Teenage Cappuccino - Final Chapter

TEENAGE CAPPUCCINO - Last look (Final Chapter)



Kung dati ang pinakamalaking problema ko lang ay ang pagka-bacon ng mga underwear ko, ngayon ay ang mala-billboard na imahe ni Sophia sa isip ko. Sino ba si Sophia? Oo parehas kami ng last name, pero hindi iisa ang bloodline namin. Marami kaming pinagkaiba. Simula sa hibla ng buhok, hanggang sa pag-iisip ng mga bagay bagay. Pati yata pagtingin sa takbo ng buhay malaki ang pinagkaiba namin. Kung tutuusin kami yata ang pinakasalising nilalang ng diyos na hindi nya alam na sa huli ay magtutugma, sa ngalan ng pag-ibig. Amen!

Dalawang tao na pinaglaruan ng tadhana, ng madaming beses. Ang love life namin ay mas nakakahilo pa sa roller coaster ang takbo. Hitik sa mga loops at heights. Ngunit isa lang ang sigurado.. Kahit anong mangyari hihinto ang takbo ng roller coaster, at magpapatag ang lupa. Amen ulit!

Si Sophia ang babaeng nagbigay ng dahilan para magkaroon ng tingkad ang black and white kong mundo. Kung walang formatting na magaganap sa isip ng tao sa reincarnation, putek! Kahit maging ipis pa ako, at sya ang tsinelas sobrang saya ko pa din. Dahil ngayon bilang tao, pinapatay na ako ng bawat ngiti nya.
Mahal ko sya. Hindi ako magsasawang gumising sa umaga, at matulog sa gabi na sya ang kasama ko.

"Kahit kailan ka talaga.." bulong ko sa sarili, habang nakatingin sa dingding ng rooftop ng senior building.

Nag-flashback sa isip ko ang graduation. Kung paano ko kinalimutan ang lahat ganun ko din ito mabilis maalala, sa tuwing mababanggit ang pangalan nya. Kitang kita ng mga mata ko kung paano hinagis ni Richard ang toga, at kung paano ito bumagsak sa patag na lupa. Yun na ang pinaka-emo na sandali sa buhay ko.

"Tara na brad-pit.." si Richard.

"Mauna kana, susunod ako.." sagot ko.

Last look! Tinignan kong maigi ang kalakihan ng eskwelahang naghubog sa pagkatao ko bilang teenager. Kung pwede lang ipinta sa isip ang hitsura nito malamang daig ko pa si Mars Ravelo sa pagguhit. Kasunod ang hampas ng hangin, nagising ako sa katotohanan na wala na ngang Sophia na darating pa. Isang larawan ang dinukot ko sa bulsa at idinikit sa pader ng rooftop, kung saan kami dapat na magkikita noon. Sa likod ang maikling salitang isinulat ko. "Hihintayin kita Sophia" kaya ganun na lang ang ngiti ko nang may sagot na ito "Nasaan kana Robert? Late kana naman!" Sa loob ng isang taon, hindi ko man lang nalaman na ang taong hinihintay ko, ay naghihintay din pala sa pagbabalik ko.

Ngayon ang araw na dapat nang tapusin ang ikot ng roller coaster. Naglakad ako pababa ng hallway. Tinawid ang gitna ng quadrangle, at diretsong nilakad ang gate. May maayos nang ngiti sa aking mga labi.

..
...
....

Sa pagtapak ng mga paa ko sa kalsada ng pag-ibig, muli ko ulit nasilayan ang maamo nyang mukha. Mukha na naging masipag na tambay sa isip ko. Naglaro ang kanyang mata na nagtatalo ang luha at saya. Ang bilis ng tibok ng puso ko, ay parehas na parehas nung unang beses syang lumapit sa akin sa cafeteria. Walang pinagbago. Halos limang dipa lang ang layo nya sa akin, na sa isang iglap ay kayang kaya ko syang angkinin. Ngunit nanatili ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Parehas naming hinintay ang sandaling ito, pero ngayong magkaharap na kami tila ayaw na yata gumalaw ng katawan ko. Gusto ko syang yakapin at iparamdam sa kanya kung gaano kahirap i-visualized ng kanyang mga ngiti at tawa. Nais kong malaman nya ang hirap na dulot ng pagkamiss ko sa kanya. Naunang humakbang ang kanang paa nya, na lalong nagpataas ng adhikain kong sunggaban sya.

