kapitbahay ko. Isang boses na wala nang iba kundi si Rhea.

Aba! At bakit nandito sya? bulong ko sa sarili.

Dahan dahan kong dinilat ang aking mata, sya nga! hindi ako nagkamali..

"Bakit ka nandito?"

"Anong bakit? kasi hindi ka sumasagot sa tawag ko.. kaya naisipan kitang puntahan.. Bukas ang pinto.." paliwanag nya.

"Nakalimutan mo yatang isara kagabi.." dugtong nya pa.

"Ganun ba.. Nakalimutan ko sa pagod.." sagot ko.

"Bumangon ka na! may dala akong pagkain.." anyaya nya.

Minsan talaga masaya din ang buhay kapag nandyan si Rhea, hinding hindi nya ako pababayaan.. Daig nya pa ang aking nanay sa pag-aasikaso sa akin..

"Bangon na!" sigaw nya.

"Opo.." sagot ko.

Para akong zombie na pumasok sa cr, at tuluyang nag shower..

..
...
....

"Kaya pala hindi sya sumasagot sa akin.. Naka silent ang phone nya.." bulong ko sa sarili habang nagkakalkal ng cp ni Dudes.

"7 missed calls at 3 text messages.."

Alam kong mali, pero gusto ko makita ang laman ng kayang phone. Bukod sa wallpaper ni Julia Montes sa harap.. Hindi ko na pinakielaman ang missed calls.. Binuksan ang inbox. Dalawang msg galing sa akin na mula pa kagabi.. At isang txt msg galing kay Edgar.

Gusto kong basahin..

Pero hindi tama..

Makulit ang konsensya na nakikipagtalo sa akin..

..
...
....

"Oh? Sensya na.. matagal ba ako?" bati ni Dudes na kakalabas lang sa banyo.

------

Iba ang dating ng ganda ni Rhea sa araw na ito.. Daig nya pa ang lumagok ng isang boteng whitening lotion, sa kintab ng kanyang balat. Naayon din sa kanyang makinis na balat ang suot nyang semi-formal attire, na sa unang tingin mo ay pupunta sa shooting, para sa commercial na ang tema ay parang picnic sa bermuda grass. Umiral na naman ang imahinasyon ko..

Sinabayan ko syang kumain.. Parehas kaming nag-eenjoy sa mga nangyayari.. Dama ko ang kanyang kaligayahan.. Ayoko syang biguin..

"Masarap ba?" tanong nya.

"Luto ko yan!" dugtong nya pa.

"Oo naman! ito ang tunay na almusal!" pangbobola ko.

"Thanks! Kung gusto mo lagi kitang dadalhan ng makakain!"

"Hindi! Hindi mo kailangan gawin yun.." sagot ko.

"Bakit? ayaw mo?" tanong nya na parang bata.

"Hindi naman.. Nakakahiya naman kasi.. Tska hindi ako sanay.." paliwanag ko.

..
...
....

Wala na nga yata akong hihilingin sa tulad nya.. Kumbaga sa baraha para syang ace, mas mataas sa king.. At ako ang king na tumitingala sa kanya. Ngayon ko lang naramdaman na kumpleto ang buhay ko.. Masaya..

Nakahanap ako ng liwanag na sisilayan, mula sa napakahabang gabi.. Iniwanan ko na ang lungkot at pagkadismaya.. Hinding hindi na ako lilingon, sa dahilan na wala na din naman akong babalikan.. Oks na ang lahat..

Ang magagawa ko na lang ay i-enjoy ang mga sandaling ito.. Hindi ko alam kung kailan ito matatapos, pero gusto kong sulitin ang biyayang ibinibigay sa akin.

Tulad sa kantang Ted Hannah, nasulat na sa notebook ang kailangang mangyari.. At ang nakasulat, ay ang nakikita ko ngayon.. Nararanasan..

..
...
....

"Dudes.. may message ka yata.." singit ni Rhea sa pag de-day dreaming ko.

"Huh? Saan? Tingin?"

Sabay abot ng aking phone..

Binuksan ang inbox.. message nga galing sa kanya at kay..

Edgar??

"Kath already set a reunion for us.. Pupunta ka ba?"

Hindi ko alam ang isasagot.. P.I. naman..

"May problema?" tanong ni Rhea.

"Wala.." sagot ko.

"Sure?" tanong nya ulit.

"Yup!" nakangiti kong sagot.

-------

Matapos ang breakfast at tiffany.. Este breakfast with Rhea, Hinintay ko syang magpasyang umalis..

Natataranta ako at kating kati na sagutin ang msg ni Edgar.. Pero buo ang loob ko na hindi ako pupunta.. Gusto ko lang syang tanungin kung bakit pa nga ba nya ako sinasama, sa isang malaking kalokohan.. Ngitngit ang aking ngipin sa inis..

Tinawagan ko sya ng hindi ko namamalayan..

"Hello?" pauna ko.

"Edgar.. Salamat! pero hindi ako makakapunta.. Masyado akong maraming gagawin.." dugtong ko.

"Dudes? Si Kath 'to.." sagot ng nasa kabilang linya.

Naloko na! na peste na! na disgrasya na!

"Nasaan si Edgar?" mabilis kong tanong.

"Hindi mo man lang ba ako kukumustahin?" mababaw ang tono ng kanyang boses.

"Ah.. Eh.. Ku-kumusta na nga ba?"

"Teka, nasaan ba si Edgar? bakit na sayo ang phone nya?"

"Naiwan nya ito kagabi dito sa bahay.. May problema ba? tanong nya.

"He texted me last night.. Ngayon ko lang nabasa.." sagot ko.

"Tungkol ba sa get together?" mabilis nyang balik tanong.

Bumilis ang tibok ng aking puso.. Pakiramdam ko'y lalabas ito sa aking tenga.. Uminit ang klima sa aking paligid.. Pinagpawisan ako.. Para akong binabad sa gitna ng humid.

"Hindi ka ba sasama?"

"Hello?"

"Dudes?"

"Nandyan ka pa ba?"

..
...
....

"I'm sorry.. Pero hindi ako makakapunta.." matapang kong sagot.

Kwentong Tambay - Chapter 22

Kung 100% proof ang isang alak.. Makakailang bote ka lang kaya? Kung ang yosi naman ang merong 85% ng nicotine.. Ilang taon na lang itatagal ang mo, kung nagsimula ka sa edad na kinse anyos? Ilang libo o milyong estudyante ang nag-aaral sa Pilipinas.. Simulan mo sa prep hanggang sa college.. Ilang puno kaya ang kailangang putulin, para mabigyan sila ng maayos at matinong papel na kanilang pagsusulatan.. At ilang presidente pa kaya ang kailangang maupo para lang matanggal ang kontrobersyal na corruption?

Sinadya na lang siguro nya ang lahat.. Ang lahat naman kasi ng bagay kapag sumobra magiging masama..

