Nakalimutang Gripo



Timecheck! 2:47am.. Madaling araw na pala. Masakit ang aking ulo nang bumangon ako sa higaan. Mistulang zombie ang aking galaw. Napadami yata ang inom ko. Peste kasi 'tong si bespren! Niyaya nya akong uminom sa bertdeyan, dinahilan pa ko sa asawa nya. Hindi daw kasi papayag yun lalo na at mag-isa lang syang sisibat. Ano naman kayang dinahilan nya nung kasama nya ko?

Madlilim ang kusina nang pumasok ako. Kahit one click button away lang ang sindihan nito ay tinamad pa din ako. Inisip ko din na sasakit lang ang ulo kapag nasinagan ng lliwanag ang aking mata. Baka mahilo pa ko! Paker!

Hinugot ko ang isang bote ng tubig sa ref. Malamig! Ang sarap laklakin. Saktong sakto pangpawala ng hang-over. Eh kung ipangpaligo ko na lang kaya ito? Hindi! Matutulog na lang ulit ako.

May kakaibang tunog na nanggagaling sa dako pa doon. Parang biglaang nagkaroon ng mini batis sa kusina ko. Sa pandinig ko ay tila may naliligo sa batis na yun. Nagtatampisaw. At dahil nga patay ang ilaw ay tila nagkaroon ako bigla ng takot. Syempre hindi pa din ako nagpadaig. Gamit ang lighter na nakapa ko sa bulsa ng aking suot na jeans, ay sinipat kong maigi kung saan nga ba galing. "Gripo! Gripong nakalimutang ipatay?" wika ko sa sarili.

"Nakalimutan mo na naman ang gripo bunso!" wika ni inay nung ako'y maliit pa. Palagi ko kasing nakakalimutang ipatay ang gripo sa kusina tuwing matatapos akong mag-tutbras. Lagi nya akong pinaaalalahanan, pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay lagi ko itong nalilimutan.

Sa katunayan matagal nang nawala ang hobby kong ganito. Ewan ko kung bakit ngayon lang nanumbalik. Inisip ko na lang na baka nasobrahan lang talaga ako sa alak. Pero wala din akong ala-alang nagtutbras ako bago matulog kaninang alas-kwatro ng hapon. Kaya pala amoy kanal yung tubig sa bote.

Dalawa ang knob ng gripo ko. Isang mainit at isang malamig. Pero tuwing tag-init, parehas silang mainit. Sinarado ko ang dalawa. Laking gulat ko dahil deretso pa din ang daloy ng tubig. Sira na naman! Peste! Paker talaga! Ayoko nang makunsume pa. Hinayaan ko syang tumagas ng tumagas. Hihintayin ko na lang ibigti ako ng may-ari ng bahay na inuupahan ko. Sigurado tatalak na naman yun kapag nakita nya ang bill ng tubig ko. hehehe! Lugi yata ako dun.

Sigurado kung nandito lang si nanay nagawan nya na ng paraan yan. Sya na mismo ang magpapatay ng gripo, pero papaalalahanan nya ulit ako. Nakaka-miss din si nanay. Matagal na kaming hindi nagkikita simula nang lumipat ako dito sa maynila. Hindi na din ako gaanong nakakatawag sa kanya nitong mga nakaraang buwan. Naging busy ako sa trabaho, at barkada. Ang huling kita namin ay nung bertdey nya noong 2010 pa. Nag-skype kami. Binilin nya pa sakin na may halong hiya na bilhan ko daw sya ng magandang damit sa shoemart. Lubha nya daw na ikatutuwa yun. Pero hanggang ngayon magsasara na yata ang shoemart, hindi ko pa din sya nabibilhan.

Masarap pakinggan ang paalala ni nanay. Makabuluhan at talaga namang may makukuha kang aral. Noon iniisip ko lang na sinasabi nya lang yun dahil magulang ko sya. Pero ngayong malaki na ko, at puno na ng kalokohan ang pag-iisip, ay masarap nang sariwain ang kanyang pangaral. Para lang akong nakinig ng sermon ng pari pero may kasamang lambing.

Nilalamig na ko dito sa kusina kahit pa mainit ang katawan ko sa alak. Mainam nang pumasok sa kwarto at bumalik sa pagkakatulog. Bukas may trabaho na naman. Kailan kaya ako yayaman?

Timecheck!  3:15am.. Paker! Gigising pa ko ng 5am! Makatulog na nga.

"Bukas na lang kita tatawagan ma, alam ko mahimbing ang tulog mo" bulong ko sa sarili.

Dec 25! Sa araw ng pasko. Dadaan ako ng shoemart. Salamat nalang at pinaalala sakin ng nakalimutang gripo.

-End

Balita (Tribyut kay Sir)

(Ang Gurong Walang Chalk at Pisara, Para sayo sir!)


Magtatatlong araw na kong nababagabag sa karamdaman ng kaibigan kong si Nico. Pumapasok ako sa trabaho na tila hindi mapakali, at isip ng isip. Kahit na ang amo at supervisor ko ay madalas nang napupuna ang tila hitsura ko, na mukhang nakatira ng syento bente. Nabigyan na din ako ng warning na tingin ko ay mauuwi na sa suspension, dahilan sa pagiging delayed ng mga reports ko.

Nagsimula ang lahat ng natanggap ko ang balita na galing pa sa pinas. Isa akong OFW, at sa tulong nga ng social networking site ay mabisang nakarating sakin ang mahalagang mensahe. Mula sa isa ding matalik na kaibigan kong si Andrew nanggaling ang patunay. "Pare si Nico merong malubhang sakit", na sinundan ko naman agad ng kalokohan. "Malabo yata yan, si Nico tatamaan ng sakit?"

Sa mga sumunod na pag-uusap ay tila gabutil na ang pawis ko. Hindi ko maatim na seryoso si Andrew sa kanyang mga sinasabi. Hindi ko pa kayang maniwala. Si Andrew ang tipong hindi mo makikitaan ng seryosong bagay sa buhay, at si Nico naman ang kaibigan kong matatag sa lahat ng bagay. Ang salitang problema ay kasing babaw lang ng usapin patungkol sa kaso ni DPGMA, pagdating sa kanya.

"Uuwi na ako, pakisabi na lang kay Nico magpagaling at iinom pa kami!" matapang kong pahayag na kahit may konting kalungkutan nang nadarama, ay tila tinatago sa bawat letrang sine-send ko sa chatbox. Kasunod ang isang taimtim na dasal na tila umaasang makakarating.

Lunes. Matapos kong tapusin este habulin ang dead line ng mga reports, ay tila hindi ko na napansin ang oras. Gabi na at talaga namang nanunuyot na sa buto ang lamig nung nagpasya na kong umuwi.

Gutom, Hapong hapo, at natutunaw na kandila ang pakiramdam ko ng makauwi sa bahay. Nadatnan ko pa ang adobong tatlong araw nang pinagpepyestahan ng langgam. Mabilis kong nilapat ang patang pata kong katawan sa kama, at agad na pinikit ang aking mga mata. Nagbabadya nang gumala ang aking pagod na isip sa kawalan, nang biglang may humatak ng aking kaluluwa pabalik sa aking katawan. Ang nakaka-awang mukha ni Nico ang agad na sumingit sa aking isipan. "Syet.." Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan.

Agad agad akong nakibalita sa mga tropa gamit pa din ang social networking site na naging mabuting daan, para makasagap ng impormasyon.

"Pre, bakit ngayon ka lang nag-online? Nandito na ang mga baranggay tanod sa atin" mensahe ni Andrew na tuluyang nagpatayo ng aking balahibo mula batok hanggang sa ilalim ng brief. "Wala na si Nico! Sabi nila tita na nasa hospital ngayon".

Sa katulad kong walang talento sa pag-aartista, ay tila hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Bumagsak ang magkabila kong balikat, at nangatog ang aking mga daliri na na-i-stock sa ibabaw ng keyboard. "Pare! balitaan na lang kita kapag dumating na ang kaibigan natin dito.." paalam ni Andrew na nagmamadali.

Huli na nang napansin kong bumabaha na pala ng luha sa aking mga pisngi. Isang magiting at mabait na kaibigan si Nico, walang takot sa lahat ng bagay. Isa syang nabubuhay na example ni Andres Bonifacio. Maituturing na makabuluhan ang aming pagsasama na sa isang iglap lang ay natapos ng walang katuturan.

"Nakalimutan ko bang ipagdasal sya?"

"Naibilin ko sya ng maayos sa diyos.."

Malalakas na patak ng tubig na lang ng shower ang tanging naririnig ko. Sinabay ko dito ang pinagsamang iyak at galit sa mundo. Walang ibang dahilan. Walang dapat sisihin. Kinuha nya ang kaibigan ko nang ganun lamang kadali. Hindi sya nagbigay ng senyales, ni hindi nya ko binigyan ng pagkakataong makausap man lang ito.

Sinisisi ko ang diyos! Hindi sya naging patas sa tao. Hindi sya naging mabuti sa kaibigan ko. Hindi nya ito binigyan ng tamang panahon para makabawi sa sakit. Nagkalat ang masasamang loob sa mundo na nagmistulang buhay na impyerno sa modernong panahon. Bakit hindi silang mapang-abuso? Bakit hindi silang nakaupo sa trono? Bakit hindi silang nagpapasya sa lahat ng bagay? Bakit ang kaibigan ko? Bakit?

Tuluyan nang natuyo ang balon na dati'y umaapaw sa paniniwala at respeto. Walang diyos na magliligtas sa tao. Walang taong nasa langit na nakaupo sa kumikinang na trono, at may mga anak na nakaupo sa kanyang paanan. Naglaho na ang imahinasyon ko patungkol sa diyos.

Galit ang aking puso, pagod ang aking damdamin, sawa na at sarado ang aking tenga. Tuluyan kong tinapos ang aming relasyon, kasabay ng huling patak ng tubig sa loob na nanggagaling sa shower sa loob ng banyo.

"P.I. walang kristo na syang pinaniniwalaan ko" bulong ko sa sarili.

Naabutan kong nakalog-in pa din ang aking account sa networking site na kanina ko pa binabanggit. May iilang mensahe galing sa iilang kaibigan, at kakilala. Lutang ang aking isip, lumilipad, at walang kakayahang gumana. Lima hanggang anim na minuto bago ko basahin ang mensahe galing kay Andrew.

"Pare, nagkakagulo dito, madaming tao, may hindi pagkakasundo sa pamilya nila Nico" Hindi ko naisipang sumagot. Naumay na yata ako sa balita. Immune na ang storage ng utak ko para tumanggap pa ng news feed.

"Buhay pa daw si Nico, at lumalaban pa sa kanyang karamdaman. Nagtatalo sila kung saan galing ang balita"

"Pre? Nandyan ka pa?"

"Pare?"

Ngayon, tila hindi ko alam kung paano ako titingin sa taas, at hihingi ng tawad.

-wakas

"Nawala ka man dito, hindi ka naman mawawala sa puso namin. Kita kits sa bus stop senpai"

Teenage Cappuccino - 9

TEENAGE CAPPUCCINO - A taste of honey (Chapter 9)

Minsan may nagtanong sa akin.. Kung ano ba daw ang pangarap ko? Sagot ko simple lang..

"Makabili ng gitara.."

Bakit daw ang simple, bakit daw hindi camaro, porsche, o ferrari. Pwede din daw ang house and lot katabi ng bahay ni DPGMA, Negosyong kayang bumuhay ng 3rd generation ng lahi namin, at maging artista. Sinabi ko sa kanya na hindi simple ang pangarap ko.. Puhunan pa lang yun. Kumbaga starter pack pa lang.. at ang resulta.. Hindi nya na gets.

...

Sabi ni Bob Ong.. Isang dekada lang daw ang pag-aaral.. at kapag hindi mo natapos, eh 50 taon ng buhay mo ang ikalulugi mo. Bilib din ako sa mga taong masipag mag-aral at may degree.. Bakit kamo? Maganda ang sweldo, at maraming opportunities.. San ka pa? Papasok ka lang ng opisina para mag harvest ng mga tanim mo sa Farmville, at mag check ng notifications sa FB, mentions sa Twitter, at Unread replies sa PD.

Ako? Wala akong degree..

Nabubuhay ako ng malaya, at HINDI ko kailangan ng alarm clock sa araw araw, sticky notes o post it sa monitor ng pc, at isang katerbang supplement para hindi ka magmukhang pang double sa isang horror movie, sa pagsalo ng galit ng amo mo.. Simple lang naman din kasi ang palatuntunan ko sa buhay, kasing simple ng kape na iniinom ko ngayon habang nagsusulat ako.. Ano yun? Konting Sipag.. Konting Tiyaga, at isang katerbang kakilala..

--------

"I'm home.."

"Robert.. kailangan ko pumunta sa tita mo ngayon.. maiwan ka muna dito--"

"Robert! Robert!"

Hindi ko na nagawa pang pansinin si ermats. Diretso akong umakyat at agad na nagkulong sa kwarto. Emo emohan ang dating.. Daig pa si Bagyong Pedring, kung ihagis ko na lang ang aking mga gamit.. tapon dito tapon doon.. at tila wala akong pakielam sa mundo.

"Sigh.."

Agad akong humiga sa kama.. tulala at nag-iisip ng bagay bagay na hindi naman talaga dapat isipin..

"Ganito pala talaga magmahal.."

Bulong ko sa sarili. Hindi ko lubos maisip na dumadaan ako sa ganitong parte ng buhay ng isang normal na tao. At bakit sa dinami dami ba naman ng babae sa mundo, eh sa tipong stubborn pa ako nagkaroon ng intense feeling. Parang toothpaste lines lang..

Tiningala ko ang desktop ko, bukas pala sya at nakalimutan kong i-off.. Inikot ko pa saglit ang aking paningin, at tuluyang bumagsak ang mata ko sa aking phone.. Mabilis ko itong dinampot, at bumalik sa pagkakahiga. Tumingin sa laman ng phonebook, at hinanap ang pangalan ni Sophy.. Alam kong sa isang pindot lang ay maaari kong makausap ang aking prinsesa, pero sa tingin ko ay wala din akong masasabi.. napadpad ang aking daliri sa inbox.

Check ng mga past messages.. Nakakagulat na panay txt msg lang ni Sophia ang laman nito. Inisa isa ko itong basahin hanggang mabuksan ko ang mensahe na hindi ko matandaan kung nabasa ko nga ba o hindi..

Isang quotes..

"Thank you for being there when I needed you the most. Thank you for helping me through all those tough times in life. Thank you for being such a good friend no matter what I did, but most of all, thank you for being you."

At kahit paulit ulit ko itong basahin, nakakapagtaka ang pakiramdam na parang ang layo layo nya na sa akin..

<Come what may intro as a SFX>

Wala sigurong magyayari kung magmukmok din ako dito, pero nananaig yung isang parte na kahit pilitin ko, eh tila wala akong magagawa sa ngayon, at ang pagmumukmok na lang ang last option.

Ibabalik ko na sana ang phone sa pinaglalagyan nito, nang bigla itong nag ring..

Unknown Caller!