"Sandali!" awat ko.

"Bakit?" nagtataka nyang tanong.

"Bago ka tuluyang lumapit sakin, gusto ko lang malaman mo.."

"Na ano?"

"Hindi ako bumalik dito para makita ka lang.." sagot ko.

Bahagyang kumunot ang kanyang noo. Bagay na gustong gusto kong makita sa maamo nyang mukha. Kung hindi ko lang talaga pinapahaba ang eksenang ito, at kung pumikit lang lahat ng tao. Malamang nalunod na sya sa mga halik ko.

"Nandito ako para hanapin ang ka-partner nito. Ayaw na kasing mag-function ng normal e!" sabay turo sa kaliwang dibdib ko. Sumilip ang ngiti sa kanyang labi.

"Nandito ba ang kabiyak nyan? Sabihin mo lang ibibigay ko sayo" malinaw nyang sagot.

Sa puntong yun humakbang na ang kaliwang paa nya. Hindi ako nagpadaig. Nakipag-unahan ang mga paa ko tungo sa kanya. Sa bawat hakbang lahat ng memorya ng pinagsamang saya, at tuwa nang mga araw na kasama ko sya, lahat ay kusang nagbalik. Isa sa mga pinakamahigpit na yakap ang ibinigay ko sa kanya.

Kung pwede lang kaming manatili sa ganitong posisyon, hinding hindi na ako bibitaw pa. Wala syang imik. Nararamdaman ko din ang dampi ng kanyang paghinga sa aking leeg. Mainit ito, kasing init at kasing sarap ng paborito kong pares sa jolly-jeep sa makati. Napapangiti ako habang iniisip na ito na ang simula, at ending ng love story namin.

..
...
....

Ngunit nawala ang mga ngiting yun, nung nagsimulang manigas ang aking mga braso. Hindi ko ito maigalaw. Kusa itong humihigpit sa pagkakayakap kay Sophia. Nararamdaman ko ding dahan dahang lumulubog ang mga paa ko sa lupa. May kung anong takot ang biglang bumalot sa buong katawan ko. Kasunod ang mabilis na pagpatak ng malamig na pawis.

"Nangyari na ito.." bulong ko sa sarili.

Muli kong tinignan si Sophia, ngunit laking gulat ko nung wala na sya sa mga bisig ko. Humigpit ang aking paghinga.

"Nangyari na ito noon, hindi ko lang matandaan" muli kong bulong.

"Mahal kita.. Mahal na mahal" isang tinig ng babae na kung hindi ako nagkakamali, ay ilang beses nang dumalaw sa panaginip ko. Palaging nyang role ang magpaalam sa tuwing magkikita kami sa ganitong klaseng eksena. Pero iba ang ngayon. Gising na gising ang diwa ko, at maliwanag ang paligid kumpara noong..

"Tama! Noong inatake ako ng bangungot sa field trip!" nagawa ko ding sumigaw. Tumingin ako sa paligid pero walang pumansin sa akin. Anong nangyayari? Nagbagsakan ang luha sa aking mga mata na kahit anong pilit ko ay parang nasirang gripo lang kung dumaloy.

Pumikit ako..

Limang segundo..

Sa pagpikit ko, lumabas ang imahe ni Sophia. Sa kanyang aksyon para syang nagpapa-alam. Tulad nung nakaraan kong panaginip, iniangat ko ang aking kamay para abutin sya. Mabilis ang kanyang paglayo sa akin.

Lumunok ako ng bahagya..

Pinagmasdan ko sya..

..
...
....

"Robert tinatanong kita sumagot ka nga!" si Ermats.

"Diyoskong bata ito! Dilat na dilat ang araw nananaginip ka?" dugtong nya pa. hindi ako sumagot. tinignan ko lang sya. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari.

"Hoy! Tinatanong kita! Sigurado ka naba sa pag-alis mo?"

"Hindi po!"

"Anong hindi?! Kanina pa naghihintay sayo yung bus, tapos sasabihin mo hindi?"

"Nanaginip ako ng gising.." tanging nasabi ko.

"Umayos ka nga Robert, nakakahiya sa mga tao dito" bulong sakin ni nanay sa naiinis nang tinig.

Kinapa ko ang bulsa ng aking suot na jeans. Hindi ako nagkamali! Panyo ang laman nito. Mabilis kong hinablot kay nanay ang bag nya, hinalungkat ang laman nito. Lalong nanglaki ang mga mata ko nung nakita ko ang susi ng aking kwarto.