Kung kumikita ka ng sapat sa pangangailangan lang ng pamilya mo, maghahanap ka ba ng iba o magtityaga? At kung pinanganak kang mayaman.. May kotse, cellphone na nag a-upgrade buwan buwan, at ang bahay nyo may chandalaire at ref na puno ng ice cream.. Magsasawa ka kaya?

Kung magiging permanente lang ang kasiyahan sa mundo, malamang walang taong mapaghangad.. Hindi dadami ang palaboy sa kalsada, walang magda-drugs, hindi mo na din makikita ang mga dalagang naka-kolarete sa kalsada ng cubao gabi-gabi.. Kaso sinadya nya yatang gawin na temporary ang lahat, dahil alam nyang hindi lahat ng tao ay katulad nya mag-isip..

Kung hindi mo pa din maintindihan ay hayaan mo na lang.. Hindi siguro din talaga ginawang pare-parehas mag isip ang mga tao.. para siguro maghanap tayo ng kasagutan sa sarili natin..

------------

Pakiramdam ko'y dumaan ang tsunami sa puso ko na sya mismong tumama din sa Japan, matapos nya akong dedmahin.. Hindi na talaga makipagkakaila na kahit bigyan mo ako ng tig-lilimang pisong halaga ng candy, mas pipiliin ko ang tig-pipiso kung saan ako nasanay.. Lumuwag ang hawak ni Rhea sa aking mga palad.. na di kalaunan ay kusa ko namang binitawan..

Wala syang nabanggit sa akin, kahit na ang direksyon ng aking mata ay malayo.. Nakatingin.. Nakatitig.. Nag-aasam.. Si Rhea ang buhay na example ng mga martir..

"Kath.." mahina kong bulong.

..
...
....

Tanaw ko pa din ang kanyang imahe kahit na nasa malayo na.. Umaasa akong susulyap sya na kahit kaunti lamang.. Sa isang taon mahigit na pagkakahiwalay namin sa isa't isa, hindi ko maiwasang makaramdam ng kirot sa aking damdamin..

Ngunit ano bang magagawa ng taong pabaya?

Tinaas ko ang puting bandera.. Sinenyasan ang aking puso na itigil na ang laban.. Hinagis ang aking armas sa lupa.. Senyales na ako'y susuko na..

Tapos na ang lahat sa amin.. Hindi ito tulad ng Eraserheads na may reunion concert..

Binaling ang aking atensyon kay Rhea..

..
...
....

"Tara na.. Saan ba tayo?" nakangiti kong sabi.

Na sya naman ikinagulat ni Rhea.

"Ikaw ang bahala.. Treat me like you did the night before.." nakangiti nyang sagot.

---------

Madilim ang kahabaan ng kalye na aming binabaybay.. Hindi alam ang direksyon kung saan.. Gusto ko lang maglakad.

Nakayuko sya at tahimik na naghihintay sa aking sasabihin.. Medyo malayo layo na din pala ang aming nalakad.. Nakarating kami kung saan, maliwanag na ang kalsada.. Marami nang ilaw, at matao na ang paligid.. Wala pa din akong masabi..

"Hanggang saan mo ba balak maglakad Dudes?" pauna nya.

Tinignan ko lang sya.. at hindi sumagot..

"Dudes? Ano ba.." sita nya.

"Samahan mo lang ako Rhea.. Gusto ko maglakad.." sagot ko.

Alam kong makasarili ako sa pagkakataong ito, pero gusto kong makalimot.. Lahat! lahat halos ng bagay na nagpapa-alala sa akin at nagbibigay ng kirot at sakit..

Sabi nga nila bilog daw ang mundo.. Nasa ilalim ako sa pagkakataong ito, pero iikot daw ito, at makakarating ka sa ibabaw. Sa pagkakataong yun dapat mo daw galingan.. upang hindi kana mapunta sa ilalim.. Pero kahit anung ipagputok ng butsi mo, iikot at iikot pa din ang bilog na bagay na ito.. At kalokohang hindi ka hatakin ng gravity.. Sa haba ng sinabi ko, walang kabuluhan.. Walang kwenta..

Minsan nangangarap ang tao.. Hindi masama, at walang nagbabawal.. Yung iba nga lang sumosobra sa expectation.. Nakakalimutan nilang tignan ang bawat yapak kung meron mang silang natapakan na nagsisimulang mangarap din..

Nagising ako sa katotohanan.. Wala pala talagang part two ang Romeo and Juliet..

Wala akong magagawa.. Tanggapin ang pagkatalo sa sugal na pinili kong laruin.. Yun ay ang pag-ibig..

Bigo..

"Dudes! Ano ba?" galit na boses ni Rhea.

Bumalik ang kaluluwa ko sa aking katawan.. Matapos nitong mag libot kung saan saan.

"Sorry Rhea.." sagot ko.

"Sorry?" tanong nya.

"Alam kong alam mo naman ang nangyayari.." sagot ko.

"Alam ko! Pero masaya ako.. alam mo ba yun.."

"Masaya ako at nalaman kong sa akin ka tatakbo, kapag nadadapa ka.."

Hindi ako nakasagot..

"Kung ito lang ang makakapagpasya sa akin.. okei lang kahit paulit-ulit akong masaktan.." paliwanag nya.

Hindi maintindihan ng isip kong marupok pa sa administrayon, ang mga bagay na sinasabi nya.. Kung si Einstein ang pinakmatalinong tao na nabuhay noon, ako naman ang taong pinakabobong nabubuhay ngayon.

Ngunit sa tahimik ang masaya nyang mukha.. Hindi ko maiwasang matuwa..

"Kain na lang tayo! Saan mo gusto?" anyaya ko.

Ngumiti sya sa akin.. Tinitigan nya ako ng pagkalapit lapit.. Halos ramdam ko na ang pintig ng kanyang paghinga.. Naamoy ko ang bagsik ng kanyang perfume.. Napakatamis..

At sa iilang segundo ng kanyang pagtitig.. Pinakawalan nya ang isang halik..

Oo..

Isang halik na nag-landing sa aking mga labi..

Tumagal ng limang segundo, bago nya iwan ang kakaibang tamis..

..
...
....

"Kahit saan mo ako dalhin Dudes, sasama ako.." sagot nya.

----------------

Kath

"Nasaan ka na? Kanina pa ako naghihintay dito.."

"Malapit na.. Hintayin mo na lang ako, doon sa mabilis kitang makita.."

Pinatay ko ang linya, mapungay ang mga mata.. Hindi ko inaasahan na sa araw mismo ng aking pagpabalik si Dudes pa ang aking makikita..

Wala akong lakas ng loob at mukha na pwedeng iharap sa kanya.. Sa sakit na naidulot ko sa kanya noon, hindi nya ako mapapatawad.. Gustuhin ko mang yakapin sya at kausapin hindi ko magawa.. May mga bagay na pumipigil sa akin..

Ngayon..

Nandito na naman ako, kung saan nagsimula ang lahat.. Binalak kong iwan ang lugar na ito noon..

