Quit na ko!



Umupo ako ng eksakto 1pm. Nag-type ng mga letra na bubuo sa mga salita. Mga salita na bubuo ng pangungusap, at mga pangungusap na inaasahang bubuo ng isang kwento. Isang kwento na naisip ko noong sumakay ako ng flying boat sa loob ng manila zoo. Meron bang ganun?

1:30pm, naubos yung limang pirasong yosi.. wala akong nabuo. Kung meron man, kahit 'di marunong magbasa e hindi babasahin. Sakit sa balls! Kung kailan kating-kati kang kamutin ang likuran mo e hindi mo naman maabot. Hindi eksakto pero parang ganun yung feeling. Tipong akala mo abot mo na yung gitna ng spinal cord mo tapos hindi pa din pala! Parang inulit ko lang.

Seryoso, hindi ko na talaga alam ang gagawin sa buhay este sa blog ko. Mahirap pala kapag hindi ka sana'y magpa-cute sa random post at forte mo lang talaga ang gumawa lang ng kwento na hindi naman talaga ineragalo ng niligawan mong musa noong two thousand ten pa. Syet! Ingles! Kung nakita nyo lang kung paano ko ini-wink ang hinliit ko malamang nagtae na kayo.

3:00pm, naalala ko marami akong plot na naitago sa silver na usb ko. Natuwa ako ng matagpuan ko. Muling nagbalik ang sigla sa buong katawan. Pakiramdam ko'y nakita ko na yung nawawalang manibela para makapag-drive muli ako ng keyboard. Putcha! Tatlong kwento naisulat ko! Kaso puro kalahati. Para na kong pirated na cd na kung kelan ka mapapa-indak sa bandang chorus tsaka biglang tatalon o 'di kaya e mag-i-skip sa next track.

break time..

After ng hapunan, siguro mga bandang 10pm na...Sabak ulit! Baka sakaling nakatulong yung pagbabasa ko ng e-book habang nanonood ng video clip ni Abigaile Johnson. Baka yung ambience ang kulang. Yung medyo tahimik at madilim. Yung parang ikaw na lamang ang tao at sarili mo na lamang ang kausap mo, at natutuwa ka nang pagmasdan yung mga usok na lumalabas sa bibig mo na syang tatakip sa screen ng computer mo. Panalo sa salitang "mo"

Hindi ko alam kung may hinahanap ako na bigla ko na lang naiwala, o talagang hindi ko pa nakikita. May kwento sa likod ng isip ko na naghihintay lang na humupa ang katamaran ko o sadyang guni-guni ko lang. Putek! Deep!

Mag-lilista nalang ako ng mga batas na gusto kong ipatupad kung magiging Presidente ako ng Pilipinas.

-Magkakaroon ng time management sa MRT (MRT lang, madalang ako mag LRT e. Tsaka "time management" nalang para mukhang genius) Halimbawa, eksaktong 7:00am hanggang 7:15am lang pwede pumasok ang mga pasahero. Walang pwedeng makapasok hangga't hindi pa pumapatak ng alas otso. Mababawasan ang siksikan, tulakan, nakawan, at hipuan. Sisipagin ang mga ala-tsamba na gumising ng maaga.

-Mahigpit na ipatutupad na lahat ng Domestic Helper ay dapat na dumaan sa Taekwondo, Karate, Judo, Sumo, at Ong-Bak training bago makaalis ng bansa. Panahon na siguro para malaman ng ibang lahi na hindi lang paglilinis, pagluluto, at paglalaba ang alam ng mga kababayan nating Pinay.

-Lahat ng mga walang trabaho o nahihirapag maghanap "ngunit" saksakan ng sipag ay malayang makakapag paskil ng kanilang resume/cv/bio-data sa poste, ding-ding, at bakuran ng POEA. Required sa mga malalaking kompanya na magtalaga ng mga taong susuyod sa bawat poste, ding-ding, at bakuran ng POEA para pumitas ng sandamakmak na resume/cv/bio-data. Para fair, bawat Pilipinong walang trabaho ay kailangan munang makapag paskil ng higit isang libong resume/cv/bio-data sa bawat poste, ding-ding, at bakuran ng POEA bago matanggap sa trabaho.

-Magtalaga ng mga seksing nurse sa mga pasyenteng nalulumbay. Makakatulong magpagaling ang libog. Tingin ko lang..

Marami pang iba. Yung iba, ipo-post ko nalang kapag tapos na kong mag muni-muni. Pasensya na, minsan lang ako mag-joke ng title.

-The End

6 comment/s:

Jonathan Yu said...

Random random lang, tagal mong mag post ah. Inisip ko pa sino ba si amphie na sinusundan ko. Gusto ko yung isa mong batas, ang mabigyan ng trabaho ang mga masisipag. Paaano naman ang mga tamad? Sa kanila na lang ipaskel yung mga CV para mayroon silang silbi, lol! Antayin ko part 2.

Mar Verdan said...

Benta sa akin ang mga batas na nais ipatupad! hahaha

Aabangan ko ang kasunod! Dali na! #demanding!

amphie said...

mabenta sakin yung last kahit ayoko ma-ospital :D salamat idol! post ko nalang kapag nakapag-file na ng candidacy sa LTO hehe

amphie said...

nasa stage ako ng wala nang musang mabola sir kaya random post lang hehe. salamat ulit sa pagdaan! Yung mga tamad na pinoy, gagawing taga-linis ng mga nagkalat na cv.

Aldrin Espiritu said...

putek may ong-bak hahah.. pero seryoso, tingin ko hindi ka nmn tlga sinasabaw.. kaw p?

amphie said...

nilulugaw na sinasabaw hehe. ong-bak talaga gusto ko sunod kay master bruce lee :D

Post a Comment