"Hello?" mabilis kong sagot

"hello? Robert?"

"Sino 'to?"

"Sorry! Si Agnes 'to!"

Agnes? Ano bang meron at bigla syang napatawag? At sino na naman ang magaling na nagbigay ng number ko?

"Oh!"

"A-eh busy ka?"

"Hindi! Hindi! Bakit napatawag ka? at saan mo nakuha--"

"Paalala ko lang sana yung nalalapit na writing session natin.."

"Sigurado ka? Para kasing napag-usapan lang natin yan kanina sa klase.."

Bago ko malimutan.. Si Agnes ang napili bilang club president. Sa galing at natural na husay nya sa larangan ng pagsusulat eh hindi na ako magtataka. Ang write up nya agad ang unang napansin ng aming club adviser.. at sa isang iglap eh parang kupunan ni DPGMA, na nag 12-0 sa maguindanao ang pagkaluklok nya sa pwesto. May pinagkaiba pala.. walang dayaan na nangyari.

At ako?

Walang napala ang gawa ko.. Sabi ng adviser namin, ay masyado daw predictable ang istorya ko, at sobrang typical.. At sino ba naman kasing matutuwa sa istorya ng isang prinsesa at ng duwag nyang prinsipe.

"Uhm.. and gusto ko lang din, kasing alamin kung ok ka lang ba.. uhmm.. alam mo na yun!"

"Yung sa amin ba ni Sophia?"

"uhm! uhm! sorry ha.. I know it's my fault.."

"hindi naman.. aksidente yun! kailangan ko lang siguro kausapin sya ng maayos.."

"kung may maitutulong ako.. magsabi ka lang.."

Hindi ko alam pero mukhang magandang ideya yun ha! Kung tutuusin, alam ng babae ang mga bagay na makakapag pagaan ng loob nila. Si Agnes ay isang babae, at alam nya ang dapat gawin ng isang lalaki para amuhin sya.. Hmm!

"Robert? nandyan ka pa ba? Robert?"

--------

Nakakatamad ang umaga.. at mas lalong nakakatamad kung walang inspirasyon sa bawat paggising mo. Dahan dahan kong binabaybay ang kalsada patungo sa eskwelahan..

Saglit akong napahinto bago pa makarating sa senior building, naalala kong hindi doon ang unang klase namin.. Agad akong dumiretso sa locker para magpalit ng PE uniform.

Nasaan nga ba si Sophia?

Magsisimula na ang unang klase pero hindi ko pa din sya nakikita sa rooftop ng senior building.. Naupo muna ako sa bench, habang tinatanaw ang kalakihan ng school. Mula sa kinauupuan ko, makikita mo ang apat na naglalakihang gusali ng eskwelahan, at isang maliit na gusali at yun ang technical bldg kung saan madalas nilulunsad ang maliliit na event ng school.. Tanda ko pa ang movie club noon, at dahil kulang sila sa suporta ay tuluyan nang naisara, at nawala sa ala-ala ng mga teacher at mga estudyanteng nagsimula nito..

Nagmasid akong maigi sa paligid.. Bigla akong nakaramdam ng lungkot.. Konting panahon na lang pala ay iiwan ko na ang school na 'to. Maraming magbabago sa tiyak na pag-alis ko. May mga kaklase na siguradong hindi ko malilimutan, at mga titser na balak ko talagang kalimutan. Ang tanong lang na laging naglalaro sa isip ko.. Eh ano nga ba ang magiging ako pagkatapos nito?

Saan nga ba ang destinasyon ko?

Anong naghihintay sakin sa labas ng apat na sulok ng pag-aaral sa HS?

Anong meron sa tinatawag nilang kolehiyo?

At ano nga ba talaga ang pangarap ko, at balak gawin sa hinaharap?

Napansin ko na hindi pala maayos ang pagkakatali ng sintas ng puti kong rubber shoes.. Yumuko ako at inayos 'to na naaayon sa gusto ko. Nakita kong nagdadatingan na din ang mga klasmeyt ko.. Kadalasan babae. Madalas kasi sa mga lalaki, eh ayaw nila ang PE, bukod daw kasi sa ibababad ka sa initan para gawing daeng, eh hindi nila ma-appreciate ang sigla na binibigay ng exercise sa katawan tuwing umaga.

At nasaan na nga ba si Sophia?

Maya maya pa ay dumating na ang titser namin na si Ms. Eva Kuwait, na kapag binanggit mo ng deretso ang buong pangalan nya ay kayo na bahalang mag-isip..

"Bakit kayo lang? Nasaan ang ibang boys?" bungad agad ng titser ko.

"Ma'am nasa canteen po!" sagot naman ng mga teacher's pet.

"Isa.. dalawa.. tatlo---"

Abala si Ma'am sa pagbibilang sa mga estudyante nya, na kahit pumikit naman sya ay kayang kaya nyang bilangin 'to..

"Ma'am sorry! I'm late!"

Walang iba kundi ang prinsesa ko!

Bigla akong nabuhayan ng dugo! Pakiramdam ko'y kahit 200 push ups ay kayang kaya ko, samahan mo pa ng 30 minutes jogging na hindi umaalis sa pwesto..

"Wala nang hahabol?"

Walang sumagot, ibig sabihin simulan na ang kalbaryo..

"Sophia.. dun ka na lang sa left side ni Robert.."

Tama ba narinig ko? Sa tabi ko? Kahit araw araw ko sya nakakatabi ay parang iba pa din ang excitement ko sa umagang 'to. Pakiramdam ko'y ngayon ko lang ulit sya nakita at parang huling beses na din.

Mabilis na puwesto si Sophia ayon sa instruction ni Ms Eva.. Tahimik naman ako at hindi mapakali habang nakikita syang papalapit sa akin..

"Good morning--"

"Good morning.."

Busy na busy si Ma'am sa pagbibigay ng instruction, habang ako ay busy sa paghahanap ng pagkakataon para makausap si Sophia. Isang dipa lang ang pagitan saming dalawa, pero parang nagkaroon ako agad ng stiff neck at hindi ko magawang lingunin sya..

Kailangan may masabi ako..

Kailangan makuha ko ang atensyon nya..

---------

"Sigurado ka Agnes?"

"Oo Robert! Ayon sa aking mga nababasa, eh yun ang pinaka epektib para mapatawad ka ng isang babae.."

"Hindi ba nakakahiya yun?"

"Kung iisipin mo talagang nakakahiya, pero kung para kay Sophia kamo eh sigurado makakaya mo yun."

"Alam mo madali lang kasing isipin, pero mahirap gawin.. yung pinagagawa mo eh parang sinabi mong tumalon ako sa isang swimming pool na may limang buwaya, at kasing laki ni Lolong.."

"At!"

"At ano?"

"Kailangan yung emotion daw ay may intensity!"

"Huh? ano? sinasabi mo bang umarte ako?"

"Hindi! Kung aarte ka, eh di parang walang sincerity na makikita sayo.."

"Ano bang ibig mong sabihing intensity at emotion with sincerity?"

"ganito! for example--"

---------

Natapos ang kalbaryo, este ang PE class pero ang tanging nasabi ko lang ay "good morning"

Mabilis kong kinuha ang aking bag.. Napansin kong mabilis din ang pag-alis ni Sophia na parang umiiwas sya sa akin. Agad ko syang hinabol.. pero syempre pasikreto lang, yung tipong hindi nya mapapansin na sinusundan ko sya.

At sa kalokohan ko ay tuluyan syang nawala sa paningin ko.. Mabilis syang naglaho..

"Argghh! Sophia nasaan ka nagpunta.." bulong ko sa sarili ko.

..
...
....

Sophia

Hindi ko naman talagang gustong iwasan si Robert.. Sa katunayan nga ay napuyat ako kakahintay lang ng tawag na manggagaling sa kanya, o kahit simpleng txt lang ay mapapatawad ko na sya..

Pero..

Pero sa isang banda, eh naiinis pa din ako sa kanya.. ganun na din sa sarili ko.. At bakit ba kasi hindi ko sya pinagbigyan magpaliwanag? Tuloy ngayon hirap din ako.. Noong mga oras na yun, ay nagsama sama ang hinala at inis.

Agad akong nagtago sa CR, para lang hindi nya ako makita.. Wala pa din akong masasabi sa kanya, at bilang babae at sya ang may kasalanan ay hahayaan ko na sya ang mauna bumati sa akin.

------

"Ahh.. Na-gets ko na!"

"Buti naman.. kasi ang haba na ng phone call na 'to.."

"Hahaha! Oo nga no.. Almost 30 minutes na din tayo magkausap.."

"So paano? Kaya mo ba?"

"I'm not so sure.. Pero i'll try pa din.."

"Sige.. Sana talaga makatulong ako sa pagkaka-ayos nyo.."

"Marami ka nang naitulong sa akin, ako dapat ang bumawi sayo.."

"Ok lang yun.. Sige na Robert, gagawa pa ako ng report.."

"Sige sige! Bye! takits na lang bukas!"

..
...
....

"Wait Agnes!"

"Oh?"

"Thanks ha!"

"Hahaha! Welcome po.."

<End of call>

"Hays.. Robert.."

------------

Ilang oras na ba akong nakatitig sa blackboard na kulay green at hindi black.. Ilang klase na din ang lumipas pero hindi pa din ako iniimik ni Sophia, magkatabi nga kami pero para naman kaming mga bulag..

Hindi na ko makatiis!

Kailangan kong may masabi! Kahit isa lang! Please naman! Something came up on my mind.. Kunwari ay malalaglag ang pen ko dun sa harap nya.. Hehehe! Magandang simula! Inasinta kong mabuti kung saan 'to lalanding..

...

Sakto!

Napatingin sya.. yun nga lang hindi sa akin, kundi dun sa pen! At bakit ba hindi ko naisip na hindi nya ito dadamputin.. Tinignan nya lang ito at tumingin sa akin, naglalaro ang kanyang mata sa tanong na "BAKIT?"

Bakit nya dadamputin? o Bakit ko hinagis ang ballpen ko..

No choice.. Tatayo nalang ako para damputin 'to, biktima ako ng kalokohan ko.. Ngunit sa pagtayo ko ay sya ding tayo ni Sophia.. tipong dadamputin nya din ang pen.. Pero huli na ang lahat.

Nagka-untugan kami!

"Aw!"

"Sorry!"

"Hmp!"

"Sorry nga eh!"

"Eh bakit ba kasi hinagis mo yang ballpen mo?"

"Hinagis? Hindi sadya yun!"

"Halata kaya.." sabay irap sa akin.

Halata ba? Olats.. Gusto ko nang mag walk out..

.........

Sophia

Ang bagal naman ng lalaking 'to.. Konti na lang at mapapanis na ang laway ko sa ilang oras na katahimikan.. Kanina ko pa sya tahimik na ninanakawan ng tingin. Ngunit parang wala sya sa sarili.. Batid ko namang may gusto syang sabihin pero bakit ba pinatatagal nya pa?

Ilang minuto na lang at matatapos na naman ang isang subject.. Ano ba Robert?

Magsasalita na sana ako nang napansin kong hinagis nya ang kanyang ballpen.. para saan yun? sinadya nya kaya yun para magawa sya ng paraan para kausapin ako?

...

Hindi ko malalaman ang sagot kung tatahimik lang din ako dito, tumayo ako para damputin na 'to.. Pero biglaan din syang tumayo.. Ang resulta?

Nagka-untugan kami!

"Aw!"

"Sorry!" mabilis nyang sagot.

"Hmp!" pag-aarte ko naman.

"Sorry nga eh!"

"Eh bakit ba kasi hinagis mo yang ballpen mo?"

"Hinagis? Hindi sadya yun!"

"Halata kaya.." paraan para magiba na ang pader sa aming dalawa.

Ngunit dahil inabot na kami ng kamalasan, eh nag ring na ang bell.. Senyales ng break time!

------------

Nag-ring na ang bell! At wala akong nagawa, este nasabi man lang.. Mabilis akong tumayo, para alukin syang sabay na lang kaming kumain. Dinampot ko agad ang aking mga gamit..

"Sophia.. Sabay na tayo--"

Ngunit kung anong bilis ko, eh sadyang may mas mabilis pa pala sa akin.. Mabilis nyang kinuha ang bag ni Sophia at agad na sinabit ito sa kanyang braso.

"Sophy, sabay na tayo sa canteen.."

"Oh Raymond! Kanina ka pa ba dyan?"

"Oo.. hinintay ko talaga matapos ang klase mo.. Nandun lang ako sa labas ng room nyo.."

"So? Tara.."

"Si-sige.. Teka sandali!"

"Bakit?"

"Nasaan na si Robert?"

"Umalis na.." sagot ni Raymond habang tumitingin sa paligid.

"Ayun! Yun pababa sa hagdan!"

"Bakit Sophy?"

"Wala naman.. para kasing may sasabihin sya.."

At nasaan ako? Oo! Mabilis akong umalis sa eksena, bago pa man ako magmukhang tanga sa harap nilang dalawa. Mabilis din akong bumaba ng hagdan, wala na kong balak mag lunch.. Gusto ko na agad dumiretso sa club..

Mabilis ang aking mga hakbang, pakiramdam ko'y parang may bagay na masakit sa akin, at hindi ko maipaliwanag..

------

Matutulog na sana ako matapos ang pag-uusap namin ni Agnes, nung bigla syang nagtxt..

"Good luck Robert! Gudnyt!"

Hindi na ako nagreply, mabilis kong nilapag ang aking phone sa gilid ng kama.. Niyakap ang unan at nagmuni muni. Ganito pala ang magmahal.. Mapipilitan kang gumawa ng mga bagay na sa tingin mo ay sa telebisyon lang nangyayari..

Pinikit ko ang aking mga mata..

Sa gitna ng kadiliman, ay ang maliwanag na mukha ni Sophia ang syang pilit na lumalabas sa aking imahinasyon..

Sa loob loob ko.. Hahayaan ko bang mawala sya? Hindi! Hindi diba?

-------

Susuko na sana ako.. Pero naisip kong mali pala talaga yun.. Maling sumuko sa isang bagay na hindi ko pa nasusubukan.. Sayang ang effort ni Agnes, ang kanyang pagpapaliwanag, at pagbibigay ng lakas ng loob sa akin kung susuko lang ako. Sayang din ang load nya..

Mula sa mabilis kong paglalakad ay agad akong huminto, tumingin sa likod.. Sa gitna ng init ng araw.. Sa gitna ng quadrangle.. Kitang kita ko si Sophia na kasama si Raymond naglalakad.

Ngayon na..

"Kung nandito ka Agnes, sana makita mo ang gagawin ko.." bulong ko sa sarili ko.

Agad akong naglakad pabalik.. pasalubong sa direksyon ni Sophia at Raymond. Alam kong nakakahiya ang gagawin ko, pero tiwala ako kay Agnes, eksperto sya sa mga ganito! Based daw sa mga napapanood nya at nababasa..

..
...
....

Wala nang oras para mag back out..

Napansin ni Sophia na masasalubong ko sila, naglalaro ang kanyang mga mata at hindi ito mapakali..

