One Morning of July - 10

(image credit kay idol Melala)

***

"Better a witty fool than a foolish wit." -William Shakespeare

Nagising ako sa aking kwarto na may nakakainis na sakit sa ulo. Dala iyon ng likidong ilang ulit ko ng isinumpa, ngunit nakakalimutang tanggihan kapag nasa harap ko na. Sa tabi ko ang babaeng wala akong ideya kung bakit nakikitulog sa aking kama. Ang babaeng may nakaka-alarmang hubog ng balakang at nakakatunaw na ganda ay walang iba kundi si July, at kung minsan ay si Marta. Kung babalik ako sa oras na wala pa ang espiritu ng alak sa aking katawan, malamang malalaman ko kung paano ko ba sya nakilala noong gabing iyon. Kung naging gigolo man ang style ko, hindi ko na alam.

Akala ko doon na matatapos ang lahat. Akala ko lang. Noong nag-aaral ako, hindi ko nagawang bigyan ng definition ang salitang soulmate, dahil sa paniniwalang hindi ako naniniwalang may ganoong sistema ang pag-ibig. Pero 'di yata kami nagkaintindihan ni kupido. Walong oras lang nakalipas, kasama ko na ulit ang babaeng may magic na bitbit ang bawat ngiti. Nagising ulit akong kasama sya, and the rest.. Parang ayokong isama sa history ng buhay ko.

"Sunday, 8pm.."

"Late na naman sya.." bulong ko.




Ewan ko kung anong brand ng mary jane ang dahilan kung bakit nya naisip na dito kami magkita. Sa lugar kung saan mismo ginanap ang company anniversary. Yung party na pinaka-boring, kaya siguro napadami ako ng inom. Hindi ko maiwasang mangiti, dahil bumabalik sa aking ala-ala yung mga sandaling nagising ako't may biyaya sa tabi ko.

Malakas ang patak ng ulan sa labas. Mabisang excuse sa pagiging late nya. Inikot ko muna ang paligid. Noong gabing iyon napakaraming tao, kaya hindi ko napansing maliit lang pala ang venue. Sa tingin ko'y para sa espesyal na okasyon lamang ginagamit ang lugar, yung tipong inaarkila lamang. Mabuti nalang at hindi ako siningil ng guard ng sabihin kong may kalakihan ang katawan nya at siguradong hahatak ng maraming babae ang kanyang mga dimple. Sa ground floor lang ng mataas na hotel ang silid. Tanaw sa bintana ang parking sa labas, kaya madaling malaman kung may darating na auto, o may babagsak na eroplano.

"Ang aga mo yata. Excited ka?" hindi ko man lang namalayan ang kanyang pagdating.

"Advance siguro ang relos ko, nabasa ka ba ng ulan?" tinulungan ko syang tanggalin ang makapal na jacket na kanyang suot.

"Hindi naman, mukha lang malakas ang ulan dahil malakas ang hangin"

"Wala ka yatang kotse? Nasiraan?"

"No, hindi ko talaga dinala." inalalayan ko sya sa pagkakaupo. Daig ko pa care giver sa pagbibigay ng care sa mukhang hindi naman nangangailangan. Pogi points lang.

"Dyan ka lang ha! Five minutes!"

"Saan ka pupunta?"

"I'll buy some coffee, dyan lang sa cafeteria" nakangiti kong sagot. Hindi ko na hinintay ang sasabihin nya, mabilis akong tumalikod at naglakad.

---

Split personality? Disorder? Doble kara? Parang isang mabisang joke na hindi ko magawang tawanan. First day, nagpakilala syang July. The other day Marta naman. Sa susunod na pagkikita namin inaabangan ko kung last name na ba ang magbabago sa kanya. Kung may mabisang paraan na pwede kong tanungin kung nahihibang na ba sya, siguro ginawa ko na. Yung hindi sya magagalit kahit nakaka-offend.

Sinubukan ko lahat ng paraan na alam ko para sakyan kung anong meron sya. Kahit hindi ko  alam ang katotohanan, nakikita ko na lamang ang sarili kong hinahanap hanap sya. Umiibig ako sa babaeng malala pa sa halalan ang takbo ng isip.

"Two black coffee Sir Noel!" mabilis kong inabot ang bayad. Malaki ang ngiti sa aking bibig. Hindi dahil masarap magkape kasama si Marta, kundi tinawag nya kong sir.

"Thanks!"

Binalikan ko agad si Marta. Mahirap na, baka sapian na naman sya. Ayaw nya daw ng pinaghihintay kahit yun ang madalas nyang gawin sakin sa tuwing lalabas kami. Naabutan ko syang nakaupo lang. Bumagal ang bawat hakbang ko nang malapit na ko sa kanya. Napangiti ng bahagya ng makita kong nakangiti din sya sa akin. Parang may kuryenteng pumapaligid sa buong katawan ko ng magtama ang aming mga mata.

"Naisip ko lang, may katagalan na din kitang kilala pero wala ka pang naikwento tungkol sa buhay mo.." pauna nya. Dahan-dahan akong umupo sa tabi nya. Sumisiksik sa dalawang butas ng ilong ko ang branded na pabangong kanyang gamit.