Walang ibang pumasok sa isip ko kundi si Sophia. Kung tama ang hinala ko nasa ospital sya sa mga oras na ito. Bumangga ang sinasakyan nilang kotse kasama ang kanyang mga magulang. At wala syang malay. Marahil iyon ang tinutukoy sa mga panaginip ko. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras, inabot ko kay ermats ang mga gamit ko.

"Saan ka pupunta?! Teka! Hoy! Robert!"

"Uuwi! May kailangan akong tawagan"

"Sino? Maghulos dili ka nga! Batang 'to!"

"Pupuntahan ko si Sophia! Mag-taxi ka nalang pauwi!" pahabol kay nanay.

"Sinong Sophia?! Halika nga dito! Buntis ba sya?!" sigaw pa ni nanay.

--------

Nung mahagilap ko sa kwarto kung saan ko nilagay ang lumang simcard, mabilis kong tinawagan ang numero ni Sophia. Ngunit hindi tinig ni Sophia ang sumagot sa akin, kundi ang kuya nya. Sinabi nya ang eksaktong lokasyon. Hinarang ko ang taxi na una kong nakita pagkalabas palang ng bahay.

"Manong! Diretso mo lang! Sasabihin ko sayo ang lugar!" pagmamadali ko sa driver.

Kung may latigo lang akong hawak nilatigo ko na ang taxi driver, para lang bumilis ang aming takbo. Dinaig pa kasi sa bagal ang pinas sa pagusad, kung magmaneho. Highway ang kalye pero tumatayang sixty lang ang takbo namin. Yung mga paa ko nangangati na, parang gusto ko nalang takbuhin ang kalsada.

"Manong, wala naba tayong ibibilis?" tanong ko.

"Nagmamadali ka ba iho?"

"Ay hindi po! Nakakainip lang po yung byahe" pilosopo kong sagot.

"Wag kang magmadali iho. Makakarating din tayo.. Sino ba pupuntahan mo sa ospital?"

Napahinto ako sa tanong nya. Tumingin ako sa kanya bago tuluyang sumagot.

"Girlfriend ko po, nasa kritikal sya ngayon"

"Ganun ba? bakit hindi mo agad sinabi?!"

Mabilis na diniinan ng driver ang gaas. Mabilis ding humarurot ang sasakyan. Ang kaninang parada ng mga taxi, ngayon tila karera ng buhay o patay. Wala pang isang oras nasa hospital na kami. Agaran akong nagbayad, sa pagmamadali hindi ko nagawa pang kunin ang sukli. Hindi ko din naman alam kung magkano ang metro. Tinakbo ko ang hagdan imbes na mag elevator. Sa ikatlong palapag kung saan ako itinuro ng receptionist, nakarating din kahit pa hingal pugo.

"374.. 374.." paulit ulit kong sambit habang iniisa isa ang mga nakahanay na pintuan sa hallway.

Nakarating ako sa pinakadulong kwarto. Bago pumasok huminga muna ako ng malalim at mabilis itong pinakawalan. Nag-summon ng kaunting lakas ng loob tska binuksan ang pinto. Napahinto ako sa sumalubong sa akin. Iba't ibang klase ng tinapay, crackers, softdrinks, juice, at mga babaeng naka-apron na nagsasalin ng tubig sa malaking kaldero. Napa-atras ako bigla, sinilip kong muli ang numero sa harapang pinto. Nakasulat ang malalaking letra na binubuo ang salitang "canteen"

"Anak ng.. Nasaan na ba yun?"

Binaybay ng mata ko ang mahabang hallway ng ospital. Isang pinto ang bumukas. Kasunod ang doktor at nurse. Doon ko lang nakita ang maliwanag na numerong 374. Tinakbo ko agad ang kwarto. Hindi tulad nung kanina hindi na ako huminto, binuksan ko agad ang pinto.

..
...
....

Nanglambot ang aking mga tuhod sa aking nadatnan. Kusang napahawak ang aking mga kamay sa aking tuhod, at diretsong napaluhod. Hindi matanggap ng aking mata kung paano tinaklob ang puting kumot sa katawan ni Sophia. Naagaw ng atensyon ko ang isa pang nurse na nasa loob ng kwarto. Tumango lang ito sa akin at binanggit ang salitang sorry nang walang tinig na lumabas sa kanyang labi.