Sa gitna ng matinding sikat ng araw.. Oras na para agawin ang titulo, sorry for being late again..

Hinablot ko ang dalawang braso ni Sophia, na ikinagulat naman ni Raymond.

"Robert?!"

"Sophy.. Sorry!"

Hindi ko talaga alam kung magagawa ko ang mga sinabi sa akin ni Agnes, ngunit dinala na ako ng pakiramdam ng isang taong desperado.. Huli na ng napansin kong nakaluhod na ako sa harap ni Sophia, habang hawak ang dalawang palad nya.

..
...
....

"Sophia Sorry!"

"Tumayo ka dyan Robert! Nakakahiya!"

"Hindi ako tatayo dito hanggat hindi ka sumasagot.."

"Robert! Nahihiya na ako!"

"Please!"

"Lagot ka sakin pagkatapos nito! Naku! Humanda ka talaga!"

"Hindi! Hindi kita bibitawan!"

Nagmukha akong tanga, pero keri lang.. Bukod sa mga taong nakatingin sa amin, ay nandyan ang nagtatawanan at nang-aasar. Wala na akong pakielam! Sa bagay na sanay na akong mapahiya, at magmukhang tanga.

"Whoo! Ang baduy mo!"

"Hahaha! Nakakahiya ka bro!"

Mga naririnig ko sa paligid.. Kanya kanyang kutsa ang mga tao, meron din naman kinikilig.. at merong parang tanga lang na nakatingin lang, at nag-aabang ng kung anong mangyayari..

Nang makahanap ng pagkakataon ay mabilis na hinili ni Sophia ang kanyang mga palad.. Kasunod ang isang matunog na batok!

"ROBERT! Tumayo ka dyan, for the last time!"

Hindi ako nakinig.. Hindi ako sasagot! At hindi ako magpapatalo.. Epektib to! Epektib to!

Tumalikod si Sophia, at deretsong naglakad na may halong inis.. At naiwan akong nakaluhod.. ang nakakainis pa ay lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao sa paligid.. At huli na din ng napansin kong madami na pala ang mga estudyante na bigla bigla nalang bang sumulpot.

"Better luck next time bro.." pang-aasar ni Raymond.

Dahan dahan akong tumayo na nakayuko ang ulo.. Tinitignan ko lang ang aking prinsesa na naglalakad papalayo sa akin.

<Come what may intro as a SFX>

..
...
....

Dinig ko ang mga bulong ng mga tao..

Ginala ko ang aking mata paikot sa mga nakapaligid sa akin..

Merong nagsasabing "Okei lang yan" merong naaawa, at meron ding napapa-iling na lang.. At merong isang may lakas loob na nagsabing..

"Tatayo ka na lang ba dyan?"

Napangiti ako sa kanya.. Ganun din sya.

"Go Robert!"

Sumenyas ako ng thumbs up..

"Thanks ulit.. Agnes.." bulong ko sa sarili.

Sampung dipa lang ang layo ni Sophia sa akin.. Mabilis ko syang hinabol.. Nagulat ang mga tao sa aksyon ko na tila nasa isang romantikong eksena..

Naabutan ko sya, at mabilis kong hinawakan ang kanang kamay nya, gamit ang aking kaliwang kamay.. At ang ang aking kamay sa kanyang batok.. Hinila ko sya pabalik sa akin..

Sa unang pagkakataon..

Sa pang-apat na taon ko sa HS..

Sa harap ng mga audience ko..

at sa unang babaeng minahal ko..

..
...
....

Wala sa plano, Wala sa napag-usapan..

Nagdikit ang aming mga labi..

Teenage Cappuccino - 8

TEENAGE CAPPUCCINO - Raymond's Turn (Chapter 8)

A great relationship requires two main things.. First.. is to find out the similarities and second.. is to respect the differences. -The Notebook of love

...

"Robert!"

Hindi ko napigilan ang aking mga luha na tuluyang bumagsak.. Pakiramdam ko'y natulay ang prediction ni Nostradamus patungkol sa 2012 doomsday, at ng lintik ng Mayan Calander ang The Great Galactic Alignment, kung saan ang isda sa karagatan ay maha-half cook blah blah blah..

"Robert!!"

Pilit ko mang pigilan ang kanyang pag-alis ay tila wala talaga akong magagawa.. Yun ang sarili nyang desisiyon, ang tuluyang lumayo at kalimutan ang lahat ng bagay na nagpapa-alala sa kanya..

"Robert!!!"

..
...

Nagising akong may bakas ng luha sa aking mga pisngi..

Kasabay ng pagbalikwas, ay nakaramdam ako ng kakaibang nginig sa katawan.. Ang isang kakaibang panaginip na hindi ko maintindihan, kung saan isang tao ang nagpapa-alam sa akin. Bigla kong naalala si Erpats..

Pero bago unahin ang pagmumuni muni, ay dapat muna akong magmadali.. Bakit? dahil malalate ako sa klase! Napuyat ako kagabi kakaisip sa eksena namin ni Sophy nung kinahapunang yun.. Grabe! Para akong bida sa isang pelikula talaga! Pero syempre bago ang lahat.. kailangang pumasok..

-----

Swerte pa rin talaga! Dahil pasimula pa lang ang unang klase sa umaga, at tulad ng nakagawian.. Magagandang ngiti ni Sophia ang sumalubong sa akin..

"Good morning kuya!"

"Morning!"

"Tinanghali ka yata.."

"Gumawa kasi ako ng presentation ko para sa club.. write ups.."

"Talaga? pabasa naman ako!"

"Ayoko!"

"Bakit? dahil ba magkaiba tayo ng club?"

"Nope.. dahil baka makornihan ka lang.."

"Hahaha!" love story ba?"

"Medyo.."

-------

Hanggang kailan ba kami ganito? Hindi ko gustong matapos ang mga oras at sandali na kasama ko sya.. Masaya ako sa tabi nya, at alam kong ganun din sya.. Kung gagantimpalaan lang ako ng tatlong kahilingan, yun ay yung makasama ko sya sa tatlong cycle ng buhay ko. Hindi ako magsasawa sa kanyang mga ngiti, sa kanyang mga tawa, kakaiba man ang kanyang ugali at pananaw sa buhay.. Isa lang ang sigurado ako.. Masaya ako sa kanya.. ganito ang teenager, sweet kahit korni..

Matapos ang unang klase, agad kong inunahan ng tanong.. Paraan para makaiwas sa pangungulit nya tungkol sa write ups ko.

"Sophy.. Kumusta sa club nyo?"

"Bakit bigla mong natanong?"

"Huh? Hindi ba pwedeng itanong yun?!"

"Pwede.. nakakagulat lang.. o baka iniisip mo na nauunahan ka na ni Raymond?"

Lintik!

"Hindi no! Hinding hindi ako magpapatalo sa kanya--"

Sabay batok sa akin..

"So galingan mo!"

...

Napatingin na lang ako sa bintana, habang naghihintay ng susunod na klase.. Hindi ko pa din kasi lubos na maisip na sa huling parte ng HS life ko, magkakaroon ng ganitong klaseng experience sa pag-ibig..

Gulat naman ang sumalubong sakin ng biglang sumulpot si Agnes sa bintana kung saan ako tahimik na nangangarap..

"Robert!"

"Agnes! Kumusta!"

"Ok lang.. dinaanan lang kita!"

"Ganun ba.."

"Kita na lang tayo mamaya!"

At diretso na syang umalis.. Ganun pa din ang attire nya, hindi ko ma?tindihan kung geek ba sya o talagang old fashion lang.. nagmumukha syang matanda..

Sya naman tong siko ng prinsesa ko..

"Nagkakasundo kayo mabuti no?"

"Medyo lang.. sya lang kasi ang normal kong nakakausap sa club.."

"Abnormal ba mga tao dun?"

"Hindi.. Hindi ka nagkakamali.."

"Wag kang malalate mamaya, gusto ko ikaw ang mauunang maghintay sa akin sa labas.."

Tumango lamang ako sa kanya.

------

Agnes

Hindi ko sigurado kung magugustuhan ni Robert ang write up ko, pero sya lang naman kasi ang may kalas ng loob na magsabi na maganda ang mga sulat ko. Dumaan ako para ipabasa yun sa kanya.. Ngunit katabi nya ang babae kahapon.. Girlfriend nya yata yun.. Kaya hindi ko na nagawa pang ipakita sa kanya.

Bago ako tuluyang pumasok sa pangalawang klase sa umaga, dumiretso muna ako sa club namin para i-review ang sinulat ko. Wala pang tao nung dumating ako, doon ko pa lang napansin na bago pa lang talaga ang club, dahil sa bago lahat ng furnitures na nandun. Yung mga libro lang ang medyo luma.

Naupo ako sa isang sulok. Sa pwesto kung saan pakiramdam ko'y kumportable ako. Ganon kasi ako kapag kailangan kong mag-isip.. Habang nirereview ko ang aking nasulat, ay hindi ko maiwasang isipin si Robert. Gusto kong makita ang gawa nya.. sa tingin ko dun ko makikita kung anong klaseng tao sya. Excited na ako..

...

Matapos ang konting pag-edit ay agad akong lumabas ng kwarto para dumiretso sa susunod na class schedule. Hindi pa man ako nakakalayo ay agad na may bumangga sa akin.. Isang lalaki na naka pang balerina ang suot, para syang sasali sa high school musical na ang ganap ay isang.. Bakla?

"Sorry! Sorry talaga ma'am! Nagmamadali kasi ako!"

"Ma'am? estudyante po ako sir.."

"Alam ko.. Para ka kasing teacher sa attire mo--"

"Hahaha! Joke lang miss!"

"Ok lang.. Saan po ba ang miss gay?"

Namula sya at halatang nainis sa pang-aasar ko.. Bumawi lang naman ako sa pang-aasar nya.

"Sa dance club po ako, at hindi ko talaga gusto ang suot ko ngayon!"

"Kaya naman pala.. Sorry! By the way.. I'm Agnes! Agnes Chu!'

"Richard! Richard Torres!"

Hindi na sya nagpaalam at tuluyang tumakbo papalayo.. Halata ngang nagmamadali sya.. Aalis na sana ako nung napansin kong hindi ko bag ang dala dala ko.

Hinabol ko pa ng tingin si Richard, at kumpirmado na nagkapalit nga kami ng bag.. Balak ko sanang habulin pa sya ngunit mahuhuli na ako sa klase.. Good thing at bitbit ko lang ang aking mga notes, kasama ang write up ko.

-----

Tumingin ako sa relos.. sinasabi nitong malapit na ang break, kaya pala ganun na lang kaingay ang aking tiyan sa pagwewelga. Matapos ang dicussion ay agad nag deklara ang aming titser ng halfbreak.. Parang basketball lang, kaso walang halftime show.

Agad kong niyaya si Sophia, para naman kahit paano ay makapuntos ako sa kanya. Pogi points ang tinutukoy ko..

"Dalhin ko na yang gamit mo.."

"Sure.. thanks!" kasunod na naman ang malupit nyang ngiti.

Palabas na kami nung masalubong namin si Richard, na punong puno ng pagkadismaya ang mukha.. Ang nakakapagtaka lang ay bakit nakapang balerina ang suot nya. Gusto ko sanang tumawa pero mukhang wala sya sa mood.

"Brad.. Hindi pa tapos ang practice?"

"Tapos na.. Kaso may problema ako brad! Waaaaaaaaaa!"

"Relax.. ano ba yun?"

Tahimik naman si Sophy sa tabi ko, nagtataka lang sya sa itsura ni Richard.

"Kasi bago ako dumiretso sa session, eh may nakabangga akong babae, at aksideteng nagkapalit ang back pack namin.. ito oh!"

Sa unang tingin ay pamilyar na sakin ang bag na yun..

"Anong kinalaman ng bag at bakit ganyan pa din ang suot mo Richard?" tanong ni Sophy.

"Obvious ba? Nandun ang class uniform ko! Waaaaaaaaaaa!" atungal nito.

"Kailangan kong hanapin ang babaeng yun! bago pa man ako magmukhang katawa tawa sa buong campus!"

"Nakuha mo ba ang pangalan?"

"???"

"Ano?"

"Nalimutan ko! Waaaaaaaaaaaa!!"

Pero teka.. Pink na back pack, at key chain na pwedeng sulatan ng name at address.. Walang duda!

"Agnes ba? Agnes ba pangalan nya?"

"Oo! Oo tama! Kilala mo sya?"

"Please naman pakibalik mo 'to sa kanya brad, kunin mo na din ang bag ko--"

Sabay hagis sa akin ng bag, at diretsong tumakbo sa male cr..

"Brad hihintayin kita dito! Ayoko lumabas ng ganito! Waaaaaaaaaaaaaaa!"

"Pero--"

Hindi ko na nagawa pang ipaliwanag kay Richard na sasamahan ko si Sophy at sabay kaming mag lu-lunch.. Tinignan ko ng bahagya si Sophy, naghihintay ng desisyon galing sa kanya.

"Can you give me a minute? Ibabalik ko lang 'to.."

"Ok, hihintayin na lang kita sa canteen.."

----

Hindi na ako nag ubos ng oras, agad kong tinungo ang club kung saan may posibilidad na matagpuan ko sya.. Bukas ang pinto kaya agad akong pumasok.. Ngunit wala kahit ang anino ni Agnes. Agad akong lumabas ng kwarto.. Nag-isip ng posibilidad kung saan ko nga ba pwedeng makita pa si Agnes. Agad pumasok sa isip ko ang girls locker room ng mga 3rd year students..

At kahit na hindi ako allowed ay dumiretso pa din ako.. Nagbabakasakali na doon ko sya matagpuan. Tahimik ang locker mula sa labas. Nag-aalangan pa din akong pumasok dahil baka may tao sa loob, at sigurado na kapag nahuli ako ay sa guidance ang bagsak ko, at kapag napasama ay sa opisina ng principal.

Pero lakasan na ng loob 'to..

Dahan dahan kong binuksan ang pinto, at dahan dahan ding sumilip sa loob.. Medyo may kalakihan ang locker room ng mga babae kesa sa lalaki. Wala akong madinig na kahit konting boses o usapan man lang.. Aalis na sana ako nang makarinig ako ng taong papalapit sa kinaroroonan ko..

Dali dali akong nagtago sa likod ng pinto.. Pinakikinggan kung saan manggagaling ang paparating na tao. Ngunit laking gulat ko nang papunta sila direksyon ko..

Patay na! !@#$#%!!!!

Dali dali akong pumasok sa loob ng locker at naghanap ng matataguan..

..
...
....

Sophia

Patapos na ang break ngunit wala pa din si Robert.. Lumamig na din ang inorder kong pagkain para sa kanya ngunit wala pa din ang presensya nya. Naghahalo na ang inis at pagdududa sa akin.

Tatayo na sana ako nang nakita kong papalapit sa direksyon ko si Raymond..

"Sophia.. Bakit ikaw lang mag isa?"

"Raymond! Hello! Hinihintay ko si Robert.."

"???"

"Bakit parang nagtataka ka?"