Ngunit..

Ngunit hindi si Dudes.. sya ang dahilan ng aking pagbabalik..

Hindi pa ngayon.. Hindi pa ngayon ang pagkakataon..

"Sorry! Pinaghintay ba kita?" boses ng lalaking nasa loob ng auto.

"Hindi naman.." sagot ko.

"Sakay na.. para maihatid na kita.." anyaya nya.

...
....
.....

"Kumusta na?" pauna nya.

"Okei lang.. hindi ko lang nagustuhan ang pagbalik ko.." sagot ko.

"Bakit?"

"Si Dudes ang sumalubong sa akin.." paliwanag ko.

"Aksidente lang siguro.. May kasama ba sya?"

"Oo.. yung kasama nya noon sa mall.." sagot ko.

"Kailangan siguro natin ng celebration.. tatawagan ko ang buong tropa.. Oks ba sayo?" anyaya ni Edgar.

"Pwede ba.. Huwag muna ngayon.." sagot ko.

-------------------

Sa isang hindi mataong restaurant kami napadpad ni Rhea, tahimik ang paligid.. Mellow lang ang soundtrip at oks na oks ang vibes.. Para akong nanalo sa dream-a-date!

"Pasensya kana kanina.." pauna ko.

"Okei lang.. naiintindihan kita.." sagot nya.

"Huwag mo lang sasabihin sa akin na mahal mo pa din sya.." dugtong nya na nakangiti ang kanyang mga labi.

"Tapos na yun.." sagot ko.

Tahimik ako habang pinagmamasdan ang kanyang maamong mukha.. Batid sa kanyang hitsura ang pagod.. Mistulang bata na napagod na paglalaro, at kailangan nya ako para pagalitan sya at patigilin sa paglalaro.. Napansin ko ang magandang pagkaka-ayos ng kanyang buhok.. Ang make-up nya na talagang pinaghadaan..

Minsan hindi mawala sa isip ko ang isang katanungan..

Bakit nga ba nagpipilit pa ako Kath, kung nandito si Rhea.. na hindi ako iniiwan, at laging nasa tabi ko.. Nandyan sya sa oras na madilim ang paligid ko.

Gago lang talaga ako..

Pero dahil hinagis ko na ang puting panyo sa gitna ng laban..

Sumusuko na ako..

Hahayaan ko na lang ang tadhana ang mag-ayos ng buhay ko.. Manatili kung saan ako masaya, at sa tingin ko'y nakakapagbigay din ako ng saya..

Yun ay sa tuwing nasa tabi ko si Rhea..

Natapos na nga ang love story ni Romeo at Juliet, at wala na nga talagang part two..

Inakala ko lang yun noon..

..
...
....

"Dudes.." mahina nyang boses.

"Oh?" sagot ko.

"Wala ka bang balak galawin nyang pagkain?" balik tanong nya.

"Ahahaha! Oo nga.." natatawa kong sagot.

Sa mga simpleng usapan lang namin, hindi maipagkakaila na nagkakasundo kami sa maraming bagay.. Mga simpleng ngiti, alam na namin ang ibig ipahiwatig ng bawat isa..

Sa puntong ito hindi na dapat ako nagsasayang ng panahon..

"Rhea.. sorry kung minsan nasasaktan kita.." pauna ko.

Ngiti lamang ang naisagot nya.

"Pangako ko sayo.. Hindi na mangyayari ulit yun.." dugtong ko pa.

"Stay with me Rhea.."

Sa malupit at breath taking na ambience.. naghalo ang ginaw at pananabik ng bawat isa.. Hinawakan nya ang aking kamay..

..
...
....

"I'm happy to hear that.." sabi nya.

"Let's move on together.." dugtong nya pa.

..
...
....

"Lagi kong tatandaan yang pangako mo Dudes.. Wag mo sanang kalimutan, na minsan nangako sa akin ng ganito.." nakangiti nyang sabi.

Kwentong Tambay - Chapter 21

Love At First Sight -Yung unang kita mo palang sa kanya, ay parang na bullseye ka ni Kupido, at na speechless ka..



Yun ang sabi nila.. Sakin? Hindi ako naniniwala.. Libog lang yun!

Oo.. libog lang at wala nang iba.. Dapat magical, dapat unexpected, at dapat in a very different ways.. Yun ang love! Ika nga ni Papa Jack, hindi ito hide-and-seek, collect and select, at game and watch..  Mas oks kung dahan dahan ka makakaramdam nito.. Kung katabi mo ang iisang babae sa loob ng apat na taon ng high school life mo, imposibleng walang mangyayari.. Pinagtabi kayo ng tadhana hindi dahil sinabi lang ng teacher nyo, at hindi din dahil parehas kayo ng result ng exam sa loob ng apat na taon. At hindi dahil pinagtripan lang kayo ng nag aayos ng mga section (hindi ko alam tawag dun).

Tadhana.. Oo! Tadhana ito kung maniniwala ka..

6 years before..

Kung mai-inlove ka sa isang babae na sa sementeryo mo lang nakilala at complete strangers sya, kakaiba yun! Hindi nyo kilala ang isa't isa.. Binigyan lang kayo ng chance.. Kinagat mo at hindi ka nagkamali. Walang wala sa isip mo, pero nahulog ka.. Oks na oks diba? Hindi pa tapos ang istorya nyo, marami pang magaganap at madaming mangyayari.. Isang bagay lang ang mananatili..

Yun ay yung bagay na inumpisahan nyo..

Corny? Gusto mo naman ng reality? Sige..

RH Bill. Kung ako tatanungin mo.. Kasing babaw lang nito ang usapin kung bakit nga ba umaabot ng tatlong araw ang adobo.. Isa lang ang sigurado, bukas makalawa paggising mo pasado na ang batas, at wala ka nang magagawa..

Nasaan ka ba nung pinag-uusapan ito?

--------

"Kath.. I miss you.."

"Dudes.." sagot ng isang malumanay na boses sa kabilang linya..

Bigla kong naalala kung paano bumagsak si Hatton sa laban nya kay Pacquiao, Knock-Out! Kung iisipin mo kung gaano kalakas ang suntok na natanggap nya.. Ganun ang naramdaman ko ng marinig ko ang boses ni Rhea sa kabilang linya. Parang dinakot ang pagkatao ko..

Alam ko na dinig nya ang mga sinabi ko.. Malinaw! Wala akong paliwanag na masasabi pa, walang excuses, at panigurado mawawala na din sya..

"R-Rhea?" tanging nasabi ko.

"Dudes? Medyo choppy yung line, anu sinabi mo?" sagot nya.

"Huh?"

..
...
....

Nabunot yung tinik, pakiramdam ko ay medyo over acting ako, dahil nagpakatahimik ako sa ilang segundo, at medyo nagpamula mula nang mata. Handa na sana akong umiyak.. corny nga.

"Dudes? Hello? Nandyan kpa?"

