piktyur galing sa epbi. salamat sa nagpost :)
mga katok sa babasaging bintana,
ng mga paslit na sa kalsada'y gagala-gala.
kapalit ng baryang pamatid gutom,
ang buhay na hiram lamang sa panginoon.
mga musikang umiikot-ikot,
likha ng matandang namamalimos.
'di alintana ang galit ng haring araw,
masulit lang ang baryang inaasam-asam.
mga pekeng ungol at ngiti,
ng dalagang namimilipit na sa pait.
sa kaunting salapi, lahat ay ipinagpalit.
kahit na ang kaluluwa'y magkapunit-punit.
1 comment/s:
hindi yata lumitaw ang aking komento. ang sabi ko lang naman eh anhusay mo sa rhyming, sapul na sapul, kumbaga sa basketbol eh swak. hindi pinipilit lang tumugma. yun nga lang mejo shy pang tumula hehe ^_^
Post a Comment