"Patapos na ang break, pero hindi mo pa din nagagalaw yang pagkain mo.."

"...."

"Nasaan ba sya?"

"May sinaglitan lang, parating na din siguro.."

"Uhm Raymond.. Sorry kahapon ha! Si Robert kasi talaga dapat ang maghahatid sa akin pauwi.."

"Hahaha! Ok lang! May next time pa naman siguro.."

"..."

Hindi ko magawang sagutin ang sinabi nya, pero sa dating nya na medyo agresibo kahit sinong babae ay mahuhulog sa kanya.. Pero ang totoo ayoko sa ganitong lalaki.. Parehas na parehas nya si Sebastian sa mga kilos at galaw, bagay na ayaw ko nang makita pa sa kahit sinong lalaki. Isa din tong dahilan kung bakit ayaw ko na sa seryosong lalaki na mukhang perfect.. Kaya din siguro palagay ang loob ko kay Robert.

"Sophy, alam mo hindi ko matiis makita kang naghihintay.. Ok lang ba umupo muna ako dito?"

Tumngin ako sa relos ng aking phone, may labinlimang minuto pa bago matapos ang break.. lalo lang nadagdagan ang inis ko kay Robert.

"Sure.. mukha yata talagang LATE na naman si Robert"

Mabilis nyang hinila ang upuan at agad na umupo.. May kung ano syang dinudukot sa kanyang bag at nung tila mahanap na nya ay agad nya itong inabot sa akin..

Isang invitation letter..

"Invitation? Birthday mo?"

"Hahaha! Hindi! kung ako ang magbi-birthday, walang invitation dahil mas pipiliin kong ikaw ang makasama ko kapag nangyari yun.."

Infairness medyo kinilig ako dun..

"So sino ang mag bi-birthday?"

"My little sister.."

"Huh? Eh bakit dito ka sa school namimigay? Bakit hindi sa mga kaedad nya?"

"For some reason.. Gusto nya kasi na may dalhin ako na klasmeyt ko daw.."

"Hahaha! Nakakatuwa naman ang kapatid mo.."

"..."

"Asahan ko na pupunta ka ha! Sigurado akong matutuwa sya.. for sure!"

"Hindi ko sigurado.. Uhm.. I'll try na lang.."

"Ok! Pero sana makapunta ka.."

Matapos ang saglit na pag-uusap ay agad syang tumayo at nagpaalam.. Halata sa kanyang hitsura ang saya at galak bago sya magpaalam.

Pupunta ba ako?

Pag-iisipan ko muna.. Pero..

Pero nasaan na ba ang lintik na Robert na yun!

----------

Madilim ang paligid at masikip.. bawal kumilos, bawal magsalita.. pasalamat na lang ako at hindi bawal huminga.. Oo! Nasa loob ako ng isang steel cabinet! Bullshit! Naipit na ako sa loob.. Hindi ako makalabas dahil ang daming estudyanteng babae sa loob ng locker.

Pawisan na ako at ngawit na ngawit na, dahil bitbit ko ang bag ni Agnes sa loob ng madilim at nanganganib kong reputasyon sa loob ng locker.. Dinig na dinig ko ang usapan ng mga babae sa labas. May maliliit na bintana ang locker ngunit naka slide 'to at tanging sahig lang ang nakikita ko.

..
...
....

Tumagal pa ng 30 minutos na nakatayo ako sa loob ng cabinet, Ngunit ang tao ay hindi nauubos.. Habang tumatagal ay padami sila ng padami.. Tulungan nyo ako!

Bigla kong naalala si Sophia, alam kong galit na galit na sya ngayon.. Ayaw na ayaw nya ang pinaghihintay sa wala. Patay na naman ako nito, pero kung lalabas ako malamang isa lang ang babagsakan ko..

Sa puntong yun naalala ko ang cellphone ko, pwede kong i-txt si Sophia o si Richard para humingin ng tulong, ngunit sa sikip ng paligid, kapag binuka ko pa ng bahagya ang aking braso ay mabubuksan na nito ang pinto ng cabinet na syang pinaglalagyan ko..

...

Mula sa labas, narinig ko na may pumasok pa na sa tingin ko ay isang pulutong ng mga kababaihan! Paano kung ang isa sa mga estudyante ang may ari ng locker na 'to? Tiyak na bistado na ako! Tiyak na may kalalagyan ako, at kahit na anong paliwanag ang gawin ko ay hinding hindi sila maniniwala sa akin..

Tumayo!

Tumayo ang balahibo ko nang naramdaman kong papalapit ang isang estudyante sa kinalalagyan ko..

Papalapit sya ng papalapit at nung nasa tapat ko na, ay huminto sya.. Wala na akong nagawa kundi magpigil ng hininga, nagdasal ng kung ano anong naalala ko sa bibliya, at lahat ng himala na pwede kong isipin ay inisip ko na..

---------

Sophia

Nagstart na ang sunod na klase, ngunit wala pa din si Robert.. ang nakakapagtaka lang ay wala pa din si Richard.. Isang bagay lang ang tumatakbo sa isip ko.. Yun ay kung ano nang nangyari kay Robert, dahil kung nandito na si Richard ay malamang kasunod na nun si Robert.

Humanap ako ng tyempo sa klase para bunutin ang aking cellphone at subukang tawagan si Robert. Ngunit nanaig ang inis sa akin. Bibigyan ko pa sya ng isang oras bago ako tuluyang magpasya..

Tinapos ko muna ang klase, at nagpasya na tumungo sa male cr, kung saan may posibilidad na nandoon pa si Richard, at dahil bawal ako pumasok ay sumigaw na lang ako sa tapat nito.

"Richard!"

"Richard! Nandyan ka pa ba?!"

"Sino yan?!"

"Si Sophy! Richard ikaw ba yan?"

...

"OO! Nasaan na si Robert!? Waaaaaaaaaaaa!!"

"Hindi ko din alam! Hindi pa sya bumabalik!"

"Waaaaaaaaaaa!!"

"Wag ka nga umatungal dyan! Samahan mo ako sa club nila, baka naroon sya!"

"Hindi ako pwedeng lumabas ng ganito ang ayos ko! Ano ka ba!"

"(Oo nga pala.. Pero sino ang pwedeng sumama sa akin?)" tanong ko sa sarili.

"Sophia?!"

"Sophia nandyan ka pa!?"

....

Alam ko na!

Tanda ko pa kung paano tinukoy ni Raymond kay Agnes kung saan ang literature club, nung oras na nagpasama ako kay Robert papunta sa club namin. Wala na akong mahihingan ng tulong kundi sya.. Tyempo naman na ang sunod na klase ko ay sa culinary, siguradong nandoon si Raymond at pwede akong magpatulong sa kanya.

Tuluyan na akong dumiretso kay Raymond, at walang alinlangan na humingi ng tulong nya.. Naikwento ko sa kanya kung ano talaga ang nangyari kay Robert at Richard.

"Hahaha!"

"Pwede ba mamaya ka na tumawa? Samahan mo muna ako.."

"Sa isang kundisyon!"

"Ano?"

"Darating ka sa b-day party ng kapatid ko! deal?"

"..."

"Oo-- OO! Sige na!"

---------------

Nabanggit ko na ang lahat ng panalangin, inisa isa ko na din batiin lahat ng santo kasama na ang Holiday Superstar na si Santa. Ngunit ang bagay na nakatakda, ay hindi na pwedeng baguhin.. Ngayon lang ako sasang-ayon kay Ate Guy sa walang kamatayan nyang linyang..

"Walang Himala!"

Pinikit ko ang aking mga mata.. Huminga ng malalim..

Naramdaman ko na bumukas ang pinto sa harapan ko..

..
...
....

"Ro--"

"Robert?"

Kahit narinig ko na may tumawag ng aking pangalan, ay nag-aalangan pa din akong idilat ang aking mga mata..

"Robert! Anong ginagawa mo dito?" mahina nitong bulong.

Dahan dahan ko nang idinilat ang aking mata, mula sa kanan hanggang sa kaliwa.. Medyo malabo pa dahil galing ako sa dilim..

Nanglaki ang aking mata nang maaninagan ko ang babae sa harapan ko.. Walang iba kundi si Agnes!

"Agne---!""

Agad nyang tinakpan ang aking bibig, Tinulak nya ako pabalik sa loob, at sinara ang pinto..

"Robert, bakit nandito ka?" mahina nyang bulong.

"Mamaya ko na papaliwanag.. Tulungan mo muna kong makalabas dito.."

"Ok, teka.. May ibang estudyante pa dito sa labas.. I guess kailangan muna nating maghintay.."

..
...
....

Matapos ang matiyagang paghihintay.. Tagumpay na nakalabas ako sa napipintong pagkawala ng aking reputasyon. Salamat na lang at si Agnes ang nakakita sa akin, at swerte din na sa kanyang locker mismo ako napadpad.. Kaya ang resulta, hindi pa din ako magiging taga-suporta ni Ate Guy.

At habang naglalakad kami sa corridor, naikwento ko kay Agnes ang buong pangyayari at kung paano ako napadpad sa lugar na yun.. Hindi sya mahinto sa kakatawa sa kanyang narinig..

...

"Hindi ko lubos maisip na aabot sa ganun ang mangyayari sayo.."

"Ako din! Swerte lang din talaga at ikaw ang nakakita sa akin"

"Oo! dahil kung iba siguradong yari ka! hahaha!"

"Thanks ulit Agnes! Sinagip mo na naman ako sa pangalawang pagkakataon.."

"Pangalawa?"

"Oo pangalawa.. yung una, yung pagbibigay mo sakin ng lakas ng loob sa harap ni Sophia"

"...."

"Oh natahimik ka?"

"Kung yung kahapon ang tinutukoy mo.. wala yun.. Nakita ko kasi kung anong sitwasyon mo, although hindi ko talaga alam ang nangyayari.. Eh parang may nagtulak sa akin din na gawin yun.."

Hindi ko na napansin na malapit na kami sa sunod na klase, dahil sa pagkaka enjoy ko na kausap sya.. Pakiwari ko'y nagkakasundo kami sa maraming bagay.

"Mauna kana Agnes.. Ibibigay ko lang 'tong gamit ni Richard, at magpapakita lang ako kay Sophia.."

"Sige.. Ingat! Ingat ka sa malas ha! Hahaha!"

"Hahaha!"

...

Bitbit ang bag ni Richard at isang katerbang kahihiyan, ay aalis na sana ako nang nakita kong paparating sa direksyon ko si Sophy at Raymond.. Batid sa kanyang hitsura ang pinahalong inis at yamot, at sa tingin ko ay kailangan ng matinding paliwanagan ang isang 'to..

"Nandito ka lang pala! Kanina pa ako naghahanap sayo!" bungad nya.

"Sophia mahabang istorya eh, alam kong hindi ka maniniwala--"

Sisimulan ko na sanang mag paliwanag nang biglang bumalik si Agnes..

"Robert! I think i forgot to lock my.. Uhm! Sorry.. Si-siguro a-ako na lang.. You think?" naputol nyang sabi nang makitang kaharap ko na si Sophia.

"Agnes?"

"Yes miss Sophia.."

Sabay tingin sakin na tila matutunaw ang buong pagkatao ko, dahil sa pinaghalong talas at init.

"Magkasama kayo?"

"Uhm Uhm! Doon sa locker--"

Hindi na nagawang tapusin ni Agnes ang kanyang dapat na masabi, agad tumalikod si Sophia at hahakbang na paalis..

"Sophia sandali!" habol ko.

Ngunit mabilis akong hinarang ni Raymond--

"Sorry bro! Hayaan mo muna sya.."

"At sino ka para magsabi--"

"Raymond let's go.. May klase pa tayo.." mababaw na tono ni Sophia habang hinila pabalik si Raymond.

"See? She doesn't deserve you bro.. So.. Back off.." mayabang na bulong nito.

Hindi ko alam, pero tila nawalan ako bigla ng lakas ng loob, napaurong na lang ako na hindi man lang nagawang lumaban.. Hindi ko alam ang sasabihin at hindi ko alam ang gagawin..

Nakakainis..

Teenage Cappuccino - 7

TEENAGE CAPPUCCINO - My Princess (Chapter 7)


Mula yata south station ng MRT, hanggang north ang lakas ng pintig ng puso ko.. Kung pwede lang tumakas ginawa ko na, at kung pwede lang magreak malamang kanina pa. Tumutulo na ang pawis ko, at tuyo na din ang lalamunan ko. Inisip ko din na bigla na lang akong mahimatay ng kunyari, kaso parang hindi bagay.. Baka hindi na nila magugustuhan, at hindi magiging kapani-paniwala..

Bago pa man namin marating ang klase ni Sophy, agad nya akong inakbayan ulit.. may halo nang pangbu-bully ang isang 'to..

Ngiti na nakakamatay..

"Ano? Kaya mo ba? hmm?"

"Kung pwede lang tumanggi--"

"Hahaha! Wala nang oras para tumanggi!"

Agad kaming sinalubong ni Raymond, na kambal ni Richard, at kasama sa pamilyang Gutierrez.. Joke lang yung huli..

"Sophia!"

"Hi!"

Hindi ko alam ang reasksyon ko, pero naiinis ako, nakakaramdam ako ng tinatawag nilang selos.. Gusto kong mag astang siga, ngunit hindi naman bagay, para lang akong tinapay na kahit sobrang tigas once na isawsaw mo sa kape ay lumalambot..

"Friend mo?"

Yun! yun ang hinihintay kong pagkakataon! sasabihin ko na ako ang boyfriend nya, at ako ang magtatapos sa pangarap na inuumpisahan nya palang..

Kaya ko 'to!

Kaya!

Kaya kaya?

..
...
....

"Uhm-- Excuse po--"

Bitbit ang isang pink na back pack, naka pony tail na buhok, at hitik sa bakal ang mga ngipin na tila binurda.. Isang babaeng estudyante ang biglang nang-agaw ng spotlight ko.. Napatigil ako, at tuluyan ng nawalan ng tyansang magyabang..

"Yes?" agad na tanong ni Sophia.

"Hinahanap ko po kasi, yung--" sabay tingin sa kapirasong papel na kanyang hawak hawak..

Sinisipat, at parang ina-analyze.. Hindi na ako nakatiis, at tinignan ang kapirasong papel na pinilas sa likuran ng notebook.. Isang class schedule. At mukha din syang bagong transfer.

"???"

!@#$%

Bakit ganun? hindi ko malaman kung babae nga sya talaga.. Dahil sa pagiging cute nya, ay sya naman kapangit ng kanyang handwriting.. hindi ko maintindihan, parang chinese at arabic.. hybrid!

"Miss.. Let me see.." pasok ni Raymond.

"Hmm.."

"Sa literature ka po miss.. Sa kabilang building po, after you left this building, turn left at sa pinakadulo.. Yung pinakamaliit na building sya.." sabay ngiti!

WTF! pakiramdam ko'y binalatuba ako at ginahasa sa mga oras na 'to.. Bukod sa wala akong nagawa, eh nagmukha pa akong tanga. Huli na nung napansin kong masama na ang tingin ni Sophia sa akin.. Para na syang lasing na natalo sa sabong, at naghahamon ng away.. blah blah blah..

