One Morning of July - 14

image credit kay idol Mela

Kahit ang DPWH ay 'di kayang gibain ang ngiti na bumakas sa aking labi. Kahit ilang pulitiko pa ang magtangka, mukhang hindi uubra. Kung babalik ako ng highschool at susulat ulit sa slumbook, ang sarap isagot sa tanong na happiest moment ang pag-ukit ng pangalan nya sa baitang ng aming hagdan. Corny talaga, pero kahit si tulfo kikiligin. Iba talaga ang takbo ng kwento namin ni Marta. Kung kaya lang i-predict ng tao kung anong mangyayari sa mga susunod na araw, siguro 'di na aabot pa sa ganito. Pero, siguro.. Kaya walang access ang tao sa future, para malaman natin kung paano bibigyan ng halaga ang mga bagay na pinaghihirapan.

Wala na naman si Marta pag-gising ko. Hindi na bago yun, pero may biglang takot na baka 'di ko na talaga sya makita sa mga susunod na araw. Isang linggo? Alam kong pagbalik namin malaki ang posibilidad na gigising nalang ako ng walang babaeng sisigaw o magkukunwaring iba ang pangalan nya.

"Estong!" salubong sakin ni Marta. Nagbura muna ako ng ngiti, para 'di halatang may bakas pa ang mga naganap kagabi. "Let's have a date!"

"Tanghaling tapat date?" bulong ko. "Malayo ang bayan dito, tsaka 'di uso dito ang mamahaling kape"

"Sino bang magkakape sa tanghaling tapat?" giit nya. Bahagyang kumunot ang noo. "Sige na, please!"

Yari! Sa 7,300 na lenggwahe sa mundo, mukhang walang salitang kayang i-describe ang pagiging under ko, lalo't sasabayan pa ng lintik nyang mga mata na sumisingkit kapag may kailangan. Hindi kayang hawakan ng pagiging maton ko kapag gumagamit na sya ng mga salitang nangingiliti sa aking imahinasyon. Tumanggi ako, hindi dahil tanghaling tapat pa, kundi, gusto kong makita ang side nya bilang tunay na Marta.

"Wow!" halos pasukan na ng langaw ang kanyang bibig sa pagkamangha. "Bakit 'di mo agad sinabing may market pala kayong parang kalsada lang ng Paris?"

"Mukha lang maganda sa paningin mo, o masama lang epekto sayo ang sariwang hangin" bulong ko. Pumasok kami sa isang maliit na stall na may tindang pang-souveneir. "Dito tayo! Marami kang makikitang maganda rito"

Nag-ikot ikot kami sa loob. Lahat halos ng makikita nya ay 'di maiwasang mamangha, kahit pa ang simpleng beaded coin purse nagmumukhang Prada sa kanyang paningin. Weird talaga ang mga taong lumaki sa apat na sulok ng sibilasyon.

"Magkano po?"

"200 nalang dahil maganda ka," nakangiting sagot ng lalaking nagtitinda. Nakalingat lang ako namakyaw na ng mga bagay na 'di mawari kung ano ang itsura.

"Bagay ba sakin?" tanong nya habang sinusukat ang kwintas na yari sa pinagdugtong-dugtong na seashell. Umikot pa na parang nangangailangan na ng medical treatment.

"Bagay! Bagay sayo! Sa conyo age ba 'di uso ang mumurahing kwintas?"

"Yabang mo! Hindi ka lang talaga maka-appreciate ng fashion!"

"Fashion daw oh, eh mukha ka nang posteng pinagpyestahan ng mga jumper ng kuryente"

"Break na tayo!"

"Ay, ito maganda! Sige sabit mo sa kilay mo!"

Kung enerhiya ang pag-uusapan, pwedeng gawing altenative si Marta sa mga lugar na uso ang brown out. Hindi ko pa nai-sasayad ang pwet ko sa bakanteng upuan, nagyaya na agad na lumipat ng ibang lugar. Mas trip daw nyang mamasyal talaga sa mga lugar na 'di pa nasasayaran ng kanyang mga mata. Uncharted territory ang dating sa kanya ng mga puno at palayan.