"Oo! Pasensya na! Sabi ko.. Ka-Kauwi ko lang, Na miss kita kaya napatawag ako.." Pagsisinungaling ko.

Tatlong segundo bago sya sumagot..

"Ahahaha! Ang corny mo ha! Magkapitbahay lang tayo remember? Hindi kapa dumaan dito.." sagot nya.

"Oo nga no.. Baka bukas na lang, medyo pagod ako ngayon.." paliwanag ko.

"Hmm.. Okei! Txt ka lang kapag nagbago isip mo.."

"Oks! b-bye!" sagot ko.

Agad kong pinutol ang linya.. Huminga ng malalim, Bumangon ako at dumiretso sa banyo..

Naghilamos ng maligamgam na tubig.. Hindi ko naiwasang hindi tumingin sa harap ng salamin. Sa isang tingin pa lang, halata ko na may dinadalang problema ang taong nasa harap ko..

-----------------------

Rhea

Sa pagkakababa ng linya pinilit kong magpaka tanga sa muling pagkakataon..

"Kath.. Na-miss kita"

Ito ang linyang paulit ulit na umaandar sa bulok kong pag-iisip, na syang dumudurog sa aking puso.. At kahit na alam ko at malinaw ang aking narinig.. Kailangan minsan magsingungaling din para hindi maging kumplikado ang lahat..

Hayaan syang magdesisyon..

Sakto ang salitang tanga, kapag itinabi mo ito sa akin.. Mahal nya pa din si Kath, hindi ito maipagkakaila.. Malinaw.. Kasing linaw kung paano nya binanggit ang pangalan..

Napatitig ako sa larawan namin.. Kuha galing sa trip namin sa summer festival.. Hindi maipinta ang kakaibang ligayang dinudulot nito, at kung mananatili lang ang lahat ng bagay, sana maging kaganda nito ang larawan..

Walang magbabago..

Walang iisipin..

Yun at yun lang..

Ilang beses kong inisip na ang relasyon namin ay manatili lamang na parang larawan..

..
...
....

"Bumalik na ba sya?" tanong ko sa sarili.

Alam kong mali.. pero isang tao lang ang makakasagot nito..

"Hello.. We need to talk.. You know who I am.."

"Saan mo nakuha number ko?"

"Hindi na yun importante.. Kailangan ko makipagkita sayo.."

"Kung tungkol kay Dudes to, wag mo ako asahan.."

"Hindi lang sa kanya.. Para sa lahat.."

"....."

"San tayo pwede magkita?"

"And I want to make a deal with you.."

------------------

Tinanghali ako ng gising, pulado ang aking mata. Daig pa ang tumagay ng 24 oras. Pinilit kong pumasok ng trabaho, hindi dahil kailangan.. Dahilan na din upang makapag isip ng maayos, at makatakas sa mga bagay na masyadong nakakagulo..

Parehas na scenario ang tumambad sa akin.. Galit ang amo ko, maasim ang mukha ng sekretarya nya.. at tambak sa table ko ang sandamakmak na trabaho.. partida! Kailangan ko pa syang ipagtimpla ng kape.. ang saya!

"Nakakatamad.." bulong ko sa sarili.

Wala ako sa sarili.. Yung ulo ko umiikot lang sa iba't ibang direksyon, pero walang hinihintuan.. Para lang akong gago.

Tumunog ang aking cellphone. Binunot ito at binasa..

Isang txt msg galing kay Rhea.

"Hi Dudes! Kung d ka busy 2morow, labas naman tayo!"

..
...
....

"Hindi ba sya nagsawa kakagala?" bulong ko sa sarili.

"Sure! Saan tayo?" reply ko.

"Ikaw na ang mag-isip.. Gus2 q sau mngga2ling.. suprise me! yung prang last na na pagki2ta ntin! :)" sagot nya.

???

"Anu daw?"

Madaling basahin, pero mahirap intindihin.. Parang nanood ako ng The Da Vinci Code ng lasing..

"Sige! bukas! mga wat tym? :)"

"After work, meet me at the airport, may dadaanan kc aq mlpit dun.." reply nya.

"Oks! See you 2morow! ;)"

------------------

The Deal

Nakipagkita ako kay Edgar.. Isang bagay na hindi ko dapat gawin pero ito lang siguro ang magagawa ko para ma-settled ang lahat.. Hindi ito para sa akin.. Uulitin ko para sa lahat..

"Late ka ng 5 minutes.."

"Strikta ka pala.. Yan ba nagustuhan ni Dudes sayo?" sagot nya.

"Pasensya na.. Wala akong panahon para sa ganyan.." matigas kong sagot.

"Hmm.. Sa pagkakaalam ko ikaw ang nakipagkita sa akin, so watch your move Rhea.."

"Saan mo nakuha ang number ko?"

"Kay Vincent.."

"Pinangakuan ko lang sya na ipapakilala sa isang friend ko, at binigay naman nya.."

"Kailan ang dating nya?" mabilis kong tanong at walang paligoy ligoy.

"Let me know the deal first, and what's the catch?" balik tanong nya.

"Actually.. I want the three of us there.. Sa mismong araw ng pagdating nya, Gusto kong maramdaman nya na wala na syang Dudes na babalikan, mula nung araw na iniwan nya ito.." paliwanag ko.

"Hmm.." pagiisip nya.

"I want to take him away from her.. Completely!" dugtong ko pa.

"Anong plano mo sa araw na yun?" tanong nya.

"Simple lang.. Papipiliin ko si Dudes.." sagot ko.

"Ahahahaha!" natatawa nyang sagot.

"....."

"Paano kung hindi ikaw ang pinili nya?" tanong nya.

"I'll accept it.." sagot ko.

???

"Pero ikaw makakaya mo bang tanggapin?"

"...."

"Alam kong may nararamdaman ka din sa kanya.. You can't hide it, the fact that you know anything and what's happening about her, kahit malayo sya masyado kang updated.." dugtong ko.

...
....
.....

"(Sigh) Tama ka.. Hindi ko maiwasang hindi magselos sa kaibigan ko.. Pero kung ang bagay na magagawa ko lang ay ang ilayo sya.. Gagawin ko.." mahina nyang sagot.

"Take her away, as I take mine.."

"6pm at the airport, the day after tommorow.." huling salita nya.

Hindi na sya nagpaalam sa akin, at tuluyang lumakad.. Ramdam kong nasa isip nya ang mga sinabi ko.. Parehas kaming desperado at sa tingin ko parehas din kaming nagpapaka tanga. Parehas kaming sumugal sa isang bagay na may posibilidad na parehas din kaming masasaktan..

--------------------------

Iba ang kutob ko habang naglalakad sa kalye, habang humihithit ng sigarilyo.. Sumasayad sa isip ko ang msg ni Rhea sa akin..

"Surprise me! yung parang last na na pagkikita natin"

May mangyayari bang hindi ko inaasahan?
Mapapa-aga ba ang prediction patungkol sa 2012?
Babalik ba talaga sa big screen si Nora Aunor?
At bakit may extrang "v" sa pangalan ni Jet..