Hinatak ni Sophia ang ID ko at ipinakita sa babae..

"Miss! heto! same club kayo! sasamahan ka nya.. okei na ba yun?"

"Really?"

"Soph--" sasabat sana ako.

"Diba Robert?"

"Sa totoo lang--"

"Let's go Raymond.."

-----

Naiwan akong parang tanga.. Nakikita ko ang sarili ko na parang nakatayo sa isang plain background, at bulong lang ng hangin ang maririnig mo bilang audio..

..
...
....

"Sir.. sasamahan mo ba talaga ako?"

"..."

"Sorry.. I think, may nagawa yata ako na hindi tama.."

"Wala.."

"Really?"

"Wala.."

"Ano pong wala?"

"wala na kong magagawa, kundi samahan ka.."

Badtrip! Olats! Pero hindi bale! ako lang ang nakaka-alam ng sikreto ni Sophia, at ako din ang kanyang tagapagligtas! Naks! Parang prinsesa, at ako naman ang kanyang ninja.. pero sa ngayon kailangan ko munang tulungan ang naliligaw na pusa sa aking harapan.

"Okei ka lang po sir?"

"Do I look okei miss?"

"Sorry.. i guess kailangan ko maghanap mag-isa.."

"Hindi biro lang, samahan na kita! hindi kita pwedeng iwan, magagalit ang aking prinsesa okei?"

"thanks! ^__^

----

Habang naglalakad, hindi ko maiwasang punahin ang pagka konri nyang outfit.. Parang may hindi appropriate sa kanyang dating. Sa ponytail nyang buhok.. Checked! sa braces sa kanyang mga ngipin check! bukod sa hindi sya pinagpala ng height, pwede ko syang bigyan ng kalahating check.. Ngunit nadismaya ako sa kanyang sapatos.. Bukod sa medyo old fashion na, eh de-sintas pa 'to.. Sinaunang panahon yata ang babaeng 'to..

Pero.. Pero cute sya..

At sa kakatingin ko nga sa kanya.. Hindi ko sinasadyang matapakan ang sintas ng kanyang sapatos na pagkahaba haba at natanggal ito sa pagkakatali..

"Sorry!"

"No! It's okei!"

Inabot nya sa akin ang kanyang pink na back pack, at tuluyang inayos ang sintas ng tila mcdonalds nyang sapatos.. Hindi nakaligtas sa akin ang nakasabit na name tag dito.

Agnes Chu..

"Done.. Thank you po!"

"Walang anuman Agnes.."

Nagulat sya sa sagot ko, nakalimutan kong sabihin na nakita ko ang pangalan nya sa tag ng kanyang bag.

"Ah-eh, nabasa ko dun--"

Inabot ang kanyang kamay at tila gustong makipagkilala ng maayos.. at sya namang kinamayan ko.

"Agnes Chu po! 3rd year highschool student.. new transfer din po! mahilig po ako magsulat ng mga poem, kaya po sinubukan ko ang literature club.."

Oo nga pala.. Kasama ko pala sya sa club, At magiging magkasama kami sa isang buong taon.

"Robert! Robert Monsood! 4th year.. at magkasama tayo sa club.."

"Really?"

Peborit reaskyon nya yata ang REALLY at PO, at OPO.. pero natutuwa ako at may makaka-buddy na ako sa klase, hindi na magiging boring..

"Sir, akin na po yung bag ko.."

"Ah! Oo nga pala!"

Hindi ko napansin na nakabukas pala ng bahagya ang zipper ng bag, at nahila nya ang kabilang part, dahilan upang tuluyan itong mabuksan, at malaglag ang kanyang mga gamit.. Isa isa ko tong dinampot at inabot sa kanya.

Napansin ko ang isang napaka cute na notebook, na umagaw sa atensyon ko.. Binuklat ko 'to ng hindi nagpaalam..

Punong puno 'to ng mga poems.. Sa unang pahina, isang napaka ikling tula, ang tema ay tungkol sa pagmamahal ng isang anak sa kanyang ina. Huli na nang malaman kong direderetso ko na 'tong binabasa.. Napakagaling ng pagkakahayag kahit napaka pangit ng pagkakasulat..

"Mga tula na naisulat ko yan sir.." nahihiya nyang sabi.

"Talaga! Ang galing!"

"Pwede ko ba 'tong mahiram? Para makakuha din ako ng ideya--"

"..."

"Ano? Pwede ba?--"

"Meron kasi akong hindi pa tapos dyan--"

"Okei lang! Yung mga natapos mo nalang ang babasahin ko--"

"Siguradong mag-eenjoy ako dito!"

"Really? Hindi naman ganun kagaling ang write ups ko"

"Hahaha! Para ngang sulat ng isang talagang manunulat eh! mas may future ka dito kesa sa akin!"

Matapos ang palitan ng mga ngiti, pumayag din sya sa pangungulit ko. Sabay kaming pumasok sa klase.. Naabutan namin ang club adviser na si Mr. Azarcon, at iilang kasama sa club..

-----

Inis pa din ako kay Robert sa mga oras na 'to.. Hindi ko naman gustong yayain talaga si Raymond. Gusto ko lang may gawin si Robert para sakin, at kahit alam kong napaka selfish nun, ay gusto kong maramdaman na kaya nyang ipakita sa akin ang mga bagay na pinangako nya.

"Sophia, bakit masyado kang seryoso?" tanong ni Raymond.

"..."

"Sophia?"

"Nothing--"

"Si Robert ba?"

"...."

"So si Robert nga.."

"Boyfriend mo ba sya?"

"Parang ganun--"

"Hahaha!"

"Bakit ka natatawa?"

"Wala.. Naisip ko lang na swerte ang lalaking yun, pero mali ang moves nya kanina.. tama ba?"

"Honestly.. Hindi kami talagang mag boyfriend, may kung ano lang akong nakita sa kanya, na hindi ko maintindihan at gusto ko syang laging may gawin para sa akin--"

"...."

"Oh, ikaw naman ang tahimik.."

"Are you suffering from something?"

Nagulat ako sa tanong nya, para nyang na hit ang isang parte ng puso ko.. Bigla akong namula, at tuluyan nang hindi nakasagot.. At kung sasabihin ko man sa kanya, sigurado maiiyak na naman ako at maaalala ko na naman sya.

"Sophia--"

"Okei lang ba ihatid kita mamaya after school?" mabilis nyang move.

"...."

"Pero kung hihintayin ka ni Robert, okei lang.. may next time pa siguro--"

Nahihiya akong tanggihan si Raymond, pero iniisip ko ang magiging reaksyon ni Robert kung sakaling makita nya kami.

"Robert.. Do something.." mahina kong bulong.

-----

"Galing talaga!--"

"Hindi ko maiwasang basahin sya ng tuloy tuloy--"

"Sir, makinig ka muna sa teacher natin.."

"Wag mo nga akong tawaging sir, para kasing hindi bagay.. Robert na lang!"

"Okei sir!"

"(kulit!)"

"Okei guys! Gusto kong magpasa kayo ng isa sa pinakamaganda nyong write ups, magiging basehan ko 'to kung sino ang magiging president ng club na 'to.."

Pauna ni Sir Azarcon..

"At sa next month, merong inter-school writing session tayo, with other schools.. So I want everyone to participate with this event.. Isa lang syang maliit na session, pero para na ding competition dahil a-attend ang malalaking publishing company at titignan ang bawat gawa ninyo.. Pagkakataon nyo na din 'to, so don't lose this one guys! By tomorrow gusto kong ipasa nyo na ang write ups ninyo.. Short story lang, pwede din ang poem at articles.."

Sumakit ulo ko bigla.. Bakit naman bukas agad? Hindi ako inspired at wala akong maisip na ideya sa mga oras na 'to.. Anong isusulat ko?

Napalingon ako bigla kay Agnes, at nahuli ko din syang nakatingin sa akin..

"???"

"May problema ka ba sir? Robert pala--"

"Oo! Malaki--"

"Gusto mo tulungan kita, para makapagpasa ka bukas?"

Nakakahiya namang tanggihan ang tulong nya, pero nakakahiya ding tanggapin 'to.. Sa dahilang parang hindi ko sariling gawa ang ipapasa ko kung magpapatulong ako sa kanya..

"No.. Okei lang ako, thank you!"

"Really? Okei.."

..
...
....

"Okei guys! You can go now.. Sana bukas maaga kayo, so we can discuss more things here, since bago pa lang ang club na 'to"

Mabilis kong dinampot ang aking bag.. Naalala ko bigla si Sophia, alam kong naghihintay sya sa labas ng school at siguradong magagalit yun kapag late akong dumating..

"Robert! kita nalang ulit bukas!" with big smile galing kay Agnes.

"Okei, hiramin ko muna tong notes mo ha!" mabilis kong sagot.

Alam kong may sasabihin pa sya, ngunit kailangan kong magmadali..

"Robert.. Thank you.."

------

Una kong sinilip ang locker ng mga babae, ito ang unang destinasyon nya matapos ang klase.. Ngunit tahimik na ang lugar, sensyales na wala nang tao. Agad akong nagtungo sa home room namin.. Tulad nang inaasahan mga cleaners na lang ang naiwan. Tatakbo na sana ako paalis nang masalubong ko si Richard..

"Brad!"

"Oh? Akala ko nakauwi ka na?"

"Nasa harapan mo pa nga ako eh!" sagot ko.

"Eh, sino yung kasama ni Sophia?"

"Huh?"

"May kasabay syang lumabas ng school, akala ko nga ikaw eh.. Kaya pala hindi lumilingon.."

Syet! Naloko na! Panigurado si Boy Foundation yun! (raymond), Wala nang ibang choice kundi habulin ko sila.. Hinding hindi ako papayag na maunahan ako ng lokong yun!

"Sige mauna na ako Brad!"

"Pinasabi pala--"

Hindi ko na din pinakinggan ang sagot nya, kailangan kong maabutan si Sophia kahit anong mangyari..

..
...
....

"Anong problema nun? hindi ko tuloy nasabi sa kanya na hihintayin daw sya ni Sophia sa school gate.." bulong ni Richard sa sarili nya.

-----

Pawisan ako nung marating ko ang gate ng campus, at bakit nga ba kasi napakalaki ng school namin? Mabilis na hinanap ng aking mata si Sophia, lingon dito lingon doon.. Nagpaikot ikot pa ng konti, bago ko sya tuluyang makita.. Nakatayo.. Naghihintay.. game face on na ang mode ko..

...

Lalapit na sana ako nung napansin kong kakaiba ang kanyang ngiti.. Tumingin ako kung saan nanggagaling ang kanyang mga ngiti.. Huli na nung nakita kong papalapit din sa kanya si Raymond. Sa oras na 'to bigla akong nawalan ng lakas ng loob, kusang umatras ang aking mga paa na kanina lamang ay patuloy ang paghabol sa kanya. Nagkaroon ako bigla ng kaba, at nagbaliktaran na ang sikmura ko..

Nakangiti syang nakikipag usap kay Raymond, hindi ko detalyado ang usapan nila, pero sa tingin ko niyayaya na sya ni Raymond na ihatid sya.

Kailangang may gawin ako..

Ngunit ang paa ko ay tila napako na..

Gusto ko mang igalaw ay parang kusa na tong huminto.. Namanhid..

Nakita kong paalis na sila.. Segundo lang ang pagitan, at tingin ko ay kaya ko itong pigilan.. Ngunit nagulat ako ng biglang may tumulak sa akin galing sa likod. Malakas ang pagkakatulak na syang nagbalik sa aking pagkatao.. Nilingon ko kung sino ang pangahas..

Si Agnes..

Nagtatanong ang aking mga mata kung bakit.. Ngunit isa lang din ang sinagot ng kanyang mga mata na tila nangungusap..

"Go for it!"

..
...
....

Ngumiti ako sa kanya..

"Thanks!" tanging nasagot ko.

Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa, at agad na tumulak sa direksyon nila Sophia at Raymond, sa abot ng aking makakaya at konting lakas at tibay ng loob, nagawa kong abutin ang mga braso ni Sophia..

Pakiramdam ko'y tila tumigil ang mundo sa mga sandaling 'to.. Para akong nag space warp at sumakay sa rialto.. Hinila ko sya pabalik.. Medyo napalakas nga lang, dahilan para tuluyan syang mapayakap sa akin..

Bagay naman na ikinagulat ni Sophia..

"Na-late yata ako aking prinsesa.."

Walang kasing korni, pero yun ang unang pumasok sa isip ko. Ngunit walang kasing tamis na ngiti ang sinagot nya sa akin..

Kasunod ang isang malakas na batok!

"Kanina pa ako dito naghihintay! Alam mong ayoko naman ng naghihintay sa wala diba?"

"Sorry na! Late kasi kami pinalabas.."

Napakagat labi lang sya na tila iiyak na..

"Wag mo nang uulitin yun ha.."

"Sure.."

"Anong sure? Mangako ka! (Batok!)"

"Oo na! Promise! Promise!"

Wala nang tatalo sa ganitong pakiramdam, tila isa akong bida sa isang action movies na sinagip ang buong eksena ng buhay ng prinsesa ko..

..
...
....

"Robert.. tama ba?"

banat ni boy foundation.

"Sa susunod na ma-late ka, ako na ang susundo sa prinsesa mo.. at papalit sa pwesto mo sa puso nya.."

Kasunod ang nakakainis na ngiti, ay tumalikod na 'to at tuluyang umalis.. Pakiramdam ko'y isang sagupaan sa pagitan namin ang mangyayari.. Umpisa pa lang 'to, pero tulad ng sabi ko hinding hindi ako magpapatalo sa kanya..

"Bilisan mo iiwan na kita!" anyaya ni Sophia.

Agad akong sumunod, ngunit nilingon ko muna si Agnes para magpasalamat sa kanya.. Ngunit wala na sya.. Mabilis syang naglaho, tulad kung paano nya ako mabilis na natulungan..

Teenage Cappuccino - 6

TEENAGE CAPPUCCINO - The Challenge (Chapter 6)

"Hindi daw mapagkakatiwalaan ang taong malandi at kerengkeng, pa-flirt at mapang-akit.. Pero mas

delikado ang taong naniniwala at nahuhulog sa ganung klaseng tao.. wag mong sisihin ang puso mo kung

nahulog ka sa kanya, sisihin mo ang buong pagkatao mo, dahil hindi lang naman puso ang nagdidikta sa

nararamdaman ng isang tao.. tanga ka ba? basahin mo na lang ulit..


Kung mai-inlove ka sa isang babae, na sa tingin mo ay may 20% lang ang tyansa mong maangkin sya, ay

dapat na matuwa ka.. dahil 80% pa ang dapat mong araruhin para makuha sya.. huwag maniwala sa palpak

mong mata, dahil libog lang ang dinidikta nito sa iyong pagkalalaki..

Hindi na pwedeng higitan ang aking nararamdaman sa mga oras na 'to.. Hindi makapaniwala ang baliw

kong puso sa ligayang aking nararanasan..

