One Morning of July - Final Chapter

image credit kay idol Melala

Importante daw ang role ng genes sa buhay ng tao. Nalaman kong ang babaeng masayahin, palatawa, at madaling mahulog ang loob sa simpleng bola, ay lamang ang genes na pagiging jolly. Ang lalaking malakas ang dating sa babae o sobrang matamis ang dila ay siguradong namamayagpag ang genes ng pagiging maton. Genes din daw ang dahilan kung bakit nagkaroon ng 3rd sex. Kung bakit may matalino, masipag, tamad, tanga, masungit, apurado, at workaholic. Genes din daw ang may sala kung bakit may mga lalaking hindi alam ang pinagkaiba ng breast implant sa natural. Lahat iyan ay kwento lang ng madaldal na babaeng nakasabay ko sa paglalakad habang papunta sa kung saan naroon si Nancy.

May bagay na naglaro sa isip ko. Hindi ko alam kung anong genes ba ang kulang o sobra sa pagkatao ni Marta. At kung anong supplement ba ang kailangan para bumaba ang genes ko na sobra ang attachment sa kanya. Naisip ko na kung may kulang o sobra sa kung kanino man sa aming dalawa, hindi kaya kailangan namin talaga ang isa't-isa para maisapat o maisakto sa level ang pangangailangan naming dalawa? Ewan. Kaya siguro nauso ang trabahong gumagamot sa mga pusong nangangamote sa algebra.

"Sorry kung late!" bati ko kay Nancy.

"Kaya siguro hindi mo alam ang mga nangyayari sa paligid mo," pabitin nyang sagot. "Kung hindi ka puyat, malamang lasing ka"

"Aware ako dun. Hindi ko lang alam na ganun pala ending"

"Maiba ko, nakapag-relax ka na ba? I mean, okay ka na?"

"Sabihin nalang nating eight out of ten. Yung natitirang dalawa siguro kapag gumaling na black eye ko"

"Maarte ka. Hindi pa nag-landing sa mukha mo hinimatay ka na"

"Gutom ako nun e, tsaka malay ko bang nakalimutan kong i-apply yung natutunan ko sa taekwondo"

Napapailing nalang si Nancy sa mga sagot ko. Alam nyang idinadaan ko na lamang sa pagpapatawa ang mga nangyari. Para bang sinasakyan nya ang maling byahe dahil alam nyang wala akong kasabay at hindi alam ang pupuntahan. Sapat na ang halos dalawampung minutong lakaran para ma-realized kong hindi dapat maniwala sa alamat ng genes. Sa simula palang nakalabas na ang sinulid na nagdudugtong samin. Ang thread of fate. Bagay na parehas kaming naging biktima.

"Kailangan maging tunay na lalaki ka" wika nya habang pinapasadahan ng tingin ang suot kong polo, "Hindi lang sa pagsasalita, syempre damay ang pananamit"

Umikot sya sa kinatatayuan ko. Bawat hakbang bumibilis ang tibok ng puso ko. Naramdaman ko pa ang mahinang tapik sa balikat nya sa balikat ko bago hilahin ang braso ko.

"Sakay na, medyo late na din tayo" wika nya habang tinuturo ang naghihintay na sasakyan.

"Hindi ba dapat may dala ako? Kahit ano! Flowers? Sa tingin mo?"

"Ano yun patay? May sakit? Tsaka na yan!"

"Kinakabahan talaga ko!"

"Just.. Be a man about it"

"Wow! Toni Braxton?"

"Sakay na!"

"Regine?"

Matapos ang isang buwan, dumating ang isang imbitasyon sa akin. Galing kay Nancy mula sa pamilya ni Marta. After ng nangyari at after ng mga nalaman ko, may lakas pa ba ko ng loob para dumalo? Lamang talaga ang idea ng pagtanggi kaso involve si Marta kaya napagpasyahan ko nang sumama. Kami ba talagang dalawa ang dapat sa isa't isa? Madalas kong isipin na siguro sa last life namin ay dapat kami kaya lang namatay kaya naudlot, tapos ngayon lang matutuloy sa new life. Madalas kong sisihin ang shortage ng sign galing sa taas. Tinitipid nila ang love life ko.

