Kutilyon

image credit to orig uploader

Kanang paa. Kaliwang paa, paharap. Ikot. Last move na ang tingin. Pang-ending ang ngiti na ilang beses ko nang praktisado pero 'di ko pa din magawa lalo't kaharap ko na sya. Susmaryosep! Sana kagwapuhan nalang ang pinamana sakin dehins na sana sinama ang katorpehan. Napapadalas na ang dance rehersal para sa nalalapit na kutilyon ni insan. Napapadalas na din ang silay ko kay Cindy na ilang beses ko nang dineny sa lahat ng tamang hinala, pero sa huli tyempo pa din ang pagsabay ng smile ko sa bawat indak nya. Bwiset!

"Sa Monday nalang ulit," paalam nya sa akin. Naalok ko na lahat ng pwedeng ialok kahit ang panonood ng mga batang pawisan sa parke, pero tumatanggi pa din sya. Lahat na yata ng klase ng pamatid uhaw nabili ko, kahit na alam kong ibibigay nya din naman sa kaibigang kasama sa praktis. "Praktis ka ha!"

Inakbayan ako ni Insan. May ngiting ang sarap hampasin nalang bigla ng dyaryo, kung 'di lang sya babae. "Kuya, type na type mo talaga si Cindy eh no?" Dahan-dahan kong inangat ang kanyang braso paalis sa aking balikat. "Sya may type sakin! Kita mo naman sa tuwing hahawak ako sa beywang nya halos managinip ng gising!"

Hindi ko talaga alam kung saang lupalop ko nahuhugot ang kapal ng aking mukha kapag kaharap ko si Insan, o talagang malakas lang ang amats ko kay Cindy. Gusto ko nang umamin. Gustong-gusto ko na rin kurutin sya sa pisngi paminsan-minsan. Hindi ko inakalang dito pala hahantong ang pagsang-ayon ko na sumama sa kutilyon. Fate ba yun? Sa libo-libong panang lumilipad mula langit, swerteng tumama sakin yung isa. Pero sana man lang sabay kaming natuhog ng iisang palaso. Hindi na sana naungkat ang pagiging torpe.

Sumapit yung gabi na minarkahan ko sa kalendaryo. Gabi ng debut ni Insan. Kung saan huling moment na naming sasayaw. Hindi na 'to praktis, kaya alam kong after nito wala na kong Cindy na makikita pang muli. Bumili ako ng dalawang bugkos ng roses. Isa kay Insan. Yung isa sa basurahan kung 'di tatanggapin ni Cindy.

Lakas ng kabog ng dibdib ko ng sinabing sasayaw na daw kami. Parang ayaw kumalas sa upuan yung pwet ko. Itong tuhod ko ngayon pa tinamaan ng sakit. Hindi ako makalad ng deretso. Sinuyod ko ang dilim. Hinanap ko si Cindy. Lahat may partner na. Tumingin ako sa paligid. Syet! Wala si Cindy! Tinanong ko agad si Insan. Na-alarma ako dahil medyo mahal ang bulaklak ngayon. Wala namang refund kaya lugi agad kung di mapapakinabangan.

"Sorry, di ko nasabi. May sakit sya eh! Hindi daw makakadalo." malungkot nyang balita. "Pero nandito ang kapatid nya. Kabisado nya daw ang step kaya walang magiging problema." Nga naman. Si Cindy nga pala ang dance instructor. Pamilya nila ganito ang raket kaya alam kong kahit kapatid ay 'di sasablay.

Natapos yung gabing 'di ko man lang sya nakita. Sagwa. Kung alam ko lang na magkakasakit sya, sana pala sa kanila nalang ako tumuloy. Paparesan lang ng prutas yung bulaklak, di kana obvious na may masamang intensyon. Hinatid ko nalang yung kapatid nya hanggang sa gate ng venue. Magpapa-alam na ko ng hablutin nya yung roses. Muntik ko na syang masigawan.

"Kay Ate ba 'to?"

"Oo." tipid kong sagot. "Pakibigay mo nalang"

"Tama nga kwento nya. Sweet ka daw, kaya siguro nagkasakit baka hinahanap ang alaga mo" napalunok ako. Akala ko sa facebook lang ako madalas pag-usapan. "Dalaw ka daw sa bahay!"

Ngumiti ako. Unlimited hanggang maka-uwi. "Ayos!"

-end


8 comment/s:

Michael Sarmiento said...

galing mo boss...naubos ko na lahat ng kwento mo d2 hehe! pa update na lang po nung iba, bitin eh... 

Reilly Reverie said...

Yown! Isa nanamang nakakalig na istorya...
Salamat trops.. Nangiti talaga ko ng tudu-tudu sa dulo.. :D

amphie said...

pansin ko, ang hilig ng mga reader sa harutan na kwento haha! 

amphie said...

bitin talaga. para sipaging bumalik hehe salamat kapatid :)

Chico Reymart said...

thanks author :D sana po meron ulit bago agad :D

Chico Reymart said...

thanks author :D sana po meron ulit bago agad :D

amphie said...

sana sipagin ako hehe thanks!

Michael Sarmiento said...

syempre balik ako trops...idol kita eh tsaka si boss panjo... hehe!

Post a Comment