One Morning of July - 15

(image credit to idol Melala)

Hindi ko nagawang ikilos ang aking katawan sa pagkagulat. Sa mga mata palang ni Mr. Reonico parang kusang nag-back out ang boses ko. Sa tirik na araw, malamig na pawis ang umaagos mula sa aking noo. Seryoso ang kanyang anyo. Kinakabahan na 'ko. Kung kaya ko lang magtago sa piraso ng walis tingting baka ginawa ko na. Ngayon lang yata ako nakaramdam ng takot na kakaiba. Tipong kusang gagawa ng sink hole ang dibdib ko sa kaba. Lumunok ako ng laway.

Ramdam ko ang mahigpit na hawak ni Marta sa aking kamay. Itataas ko na sana ang aking kamay at ituturo sya bilang master mind sa kalokohang 'to, pero laking gulat ko nang umabante ng hakbang si Marta. Hinarangan nya ang paningin ko. Sumingit ako ng silip. Si Mr. Reonico parang 'di natinag sa ginawa ng dalaga sa harapan ko. Hindi ko ma-drawing sa isip ko ang susunod na posibleng mangyari.

"Umalis ka dyan," mahinahong utos nito kay Marta.

Ako ang pakay nya. Sigurado. Ang daming umiikot na dahilan sa isip ko, pero mukhang walang pwedeng paniwalaan. Hindi ko pwedeng idahilan ang katigasan ng ulo ng anak nya, pero mas lalong 'di ko kayang manghiram ng mukha sa kapitbahay kapag may biglang lumipad na kamao. Mahirap ang sitwasyon namin. Mahirap pa kay Villar.

"Kasalanan ko po!" matapang kong singit. Hinarap ko si Mr. Reonico nang buo ang loob ngunit nakapikit. "Mahal ko si Marta!"

Handa na ko sa susunod na eksena. Kung kaya ni Marta, kaya ko din. Bulong ko sa sarili. Mura lang naman ang yelo at band aid. Dinig ko ang hakbang nya papalapit sa akin. Bawat pag-abante patibay naman ng patibay ang pananalig kong 'di gaanong masakit ang sasalubong sa akin.

"Gaano mo ka-mahal si Marta?"

"Mahal na mahal po!"

"Kung susukatin gaano kalaki?"

Ano daw? Tama bang may sukatan ang pagmamahal? Hindi ko alam. Sana exam nalang na may biglang magbabato ng sagot. Hindi ko maidilat ang aking mga mata, o nagkusa na tong natakot kaya ayaw nang dumilat.

"Hindi ko po alam kung gaano kalaki sir, hindi kayang sukatin ng mga kamay ko" kahit siguro si Einstein mapapa-kunot ang noo sa mga sagot ko.

"Dad, that's enough! Wala syang kasalanan, ako ang nagpilit sa kanyang isama ako dito,"

Hindi ko alam kung maiihi ako sa tuwa sa narinig ko. Nabawasan ang pag-aalala ko sa kahahantungan ng mukha ko. Alam kong maiintindihan kami ni Mr. Reonico, yun ay kung dumaan din sya sa ganitong kalagayan. Napakahirap palang paniwalaan ng sariling thoughts paminsan-minsan.

"I know.. Sinabi na sakin ni Nancy ang lahat, ang hindi ko lang maintindihan kung bakit pumayag ang lokong 'to"

"Mahal ko kasi ang anak nyo! tsaka.. she's pregnant!" huminto ako. Hindi ko alam kung anong insekto ang pumasok sa ilong ko, pero wala ng ibang reason na pwedeng maging alibi. Inisip ko lamang na ayokong makasal ang babaeng mahal ko sa lalaking 'di nya naman mahal. Handa na ko kung anong kalalabasan, basta wag ko lang syang makitang umiiyak sa huli.

Tumahimik ang paligid. Tanging dibdib ko na lamang ang naririnig kong nagrereklamo sa sobrang kaba. Idinilat ko ang aking mata. Simula kanan hanggang kaliwa. Ang driver na ni Mr. Reonico ang nakatayo sa harap ko. Sarado ang kamao. Sa isang suntok lang agad akong nabuwal. Narinig ko pa ang boses ni Marta bago ako ulit napapikit sa sakit. Hindi ko matandaan kung ngipin ba ang nalunok ko bago ako nawalan ng malay.




"Hello Houston!"



Syempre wala pa din ako sa Houston. Ginising ako ng nag-alarm kong cell phone. Gumuhit sa sintido ko ang sakit na bitbit ng limang in-can na tinumba ko kagabi. Inalis ko ang nakatakip na kumot sa aking hubad na katawan tsaka diretsong pumasok ng banyo.

Isang buwan na ang lumipas matapos ang nangyari pero parang fresh pa sa isip ko ang mga detalye. Kasabay ng pag-dulas ng malamig na tubig sa aking mukha ang paggunita. Namamayani ang mukha ni Marta. Naamoy ko pa din ang pabango nya, naaalala ang kanyang ngiti, kahit at itsura nya kapag nagagalit ay nakakatuwa ding isipin. Natuloy ang kasal ni Marta nang kami'y makabalik. Hindi ko na nagawang pigilan dahil sa bilis ng pangyayari.

Bumalik ako sa normal matapos ang lahat. Balik trabaho pero ibang kompanya. Ibang mukha ng mga tao. Lumipat na din ako ng apartment. Ayoko mang iwan ang mga lugar na nagpapa-alala sakin ng mga masasaya naming sandali, darating din sa puntong kailangang lisanin.

Pinatay ko ang oras sa paghigop ng kape habang nakatitig sa bintana. Maraming tanong ang sumisiksik sa aking isip. Mga tanong na 'di ko akalaing nasa dulo na pala ng aking utak ang sagot. Kung may ibang tao sa paligid malamang napapakamot na ng ulo sa akin.

Inagaw ng isang tawag ang aking pagsisintimyento. Lumabas ang pangalan ni Nancy sa screen. "Where na you? Kanina pa kita hinihintay dito" reklamo ng nasa kabilang linya.

"20 minutes, nariyan na ko" pinutol ko na ang usapan.


tbc..





---------------
last chapter na kasunod nito, kaya sabaw na sabaw na :D

6 comment/s:

christian edward paul dee said...

Hala naman... Nakakabitin... After suntukin, present time na agad? I want more!!!

Ang sakit sa puson ha... Galing mo naman sa maglahad ng kwento...

Chico Reymart said...

oha patapos na pla akala ko sa July pa ang ending nito hihi
ano kaya ang ending nito excited na me where na you ^^

amphie said...

dito na me ^__^

'di ko pa din alam eh lol

amphie said...

madalian ang kwento e haha wala na kasing idea, naubos na last year :D

Rhed said...

weeeaah!.. ang galing talaga.... amph! patapos na pala..:D

amphie said...

oo nga e, makakaraos na :)))

Post a Comment