"Kuya.. I'm glad your back.."

Sa mainit at mahigpit nyang mga yakap, wala na akong hahanapin pa..

"Ang tagal kitang hinintay, akala ko hindi ka na babalik.."

"Sorry for everything Sophia, I mean it.."

"It's okei.. as long as nandito ka na, hindi ko na iisipin pa yung mga panahon na ako'y nag-iisa.."

Perpekto ang masaya at makulay kong panaginip..

Ngunit sa kahit napakagandang eksena ay pilit papasok si direk at sisigaw ng cut..

...

Nagising na lang ako na may luha sa aking kaliwang pisngi.. Napakagat labi, at tinanaw ang kanyang

larawan na nasa side table ng aking kama.. Dahan dahang bumangon, inabot, at tuluyang niyakap..

Sariwa pa din sa aking ala-ala ang pag-alis ni Sebastian, na kahit na walang namagitan sa amin, ay

napakasakit pa din ang dulot nito sa akin..

Napansin ang aking phone at agad itong dinampot, tatlong mensahe na nanggaling sa iisang tao..

Walang iba kundi si Robert.

"Good morning, Gising knb?, at Kumusta?"

Madaming load ang isang 'to, dahil sa ginawa pang individual ang message, na pwede namang pagsamahin

sa iisang mensahe lang. At para mawala sa atensyon ang panaginip ay tuluyan akong nagreply..

"morning! sorry, late aq nagising.."

simpleng reply, sa dahilang wala sa mood ang saturday morning ko..

------

"Brad! nagreply na!" sa masaya kong tono.

"Ows? Tingin!"

"Loko! bakit mo titignan?"

"Eh di sana hindi mo na lang sinabi!"

sabay higop sa softdrinks na bitbit..

"Oh anong isasagot mo?" tanong ni Richard.

"..."

"dapat tanungin mo sya kung gusto nya bang lumabas.. weekends naman.."

"..."

"Nood kayo sine, kain kayo sa labas, mag sidewalk kayo sa edsa.. mga ganun ba.."

"..."

"Ang haba mo naman mag reply.. o hindi mo alam ang isasagot mo?" pang-aasar ni Richard.

"Hindi.."

"???"

"Hindi ko kasi makita ang reply kung saan eh!"

"patingin nga.. bibili bili kasi ng bagong phone, hindi pala alam gamitin.."

"pang NBA lang kasi ako, at Final Fantasy eh.."

"Ito oh! pindutin mo 'to bago yan.." tutorial ni Richard.

------

Nakapag toothbrush na ako, nakapag shower, nakapag-blower ng buhok, at nakapag check ng notification

sa facebook bago tuluyang mag reply si Robert..

Naghintay ng 5 minutes kung may kasunod pa'to, or na trapik lang ang mga mensahe.. Ngunit wala..

"Busy kaba today? kasi ako hindi.. baka pwede tayong magkita, or kung may lakad ka baka pwede akong

sumama, kung pupunta ka naman ng mall, okei lang bang sumama ako? etc. blah blah blah, and so and so

on.."

Napakahabang mensahe na iisa lang naman ang gustong ipahiwatig.. Gusto nya akong makasama! may

kahalong kilig, pero hindi ako sure.. nag-isip pa ng kaunti.. nag analyze ng wala.. nalaman ko na

kailangan ko pa lang bumili ng ingredients, para sa unang cooking show, este class sa monday..

Nakakaboring din umalis mag isa, kaya nagpasya akong isama sya..

message sent.. (kailan ba mauuso ang "reply sent?")

--------

"Brad! nagreply ulit!"

"Hindi mo naman ipapabasa eh.."

"tampo ka naman brad-pit.."

"hindi na.. patingin na lang ako.."

"Sige magtampo ka na lang.."

Nag red ang trapik lights, at muntik na akong kunin ni San Pedro dahil sa sobrang saya nung mabasa

ko ang reply ni Sophy..

"Samahan mo akong mamile ng ingredients, need ko kasi sa monday.. 3pm sa school gate."

..
...
....

Hindi ko alam ang pakiramdam ng nakikipag date, katulad din ng pagkamangmang ko sa larong chess.

Pero kahit ganun, game pa din ako! Take the risk ika nga.. wala naman talagang risk, pero nandun pa

din yung danger..

At dahil abot tanaw lang ang school sa bahay namin.. 2:30 pa lang ay nasa gate na ako ng school,

gagagmitin ko ang natitirang 30 minutos para magpraktis kung paano makipag date. Ngunit wala pala

akong ideya sa ganito, kaya plan B na lang.. ang maghintay..

"Iba din pala ang itsura ng school, kapag walang pasok.." bulong ko sa sarili.

Sa tahimik at tahimik ulit na itsura nito, makakaramdam ka ng kakaibang lungkot.. Sa nakaraang

tatlong taon ko sa HS, ay hindi ko 'to napansin.. at sa hindi maipaliwanag na dahilan bigla kong

nakaraan ang nakaraan ni Sophia.

"Matagal din pala ang kanyang ginawang sakripisyo, para sa isang pag-ibig na hindi man lang

nasuklian.." dugtong ko pa.

"Teka? Nasaan ba ako nung mga panahong yun?"

..
...
....

"Hindi na siguro importante, ang mahalaga ay nandito ako para tapusin ang sakripisyo nya.."

"Kuya? Anong binubulong mo?"

Muntik ko nang mauna ang kaluluwa ko sa langit, dahil sa gulat.

"Kanina ka pa?"

"Kakarating lang.." sa nagtatakang hitsura.

"Sino kausap mo?" dugtong nya.

"A-e.. Wala.. wala naman yata akong sinasabi.."

First time ko syang makita na hindi naka school uniform, at sobra akong nanibago.. Dahil mas mukha

syang dalaga sa kanyang porma at postura ngayon.. at ang malala ay tinamaan ako ng hiya..

Hinatak nya ang aking braso na tila bata, ako naman na parang papel na walang magawa kundi sumunod

sa dikta ng hangin.

..
...
....

Sa isang shop sa pinakamalapit na mall, kung saan sangdamakmak na condiments ang nakikita ko, ay dun

kami napadpad..

Tahimik ko syang pinagmamasdan habang abala sya pumili ng kanyang kailangan.. Seryoso pala sya sa

bagay na gusto nya.. Hindi ako sigurado sa kanyang cooking skills, pero pwede akong  maging una

nyang costumer, at lubha ko yung ikatutuwa.

Lalo syang nagiging cute sa pagiging masigasig nya, hindi maipagkakaila na kahit sinong lalaki ay

hindi pwedeng mahulog sa kanyang kakaiba at nakaka-aliw na ugali, bagama't nandun pa din yung

pagiging stubborn nya nilalamangan naman ito ng pagiging cute nya.

...

Matapos makumpleto ang sangkap ng bahay kubo, ay nagpasya na syang magbayad sa counter.. medyo

mahaba ang pila kaya kailangan talagang maghintay.

Nakakabagot.. lalo na at wala kang maikwentong maayos..

"Saan tayo punta after nito?" tanong nya.

"Ikaw.. Saan ba gusto mo?"

"Ako? hmm.."

"...."

"Bukas ba ang cafeteria nyo?'

"Hindi.. bakit?"

"Gusto ko sanang ma-try na agad yung menu na pag-aaralan namin sa monday.."

Hindi ako makapaniwala na seryoso sya talaga sa kanyang pagluluto. Bagay na hindi yata ako pwedeng

tumawa dahil malilintikan ako..

"Hindi bale.. Sa bahay na lang siguro, kain na lang tayo.." anyaya nya.

Gustuhin ko mang tumanggi sa pagbali nya ng desisyon, ay wala na akong nagawa kundi sumagot nang..

"Oo ba!"

"Kuya, medyo mahaba ang pila.. Pwede mauna ka na sa tapat na fastfood at mag order?'

Hindi pa man natapos ang kanyang pagsasalita ay agad na akong umalis, sumenyas lang ng "OK" at

diretso sa tapat na kainan.

------

Sophia

Matapos kong bayaran ang lahat ng nabili, ay agad akong tumakbo papalabas ng store.. Nasa glass door

na ako ng store ng madinig ko ang boses ng cashier..

"Ma'am change nyo po!"

At sa pagbalik ko ay tyempo namang nabangga ko ang isang matangkad na lalaki, at dahil sa pagiging

careless ko, ay nalaglag lahat ang mga gamit ko sa sahig. Hindi ko nang nagawa pang tignan ang

kanyang itsura, inis na lang ang nangibabaw..

"Sir, pakidampot na lang, at babalikan ko sayo.."

utos ko sa lalaki..

"Bakit hindi mo agad sinabi miss?"

"Sorry ma'am agad po kayong umalis.."

"(sigh)"

Hinanap ko ang lalaki na kaninay nakabangga sa akin, ngunit hindi ko na sya matanaw.. Kumunot na ang

aking noo, nakahanda nang sumabog ang bulkan nang agad akong binati ng lalaking nasa likuran ko at

namimili din sa loob ng store..

"Miss heto na gamit mo.." sa nakangiting hitsura.

Hindi ako nakasagot.. agad nyang inabot sa akin ang aking mga gamit, at agad tumalikod.. Hindi ako

nakasagot, hindi dahil nagmamadali ako.. ngunit dahil sa napaka cute nyang mga ngiti na nilagyan ng

magkabilang dimples sa pisngi.

"Thank you--" pasasalamat ko.

"Raymond--" agad nyang sagot.

Sinundan ulit ng isa pang mapangakit na mga ngiti.. Sa puntong yun ay tuluyan na akong hindi

nakagalaw, pakiramdam ko'y may kung ano sya at tuluyan akong na-stun sa kanya.

...

"Miss.. okei ka lang?"

"Yes.. of course.."

"Are you sure?!"

"Yes.." nakatitig padin.

"Kasi yung cinnamon isinama mo sa ibang condiments, hahalo yung amoy nya.."

Nagising ako sa katotohanan na nasa mall ako, at wala sa isang teleserye.. Nagulat din ako na may

alam sya sa mga ganung bagay..

"Ah! Oo nga pala.. Sorry.. I was thinking of something kasi.."

Ngumiti lang sya, at tumalikod ulit.. Daig pala talaga ng suplado ang gwapo.

------

"Sophy!"

"Sophy dito!"

Pigil kong sigaw habang tinatawag ang kanyang atensyon, at napansin naman nya yun.. agad syang

lumapit at agad na na naupo.. Ngunit parang may mali.. Mukhang syang balisa sa hindi maipaliwanag na

dahilan, idagdag mo pa ang kanyang pamumutla.. Tila nakakita ng multo.

"Ano nangyari sayo?" agad kong tanong.

"..."

"Sophia.."

"Nothing.. I just saw a guy, who looks like him.."

"him? sino?"

"Ay! Hayaan mo na.."

At dahil ayoko mangulit, hinayaan ko na lang sya..

Matapos ang konting kwentuhan, at konting bolahan, na sinamahan ng konti ding ligawan, ay natapos

ang konting date namin, at kahi sa konting panahon na nakasama ko sya, ay nagkaroon naman ako ng

sobrang ligaya..

Nagpasya na kaming umuwi, tulad ng nakagawian hinatid ko lang sya hanggang sa golden gate ng

mayayamang tao.. agad kaming naghiwalay ng landas, at nagpasya naman akong diretsong umuwi na.

"Thanks and take care"

text message ni Sophy na paulit ulit kong binabasa, habang naglalakad pauwi.. At kahit na punong

puno ng pawis at amoy araw kahit hapon na ay oks lang.

Kung tutuusin.. wala pa naman talaga kami ni Sophy, ang pagiging magboyfriend/girlfriend namin ay

parang isang praktikal joke lang.. At isa lang ang natitira kong goal, yun ay ang sagipin si Sophy,

at tuluyan syang gawing akin!

"Hoy! Tumingin ka sa nilalakaran mo!" sigaw nung jeepney driver.

--------

Yung ibang estudyante eh takot sa monday class, dahil may hang-over pa 'to ng sunday at konting

tardiness.. Ibahin nyo ako! Ako na ngayon ang estudyante na laging excited pumasok!  wag mo nang

itanong ang dahilan..

"Good morning.." agad kong bati sa kanya.

"Good morning kuya!" sagot naman nya.

Agad kong inayos ang aking upuan, chineck kung may naligaw na bubble gum, o paste sa sa dulo ng

armchair o di kya naman sa pinaka upuan.. Swerte! wala!

"Kumusta ang sunday?" tanong ni Sophy.

"Regular day.. magiging special siguro kung kasama ka.."

"Bolero.."

"Huh?"

Hindi ko pa alam ang bola, na madalas kong naririnig kay Rico Puno.. Wala pa nga kasi akong nagiging

gf, at wala akong ideya.. Tulad ng isang regular na tao, sinasabi ko lang ang nararamdaman ko.. Pero

big deal pala yun! Akalain mo?

"Miss!"

"Miss!"

"Miss anong pangalan mo?!"

Nilingon ko kung saan nanggagaling ang tumatawag, at ganun din si Sophia.. Ngunit nagulat na lang

ako nung napatayo si Sophia sa kanyang kinauupuan.. Pilit minumukaan ang lalaki, at biglang

napangiti..

"uy! ikaw yun diba?!"

"Oo! dito ka din pala nag-aaral?!"

Ako <-- ???

"Bagong lipat lang ako dito.. Uhm.. Raymond tama ba?"

"Yup! Kita tayo sa cooking class mamaya! Kasali din ako sa club!"

"Talaga? Galing naman.. Teka paano mo nalaman na nandun din ako?"

"Nakita ko ang list ng mga bagong pasok sa club, and I saw your picture, year and section, so agad

kitang pinuntahan dito.."

Ako <-- ??

Huh? Anong nangyayari dito? Sa isang iglap nawala ako sa eksena.. Naagaw sa akin ang spotlight ng

estudyante na hindi ko kilala.. ano pa bang ginawa ko? syempre gumawa din ako ng eksena.. Malas nga

lang hindi natuloy, dahil umalis na ang lalaki at nagpaalam na kay Sophy.

Tahimik naman ako kunwari ay walang pakielam.. Sa konting parte ng puso ko, parang nakakaramdam ako

ng inis, at parang ang hirap lumunok..

"Uhmm.. Kuya! Pwede mo ba akong samahan mamaya sa club mamaya?"

"...."

"Kuya!'

"May meeting din kami sa club mamaya.."

"Ihatid mo na lang ako, then pwede ka nang umalis.."

"May kasabay ka naman yata mamaya diba? yun oh!" sabay nguso sa direksyon kung saan galing si

Raymond.

Tinignan ako ni Sophy, na may halong ngiti.. parang nang-aasar na hindi ko maintindihan.

"Nagseselos ka kuya?" sa palambing nyang tono.

"Hindi ah!" mabilis kong tanggi.

"Kung hindi, ihatid mo ako mamaya ha!"

"Bakit hindi ka sa kanya magpahatid? hindi porket mas gwapo sya sa akin, eh makikipagpalitan ka na

ng ngiti sa kanya.. Hmp!" yan sana ang gusto ko isagot subalit wala naman akong lakas ng loob.

