Hindi maalis sa aking tingin ang kumikindat-kindat na monitor ng ATM machine sa Legarda Station ng LRT. Pula at asul na kulay ang patuloy na nagsasayaw sa himig ng nagdaraang tren sa aking ulonan. Lagpas dalawang daang pasahero na ang aking natanaw. Nagmamadali ang ilan. Nakikipag-tagisan ng bilis sa takbo ng orasan. Ang huling mag-syotang dumaan sa aking harapan ang nagbigay pasya sa akin para lisanin na ang lugar.
Bumigat na ang aking balikat sa backpack na aking dala-dala. Halos hindi ko na magawa pang ngumiti sa tuwing maaalala ko ang huling sinabi nya sa madaling araw na tawag sa telepono. Kusang huminto ang aking paa sa kanto. Sa sakayan ng jeep. Hinahatak ng batang tindero sa kalye ang aking bisyo. Bumili ako ng yosi. Sinindihan. Ibinuga ang usok sa kawalan.
"Natatakot talaga ko James," mahina at halos pabulong ang kanyang tinig. "Paano kung malaman nila kung nasaan tayo?"
"Sigurado akong hindi tayo isusumbong ni Kuya. Maiintindihan nya ang kalagayan natin at alam kong naroon ang suporta nya"
"Wala akong pinagsisisihan, pero sa tingin mo tama ang gagawin natin?"
"May nakapagsisi na ba sa huli? Walang tama sa ginawa natin, pero mas magiging mali kung hindi natin susundin ang nararamdam natin. Mas malala ang pagsisisi."
Buhos nga ba ng emosyon o pagiging immature? Ang tanong na ayaw umalis sa isip ko. Ang pangakong pagkikita ng alas-sais ay umabot na ng alas-otso ng gabi. Ang masayahing imahe ni Liza na kanina ko pa inaabangan ay wala pa rin hanggang ngayon. Walang tawag o text man lang. Nanghingi ako ng signs mula sa itaas, ngunit ang maligalig na estudyanteng sumisigaw ng "Uwian na!" kanina sa istasyon ang tanging ibinato sa akin.
Masaya at maayos ang relasyon namin ni Liza na tumakbo din ng halos isang taon. Maraming pangarap na dahan-dahang binubuo. Mga bagay na pina-plano. Mga simpleng mithiin sa buhay. Simple, ngunit nakaka-aliw pakinggan. Sa isang iglap, nagbago ang lahat. Ang dalawang pulang guhit sa mumuting aparato ang nagpasan ng napakabigat na krus sa magkabila naming balikat. Tumabang ang dating matamis na relasyon. Hindi na kami magkasundo sa mga bagay na noo'y kayang kaya naming lagpasan.
"Sana makita natin ang second option sa byahe. Sana may makasalubong tayong swerte"
"Mangyayari yan kung itutuloy natin ang plano."
"Sa Legarda station. Alas-sais, hintayin mo ko."
Wala akong ideya kung anong nangyari kay Liza. Kung naisipan nyang hindi ituloy ang tangkang pagtatanan, maalala man lang sana na mahirap tumayo ng dalawang oras sa harap ng gwardiyang malaki ang pagdududa sa itsura ko. Pangunahing excuse nila ang biglang pagbabago ng isip. Namatay na ang baga ng sigarilyo kasabay ng pagpapasyang umuwi na lamang.
Normal ang eksenang naabutan ko sa bahay. Walang bakas ng pag-dududa ang aking mga magulang. Hindi man lang inusisa ang malaking bag na aking bitbit. Tumubo ang lungkot sa loob-loob ko. Nagpaikot-ikot pa ako sa loob ng kwarto. Pagod ang katawan, ngunit ang isip ko'y daig pa yung adik sa kanto. Ibinalik ko ang mga damit kung saan ito dating nakalagay. Inayos ko sila ng ayon sa gulo ng takbo ng utak ko. Hindi ako mapakali. Siguro kailangan talagang may gawin ako. Kailangan kong kausapin sina Ermat at Erpat. Normal na sigurong magalit ang magulang sa mga ganitong usapin. Tanggap na siguro nilang 'di na ako yung batang hindi pagtulog lang sa tanghali ang naging kasalanan.
Bumulusok ako ng pagbaba. Matamis na ngiti ang salubong ni Inay. Wari'y nang-aasar. "Mag-ayos ka ng sarili mo,"
Ang masayahing mukha ni Liza na kanina ko pa hinihintay sa istasyon ng tren ang bumulaga sa akin. Magtatanong pa sana ako nang marinig ko ang tinig ni Erpat, "Kailan ba ang kasalan?"
-wakas
image credit to jane palma ;)

4 comment/s:
buti na lamang !
oo nga, apir! teka sira ba disqus? may comment na approved pero hindi nagload :|
wow yun napala sarap ng feeling ^^
Ang ganda naman ng istoryang ito idol!
Napakaganda! =)
Post a Comment