Tahimik ang naging byahe liban nalang sa putol-putol na tugtog ng radyo. Kahit anong magandang tanawing madaanan hindi man lang nakuha ang atensyon ko. Sa isipan ko madalas pa ding tumatambay ang imahe ni Marta. Labas pasok lang sa dalawang tenga ko ang mga kwento ni Nancy. Samahan pa ng mga advice na hindi ko naman kayang i-take. Kalimutan ko na nga daw ang nangyari, at sundin na lamang ang nais ng tadhana. Hindi ba nya alam na iba ang takbo ng utak ng tao keysa sa aso?

Tatlong minutong lakaran pa after ng parking bago kami makarating sa meeting place. Weird ang lugar. Parang set-up lang ng mga movie ni John Lloyd. Madalang ang mga tao. Mga representative lang halos ng garbong hotel ang makikitang gumagala sa paligid. Klase ng lugar kung saan mas malaki ang binabayad sa service keysa sa pagngiti ng mga empleyado. Malaking pinto na gawa sa mamahaling materyales ang hinintuan namin. Naunang pumasok si Nancy. Sinenyasan nya lang ako na sumunod na.

"Excuse me Sir! Nandito na po kami," magalang na wika ni Nancy.

"Sit down, please!" sagot ng lalaking 'di ko pwedeng malimutan ang mukha kahit masagasaan pa ko ng lrt.

Iginala ko agad ang aking mata sa paligid. Hinanap ko agad si Marta. Ngunit wala. Bigo ako. Sayang. Sayang lang siguro ang pera kung bumili ako ng flowers. Naupo ako sa upuang alam kong nakatalaga para sa akin. Masyadong tahimik ang kwarto. Sinundan lang ng pag-ubo ni Mr. Reonico kaya bumalik ang atensyon ko.

"Kamusta na iho?"

"Mabuti, maayos naman po"

"Are you nervous?"

Kung pwede lang pigilan ang pagpatak ng pawis ginawa ko na. "Medyo lang po"

"First, humihingi ako ng tawad sa nangyari. Second, sa pagsisinungaling sa inyong dalawa ni Marta"

Gumuhit ang linya sa noo ko. Hindi lang pala sa politika uso ang pagsisinungaling. Kahit mataas ang grades ko sa Values noong elementary, nahirapan pa din akong unawain ang mga sinasabi nya.

"I will not ask you again, so listen" seryoso ang kanyang tinig ganun din ang mukha. "Handa ka na bang pakasalan si Marta?"

Natigilan ang pangangatog ng tuhod ko. Na-paralized ang dila ko. Parang gusto kong mabingi ng pansamantala at ipa-ulit sa kanya ang tanong, kaso isang beses lang daw. Baka magbago ang isip kapag sablay ang sagot ko. "Si Marta?!"

"Of course! Sino pa ba? Nancy paki-explain.."

Ilang beses ko nang binanggit ang bagay na tungkol sa fate. Hindi ako makapaniwala sa mga inilalahad ni Nancy. Sumisiksik sa utak ko ang bawat sinasabi nya. Lahat ng nakatago sa likod ng company anniversary ay isang malaking palabas. Kada detalye ng kwento palapad ng palapad ang ngiti sa labi ko. Gusto kong tumalon sa tuwa at mainis ng sabay. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Pakiramdam ko may malaking kahon sa harap ko na nagpasabog ng sari-saring emosyon at halos sinalo ko lahat. Tulala ako matapos masabi lahat ni Nancy.

"Mahal ko si Marta, so gusto ko ang best para sa kanya" si Mr. Reonico.

"Pwede ko ba syang makita?"

Agad na bumukas ang pinto sa likuran namin. Naglakad papasok ang babaeng naghahatid ng kakaibang saya sa buhay ko. Puti ang kanyang suot. Kumikinang. Hindi wedding gown pero alam kong alaga sa branded na sabon panglaba. Most of all, ang kanyang ngiti ang syang tuluyang nakapagpatulo ng laway ko. Tumayo ako, pero di maka-alis sa kinatatayuan ang mga paa ko. Halos pantay ang feeling ng excitement, kaba, at saya.

