Social Media

image credit to orig uploader

Tinalo ng boses ni Aling Temy ang ilang bote ng alak na itinumba ko kagabi. Sa sobrang lakas ng kaniyang sigaw, kahit ang alaga kong nakatindig ay biglang humandusay na lamang.

Agad akong bumalikwas sa kama. Hinagod ang gusot na buhok at panis na laway. Kinapa ko ang tsinelas gamit ang paa, at saka napagtantong kulang na ito ng isa.

"Anak, bumangon ka na!" sigaw ni Ermats, "Nagkakagulo sa labas!"

Marahan kong sinilip sa bintana kung ano ang mga kaganapan sa kalye naming abnormal na maituturing, kung bigla na lamang naging tahimik. Sinabayan ko ng higop sa kape at hithit sa yosi ang mga ginang at kabataang tila may welga.

Yung lugawan sa tapat ng bahay namin na langaw lamang ang nabebenepisyo ay bigla na lamang dinumog ng mga moso't mosa. Tuwang tuwa naman ang tindera't naubos ang kaniyang paninda.

"Kuya, gising ka na pala?" wika ng kapatid kong 'di ko namalayang na sa likuran ko na pala, "Lasing na lasing ka kagabi ah! Sinumpong ng rayuma si Nanay pagkatapos ka naming buhatin papunta sa kwarto mo."

"Pasensya tol, nakarami e."

"Pati yung bagong bili kong sapatos sinukahan mo! Regalo pa naman sakin ng gf ko yun."

Mabuti pa yung utol ko masaya sa love life. Kami ni Renalyn wala na. Kaya napasugod ako Food Park sa Crossing dahil sa sama ng loob kagabi. Naaliw ako sa mga bebot pero napaiyak naman ako nang may kumanta ng theme song namin sa karaoke.

Hanggang ngayon 'di pa din ako maniwalang nakipaghiwalay sa akin si Renalyn. Hindi ko alam kung dahil sa hindi ko pagtupad sa pangako kong bagong android phone, o dahil mas pogi lang talaga yung ipinalit nya sa akin. Napaka-unfair kung tutuusin. Umaga sya nag-declared na officially wala na kami, tapos pagkatingin ko sa news feed ko may selfie na sya agad kasama ng bago nya. May hashtag pang #newyearnewboyfie.

Hindi naman ako tanga. Siguro sadyang mabait lang ako. Maraming pagkakataong pwede ko syang iuwi sa amin kapag may debosyon ang parents ko, kaso 'di ko ginagawa kasi hindi naman ako ganon. Lagi pa niyang sinasabing napakabait ko daw at sa sobrang bait ay gusto nya na kong iwan. Akala ko joke lang.

"Kuya bakit ka naiiyak? Mainit ba yung kape?"

"Wala! Ano meron sa labas?"

"Ha? Hindi mo alam? Matatawa ka sa balita."

"Bakit?"

"Shut down na raw ang Facebook haha! Ang aga rin ako ginising ni Nanay dahil dyan, tinanong pa ako kung 'di raw ba ako apektado."


"Ano sabi mo?"

"Sabi ko hindi. Hindi naman kami sa social network nagkakilala ng gf ko e. Sabi ko pa posible ikaw dahil sa group mo lang nakilala si Renalyn."

Pinalipad ko ang natitirang tsinelas ko sa kapatid kong tumakbo papalabas ng bahay habang tumatawa.

Lumabas ako ng bahay para maki-sagap ng balita kung totoo ba. Sa sobrang lasing ko kasi kagabi pati phone ko 'di ko alam kung saan ko sinangla. Naupo ako sa hagdan ng pintuan namin habang bitbit pa din ang kape.

Naaliw akong makinig sa mga sumusunod:

"Paano na ang online shop ko ng mga luto kong bagoong?"

"Yung mga followers ko malamang nag-iiyakan na ngayon."

"Nako! Paano na ang asawa kong si Ernesto sa ibang bansa, at yung kanyang padala?"

"Kakagawa ko lang ng account!"

Nagulat ako sa kalabit sa aking balikat. Yung classmate ko buong elementary na si Ana panay ang ngisi sa akin "Tawa ka ng tawa dyan ah!", wika nya, "Hindi mo na maa-update mga photos mo kasama gf mo!"

"Ayos nga yun e! Mabilis ang proseso ng pag move on."

"Tara dota?" alok nya.

"Iiyak ka lang kapag natalo ka." sagot ko.



~wakas

0 comment/s:

Post a Comment