Sunod ko syang dinala sa pinakamalawak na rice field. Yung hindi kayang tanawin kahit gumamit ng AR15 scopes. Napatawa ako habang iniisip ko ang pag-back out nya. Alam kong sa ganito pwedeng maubos ang lakas nya. Siguradong 'di nya kayang ikutin ang kalakihan nito. Naupo ako sa ilalim ng puno. Pinagmamasdan ko kung anong bagay ang biglang papasok sa utak nya. Natawa ko nang sumimangot sya. Sumandal ako't nagtulog-tulugan nang makita kong paparating sya.

"Nagtataka ko kung bakit ayaw mo sa lugar na 'to," panimula nya. Hindi ako sumagot, kunwari malayo na narating ko. "Simple, maganda, at nakaka-relax"

"Kung tulad mo kong lumaki sa maynila, ganyan din siguro sasabihin ko"

"Bakit? Hindi mo ba mahal yung lugar kung saan ka nanggaling?"

"Iba yung pagmamahal sa pangarap," umayos ako ng pagkakasandal. Dahan-dahan kong dinilat ang aking mata para silipin sya. Nakasilip ang kanyang mata sa lente ng camera habang kumukuha ng litrato. "Gusto ko dito, pero may pangarap din ako"

"Pero Estong! Ang pangarap ay sinasamahan ng pagmamahal para makamit mo. Tulad yun ng isang simpleng bagay na gusto mong makuha. Parang babae. Mahal mo, pinapangarap mo, kaya gusto mong makuha. Hindi naman pwedeng gusto mo lang sya, pero 'di mo naman mahal. Display?"

"Nasasabi mo lang yan kasi 'di mo pa nararanasan"

"Nasasabi ko yan dahil ginagawa ko na ngayon," giit nya. "Oh, ito!"

"Anong gagawin ko dyan?"

"Punta ka dun sa malayo para kumuha ng picture, nakakapagod e!"

"ANO?!"

"Please!"

Kung hindi lang ako tinamaan sa huling sinabi nya, hindi ako tatayo. Nilakad ko mga dalawampung dipa ang layo sa kanya. Sa halip na rice field. Si Marta ang naging produkto ng bawat kuha ko. Letse talaga! Hindi maipagkakaila ang tama ko sa kanya. Nang matapos halos ipukpok nya sa ulo ko yung camera.

Napanood ko yung Pursuit of Happiness. Naalala ko yung linyang "You got a dream. You gotta protect it. People can't do somethin' themselves, they wanna tell you you can't do it. If you want somethin', go get it. Period" Akala ko tapos na ang ligaya sa isang bagay na pinapangarap mo at nakuha mo na. Hindi pala talaga pwedeng sukatin ang kaligayahan at 'di pwedeng tapusin sa salitang period. Habang nasa daan pauwi, nalaman kong unlimited pala ang tuwa lalo't mahal mo ang pinapangarap mo, na ngayo'y.. Katabi ko lang. Nakangiti, at tila walang pakielam sa mundo.

"Thanks!"

"Thank you lang?" biro ko habang pasimpleng kinukuha ang awa nya para makatikim ng kiss man lang.

"Thank you talaga!"

Napawi ang tuwa ko ng sumalubong samin ang isang itim na auto sa harap ng aming bahay. Napahinto si Marta. Dahan-dahang bumukas ang pinto sa likod. Napalunok ako ng niluwal nito si Nancy. Hindi na ko magtataka kung sino ang driver. Ilang segundo pa nasa harap na namin si Mr. Reonico. Tapos na ba? Sumagi sa isip ko ang period sa kwentong pag-ibig na ngayon pa lang sana isusulat.

tbc..


6 comment/s:

christian edward paul dee said...

kakabitin naman... ang sakit sa puson... hehehe... ang ganda ng kwentong ito at napapanahon sa araw ng pag-ibig... 

ano kaya hitsura ni tulfo pag kinilig? hehehe

amphie said...

ganito o!


salamat sir, macarthur tayo ;)

Michael Sarmiento said...

tagal kong hinintay sir bitin hehe!

amphie said...

lapit na po matapos ito. problema kung kailan :D

Lheor Serdoncillo said...

tulfo kinilig

amphie said...

pwede? pwede! :D

Post a Comment