"Ehem!" wika nya. Hindi ko na napigilan. Tumakbo na ko para salubungin sya ng yakap. Kaso nag-trip ang tadhana. Nag-krus ang mga paa ko. Muntik ko nang mahalikan ang sahig imbis na labi nya.

"Excited lang sya" biro ni Nancy.

"Ganyan ako nahulog sa kanya," sakay ko.

Sino bang mag-aakala na ang pag-ibig ay hindi lang nabubuo sa maliit na pag-uusap? Sa simpleng ngitian sa pampasaherong dyip? Sa aksidenteng paghinto ng elevator at kayo lamang ang nasa loob? O hindi kaya'y sa loob ng klase, sa palengke, school bus, coffee shop, blind date, sa simpleng barkadahan, naligaw na text message, maling send ng love letter, pagkakaparehas ng interes sa iisang bagay, pagsali sa santa krusan, o pagkakasabay ng paglakad sa iisang ruta araw-araw.

Maraming posibilidad para pagtagpuin ang dalawang tao. At mayroong libo-libong dahilan para magkaroon ng interaksyon ang dalawang puso. Pero sa lahat ng paraan para mag-krus ang landas ng dalawang tao, samin ni Marta ang hindi ko aakalain. Isang set-up na binuo ng mga taong malapit sa akin.

---

Gabi ng anniversary. Late ako dumating sa venue. Si Nancy na unang nakilala ko sa company ang syang sumalubong sa akin. Sa pagkakatanda ko sya din ang taong naging link para makapasok sa trabaho. Anyway, nang gabing din yun. Naroon si Marta. Anak ni Mr. Reonico na nakatakdang ikasal. Si Marta, Nancy, Mr. Reonico, at ako ang kasama sa set-up. Nakakagulat malaman na kami pala talaga ang naka-set para ikasal. Oo kami nga! Si Nancy ang bumuo ng plano para magkakilala kaming dalawa. Natupad iyon ng gabi ring yun. Sya ang dahilan kung bakit ako nalasing, ganoon din si Marta. Sya ang naghatid sa akin sa parking at hindi taxi ang sinakyan ko kundi ang kotse ni Marta. Hanggang sa magising na lamang akong kasama sya. Lahat ng nangyari ay nakasaad sa plano ni Nancy at ni Mr. Reonico.. Isa lang ang tanong. Bakit ako?

"Bakit ako?!" biglaan kong tanong kay Mr. Reonico.

"Well, sagutin mo ang tawag na to.." iniabot sa akin ang phone. Nanglaki ang mga mata ko. Malabong may kinalaman pero malinaw ang nakarehistrong pangalan.

"Noel?" kasunod ang malakas na tawa sa kabilang linya. "Anak, pasensya na kung hindi ko nasabi sa'yo ha! Anyway nasa vacation kami ng mommy mo. Huwag kang mag-alala darating kami bago sumapit ang kasalan! Goodluck at Congrats!"

Muntik na kong mawalan ng malay. Umiikot ang kwento sa aming dalawa na pina-iikot ng mga taong nakapaligid sa amin. Parehas kaming walang kamalay-malay. Parehas kaming naging biktima. Ngunit sa lahat ng kasinungalingan, hindi ko pwedeng itago na nahulog ako. Nagmahal sa isang babaeng noong una'y laman lang ng pangarap ko. Mahaba na siguro ang litanya nasabi sa love story namin. Dasal ko lang na hindi maging set-up ang honeymoon.

"I do!" nakangiti kong wika kay Marta.

"Anong I do?" sagot nya kasunod ang isang batok.

-end




sa wakas! tapos na obligasyon ko :)) salamat sa mga nagbasa ng kwentong to. pahinga muna sa mga nobela. tekyuberimats guys!

5 comment/s:

Melven Mejia Nool said...

hanep galing talaga sir!

tom-joy said...

lakas ng sense of humor. it made me smile

amphie said...

sense lang walang humor hehe. thank you!

amphie said...

salamat sir! balik ulit!

tom-joy said...

nkakatuwa mga sinusulat mo everyday eto nlng lagi kong sinusubaybayan.... reading teenage cappucino.... exciting..,

Post a Comment