"Sorry Sophia.. Na-late na naman ako.." bulong ko sa sarili.

Gulong gulo ang isip ko, habang nagbabagsakan ang mga luha sa aking mata. Walang parte ng aking pisngi ang naiwang tuyo. Sunod sunod na hikbi ang tanging namutawi sa aking boses. Ibang klase talaga mag-trip ang tadhana. Pumikit ako. Nagdasal na sana'y isang panaginip ulit. Ngunit nang dumilat ako nasa harapan ko na ang nurse at pilit akong pinapapasok sa loob ng kwarto.

Gusto kong sumigaw..

Gusto kong magwala..

Gusto ko pa syang yakapin..

Madami pa akong gustong sabihin at ikwento sa kanya..

"I'm sorry sir.." mahinang boses ng nurse.

Hindi ako umimik.

"Stage 4 na po ang cancer nya.. Lahat na po ng paraan ay ginawa namin. Sad to say, pero kailangan po nating tanggapin ang lahat. Again, sorry.."

Napabalikwas ako sa sinabi nya. Sa pagkakatanda ko car accident, at walang kinalaman ang cancer sa kwentong ito. Tumayo ako mula sa pagkakaluhod, at nagpunas ng mga mata at sumusulpot na sipon. Nagsalubong ang aking kilay, para lang makaiwas sa pagkapahiya.

"Miss! Sophia Monsood po ang hinahanap ko!" wika ko.

"Sophia po ba? Sorry sir! Pasok po kayo nasa loob po sya.." sagot nya.

Malaki pala ang loob ng kwarto na hinahati ng isang malaking partition. Nasa kabilang side si Sophia. Napakamot pa ako habang diretsong naglakad papasok sa kwarto. Sinilip ko muna ang maliit na siwang bago tuluyang pumasok. Nakahinga ako ng maluwang sa aking nakita.

Ang maamong mukha ni Sophia na natutulog. Nasa tabi nya si Dave na nakaupo, at sa tingin ko ay naghihintay sa akin.

"Uhm.."

"Oh! Robert! Nandito kana pala.." wika nya.

"Halika dito.. Kanina kapa nya hinihintay. Nakatulog na nga eh!" dugtong nya.

Umupo ako sa tabi nya, at tahimik na pinagmasdan ang kanyang mukha. Payapa ito kung pagmamasdan. Nasisinagan ng liwanag na nanggagaling sa maliit na bintana ng kwarto. Naramdaman ko ang sobrang pagkamiss sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang kamay, at taimtim lang nakatitig.

"Maiwan muna kita ha.. Tatawagan ko lang sina Mommy"

"Nasaan po pala sila?" tanong ko.

"May inasikaso lang, pero parating na" tipid nyang sagot.

"Maitanong ko lang po. Ano po bang nangyari?"

Ngumiti sya ng bahagya, bago tuluyang magsalita.

"Sabihin nalang natin na matigas talaga ang ulo ng kapatid ko, Pero hanga ako sa kanya. Buong buhay ko hindi ko nagawang sumalungat sa mga gusto ng magulang namin, bagay na sya lang ang nakagawa"

"She's talking about freedom. She's fighting for that. And I know it's because of you Robert.." tumalikod sya at diretsong umalis. Naiwan akong walang nasabi.

"She's fighting for me.." bulong ko sa sarili.

Tinitigan ko syang muli. Ayoko syang iwan. Gusto kong sa pagdilat ng mga mata nya, ako ang unang babati sa kanya. Nilapit ko ng bahagya ang aking mukha sa kanya. Humalik sa kanyang noo.

"Sorry.. for being late.." bulong ko sa kanya.

..
...
....

"Lapit ka ng konti.." ang mahinang sagot nya. Nakapikit pa din ang mga mata ngunit may liwanag na ang kanyang mukha.

"A kiss?" tanong ko.

"I would love to. But I want to kill you first"

Nangibabaw ang tawa sa pagitan naming dalawa.

--------------

One month later..

Napuyat ako kagabi! Sa pagmamadali ko nalimutan ko pang magsuklay ng buhok. Hindi ko natignan ng mabuti ang sarili sa salamin, kaya diskumpyado ako kung katanggap tanggap ba ang hitsura ko sa napaka importanteng araw na ito. Tumingin ako sa relos habang patuloy sa pagtakbo, sinasabi nitong may babaeng naghihintay kasunod ang nakapilang sermon. Sira ang pagkatao ko sa muling pagkakataon.