Ang gulo.. At dahil wala nang baga ang kanina'y may sindi na sigarilyo.. Itinapon ko ito.. Pumara ng jeep..

Sumagi sa isip ko, kung paano kami nagkakilala ni Rhea.. Sa dating kong manyakis na daig pa ang arabo.. Hindi ko inaasahan na babagsak sya sa akin. Tumama talaga ako sa lottery! Yung pwedeng pang puhunan, at hindi kana babalik pa sa middle east para magpa-alila..

..
...
....

Papikit na ang araw ng makarating ako sa airport.. Ang daming tao, hindi ako sanay.. Para akong tupa na nilagay sa isang gubat na puno ng lobo.. Ngunit hindi bagay sa karakter ko ang tupa.

"Nasaan na sya?" bulong ko sa sarili.

Binunot ko ang aking phone, tinignan kung may msg na galing sa kanya.. pero wala! blangko.. Late ako ng ilang minuto, so dapat tatawag na sya o magttxt.. Ginala ko ang aking mata sa paligid.. Naramdaman ko ang lamig ng AC galing sa entrance ng airport..

..
...
....

Napagod ang aking paa sa kakatayo, naghanap ako ng mauupuan.. Ngunit wala! walang matinong upuan sa labas ng airport.. Hindi ako magttyaga sa bangketa na puno ng bubble gum at upos ng sigarilyo. Pumasok ako sa loob ng new arrival area.. Sakto! Aircon na may upuan pa..

Pinapanood ko ang mga taong nagdadatingan.. Galing sa iba't ibang bansa ang mga ito, Yung iba mga OFW, yung iba naman mga talagang naglaboy lang or visit lang. Yung iba hindi ko malaman kung mga drug carrier nga ba..

Isang matangkad na babae ang umagaw sa pansin ko.. Nakatalikod sya habang abala sa pagsasampa ng mga gamit nya sa trolly.. Mahaba ang buhok, at naka bull cap.. Naka shades sya at naka jacket na blue..

Parang japayuki!

Tumunog ang aking phone na syang nagbalik ng atensyon ko, na nasa airport pala ako..

"Hello! oh! san kana?" mabilis kong sagot.

"Nandito na sa likod mo.. kita na kita!" sagot nya.

Nilingon ko ang aking ulo patungo sa direksyon na sinasabi nya.. Pero wala sya..

"Saan? Hindi kita makita.." sagot ko.

"Ito malapit na!" sagot nya.

Sakto sa pagharap kong muli sa tamang direksyon..

..
...
....

"Dudes?"

.......................

"Kath?"

Tuloy daw ang balik big screen ni Ate Guy! At hindi na december 2012 gugunaw ang mundo kundi sa araw na ito.. Ang labo..

Hindi ko alam kung tuwa o inis ang mararamdaman ko.. Sa harap nya mismo, gusto kong magalit o yakapin sya.. Gusto kong mag evaporate sa pangalawang pagkakataon.. Hindi ko din inaasahan ang pagpatak ng luha sa aking mata..

Wala syang expression.. Plain..

"Wala ka man lang bang babanggitin?" bulong ko sa sarili.

Huminto na naman ang mundo sa bagay at sitwasyon na hinding hindi ko inaasahan, Nag exist lang ata ang pagkatao ko dahil sa kanya..

..
...
....

Lima hanggang sampung segundo kaming nagkatitigan.. Nag-lock ang aming mga mata sa iisang direksyon.. Sa mata ng bawat isa.. Kung may sasabihin ka, sabihin mo na ngayon.. Gusto kong may marinig..

Ngunit wala..

Wala..

Isang mainit na palad ang naramdaman kong humawak sa malamig kong kamay..

"Dudes.." pauna ni Rhea.

Dumiretsong naglakad si Kath, na parang walang nakita.. Kung sinabi kong nag e-exist lang ako dahil sa kanya, Sa ngayon tingin ko hindi na nag-exist ang pagkatao ko sa reaksyon nya..

Hindi nya na ako kilala..

"Dudes.. Tara na.." anyaya ni Rhea.

"Oo.." tanging sagot ko.

..
...
....

"Ito kapag lumingon type ako nito!" Naalala ko ang dating biruan namin ng mga kaklase ko noong high school, na sa tuwing may dadaan na magandang dilag, yun ang aming nagiging pustahan..

At hanggang sa ngayon hindi sya lumingon.. Tinititigan ko lang sya maglakad palayo..

Malayo na..

Malayo na ang loob nya sa akin..

"Hahayaan ko bang mangyari ulit to.." bulong ko sa sarili.

Kwentong Tambay - Chapter 20

As usual, there is a great woman behind every idiot. -John Lennon

4am nagising ako..

Lumabas ng kwarto, hindi para dumiretso sa banyo.. Yung view ng sandstorm na hinalo sa lamig ng madaling araw, nagmistulang kakaiba sa pakiramdam ko.. Unusual kumbaga.

Sa naglalakihang makina sa katabing accomodation, na tila sinama sa shooting ng transformer, mga nagdadaanang malalaking truck, at guard na himbing na himbing sa pagkakatulog.. Nalungkot ako..

4am nagising ako..

Sumilip sa bintana, hindi pa sumisikat at araw, at kalmado pa ang paligid. Dinig ko pa din ang awit ng mga ibon na tila nag ja-jamming sa pagkanta. Ito yung pakiramdam na hinahanap ko.. Ang saya.. Sobra..

Isasalang ang takure at magpapa init ng tubig, Magtitimpla ng kape at magsisindi ng yosi. Haharap sa laptop at susubukang magsulat.. Ang tahimik at payapa nyang mukha na syang nagbibigay sa akin ng inspirasyon.. Abalang abala sya sa panaginip.. Hindi ko sya gigisingin, tititig lang ako..

4am nagising ulit ako..

Puti at blangkong kisame.. Nandito pa din pala ako..

Ngayon.. Ako naman ang gisingin mo..

---------

Natapos ang summer festival, Natapos ang mga palaro sa bayan, Natapos ang tatlo hanggang limang araw na bakasyon, Pero hindi dito nagtatapos ang kaligayahan ko..

Balik maynila..

Yung simoy ng hangin hindi na sariwa, Hindi na din makapal na hamog ang sa umaga ay talagang nagpapakalma, Yung ingay na ng kapitbahay na nakakabingi ang syang sasalubong sa iyo.. Oks lang, i-accept mo na lang.. Reality makes you worst..

"Good morning!" txt msg ni Rhea.

Hindi pa ako nakakapag simula sa trabaho naba-blangko na ako..

"Good morning din! San ka ngaun?" reply ko sa kanya.

Isa hanggang dalawang minuto bago sya ulit nag reply..

"Haus lng, wat tym ka out?" reply nya.