Tahimik lang ako, at bubulong bulong sa sulok.

Ngunit inakbayan nya ako, at ngitian ng harap harapan.. Nagulat ako sa aksyon nya.

"Nagseselos ka diba? Kung hindi mo ko ihahatid mamaya, sige ka at baka maagaw nya ako sayo.." may pa

charming pang mukha.

"..."

"Sige na! Please!"

"..."

"Oo.. sige sige.."

"Yan ang kuya kuya ko, at sasabihin nya dun sa lalaki na hindi na pwedeng ligawan ang girlfriend ko,

dahil akin na sya!"

"What the! Seryoso ka?"

"Oo.."

"Bakit hindi na lang ikaw ang magsabi sa kanya?" pilit kong sagot.

"Dahil kapag ako, ay baka hindi sya maniwala.."

Hindi ko alam ang plano ng babaeng 'to, pero sa tuwing may kailangan sya ay parang nawalan na ako ng

karapatang tumanggi.. Bahala na!

"Alam mo kasi.. Kahawig nya si--"

"Kawahig nya si Sebastian.. so kung may taong magliligtas sa akin papalayo sa kanya, tingin ko kahit

sa simpleng paraan ay, makakalimutan ko na sya.."

"Pero hindi naman sya yun.."

"Gawin natin 'to bilang practice!"

"Tingin mo tama ba yun?"

"Gusto mo ba o ayaw mo?"

!@#$%!

Teenage Cappuccino - 5

TEENAGE CAPPUCCINO - The reason, The game, and The consenquences (Short Update)


Ramdam ko na ang malamig at preskong hangin sa paligid, tahimik, at kalmadong kapaligiran.. Tanging ang ngitngit na nang-gagaling sa see-saw lang ang syang nangingibabaw sa lahat..

Ngunit..

Sa likod ng normal at makulay na paligid, mas kapansin pansin ang kakaibang lungkot na nang-gagaling sa kaharap kong anghel..

"....."

Ilang beses ko na ding binalak magsalita, ngunit hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan.. Wala akong maisip na paraan.. Hindi din ako ideal guy na bihasa sa pag comfort ng mga babae..

...

"Kuya.. Hindi mo ba napapansin kung bakit ang see-saw ay nasa dalawang direksyon lang?"

Ang sagot na nasa isipan ko ay "taas at baba" lamang..

"Kahit anong gawin ko.. Babalik at babalik pa din ako sa paibabang direksyon.."

"Walang pinagkaiba sa ikot ng mundo no?" sagot ko.

"Oo.. galing mo kuya.."

"Akala ko, sa paglipat ng school ay makakaiwas na ako sa nakaraan ko.."

"Akala ko madaming magbabago.."

"...."

Hinahayaan ko lang syang dalhin ng kanyang emosyon, tatahimik lang ako at makikinig.. Yun na siguro ang pwedeng magawa ng isang lalaki para sa isang babae..

Ang makinig at unawain sila sa magkakaibang pagkakataon..

"Sa totoo lang kuya.."

"Ayokong isama ka sa mga problema ko sa buhay.."

"Pero sa tingin ko.. Ikaw lang ang makakaunawa sa akin.."

"Merong kang kakaibang katangian na sa pakiramdam ko'y kahit sinong babae ay makikita yun.."

"...."

Dinig ko ang malakas na hampas ng hangin sa mga puno.. At nangingibabaw pa din ang langitngit ng isang lumang see-saw..

"Kuya--"

"Paano kung malaman mong--"

"...."

"Ang lahat sa ating dalawa ay laro lamang--"

Sa sandaling 'to.. Hindi ko na alam ang istorya, hindi ko na din alam kung maniniwala pa ba ako sa kanya. Pero kakaibang emosyon ang naramdaman ko.. may parte sa pagkatao ko na gusto ko pang makinig sa sinasabi nya, ay may parte na gusto ko syang iwanang mag-isa o tumalon sa see-saw at hayaan syang malaglag..

Ngunit ang kaninang mapangahas na postura nya, ay napalitan ng kakaibang lungkot at pagkadismaya..

--------

FLASHBACK

"Sebastian!"

Tandang tanda ko pa kung paano sya tawagin ni Eri sa kanyang pangalan na may halong pang-aasar.. Si Eri ang bestfriend ko.. 1st year high school ako sa isang kilalang eskwelahan noon.. Klasmeyt ko si Eri, at Kuya nya si Sebastian..

At dahil bago pa lang kami sa mundo ng teenager, masipag syang sinusundo ng kanyang kuya kada matatapos na ang klase.

"Sebastian!"

"Tawagin mo akong kuya Eri, mas matanda ako sayo" na kahit nahihiya ay dinadaan pa din sa ngiti.

"Sebastian.. Meet my new friend.. Sophia!"

Hindi ko pa alam kung paano makibagay sa mga lalaki noon, hindi dahil nahihiya ako, kundi hindi ko alam ang iaasal ko sa harap nila.. Noong mga panahong yun alam kong may pagka stubborn pa ako, at madalas pikon.

Ngunit ang nakakagulat na bagay ay sa tuwing nasa harapan ko sya hindi ko magawang magbuhay prinsesa..

Masayahin at palabiro sya.. Palabati at palakaibigan.. Bagay na hinahangaan ng mga tao sa paligid nya. Huli na ng malaman kong naputol na pala ang sinulid na nagdudugtong sa amin bilang magkaibigan..

Unti unti kong naramdaman na nagkakaroon na ako ng gusto sa kanya.. Ngunit takot akong aminin 'to.. Tinago ko 'to at kinimkim sa sarili.. Masaya na ako na nakikita ko sya araw araw.

Hindi nagtagal at naging mas malapit kami sa isa't isa, nakikita ko na lang ang sarili kong laging excited sa kanya, madalas na akong napupuyat kaka-txt at tawag sa kanya. Sa katulad kong bata pa hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. At habang tumatagal nakakaramdam na ako ng selos sa babaeng nakikita kong umaaligid sa kanya, naging alipin ng tunay kong nararamdaman para sa kanya.

Natapos ang freshmen year ko, at ganon pa din ang status ng aming relasyon.. Walang kahit na ano.

Unang araw ng sophomore year ko noon, masaya ako at klasmeyt ko pa din si Eri.. Ibig sabihin mas madalas na ulit kami magkikita ni Sebastian.

"Kuya!"

Sa hindi maipaliwag na dahilan, mas lalo akong naging close sa kanya, at mas nauuna pa ako kay Eri sa labas ng campus para lang makita sya.. Kuya ang tawag ko sa kanya, dahil mas matanda sya sa akin.. At ang nakakatawang bagay ay Ate ang tawag nya sa akin, sabi nya isang typical joke lang daw, dahil kuya ang tawag ko sa kanya.

Kalahating taon na ganito ang aming sitwasyon.. At ang mas nakaka inis, ay bakit hindi nya pa din maramdaman na mahal ko na sya. Sa katulad kong nagpapakita na ng isang malinaw na motibo, ay isang bagay lang ang naiisip ko.. Yun ay hindi nya talaga ako gusto, o may mahal na syang iba, o talagang tanga lang sya at manhid.

...

Excited akong matapos ang klase, para makita sya..

Ngunit ang araw na 'to pala ang syang magbabago ng lahat..

Unang beses na hindi ko sya nakita sa labas ng campus, wala sya.. at kahit ang kanyang anino ay hindi ko makita.

Naghintay pa ako.. nagbakasakaling darating sya..

Ngunit hindi..

"Sophia.."

"Eri.."

"Hinihintay mo ba si kuya?"

"Oo.."

"Hindi na sya darating.."

"Bakit? may nangyari ba sa kanya?" pag-aalala ko.

"Hindi.. Kailangan nyang umalis.."

"Bakit? Saan sya pupunta?"

"Sabi ni mommy.. Mag-aaral sya sa ibang bansa.. Kailangan nya magsipag, dahil sya ang magbabangon sa aming palubog na company.."

Sa murang edad, wala akong naiintindihan pa.. sya lang ang iniisip ko at wala nang iba.

Hindi ko alam pero, parang bumagsak ang aking mundo nung mga oras na yun, hindi ko man lang nasabi sa kanya ang tunay kong nararamdaman.. pinaasa ko ang sarili ko na lagi lang syang nandyan.

"May pinabibigay sya sayo.. ito.." inabot ang isang sulat.

Hindi na ako naghintay pa, agad ko 'tong binasa.

...

Ate Sophia,

Siguro ngayon nagagalit at naiinis ka sa akin, pero tingin ko hindi na kita masusundo sa ngayon. Kailangan kong mag-aral sa ibang bansa, kailangan kong mag-aral ng mabuti bilang susunod na magpapatakbo ng aming company, for some reason bumagsak ang aming company, natalo kami sa market ng another company. Sya nga pala.. hindi mo pa pala naiintindihan ang bagay na 'to, dahil bata ka pa.. At yun din ang dahilan kung bakit, hindi ko masabi sayong mahal kita. paulit ulit kong tinatanong kay Eri, kung maiintindihan mo ba ang gagawin ko. Pero tingin ko wala naman akong magagawa.. Kung mahihintay mo pa ako sa pagbalik ko, gusto ko sanang sunduin ka ulit sa lugar na kung saan madalas tayong nagkikita. Alam kong hindi sapat ang isa hanggang dalawang taon ko sa ibang bansa, para magpaka bihasa.. Umaasa akong sa pagbalik ko ay nandyan ka pa din at naghihintay sa akin. Siguro isa ka nang dalaga, at ubod ng ganda.. Again.. Sorry..


    Kuya

...

Kusang nagbagsakan ang mga luha sa kakapirasong papel sa aking harapan.. Hindi ko alam kung ano ang mga susunod na mangyayari. Wala akong nagawa kundi umiyak. Nawalan ako ng gana mag-aral.. Ang dati at masayang lugar na madalas syang naghihintay, ay tila bangungot na ayaw ko nang makita pa.

Ngunit..

Hindi ako nawalan ng pag-asa.. Araw araw akong naghihintay sa gate ng campus, umaasang darating sya.. Umaasang magbabago ang lahat, at sa huli nalaman kong umaasa lang pala ako sa wala.

Ang buong junior year ko, ay tila isang napakalungkot na kwento at bahagi ng buhay ko.. Minsan natatakot ako, kapag alam kong patapos na ang klase.. dahil lalabas na naman ako ng eskwelahan, at kahit pilit kong umiwas, nandun pa din ang pakiramdam na ako'y naghihintay at umaasa.

Matapos ang junior year ko, nagpasya akong mag transfer ng school.. Ayoko nang muli pang lumabas sa campus na yun, at maramdaman ng paulit ulit ang sakit.

Alam kong hindi papayag si mommy na mag transfer ako sa isang public school, pero nagpumilit ako sa kanya.. At ang kapalit nito ay ang araw araw na pagsundo sa akin ni Kuya, pumayag naman ako.. Ngunit nitong huli ay nakakaramdam ako ng inis, dahil ayaw ko ang pakiramdam ng may sumusundo.

Akala ko.. Makakatakas na ako..

Ngunit aaminin ko..

------

"Sorry Robert.. Sa tingin ko, sya pa din ang mahal ko.."

"At kung paghihintay lang ang tanging paraan, ay gagawin ko.."

Nakakapagtaka lang, dahil sa mga oras na 'to hindi ako nakaramdam ng sakit.. Bagkus ay para akong na challenge.. Gusto ko syang iligtas sa sakit na kanyang nararamdaman. Hindi ko nga ba alam kung talagang tinamaan ako sa kanya.

Sa puntong yun.. Nasa ibabaw ako ng see-saw..

Pinilit ko tong ibaba, at ilagay sya sa itaas.. Nung maabot ng aking mga paa ang lupa, hininto ko ang paggalaw ng see-saw..

"Robert.. bakit?"

"Sophy.."

Hindi ko na nakita pa ang mga luha sa kanyang mga mata, parang sa sandaling naikwento nya ang nangyari ay gumaan ang kanyang pakiramdam.

"Robert! Ibaba mo ako!"

"Ayoko!" sagot ko.

"Lagot ka sa akin pagbaba ko!"

"Gusto ko dyan ka lang.."

"..."

"Bakit nga?"

"Kung ang paghinto lang ng paggalaw ng see-saw ang magagawa ko, para dalhin ka sa itaas ay hindi na akong magdadalawang isip.."

Hindi sya nakasagot.. Mukhang may kulang pa, kailangang may sabihin pa ako..

"Kahit nasa baba ako, basta makikita kitang masaya dyan ngayon, kahit mangawit ang aking mga binti.. ayos lang.."

"You're crazy Robert! Ibaba mo na ako!"

"Hindi.."

"Hindi ako papayag na bumalik ka pa sa baba.."

"..."

"Kahit mapagod ka?" tanong nya.

"Oo--"

"(Sigh)" sagot nya.

"Okei.. You got me.."

"..."

"Hindi mo naiintindihan Sophy, gusto kitang ilayo sa kanya.."

Hindi ko alam kung tama ba ang nasabi ko, o sobrang korni na.. Pero hindi ko inaasahang sa bagay na yun ay mapapangiti ko sya.. Muli ko na namang nakita ang kanyang mapuputing ngipin.

"You're really something Robert.. you've always suprise me, kahit nung unang pagkakilala natin, you put a salt in my coffee at hindi ko malilimutan yun.. Please--"

"Help me.."

Teenage Cappuccino - 4

TEENAGE CAPPUCCINO - Nothing in common (Chapter 4)

Ang love daw ay parang isang korning joke na nakuha sa delivery! Hindi ko din alam.. sa dahilang

hindi ko pa din kasi nararanasan..

Hindi pa din ako makapaniwala na sa huling pyesa ng buhay high school ko, ay magkakaroon ako ng

girlfriend, parang isang pangarap na natupad, pero mas okei siguro kung sasabihin kong dasal na

dininig. Bakit? sa pananaw ko kasi, ang pangarap may posibilidad. ang dasal pwedeng "oo" at mas

madalas ang "hindi".

Tinupad ang dasal ko, at anghel ang binigay sa akin.. Isa na lang naman ang dapat kong gawin, yun ay

sulitin ang pagkakataon, yakapin ang potential, at subukang lumigaya.

...

Maaga akong pumasok, excited akong makita si Sophy, sa gate ng campus dun ako naghintay na masilayan

ang perpekto nyang mukha.

May halong kaba, at mga tanong sa akin isipan.. Bukod pa dun yung mga dapat kong sabihin.. Sa

katulad kong walang experience sa love life, masyadong mahirap ang ganito.

Paulit-ulit akong nag practice ng "good morning" tila bata sa kinder, na paulit ulit din pinapaulit

ng titser, para mas cool ang pagbati.

Bumilis ang tibok ng puso ko, nang napansin kong papalapit na si Sophy.. Malayo pa sya pero kabisado

ko na, na sya yun! tawagin mo na lang yun na taong-inlove-hunch.