"Noel Cruz. Dalawamput walong taon. Mahilig ako sa arts, pero hindi ko sya nagawang pasagutin kahit ilang beses ko pang ligawan. Hindi ko nga alam kung bakit ako naligaw sa trabaho ko ngayon. Ikaw?"

Humigop muna sya sa kape at binalikan ako ng isa na namang ngiti.

"Certified bum! Hindi nagtatagal ang interes ko sa isang bagay. A dentist. Pero pinilit ko lang tapusin ang course, para lang makaiwas ako sa--" huminto sya. "I think medyo personal na yun, next question?"

"Anong palang gagawin natin dito?" agaran kong tanong. Actually wala akong interes sa kwento nya. Ang dahilan lang ng pagpunta talaga dito ang gusto kong malaman.

"Mag i-star gazing tayo.." nawala ang ngiti ko. "Joke lang! Seryoso ka naman masyado.."

"Hindi! Naisip ko lang na posible yun, kasi sa mata mo palang parang nakatitig na ko sa milky way.."

"Cheap shot!" natatawa nyang sagot.

"Seryoso, anong gagawin natin dito?" humigop muna sya ng ilang ulit bago magsalita.

"Dito ginanap ang company anniversary diba?" tumango ako ng ilang ulit. "Gusto ko lang malaman kung paano tayo nagkakilala."

"May mga natatandaan ako, pero medyo malabo ang iba" panimula ko.

"Sunday, exactly 8pm dumating ako dito noon. Si Nancy ang unang sumalubong sa akin.. Sa buong gabi madami kaming napagkwentuhan ng basong kaharap ko. Kaya siguro ako nalasing dahil masaya syang kausap. Yun lang ang tanda ko. At.."

"At ano?!" excited nyang tanong.

"I'm not sure. Pero wala akong matandaang nakita kita noong gabing iyon" dugtong ko.

"Actually late akong dumating sa party.." naglaro muna ang kanyang mga kilay na tila nag-iisip pa ng kung anong detalye na kanyang natatandaan. "Hindi na dapat ako pupunta, dahil nagkaroon kami ng misunderstanding ni Dad that night"

"Naalala ko nang dumating si Mr. Reonico it was already 10pm.." dugtong ko sa pahayag nya "Lahat pa nga ng tao nahinto. And I heard something from him. May declaration sya na parang sona lang."

"Anong sinabi nya?" mabilis nyang tanong na parang batang sabik sa sagot sa bawat tanong ni Dora.

"Ahh, hindi ko na tanda. Lasing na talaga ako nung time na yun. Pero bago ako lumabas ng venue, may natandaan akong tumulong sa akin sumakay ng taxi.."

Tumawa sya ng malakas. Sobrang lakas. Kasya siguro ang basong hawak nya sa laki ng kanyang bibig. Napakamot tuloy ako dahil siguradong hindi maganda ang nagawa kong noong gabing iyon. Kung ano mang nakakahiyang bagay ang ipinakita ko, sana'y hindi sya isang audience doon. Sana.

"Past eleven na siguro ako dumating. Personal ang pinagtalunan namin ni Dad, kaya siguro ako napainom ng marami." nahinto sya ng malamang wala na palang laman ang basong pinagsidlan ng mainit na kape.

"Pwedeng makichismis?" tanong ko.

"Gusto nya kong maikasal sa lalaking never ko pang nakikilala. Tumutol ako syempre! But he said that if I marry the guy, mas magiging okay ang partnership nila ng ama ng lalaking gustong ipakasal sa akin. That's suicide kung papayag ako!" kung hindi taglish ang sinabi nya malamang hindi ko nagets yung iba.

Napalunok ako kahit mainit ang kape. Hindi alintana ang paltos sa dila sa narinig ko. Para bang may malaking krus na itinusok nalang sa dibdib ko. Gusto kong tumutol sa araw ng kasal nila kahit hindi ako imbitado at kahit hindi bagay sa kwentong ito ang ganung senaryo. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Nasa dulo na ng dila ko ang pagsasabing mahal ko sya, pero hindi iyon kailangan sa mga oras na ito. Nawawalan ako ng pag-asa sa nalaman ko.

"And then?" out of nowhere kong tanong.

"Naglasing ako! I drink as much as I can.. And guess what?!" hinablot nya sa kamay ko ang kape at nilagok ng ilang ulit. "Nakapag drive pa ako. And that time isa lang ang nasa isip ko.."

"Ako ba?"

"Nasa isip ko ng mag-suicide! Car accident ang pinakamagandang paraan that time. Nasa impluwensiya ako ng alak kaya wala na siguro akong mararamdamang sakit.."

"Buti hindi mo itinuloy?!" gulat kong tanong na parang hindi makapaniwalang ikakasal ulit si Kris Aquino.

"Paano ko itutuloy kung may isang Noel na nasa back seat pala ng kotse ko!" natatawa nyang sagot.

"Ako?! Anong ginagawa ko dun? Hindi naman dilaw o puti ang kotse mo para mapagkamalan kong taxi.."