Aba! Para akong gago kapag sinabi kong, susunduin mo ba ako? Pero napapangiti ako.. Ang sarap ng pakiramdam na parang may taong may pakielam sayo kahit papaano..

"5 po, may lakad b tau?" sagot ko.

..
...
....

"Meet me after work, dating gawi! MRT south station"

"Oks! ingat!" reply ko.

------

Tambak yung trabaho, at kapag minalas kapa, itong mukha ng boss ko na parang niluma na ng panahon at ilang beses dinaanan ng undoy ang syang tumambad sa akin.. Matanda na sya at maasim na ang ugali, magaspang pa sa kalyo ko sa paa..

"Are you done with the transmittal? Where's your checklist?" bungad nya.

"Tapos na sir! Ito.." sagot ko.

"Good! Bigay mo na kay Girlie.."

..
...
....

Excited akong lumabas ng trabaho, sinilip ko ang oras.. Meron pa akong 30 minutes na byahe. Sakto lang para hindi ako ma-late sa usapan namin. Bitbit ang pouch bag na lunchbox, pabango, earphone, at ballpen lamang ang laman.

Sumakay ng taxi, Nakipagkwentuhan sa driver, Bumaba, umakyat sa hagdan, at bumaba sa kabilang dulo.. Overpass yata ang tawag dun.. wala naman kasi akong pakielam sa kung ano ba talaga pinangalan dun..

"Ang aga ko yata.." bulong ko sa sarili.

Naupo ako sa bakanteng silya sa harap ng isang fast food chain, pumuwesto ako sa ayos na pwede kong makita ang lahat ng taong aakyat at bababa, papasok at lalabas.

At dahil open area, nagsindi ako ng yosi at tuluyang nagpahangin.. Hindi ko alintana ang init at alinsangan ng panahon, gusto ko lang makita ang maganda at maamo nyang mukha.

..
...
....

"Kumusta?"

Isang boses ng lalaki ang gumulat sa akin..

"Edgar!" gulat kong sagot.

"Hahaha! Pumanaw naba ako at para kang nakakita ng multo ha!" sagot nya.

"Ano nangyari sayo? Bakit ngayon ka lang nagparamdam loko ka!" biro ko.

Parang kaming mga bata kung mag-usap, yung tipong wala kaming pakielam sa sinasabi ng bawat isa, ganun na talaga kami.. Ang kakaiba lang, ay parang wala kaming pinagdaanan na hindi maganda.

"Buti naman dumating ka, akala ko snob mo ako eh!" biro nya.

"Huh? Actually si.."

"Tska akala ko hindi ka magrereply sa txt ko, inisip ko pa nga na baka binura mo na ang number ko sa phone mo.. hehehe!" dugtong nya.

Nagulat ako sa sinabi nya, binunot ko ulit ang cp sa aking bulsa, at nag open ng inbox.. Ngayon ko lang napansin na sya nga ang nagtxt sa akin, at inakala kong si Rhea yun.

"A-a-ano kaba?! bakit ko naman buburahin!" sagot ko.

"Tara pasok muna tayo! Mainit dito sa labas, at kumain na din tayo.." anyaya nya.

..
...
....

"Teka maiba ako.. Anong meron at niyaya mo ako dito?" pauna ko.

"Yun ba? Napag-utusan lang ako.. Gusto nya lang malaman kung okei ka ba.." malinaw nyang sagot.

"Nya? Sino?" gulat kong tanong.

"Sino pa.. Si Kath.. Actually pabalik na sya.." sagot nya.

Muntik ko nang maisawsaw sa float ang fries, Namutla ako at hindi nakapag salita.. Hindi ko alam ang isasagot. Nag-flashback sa utak ko lahat ng nangyari, mula nung gabing naubos ang tindang alak sa tindahan, Nagkaroon ng eyebag, Hindi makapag suklay ng maayos, at hindi nakasubaybay sa Mara Clara.

"Nagulat ka ba?" seryoso nyang tanong.

Blangko.. Halatang hindi ko alam ang isasagot..

..
...
....

"Wag mo nga akong niloloko Edgar.. Tapos na tayo dyan.."

"Ahahaha! Hindi bagay sayo Dudes ang seryoso.." natatawa nyang sagot.

"Pero totoo ang sinabi ko.. Pabalik na sya.." dugtong nya.

"Ibahin natin usapan.. Kumusta ka na? Anong mga pinagkaka ubusan mo ng oras?" tanong nya.

"Ako?"

Ako..

Bakit hindi ko masabi sa kanya na may pinaghuhugutan na ako ng ngiti, may babae nang nagpapasaya sa akin, at may tao na sobrang importante sakin ngayon, na syang nagparamdam sa akin na may kwenta pala ang kwento ko.

Naghihintay pa din ba ako..

Sa kanya..

Sa malandi nyang tinig..

-----

Hanggang sa paguwi, iniisip ko pa din ang sinabi ni Edgar.. Kung na-good time na naman ba ako o pinapaniwala ko lang ang sarili ko. Apektado ako masyado.. Hindi ko na napansin ang oras at lumagpas na naman ako sa aking bababaan.

Wala akong ginawa sa kwarto kundi humiga at makinig sa sounds kong naka full volume. Nag-iisip ako.. Hindi ko pwedeng maninbang sa pagkakataong ito, wala sa hitsura ko ang pwedeng isali sa star circle quest at starstruck, o kahit ano pa mang contest na pwede kang gawing modelo sa kung anu-anong produkto.

..
...
....

Mukha ni Kath ang tumambad sa akin, sa aking harapan.. Maliwanag at klaro. Hindi ako makapag salita. Ginamitan nya ako ng impale, unang atake nya sa akin, hindi ako makagalaw.. Binalak kong lumaban, pero sinundan nya ito ng voodoo.. Nangliit ako.. Pakiramdam ko'y wala akong kwenta, dahil hinayaan ko lang syang mawala, at hindi man lang gumawa ng paraan upang pigilan sya.

Nakatitig sya..

Dahan dahang lumitaw ang mapuputi nyang ngipin..

Ngumita sya..

Tila gusto nyang sabihing.. Nandito na ako! wala ka bang sasabihin?

Sinubukan kong magsalita, pero wala ni katiting na boses ang lumalabas, dumilim na ang paligid, dahan dahang nag fade ang kanyang maamong mukha.

Gusto ko syang hawakan..

Yakapin..

Inunat ko ang aking braso..

Nandito ako Kath..

Kumapit ka..

..
...
....

Dinilat ko ang aking mata.. Naramdaman ko ang pangingilid ng aking luha. Hinahabol ko ang aking paghinga.

Bumangon ako, at dinampot ang aking cellphone.. Walang anu-ano agad kong na-dial ang number ni Rhea.. Nag ring.. Nag-aabang sa kanyang pagsagot.