"Taong-inlove-hunch"

Ito yung parang instinct mo, o mas mabilis maalala kung tatawaging kutob. Kapag inlove ka, alam mo

ang presensya nya, at kung malapit ba sya sa iyo.. O nararamdaman mo ang kanyang alindog, madalas mo

syang iniisip, at ----

"Good morning Robert!"

masayang bati ni Sophy..

Badtrip! naunahan nya ako mag greet, nakakahiya naman sa lalaking tulad ko..

"Good morning din ---"

Teka? ano nga ba itatawag ko sa kanya? Madalas kasi ako makarinig ng mga sweet names sa mga

magkasintahan.. Yung tipong Bhe, Love, Hon, Sweety, Honeypie, Lollipop, at kung anu-anong matatamis

at minatamis..

Tumayo ang balahibo ko! parang hindi ko yata makakayang tawagin sya sa ganung pangalan..

"Robert? may problema ka ba?"

Bumalik yung diwa ko, nung nagsalita si Sophy, laking gulat ko na lang nung napansin kong malapit na

ang mukha nya sa akin..

"What' wrong Robert?"

...

"Ah! Wala TEH!"

"(awkward face)"

"Teh?"

Hindi ko alam pero bakit nga ba yun ang lumabas sa bibig ko, sa nagtataka nyang mukha at sa mga

matang nagtatanong, ay biglang lumabas ang mapuputi nyang mga ngipin.

"Hahahaha!"

"??"

"Cool!"

"Cool ang--"

"From now on, Kuya na ang tawag ko sayo.. hahaha!" natatawa nyang sabi.

Sa isang iglap nadagdagan ang edad ko.. Hindi na ako nakatanggi. Napangiti din ang kaninang

nanginginig kong panga..

"Ate naman ang sayo! hahaha!" sagot ko.

Aksidente lang ang lahat, pero naging okei pa pala.. napasaya ko sya ng hindi ko sinasadya.

Masaya kaming umattend sa first subject sa masayang umaga..

------

Lunch break na sa senior building, hindi ko namalayan kung saan napadpad ang girlfriend ko.. Bigla

syang nawala.. At sya naman sulpot ni Richard.

"Brad! Halika dito!"

Papunta na sana ako sa canteen, para hanapin si Sophia, ngunit tinawag ang pansin ko ng bulletin

board sa hallway ng senior building..

"Dito brad, tignan mo 'to.."

"??"

"Club?"

"Oo!"

"Hindi ako interesado.."

"Talaga? Eh kung sabihin kong may literature club na ngayon?"

"Nasaan?"

Nakipagsiksikan si Richard sa mga senior student, at pilit tinuturo sa akin ang literature club, na

totoo ngang meron. Hindi na ako nagdalawang isip pa, at nakipagpalitan na din ng pawis sa mga

estudyante.

"LITERATURE CLUB IS NOW OPEN" kasunod ang mga detalye at general requirements..

Nanglaki ang aking mata, hindi na ako magdadalawang isip para sumali sa club na 'to. dahil bukod sa

playstation at online games, ay mahilig din akong magsulat.. fictions at poem. Nakagawa na din ako

ng mga ilang istorya at tula, libangan ko ito, at dahil wala akong lakas ng loob para ipabasa ito sa

iba, ang kadalasang bagsak nito ay sa basurahan..

(otor: hindi lahat sa basurahan.. merong isa napadpad kay sophia..)

"Ikaw? Saan ka?" tanong ko kay Richard.

"Hahaha! Nasa dance club na ako, nung sophomore pa lang.."

"Oo nga pala.."

"Si Sophia kaya?" tanong ni Richard.

"Sa culinary ako--"

Sa sandaling 'to hindi gumana ang instinct ko, at huli na ng napansin kong nasa likuran ko si

Sophy.. Sumalubong sa akin ang mala gayuma nyang ngiti.

"Ikaw kuya?"

"A-ako? Sa---"

"Saan?"

"Sa literature club!" sagot ni Richard.

"Literature?"

"O-Oo! bakit?"

"Nothing.. akala ko sa mga sports club.. nakakagulat ka!"

"Teka! Teka! Teka!" pilit na pag-agaw ni Richard sa spotlight.

"Anong meron at KUYA ang tawag mo sa kanya?" tanung nya.

Minsan gusto ko din tirisin si Richard sa maraming pagkakataon, at dahil bestfriends kami, at kami

ang greenhornets, batman and robin, pwede ding mario at luigi ay never kong magagawa sa kanya.

Pero hindi ko masagot ang tanong nya, hindi ko alam kung sasabihin kong GF ko si Sophia, na sa

tingin ko ay parang ang yabang ng dating ko, Sa isang banda naman ay batid ko kay Sophia na sakin

manggaling ang sagot.

"Hmm.. Kayo na ba?" may pang aasar sa tono ni Richard.

Tumingin lang sa akin si Sophia, naghihintay sa sagot na manggagaling sa akin. Hindi ko sya pwedeng

i-deny, alam kong magagalit sya, pero naunahan ako ng hiya, dahil alam kong asar mula kay Richard

ang mapapala ko.

"Oo.. girlfriend ko na sya.."

Napangiti si Sophia.

"Anak ng! Kailan pa?" tanong ni Robert.

"Kahapon lang.."

"Paano nangyari yun?"

"Anong paano?--"

"(Batok) niligawan nya ako at sinagot ko sya.. okei?" sagot ni Sophia.

"Hahaha! Yan ang bestfriend ko!" mayabang na tono ni Richard.

Napakamot ulo na lang ako na may halong hiya..

"Tara! Celebrate na natin yan sa canteen!" anyaya ni Richard.

Sa puntong yun, naramdaman ko ang palad ni Sophy sa aking mga kamay.. mula dito mararamdaman mo ang

init at lambot na pinaghalo.. parang init ng kape sa madaling araw, ang sarap sa pakiramdam. Huli ko

nang namalayan nung napansin kong lumulutang na ang aking damdamin.. ganito pala ang love,

unidentified feelings.. masyadong clueless kahit nararamdaman mo na.

------

Sa canteen, sa paborito naming tamabayan ni Richard ay dun kami pumuwesto..

"Ako na bahala sa order.." pauna ni Richard.

tumayo at dumiretso sa counter..

Hindi naman kami nakaligtas ni Sophia sa mga mata ng mga tao sa paligid.. Alam kong hindi ako yung

tipong pagkakaguluhan ng mga babae, kaya hindi nakakapag duda kung may masabi sila sa akin. bagay na

wala naman akong pakielam..

"Robert.."

Tumingin lang ako sa kanya.

"Bakit sa literature club ang gusto mo?"

"Mahilig ako sa fictions and poems.." plain na sagot ko.

"Aha.. meron ka na bang mga nasulat?"

"Madami na din.."

"Talaga? pwede ko bang mabasa.."

"Actually.. After ko silang isulat--"

"..." nakatingin lang sya at naghihintay.

"Tinatapon ko.."

"???"

"...."

"Bakit?!"

"Nahihiya akong may makabasa.."

"Wala ka na bang naitago?"

"Merong isa.. Kaso--"

"Kaso ano?"

"Nawawala sya eh.. (Toink!)"

Sa puntong yun hindi na sya sumagot, tumingin kung pabalik na ba si Richard.

"Eh.. Ikaw? mahilig ka ba magluto kaya sa culinary ka nag sign?"

"Yup! gusto mo masubukan?"

"Oo ba!"

"Okei, tomorrow i'll bring one.." sa masaya nyang tinig.

Normal lang ang pag uusap namin.. walang sweet talks, tulad nung madalas kong nakikita sa iba. Hindi

dahil sa bago lang kami, kundi dahil mutual pa lang ang feelings na meron kami, at wala pa siguro sa

level na require nang mag "i love you" at "i love you too"..

Somehow.. nararamdaman kong pupunta din kami dun.. Enshala..

Napansin ko ang patches sa uniform nya, na kahapon ay wala.. tanda na certified student na sya ng

skwelahan namin.. na nagdala ng isang tanong sa isip ko..

Bakit nga ba sya nag transfer..

...

"Uhm.. Sophy, este Ate?"

"Oh?"

"Itatanong ko lang sana kung bakit ka nag transfer.."

"Naitanong mo na eh.. pero hindi ko masasagot yun.."

"Bakit naman?"

"Robert! Please? Hindi ko masasagot yan.."

May inis akong naramdaman sa tono ng pagsagot nya.. Na nagbigay sa akin ng matinding palaisipan, at

yun ang gusto kong malaman.. gustong gusto..

"Sorry.."

"Okei, don't ask me again.."

Hindi na ako sumagot.. batid kong seryoso sya, at baka malintikan lang ako.

------

Ilang minuto na lang at patapos na ang last subject, at hindi pa din ako kinakausap ni Sophy.

Pinagmamasdan ko sya ng patago, masyado syang seryoso.. Bagay na hindi nya naman gawain, o nasanay

lang ako na lagi syang nakangiti.

"Okei class.. See you tomorrow.."

Nag ring na ang bell, tanda na kailangan ko nang umuwi.. Nag impake na ng mga gamit, at nag ayos ng

gusot na polo.

"Sabay na tayo.." mahinang boses ni Sophy.

"Sure.."

Dating gawi sa gate kung saan kailangan mong magpa check ng bag at id, para sa schedule, ay doon

kami pumila..

Tahimik lang si Sophia.. Kailangan ko syang pangitiin sa kahit anong paraan, at kung ano man yun ay

handa kong gawin.

"Sophy.."

Tumingin lang sya..

"Iniisip mo pa ba yung kanina?"

"Nope.."

"Pansin ko lang.. may problema ba? masama ba pakiramdam mo?"

"Wala to kuya.." kasunod ang matabang na ngiti.

"Gusto mo i-treat kita? Dun tayo sa park na malapit lang dito!"

"Akong bahala! sagot kita!" dugtong ko pa.

Hindi sya sumagot at tumingin lang sa akin.. Ako naman na naghihintay ng desisyon na manggagaling sa

kanya. Humakbang sya ng dalawang beses papalapit sa akin, inabot ang aking id, at tinignan ang class

schedule ko..

"May.."

"Back subject ka pa.."

Hinila ko pabalik ang aking id, at tinignan.. kumpirmado.. 'to naman ang nakakainis.

"Oo nga pala! nakalimutan ko.. Uhm.. Next time na lang, or bukas after class!"

"No.."

"Anung no? kung hindi mo gusto okei lang.. hehehe!"

"No.. Hindi ko feel na gawin yun bukas.."

"Dahil alam ko bukas, masigla na naman ako.."

"Tingin ko kailangan kita ngayon, kailangan ko ng makakasama.."

Sa mahabang paliwanag, at malamya na boses, may kung anung kirot sa aking damdamin.. Nahawa ako sa

lungkot na nararamdaman nya..

"Paano yan.. may klase pa ako.."

"Sasama ako sa klase mo, sasamahan na kita.. Sabay na din tayo pumunta ng park, sigurado mas maganda

dun kapag gabi.."

May konting sigla na akong nakikita sa kanyang presensya..

"Okei! Tara na.. Dun lang naman sa 3rd floor ang last class ko.." ^__^

------

Unti unti ay nakikilala ko na si Sophy.. Hindi sya ganon kahirap pangitiin, sya pala yung tipong may

mahinang damdamin na kahit sa matapang na panglabas.. at para syang bata, na napakadaling amuhin..

1 hour ang klase ko sa hapon, tatlo lang kaming estudyante.. Isang titser na magpapakopya lang ng

notes, walang pinagkaiba kay Ms. Suarez.. Inabutan ko ang dalawa kong kaklase sa back subject,

ngunit wala pa ang aking guro.

"Napaaga yata tayo.."

"Uhm.. Sure ka bang okei lang sayo maghintay?"

Sinuntok nya ako sa braso, at sinundan ng matamis na ngiti..

"Okei lang.. Kuya kita eh!"

Sabay kaming naupo sa pang apat na row, ng maliit na kwarto.. Naghintay.. Hindi pa man kami

nakakatagal ay agad na tumunog ang phone ni Sophy.. Tinignan nya ang caller..

"Mommy!" ang sabi nya sa akin, pero walang boses.

Sumenyas naman ako na sagutin nya.. Ngunit nagulat ako nung hindi nya sinagot at kasabay ang pag

cancel sa tawag.

"Bakit?"

"Magtatanong lang yun kung nasaan ba ako.."

"Eh di sana sinagot mo, at sinabi mo kung nasaan ka.."

"(batok) eh di nagalit yun!"

"Kapag nalaman nyang kasama ko ang isang lalaki, sigurado ipapasundo nya ako kay kuya.."

Hindi ako nakasagot, pero alam kong mali ang ginagawa nya.

"Umalis na tayo.."

"Teka may klase pa ako.."

Nag ring ulit ang phone ni Sophy sa pangalawang pagkakataon, at tulad ng ginawa nya nung una hindi

na naman nya sinagot at ang matindi ay pinatay nya ang phone nya..

Ano ba nangyayari sa babaeng 'to..

Ano nga ba ang tinatago nya..

Napakarami kong tanong..

Tumayo na sya, at sinenyasan ako na mauuna na daw sya sa gate, at doon nya na lang ako hihintayin..

tumango naman ako.

Kailangan kong malaman ang nangyayari.. Hindi ako pwedeng umupo lang dito.. Wala pang isang minuto

nang umalis si Sophy ay tumayo na ako.. Sinabihan ang mga kaklase ko, na sa susunod na lang ako

aattend..

Agad kong hinabol si Sophy, malapit na sya huling palapag ng senior building nung maabutan ko sya..

"Sophy!"

Hindi ko alam pero parang passive skill, at agad kong hinawakan ang kanyang kamay.. Laking gulat ko

nang naramdaman na sobra sa lamig ang kanyang mga palad, at nangangatog ito sa takot.

Sa puntong yun, ay pinigilan ko na sya sa paglalakad..

"Sophia.. anong problema?"

Huli na nung malaman ko.. Pumatak na ang kanyang mga luha, kakaiba talaga ang babaeng 'to.. Ngunit

hindi na ako nag ubos pa ng oras, agad ko syang hinila papalabas ng campus.. para maibsan ang

kanyang nararamdaman, na kung ano man yun ay gusto kong malaman.

..
...
....

"Okei ka lang ba?"

"Yes.. thank you.."

"Sigurado ka bang gusto mo pang tumuloy tayo sa park?"

"Yes.. we should go.. kailangan ko ng katahimikan.."

----

Papalubog na ang araw nung makarating kami, Sakto din ang timing dahil pabukas pa lang ang mga

ilaw..

"Dun tayo sa see-saw.." anyaya nya.

"Huh? Akala ko ba gusto mo ng tahimik na lugar?"

"Oo.. pero nagbago ang isip ko.."

"Ang bilis naman.." bulong ko.

"At bakit naman sa see-saw?"

"Diba gusto mo malaman kung bakit ako nag transfer?"

"Oo! pero--"

"Anong kinalaman ng pag ttransfer mo sa see-saw?"

Sa isang mababaw at garalgal na tono.. nagulat ako sa kanyang sagot..

"Siguradong maiiyak ako, at gusto kong malayo ka sa akin kapag nangyari yun.."