"Well, problema mo yun! Hindi ko nga alam kung bakit naroon ka. Ginising kita pero mukha ka ng wasted talaga."

"Ikaw ba naghatid sa akin sa apartment? So alam mo pala ang dahilan kung bakit ka natutulog sa kama ko"

"That's true.." mahina nyang sagot. "Hindi ko na alam kung anong gagawin ko noong mga oras na iyon. So I decide.."

"Na ano?!"

"Pangit pakinggan pero kailangan ko talaga ng reason para hindi matuloy ang kasal.. So I decided to have sex with you.. Kung mabubuntis ako malaki ang chance." 

Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Nakaramdam ako ng awa. Ang babaeng matagal ng nasa tabi ko ay may problema palang dinadala. Akala ko problema ko lang ang pagsasabi ng nararamdaman ko, pero mas may importante pa pala syang dapat sabihin na mas kinakailangan ng pangunawa.

"May nangyari sa atin?"

"Wala. I passed out.."

Nadismaya ako ng kaunti. Akala ko pa naman may first base na sa first night. Guni-guni lang pala. Natahimik kaming dalawa. Walang gustong magsalita. Nakikiramdam ang bawat isa kung anong ano magiging reaksyon ng kung sinong unang magsasalita. Lalaki ako, pero may sikat na rules na ladies first. Alam kong mahirap ang sitwasyon nya. At sa tingin ko'y kahit hindi kailangan ay dapat kong tulungan sya. Tama naman siguro na paminsan minsan ay maging kapakipakinabang ako.

"Anong gusto mong kainin?" biglaan kong tanong. Napasimangot sya. May mali yata sa tanong ko. "I mean, kain muna tayo. Nakakagutom ang mag-isip"

Hinila ko ang kanyang mga kamay. Mahigpit. Gusto kong iparamdam sa kanyang magiging okay ang lahat. Gusto kong isipin nya na hindi pa naman magwawakas ang mundo hangga't wala pang december 2012.

"Salamat Noel.."

"Tsaka kana magpasalamat July.."

"Don't call me July.. Marta ang pangalan ko, at wala akong multiple personality.."

"Ha?!"

"Naisip ko na kung matutuloy ang gusto kong mangyari, kailangan ko ng reason para layuan ka. Sapat na siguro ang gumawa ng kasinungalingang tulad nun. Sorry.."

"Nakaplano na pala ang lahat?! Pero bakit kailangan mo pang sabihin sakin ang buong kwento?!"

Tumaas ang tono ng boses ko. Hindi ko nagustuhan ang huling pahayag nya. Bakit sa akin pa? Pwede nya namang sabihing gumawa kami ng biyaya kuno, tapos hanggang doon lang. Kailangan pa bang patagalin hanggang sa point na gusto ko na sya? Aminado ako na minsan akong naging biktima ng mga bully sa school, pero sa mga ganitong bagay parang higit pa yata sa suntok ang natanggap ko. Pakiramdam ko'y nasayang ang lahat ng effort ko. Lahat ng tiyaga na minsan na lang dumalaw, sa isang kalokohan lang pala mapupunta. Nagtatalo sa puso ko ang inis, galit, at awa. Ang daming heart breaker sa paligid, bakit sakin pa? Wala naman akong natatandaang nagpaiyak ako ng babae, last year.

"Bakit ako?" wika ko. "Nakokonsensya ka ba?"

"No! Hindi ganun Noel! Natatandaan mo ba noong tanungin kita kung ikaw ang magiging boyfriend ko?"

"Anong kinalaman nun?"

"That was the time na.." putol nya. "Naramdaman kong mahal na yata kita.."

tbc..


itutuloy ko nalang sa next time. may uunahin lang akong ibang kwento :)


14 comment/s:

starbuko1234 said...

putek

amphie said...

syetess! :)

Mafe Sumampong Garcia said...

saan na yung ibang kwento? :D

Milna Tulao said...

ang ganda grabe!!! new follower mo ko, ngaun ko lng nkita tong blog mo thru Pink Line per nabasa ko mula 1st chapter nitong One morning of July :)) keep posting!!

-Milna
pinkmommy3030.blogspot.com

Archieviner said...

Ang ganda ng kwento. 1st time ko dito. Followed na kita :)

amphie said...

excuse lang yun hehe

amphie said...

thanks! malaking tulong talaga si pink hehe

macarthur tayo! :)

amphie said...

salamat! sana may second time din ;)

Archieviner said...

eto na ang second time. lol follow mo rin ako para magka3rd time pa. lol

amphie said...

oks na idol ;)

Rexal Rey Fuertes said...

Ahahaha nice! ang galing! excited na ko sa next chapter!!! Ganda ng development boss Amphie!!!! :D

amphie said...

bolero hehe.. hirap na kong sundan :D

rrfuertes said...

Hehe walang halong biro yun boss Amp! Kumusta pala yung Flamingo. Inaabangan ko din yun. Ui boss Amp pa follow naman ako sa blog ko. hahahaha :P

amphie said...

biglang ganun hahaha! sige sige ;)

Post a Comment