Lahat ng nadadaanan ko napapalingon sa akin. Mabilis ding lumilingon pabalik, baka daw may kasunod na pulis. Tinalon talon ko ang hagdan sa underpass maging ang overpass. Nakipag marathon ako sa mga jeep, at nakipag patintero sa mga nagtitinda ng sigarilyo. Sa pinakadulo ng kalye merong huling liko pakanan. Doon ako huminto. Pigil na pigil na ang aking yapak kahit pa abot langit ang aking paghinga.

Sa dulo ng huling kalyeng nilikuan ko, nakatayo ang isang babaeng walang space ang kilay.

"Late kana naman!" warm greeting nya.

"5 minutes lang!"

"Tatawad kapa! Naku! Mukhang isang buong taon na namang ganito!" pagmamaktol nya pa.

Humakbang ako papalapit sa kanya. May mga lalaking napapahinto, at tila hindi makapaniwala.

"Tara na?!" anyaya ko.

"Sandali lang.. Gusto kong sulitin ang mga sandaling kagaya nito.." kasunod ang buntong hininga at hindi maipaliwanag na ngiti.

Hinawakan ko ang kanyang kamay. Lalong namangha ang mga tao sa paligid. Hindi makapaniwalang nag-exist ang mga anghel, at nasa lupa ang isa bilang girlfriend ko. Itinaas ko ang kamay nya.

"Hello College!" sigaw ko.

"Umayos ka nga! Nakakahiya tayo!"

"I just can't help it.. sobrang excited ako! napuyat nga ako kagabi dahil dito" paliwanag ko.

She smiled at me. That smile can kill a person in an instant! Sabay naglakad ang aming paa patungo sa bagong eskwelahan. Bagong pakikipagsapalaran, at bagong version ni Ms. Ramirez. Umihip ang hangin. Okay na sana, kaso nagmaktol ang aking tiyan.

"Hindi ka nag breakfast?"

"Hindi e! Saan ba ang canteen?"

"Don't know.."

"Gusto ko kasi mag coffee, ikaw?"

"Sure! With sugar or salt?"

"Hahaha! No! With me.."

-END

23 comment/s:

Anonymous said...

..weeeee!? first..haha, basahin ko muna boss..

-Die

Anonymous said...

ayus..
Kakatuwa talaga istorya mo idol..
So inspiring sa isang katulad ko! :saludo:
Sana may gumawa ng e-book nito..hehe

_cielroi

starbuko1234 said...

wohu kala ko talaga namatay nanaman ang bida pero pucha patawa tlga na dali mo ko dun boss amphie talaga nga naman oh my twist swabe

more power boss sana gumawa ka pa ng maraming ganito

Amphie said...

salamat sa pagbasa sir!

Amphie said...

meron nang ginawa si kom, doon sa PD. thanks idol!

Amphie said...

hindi naman kita empleyado, wag nang mag boss! hehehe! salamat sa pagbabasa! sa next time ulit!

Anonymous said...

Badtrip. Haha. Nadale mo ko dun idol. Extravagant ending! Looking forward sa mga susunod mong katha!

Amphie said...

yari ka! hehe! salamat sa pagdaan sir!

starbitch said...

haaay grabe natapos kuna din to sa wakas.. 4AM ako natapos start ng 12AM! hahahaha at nalate ako kanina hindi nakapag final exam pero pasalamat lang talaga at mabait si ma'am lagi akong pinag tetest pa! ahahahahahaha akala ko nadeads na si sophia! ang ganda ganda ganda talaga!!!! :"> <3.<3

Amphie said...

yari ka! hehehe! unahin ang school hehe! mas importante pa yun kesa sa kwentong ito. salamat sa pagbasa :)balik ulit!

starbitch said...

ok lang un! sanay na si ma'am! hahaha kaya banadang huli naging Teacher's PET pa! xD sulat ka po ulit :)

sobrangwaxxy said...

Hindi ko alam ang sasabihin ko pero habang binabasa ko ito.. Sobrang naiiyamot ako (inaaabala kasi ako ng boss ko sa pagbabasa,pucha) ..

Ang galing,wala wala akong gasinong masabi. Yuko ka nga,sasabitan kita ng medalya.
Isa kang henyo,hindi ka tao.

