Symbianize Literati House Challenge: Byaheng SanDocena


Nagsimula ang kwentuhan noong mga panahong na'sa gitna ako ng depresyon. Mga sandaling 'di nagkakasundo ang aking mga paa kung saang lupalop ako makakahanap ng trabaho. Iyon ang mga sandaling isinumpa ko ang pagiging pangunahing pangagailangan ng pera sa buhay ng tao. Stress ang tumulak sakin para maghanap ng libangan. "Maghanap ng trabaho online" ang payo ng isang kaibigan sa gitna ng inuman. Tama sya, pasok pa din ang pangangailangan ng pera sa pagsakay ng dyip at pagbili ng gel araw-araw, at ibabagsak ka lang sa job interview dahil 'di mo nasagot ng tama ang tanong na "sino ang ceo ng microsoft" Sa huli, hindi ako nakahanap ng trabaho kakabasa online, bagkus.. naaliw akong magbasa. Nakahanap na ko ng sariling gamot sa stress. Fast forward.. Natuto, naaliw, at nagsimula akong magsulat. At mula noon lagi kong tanda ang pangalang Steve Job.

Tulad ng paglalakbay ng isang tao sa buhay. Mula sa paggapang hanggang sa makatayo at makalakad ng diretso. Ganoon din ang pagsusulat. Alanganin akong matumba at pagtawanan sa umpisa. Natakot akong madapa at masugatan. May mga boses na nagsasabing ituloy lang. Maigagapang ko din daw ang hirap kahit walang tulong ni Mayor. May mga taong aalalay sayo, at may mga taong hindi papalakpak sa layo ng naihakbang mo. Pero tulad ng paglalakbay ko sa buhay at sa larangang pinili mismo ng aking mga paa, masasabi kong hindi pa naipapasimento ang kalyeng nararapat sa bawat hakbang ko. Wala pang karatulang dead end akong natatanaw. Kung may magtatanong kung hanggang saan? Bahala ka sa buhay mo, di ko din alam.

Ang byaheng SanDocena ay isa sa byaheng 'di ko malaman kung saan ba ang hinto, o kung saan ako papara. Kung saan ako dadalhin o kung saan ako magigising sa ingay ng busina. Malubak man ang kalye at ma-flat ang gulong. Bumigay man ang makina o mawalan ng pasahero. Mawala man ng drayber o huminto sa stop over. Alam kong sa pagtapak kong muli sa lupa. Nariyan pa din ang aking mga paa. Tuloy ang hakbang, tuloy ang kwento, tuloy ang ligayang dala ng anti-stress kong pluma.

Para sa mga tulad kong solido ang pag-ibig sa Literatura. Hayaan nyo kong mag-iwan ng kapirasong salitang natutunan ko sa aking nilalakbay..

"Hindi bale ng puro jologs ang kwento. Hindi mo naman solo ang titulong corny sa mundo"




8 comment/s:

christian edward paul dee said...

Wow... sobrang nakakapukaw naman ang akda mong ito... Tulad mo, may maigting na pagmamahal din ako sa ating panitikan at sobrang tama ka, mabisang pampaalis ng stress!

Sulat lang ng sulat! Makakatiyak kang kaangkas mo ako sa lakbayin mong ito. Sabay nating tahakin ang malubak na daang hindi rin natin alam kung saan patungo.

I super agree - walang nag-iisang pwedeng umangkin ng titulong corny!

Galing!

christian edward paul dee said...

sir sali ka naman sa munting patimpalak sa aking tambayan... ok lang?

disqus_4Zfn2U13wp said...

Minsan nakakapangambang sumulat ng walang kabuluhang mga paksa at kwento lalo't nakakabasa ako ng mga artikulo na napakahusay ng pagkakapanday, hindi sa lahat ng oras ay may matinong paksa ang ating pag-uutak at kung mayroon man paano mo ito ilalahad ng swabe? Sa bandang huli naisip ko, nagsusulat ako hindi para mapagbigyan ang lahat ng mambabasa o manalo ng mga parangal kundi ang pagmamahal sa literarura (kung literatura nga ang tawag sa pinaggagawa ko) kundi ang pagpapahayag ng isipan at saloobin na hindi o ayaw gawin ng ilang mga kakilala natin.
Mahirap mabuhay sa rules and mechanics kung wala namang sinalihang patimpalak, gawa lang tayo, kwento lang kahit walang kwenta, magbasa ng akda ng kapwa may pagmamahal sa pagsusulat...dahil napansin ko rin; -parang tayo-tayo lang din ang nakakaunawa sa ginagawa natin.
Magandang araw sa iyo MP.
-limarx214 of blog, poetry and notion

amphie said...

sige, san ba yan? makigulo man lang :)

amphie said...

pwedeng gawing paborito, pero di pwedeng angkinin.. hahaha! salamat kapanalig sa panitikan! :)

amphie said...

salamat tol! mabuhay tayong mga wierdo hehe.. ;)

Reilly Reverie said...

Natutuwa talaga ako sa lahat ng nababasa ko sa blog na ito.. Hindi ko maiwasang hindi magpabalik balik at maghanap ng mga bagay na hindi pa nadadampian ng mga antukin kong mata..

Salamat sa pagsisilbing inspirasyon sa amin! :)

amphie said...

lahat ng may pananalig sa panitikan, pwedeng maging inspirasyon sa iba. 'di lang ako, lahat tayo.

Post a Comment