image credit to the owner
Sa buong buhay natin meron talaga tayong nag-iisang hindi natin magawang kalimutan. Yung tipong The One That Got Away.. Yung mag-iiwan ng marka sa ating puso na kahit saan man tayo mapadpad ay hinding hindi natin kayang ipagpag na lamang. Solid. Kikiligin ka sa tuwing dadaan sa likod ng iyong isipan kahit pa lulan ka ng bus sa kahabaan ng trapik sa Edsa.
Sa kaso ko, si Melinda. Siya yung akala ko noon pang-habang buhay ko na. Yung napapabulong ako sa sarili na hindi kami mapag-hihiwalay ng kahit na sino, kahit pa pasukin ng isis ang Pilipinas.
"Ma'am, excuse, nakapila ka pa ba?" tanong ko sa kaniya. Pinaka best ko ng linya para mapansin nya ko, "Uy! ikaw pala yan!"
"Albert! Kamusta? Nako tumaba ka ha!"
Akalain mong kakain lang sana ako ng pares sa terminal ng bus tapos bigla ko siyang nakita. Sabi nga ng mga millenials, itinakda pero hindi itinadhana. Late ko na na-absorb yung tumaba daw ako, magagalit pa sana kaso ang ganda ng ngiti niya.
"Okay lang. Ito pa rin ang byahe mo pauwi?"
"Hindi. Hinihintay ko lang yung asawa ko. Tsaka alam mo na.." sabay turo sa ulan, "Nagpapahinto. Bawal magkasakit. Ikaw?"
"Food trip lang sana."
"Hindi. Hinihintay ko lang yung asawa ko. Tsaka alam mo na.." sabay turo sa ulan, "Nagpapahinto. Bawal magkasakit. Ikaw?"
"Food trip lang sana."
"Kaso? Nakita mo ko? Haha!"
Mapang-asar. Parehas pa rin ng dati. Hindi nagbago. Mabilis niya akong mabasa. Siguro dahil mas matanda siya sa akin ng ilang taon din. Animo'y kilalang kilala. Nakakatuwa at the same time nakakalungkot. Nauubusan ako ng salita. Kinakapos ng tamang emosyon.
Marami pa sana akong gustong ikuwento. Alam kong ganoon din siya, kaso dumating na ang sundo nya. Natapos na yung mga flashback namin. Kasabay ng pagpapa-alam sa isa't-isa, unti unti ding naglaho yung ngiti ko pati na rin yung gutom.
"Mag-iingat ka palagi Albert, a-add kita sa Facebook."
Sayang. Yun lang yung naibulong ko sa sarili. Nakakapanghinayang. Kung hindi ko lang siya teacher noong high school malamang kami yung sabay kumain ng pares at hawak kamay habang naglalakad pauwi.
-Wakas

0 comment/s:
Post a Comment