Gusto ko ng mainlab ulet pagkatapos ko'ng basahin tong kwento mo.
Hindi ko alam kung saang sulok ng utak mo hinugot to,pero IDOL panalo ka!

Wala ako'ng nagawa maghapon kundi basahin lang ito mula umpisa (sa symbianize) at katapusan dito sa blog mo. Hindi ako maalam mambola,at madalas speechless ako matapos makasaksi o makapanuod ng magandang love story. Kaya pasensya ka na kung hindi ko masyadong mabigyan ng mga tamang papuri ang gawa mo.

Pero pag nagkita tayo or nagkasama tayo sa personal.
Pwede ba'ng ipagsigawan ko sa paligid ko na TROPA KITA at ikaw yung idol ko na author ng teenage cappuccino!

So proud of you  (syota syota??) ..

Galing mo talaga idol.

Isa ka'ng patotoong  dahilan kung bakit masarap ang mabuhay. (ano daw?)

Boss Amphie - saan ka dadaan pauwe?

Haharangin kita dala ang ballpen at papel..

-pa-autograph-




=sobrangwaxxy-

Third said...

Hindi ko alam ang sasabihin ko pero habang binabasa ko ito.. Sobrang naiiyamot ako (inaaabala kasi ako ng boss ko sa pagbabasa,pucha) ..

Ang galing,wala wala akong gasinong masabi. Yuko ka nga,sasabitan kita ng medalya.
Isa kang henyo,hindi ka tao.

Gusto ko ng mainlab ulet pagkatapos ko'ng basahin tong kwento mo.
Hindi ko alam kung saang sulok ng utak mo hinugot to,pero IDOL panalo ka!

Wala ako'ng nagawa maghapon kundi basahin lang ito mula umpisa (sa symbianize) at katapusan dito sa blog mo. Hindi ako maalam mambola,at madalas speechless ako matapos makasaksi o makapanuod ng magandang love story. Kaya pasensya ka na kung hindi ko masyadong mabigyan ng mga tamang papuri ang gawa mo.

Pero pag nagkita tayo or nagkasama tayo sa personal.
Pwede ba'ng ipagsigawan ko sa paligid ko na TROPA KITA at ikaw yung idol ko na author ng teenage cappuccino!

So proud of you  (syota syota??) ..

Galing mo talaga idol.

Isa ka'ng patotoong  dahilan kung bakit masarap ang mabuhay. (ano daw?)

Boss Amphie - saan ka dadaan pauwe?

Haharangin kita dala ang ballpen at papel..

-pa-autograph-




=sobrangwaxxy=

amphie said...

salamat sa pagtiyaga sir! nakakatuwa't nakakapagbbigay ng kaunting inspirasyon ang mga kwento ko. keep writing trops!

saan ba ang blog mo ng mabisita ko din? :D

rhed said...

waaaaaahhh!!!  Ganda ng twist, kala ko dead na talaga natawa pa ko sa pag-emote nya... hehehe...
Nice ending! so inspiring... *powerhug*

IDOL talaga!.... ikaw naaa!

amphie said...

wag na pong idol ma'am :)


salamat sa pagbasa! wala akong maibalik sa magagandang papuri ninyo dito ;) balik balik lang kapag may petiks time.

ikaw ba yang nasa pic? akala ko lalaki ka :D

rhed said...

nyak bakit andyan yun pic? akala ko malalagay sa thumbnail before nun name ko. toinkz!  hehehe, ayan alam mo na po na pwede rin sa babae ang rhed..:P

amphie said...

kung gagamit ng account sa fb, twitter, etc pwedeng mag-appear ang gamit na profile pic :D


thanks ulit rhed! macarthur tayo!

rhed said...

pano ko na alisin pic ko ngay dyan? or ikaw baka pwede mo maalis?.:D.. and yeap! syempre McArthur ako dito, dami pa akong aabangan at babalik-balikan... *wink*

amphie said...

ay di ako nagre-remove ng pic kapag maganda ang reader hahaha! sige tanggalin ko nalang :D

rhed said...

weeeh! paalis nalang, hehehe Tenchu!.... aaahm... update naman ng flamingo & one morning of July mo...:D

tom-joy said...

ibang klase si ermats buntis daw ba sya?




anu daw un?.,.,., lol

amphie said...

hindi ko rin alam :D

Post a Comment