----

Ang huling usap namin, Huling hagkan, pero walang huling halik.. Lahat yun ay pilit bumabalik sa aking isip. Kung pwede lang magre-format ng utak ginawa ko na.. Iba-back up ko ang mga masasayang sandali namin ni Rhea, at yun lang ang iiwan ko.. Kaso ang gago ko lang.. Hindi ko naisip na ginawa ng diyos ang utak, hindi para lalagyan lang ng mga files mo sa buhay, kundi parang anti-virus din na syang nagliligtas sayo, at nagpapa-alala na kalimutan ang isang bagay na syang nakasakit sayo..

Pero hindi ako naturuan para gamitin ito ng maayos..

One click away lang ang button na pwedeng mag-disable dito..

At yun ang ginawa ko..

"Oh? Napatawag ka?" sagot ng sa kabilang linya.

..
...
....

"Kath.."

"Na-miss kita.."

Kwentong Tambay - Chapter 19

The problem is, the world won't let me stay as a kid forever. So I can't lie around crying about it either. -Shikamaru


Pangarap.. Goal.. Dreams.. Lahat ng tao meron nito, at may kanya kanya.. Nakakatuwang pakinggan sa bawat isa, At yung nakakatupad ay syang nakaka tanggap ng kakaibang ligaya.. Ang saya dba?!

Identity Crisis.. Yan ang problema ko! Tulad ni Cloud ng Final Fantasy 7. Nabubuhay sya sa pagkatao ng iba, at itinuturing ang sarili nya na yun sya! Ang hirap hindi ba? Tulad nung nauna hindi nya din alam kung meron sya nung isa o wala.. Sabi nga nila, wala na daw sasarap sa pakiramdam na gusto mo, at nag e-enjoy ka sa ginagawa mo.. At kumikita at binabayaran ka..

Oo.. Tama! Yung tipong.. Enjoy kana bayad ka pa!

Pero binasag ako ni Ayekaru sa pagkakataong ito.. Hindi lang daw enjoy at pera ang basehan.. Tama yung kumikita ka at nag e-enjoy, pero wala daw sasarap sa pakiramdam na kahit hindi mo gusto ang bagay na ginagawa mo, ay natutulungan mo ang mga tao na silang dahilan kung bakit nandyan ka in the first place.

Isa lang..

Ginusto mo.. So panindigan mo.. Wag kang magkupal..

---------------

"Talaga? Ang sweet mo naman Dudes! Tama talagang ikaw ang sinama ko dito, I know sobrang mag e-enjoy ako.."

Namula ako.. Na kahit hindi makinis ang aking balat, ay nagmistula itong kamatis. Wala ako maisagot.. Buti na lang nag swerve ang bus, nawala sa atensyon si Rhea.

"Dudes, bakit nandyan ang kamay mo?"

"Huh?"

Sabay tingin kung san nga ba napadpad ang malikot kong kamay..

"Waaaaaaaaaaaaaaa!! Sorry! Sorry!"

Nasa pagitan ito ng hita ni Rhea, bwisit na driver to!

"Ahahahaha! Nakakatawa ka talaga!" sagot ni Rhea.

...
....
.....

Matapos ang walang kwentang usap, tumahimik ang paligid.. At kasabay ng pagtahimik nito sya ring pagka ubos ng utak ko ng sasabihin.. Speechless.. Nakatingin kami sa magkaibang direksyon, ang olats lang eh na-stranded ang direksyon ko sa palabas sa loob ng bus.. Vilma Santos.. Corny..

Gusto ko syang lingunin, titigan, at makipag kwentuhan.. Makipagpalitan ng ngiti at tawa. Makipagpalitan ng mga kwento tungkol sa paghihiwalay namin sa loob ng isang taon..

"Syet! Kailangan may masabi ako.." bulong ko sa sarili.

"P-pero ano?"

"Kailangan basagin ko ang katahimikang ito.. Pero paano? Yung mismong mukha nya nga eh hindi ko matignan.."

-----

"Rhea? Anong ginawa mo sa loob ng isang taon? Ibig kong sabihin anong mga nangyari sayo?"

"..."

"Kung ako ang tatanungin, eh wala! hehehe!"

"......... "

"Pero alam mo ba? Naisip ko din na bisitahin ka!" (Kahit hindi, may masabi lang!)

"............  "

"Tsaka naging busy din pala ako sa kakasubaybay sa Mara Clara! Nanonood ka ba nun?"

"................................ "

Siguro mas mabuti nang manahimik na lang ako.. Hindi sya interesado sa sinasabi ko, At sa tingin ko wala namang maganda sa mga sinasabi ko. Mukha lang akong tanga makuha lang ang atensyon nya..

"Yun lang ba gusto mong sabihin? Wala nabang iba Dudes?" tanong nya.

???

"Hindi mo man lang ba sasabihin na na-miss mo ako?" dugtong nya pa.

"Aba! Oo naman! Syempre na-miss din kita.." sagot ko.

"Totoo?"

"Oo!" sagot ko.

"Kasi kung hindi.."

"Ano?" maagap kong tanong.

"Kung hindi, siguro wala akong karapatang umupo dito sa tabi mo.." sagot nya na may halong ngiti sa kanyang labi.

"Ahahaha! Ano ka ba? Ano bang sinasabi mo? Kung si Rhea ang pag-uusapan, Aba! Hindi  pwedeng hindi kadugtong ang MISS!"

"Cheap shot!" sagot nya.

"But it's nice..

To hear..

those words..

from you Dudes.."

--------

2nd stop over.. Isang mini tourist spot, konti lang ang tao.. At mukhang hindi na aabot ang signal ng Smart kung magpapakabit ka ng internet dito. Konti din ang stand.. At wala ka nang makikita sa paligid kundi malawak na view ng bundok at kalikasan.

Pero oks! Napaka relaxing ng dating, lalo na at galing ka sa mahabang byahe..

"Huh? Teka? Nasaan si Rhea?" bulong ko sa sarili.

Lumingon lingon ako sa paligid, para hanapin ang maganda nyang mukha..

"Siguro nauna na sya para tumingin ng mabibili sa lugar at makakain.." dugtong ko pa.

Nag ikot ako sa lugar.. Lakad dito, lakad doon.. Ang ganda ng paligid sayang lang at wala akong dalang camera.

...
....

"Smile!"

Napalingon ako sa pamilyar na boses. Si Rhea na nasa likod ko..

"Nice! Ang cute mo dito Dudes!" natutuwa nyang sabi.

"Huh?! May dala kang camera!" puna ko.

"A-ha! Syempre kailangan natin ng remembrance para sa trip na to!" sagot nya.

"Isa pa! Tayong dalawa naman!" excited nyang boses.

"Vincent! Kuhanan mo kami, okei lang ba?" tanong ni Rhea kay Vincent na papunta sa aming direksyon.

"Sure!" sagot ni Vincent.

-----

Matapos ang napakahabang byahe, at napaka-boring na movie, swerte naming nakarating sa aming destinasyon na kumpleto at buo ang mga parte ng katawan, dahil mukhang panay NPA ang nagkukuta sa lugar na syang dinaanan namin.

