image credit to orig uploader
"Distance is a numerical description of how far apart objects are." sabi ni Wiki. May nabasa pa kong math, tsaka yung travel from point A to B, na sya namang tinuluguan ko noong nagsasayang ng natitirang hininga ang titser ko. Basta ang alam ko lang dati, ang salitang "distansya" ay yung allowance na makikita mo kapag ikaw ay lulan ng pampasaherong jeep, at matatanaw mo yung salitang "distancia amigo" o kaya naman ay kung medyo nababadtrip ka sa ka-seatmate mong kasing haba ng standard na ruler ang leeg kakadungaw sa test paper mong halos parehas lang naman kayo ng sagot. Blangko.
Pero noong makilala ko si Lena at natutong ibigin sya. Tsaka ko lang nalaman ang totoong kahulugan ng distansya. Nakakatuwang isipin na ang isang relasyon ay nagsisimula sa distansya. Tulad ng sa amin. Nagkakilala lamang kami ni Lena sa Cafeteria. Halos limang table ang layo ko sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko didigahan o kung paano ko ma-e-express ang love at first sight ko na hindi ako nagmumukhang weirdo o tipong mag-aabot ng sobre at hihingi ng kaunting barya. Swerte nalang at dumagsa ang grupo ng mga estudyanteng babae na tatambay sa Cafeteria at mag-uusap ng tungkol sa buhay ni Mario Maurer. Napilitan tuloy akong ibigay na sa kanila ang pwesto ko para naman maganda ang bonding o pwede rin sabihing sinadya.
"Pwedeng maki-share?" magalang kong tanong, "Pero kung hindi, okay lang. I guess tatayo nalang ako sa counter"
"Go ahead!"
Upo agad ako. Tumawa sya ng malakas. Na-curious bigla ako. Baka mali ako ng dinig.
"Akala ko ba tatayo ka sa counter?" Putcha mali nga. Mag-e-evaporate na sana ako sa hiya buti kumabig sya. "Biro lang. Sige upo ka"
Biruin mo, sa limang minuto lang, ang kaninang limang table na distansya namin, ngayon ay halos kitang kita ko na sa eyeballs nya ang bukbukin kong mukha. Ganun lang binabasag ng libog, este ng pag-ibig ang distansya sa pagitan ng dalawang tao. Minsan, pinapanalangin ko na tirahin ng lindol, tsunami, super tension typhoon, at bird flu ang lahat ng isla sa buong mundo. Kahit man lang mag-trip ang Diyos ng isang gabi, na pag-gising ng mga nilalang sa mundo ay magkakadikit na ang lahat ng bansa. Iisang isla na lamang! All together na! Sama-sama na ang lahat ng lahi at baka magkaroon ng chance na manaig ang salitang love sa puso ng bawat tao. Sabi nga e, "love can move a mountain" baka applicable din sa mga nations, nationwide. Kung magdidikit-dikit ang mga nigga, singkit, arabo, amerikano, at mga kayumangging pango ang ilong, may chance siguro na masanay ang mga tao at malimutan na ang salitang diskrimansyon at mawawala ang red tape sa customs.
Umabot ng isang taon ang relasyon namin ni Lena. Napakasarap sariwain ng mga masasayang moments. Yung mga sandaling pupunasan ko ang labi nya dahil may sumabit na ketchup dahil sa kinakain naming hotdog sandwich sa 7eleven. Yung mga away-bati, sungit-sungitan, sampal-sampalan, tsaka tusuk-tusukan. Mga pagkakataong ite-text nya ko para sunduin ko sya sa work dahil sobrang lakas ng ulan, tapos pagdating ko sa place tatawag sya na sumakay na daw sya ng taxi at bumili daw ako ng mami na hindi nagsesebo para may pagsaluhan kami kapag dumiretso ako sa kanila. Yung mga sandaling kami nalang dalawa ang natitira sa sala nila, at nagpapahiwatig na kong baka pwedeng papakin ko ang lips nya. Tatawa lang sya tsaka nya sasabihing uwi na ko dahil gabi na.
Maraming beses ko nang pinangarap na sana sya nalang ang makatuluyan ko hanggang sa susunod na buhay. Ang lubid ng distansya na parehas namin hinatak para mapalapit kami sa isa't isa, sana'y hindi na muling matanggal sa pagkakabuhol at tuluyan mapalayo ako sa kanya. Pero, mukhang sadyang malupit ang lotto ng buhay. Sa dami ng mabubunot na numero, naka-tsambang love life pa namin ang na-jackpot. Hindi ko alam ang nangyari. Basta nabingi nalang ako sa salitang binigkas nya.. "Sorry, kailangan ko muna dumistansya"
"Para po!" wika ko sa driver. Nilakasan ko ang tinig ko kasi na'sa pinakadulo ako nakaupo. Isa, dalawa, tatlo, o pitong tao? Ganoon kalayo ang distansya ko ngayon kay Lena. Kanina ko pa kinukuha ang atensyon nya ngunit parang may stiff neck sya na bawal lumingon. Ang sakit isipin na mauuwi rin sa napakalayong distansya ang relasyon namin dalawa. Doon din pala matatapos ang sa kung paano din kami nagsimula.
Binagalan ko pa ang hakbang ko pababa ng jeep. "Bababa ka ba talaga?" sita ng driver. Napangiti ako. Doon ko lang napagtanto. Mahaba na pala ang traffic. Hindi na ko lumingon pa. Ginupit ko na ang lubid para tuluyang umabante ang jeep na lulan si Lena. Hinayaan ko na syang makalayo. Malayong malayo na hindi ko na kaya pang sukatin ang distansya.
-end
9 comment/s:
masakit ang lubid mo kuya ampy
Dinaan mo na lang sa mga jokes ang lungkot ng post na ito. Hayaan mo at baka yung mga distansiya mo sa ibang tao ang maging simula muli ng isang istorya ng pag ibig.
Sad, sad ending... Ang sakit sa dibdib neto Kapogi! Parang gusto ko ipang bigti ang lubid na yan! lol
fiction po ito hehe
oo nga e, thank you!
hahaha wag naman kapogi ;)
Maganda ang pagkakasulat. Nangyayari kasi sa tunay na buhay.
pahiram ng lubid
here oh hahaha!
Post a Comment