End of the World?
Doomsday?
Siyensya o Pulitika?
A three part story na hindi pang-valentiMes day.
Isang mainit na yakap ang ibinigay ko kay Sharon. Banayad kong hinalikan ang kanyang noo, tsaka muling inilapag sa harap ng kanyang nakahandang hapunan. Alam kong ngiti ko ang pakay nya sa ginagawang pagkaway ng kanyang mumunting buntot. Kinalampag ko ang pinggan para kunin ang atensyon, pero mukhang halata na sa kanyang itsura ang pagkapurga sa sardinas na isang linggo na din naming pinagsasaluhan.
Binuhat ko ang sariling katawan papalayo sa madungis na higaan. Pinagmasdan ang kapirasong liwanag na nagmumula lamang sa makitid na siwang sa bintana. Napakaganda ng buwan ngayong gabi. Sayang nga lang at di ko ma-appreciate dahil tadtad ng duck tape ang paligid ng bintana, ganoon din ang pinto, at kahit ang mga butas sa bubong. Dilaw na ang kulay ng aking balat. Matigas na din ang aking buhok. Tanda ng isang linggong hindi pakikipagbuno sa tubig. Para saan pa? Wala namang matinong taong natitira pa sa labas ng ga-kubetang laki ng bahay na aking napiling pasukin kailan lang.
"Jef! Jef!" nilingon ko ang likuran ni Beng. Wala namang humahabol pero kung makasigaw daig pa ang nakikipag-agawan sa pila ng NFA rice. "Lumikas na tayo! Isama mo na si Mamang at si Sharon!"
"Nasisiraan ka na ba?" agaran kong tutol. "Malabo yang pag-gunaw ng mundo na sinasabi sa balita. Mas maniniwala pa 'ko sa kwento ng barbero"
"Bahala ka kung ayaw mo! Pero lahat ng tao sa kabilang baryo ay naka-alis na."
"Oh, ba't di kapa sumama? Baka magsara yung gate ng barko ni Noah, di kapa naman marunong lumangoy"
Ewan ko ba! Yung mga ungas na kapitbahay namin ayaw tumaya ng lotto, kasi malabo daw na manalo pero ang hulang ipinalabas sa telebisyon ay pinatulan. Hindi ko alam kung nasinghot na nila yung global warming o sadyang trip lang nilang patulan yung offer ng gobyerno na maaasahan lamang kapag ganitong sitwasyon. Hindi kaya tropa yung manghuhula at si gobernor? Ganoon naman 'di ba kapag malapit na ang eleksyon? Labo.
"Mabuti pa umuwi kana sa inyo, tapos dalhin mo 'to" inabot ko sa kanya ang nakatiklop na papel.
"Ano yan?"
"Dasal yan! Ipinaman ni Lolo bago mamatay"
"Gago!" inihagis nya sakin pabalik yung papel pero bilog na ang korte. "Anong gagawin ko sa bill ng ilaw!?"
Yun na yata ang huling sandali na nagkita kami ni Beng. Sayang. Hindi ko pa nasabing crush ko sya sa tuwing parehas kaming lasing at wala nang pambili ng pulutan. Bumalik ako sa pwesto matapos maibenta lahat ng kalakal. Tulad ng nakagawiang life style. Dumaan muna ako sa bayan para bumili ng panghapunan. Kalat na ang dilim ng makarating ako ng bahay. Ang aso kong si Sharon ang sumalubong sakin. Beso-beso. Nakakapagtakang tahimik at 'di nagbukas ng tindahan si Aling Conchita na madalas ko noong naabutang nakikipaglaro ng dama sa mga parokyanong lasenggo sa kanyang tapat.
"Mamang!" walang sumagot.
"Mamang!" may kaunting kaluskos. Sinilip ko ang kwarto na pinaglalatagan ng mahinang katawan ni Lola. Namilog ang aking mata ng makita kong wala na sya. Tanging ang sweet n sour na arinola na lamang ang naiwang bakas nya. Tumakbo ako papalabas. Naghanap ng pwedeng mapagtanungan, pero kahit footprints ay wala akong nakita. Walang tao sa paligid. Malinis ang lugar na dating hitik sa mga nagtatakbuhang batang walang salawal.
"Mamang!"
"Nakita ko sila ni Beng. Dinala na sya sa bayan. Magpapa-iwan ka ba dito?" si Mang Hector. Bitbit ang kalawanging electric fan at ilang piraso ng FHM magz. "Isang linggo nalang gugunaw na ang mundo. Makinig ka ng balita iho"
"Hindi po totoo yan Mang Hector! Hula? May Diyos tayo 'di po ba?"
"Anak, ang paniniwala sa Diyos ay tulad ng paniniwala sa hula. Suntok sa buwan"
"Magkaiba yun! Ang hula tao ang may gawa. Pero ang paggunaw ng mundo ay may kinalaman sa nagpapa-poging kandidato sa darating na Mayo!"
"Ano daw?!" napakamot sya ng ulo "Sya! May sarili ka namang isip. Gamitin mo yan lalo't di pa malabnaw"
End of the world? Doomsday? Ewan ko kung hanggang kailan maniniwala ang mga tao sa maling impormasyon na galing lamang sa manghuhulang binunot lang sa balbas ang ideyang magpapasikat sa kanila. Sawa na siguro ang sangkaterbang pilipino sa pagbabasa ng recycle na kwento tungkol sa kahirapan ng Pinas sa dyaryo at naisipan nalang i-absorb ang lumang kwento ng katapusan ng mundo na binago, ngunit mas pinakulay para may uto-utong pinoy na mabibiktima.
Kinagat ni Sharon ang laylayan ng aking pantalon. Galit syang tumatahol. Bumalik ako sa ulirat mula sa pagkakatitig sa bintanang ni-retoke. Ilang beses ko syang sinaway pero tuloy pa din ang kanyang pag-aalborot.
"May tao pa ba dyan?" tinig na nanggaling kabilang dako ng ding-ding ng bahay. Alam kong tao iyon dahil hindi sya tumatahol.
"Meron!" mabilis kong sagot.
itutuloy din..
5 comment/s:
akala ko nung una eh madilim buong tema.. dami kong tawa.. maloko itong si jef haha ^_^
nakakabitin naman... ang sakit sa puson... hehehe... valentine's na doomsday pa rin tayo jan ha.... maganda ang bagsakan ng mga salita...galing!
rekwes lang yan. di ko kaya ng seryoso kaya medyo mambastos tayo ng pulitiko :D happy valentines!
dyan magaling si amphie sa bagsakan ng mga salita..:)
sa pangungutang lang ako magaling :D
Post a Comment