Naglakad ng halos 30 minutos bago tuluyang makarating sa bayan, sumakay ng tricycle, At naglakad ulit.. Na sa tingin ko ay para akong pusa, na hindi na alam ang daan pabalik.. Unless ipa-LBC mo ako para makauwi..

...
....
.....

Malaki at malawak ang bahay na aming tinuluyan, may limang kwarto sa ikalawang palapag, kusina na kasing laki na yata ng kwarto ko na sa  tingin ko ay pwedeng mag lunsad ng cooking show on the spot! At ang malupit ay ang sala na pwede mong ipasok ang dalawang jeep, at pwede pang makisingit ang isang kabayo.

Matapos makapag pahinga, at makapag shower bumaba na ako patungo sa kusina kung saan mag sisimula na ang bakbakan.. este ang kainan! Sinalubong ako ng kanyang lola na grabe ang ngiti at tila na stuck up..

"Rhea iha.. Ito ba ang manliligaw mo?" usisa ng lola.

"Ahahaha! Hindi po lola!" agad kong sagot.

Ngunit ngiti lang ang sinagot ni Rhea..

-------

Kung iisipin kong maigi talagang sobrang nakakapagod ang byahe, para akong namasukan sa construction.. Pero masaya! Kasama ko si Rhea, para akong tumama sa lotto ng hindi tumaya at nagbayad.. Automatic ticket! Automatic milyonaryo!

Hindi tuloy ako makatulog..

Binilang ko ang mga tupa, pero olats! Sabay sabay silang lumulundag kaya hindi ko nasundan ang bilang. Sumabay pa ang ingay ng kulisap sa paligid, para silang mini-divisoria at fish market.. At dahil sa hindi matamaan ng antok na sinabayan ng pagkabato, nagpasya akong lumabas at magsindi ng kung anung mahihit-hit..

Naabutan ko si Rhea sa tapat ng pinto, malayo ang tingin.. Sakto! Ito ang magandang pasok!

"Ehem! Hindi mo din ba maubos ang mga tupa?"

"Ikaw pala.. Bakit gising ka pa?" sagot nya.

"Nawala kasi sa isip ko kung ilang tupa naba ang nabilang ko, eh nakakatamad nang umulit.." pasikat kong sagot.

"Dito ka sa tabi ko.." anyaya nya sa malambing na tono.

..
...
....

Malamig ang hangin, malamig din ang pawis ko.. Nakakainis ang kapayapaan paminsan minsan.. Pero ang titigan ang maamo nyang mukha, ay sobrang nakakapag pakalma ng maalinsangan na gabi.

"Akalain mo din.." una ni Rhea.

"Huh?!" sagot ko kunyari bingi.

"Sa totoo lang.. Ayoko nang makita ka pa.."

Hindi ako nakasagot sa tono ng salita nya.

"Sorry.. Tanga lang talaga ako.. Para lang akong ibon na hindi alam kung saan dadapo.." sagot ko.

"Hanggang kailan ka ba lilipad sa ere?" tanong nya.

"Hindi ko alam.." sagot ko.

Pumasok na naman ako sa eksena na hindi ko alam ang exit, o talagang pilit ko lang nilalayuan ito at pinipili ang fire exit, kung saan walang makakakita sa akin.

"Pero masaya ako't kasama ka.." malambing nyang boses.

"Hindi dahil nakikita kita ngayon sa tabi ko, kundi dahil nakikita kong masaya ka din kapag kasama mo ako.." dugtong nya pa.

"Masaya ako! Maniwala ka!"

"Masaya ka ba talaga Dudes? O masaya ka lang dahil alam mong nandito ako sa panahong wala sya?"

..
...
....

"Rhea.."

"Salamat! Maraming salamat sayo!"

Lumingon sya na may nagtatakang mukha..

"Nakabangon ako ng maayos, at nakangiti ng totoo dahil sayo.." paliwanag ko.

At bago ko pa mapansin, hawak ko na ang kanyang kamay.. Ang saya.. Nakalimutan kong magpaalam at magparamdam. Binalak kong bitawan, pero hinigpitan nya ang pagkakahawak sa kamay ko..

"Dudes, kapag binitawan mo pa ako.. Hindi mo na ulit ako mahahawakan ng tulad ngayon.." wika nya habang nakatingin sa malayo.

Pakiramdam ko'y lumundag ang puso ko ng dalawang beses, at tumibok ng limang ulit sa isang segundo, hindi nag circulate ng maayos ang dugo ko.. Na-trapik sya sa sobrang bilis ng supply galing sa puso ko. Kakaiba..

"Maaga pa tayo bukas.." may halong ngiti sa kanyang labi.

"Oo.. Tara! At baka mapagtripan pa tayo ng engkanto.." biro ko.

-----

Sa dulo ang kanyang kwarto at pangalawa ang sa akin.. Mauuna akong pumasok. Sa pagkakatalikod ko palang bago ako pumasok, hindi ko na mapigilang ngumiti.

Sumilip ako ng bahagya at tinitigan sya habang naglalakad papasok sa kanyang kwarto, hindi ko maiwasang pansinin ang kanyang seksing katawan.

At bago tuluyang makapasok, lumingon sya sa direksyon ko..

!@#$%!

Nahuli nya akong nakatingin.. Sigurado!

..
...
....

"A-a-ahh.. G-good night ulit!" nauutal kong sabi.

"Good night Dudes! See you tomorrow!"

She gave me a wink, and she said I love you without a sound..

!!!!

Pwede na akong pumanaw..

----

Kumukulo ang aking tiyan.. Ramdam ko! Parang may nag rumble na pusa sa loob.. Gutom na ako.. dinilat ko ang aking mata.. Galit na ang araw! Nakatitig sya sa akin at nagsasabing "Tutunawin kita hanggang maging pawis ka!".

Bumangon ako at nagkusot ng aking buhok, tumingin sa orasan na tila kasabayan pa ni Rizal sa tanda. Alas onse na pala! At magtatanghalian na! Kaya pala ganun na lang magwala ang aking alagang dragon..

Sumilip ako mula sa pangalawang palapag ng bahay, kung saan tanaw mo ang sala.. Walang tao! Wala ding ingay.. Tila may nangyaring krimen kagabi.. Tumayo ang aking balahibo..

"Good morning.." isang paos na boses.

Nilingon ko sa pinanggagalingan..

"Kakagising mo lang din?" tanong ng anghel ko sa umaga.

"Oo.." sagot ko.

Sa manipis nyang pangtulog, tila kita ko na ang kaluluwa nya..

Ngumiti sya ng pagkatamis tamis sa akin, niyapos ang kanyang braso, at bahagyang tinaas ang kanyang magkabilang balikat.

"Wala ka bang sasabihin?" malandi ang boses nya.

...
....
.....

"Good Morning?"

"Ahahaha! Ang sarap pala gumising kapag ikaw ang una kong makikita.." sagot nya.