Kwentong Tambay - Chapter 5

Sex, Drugs, and Rock and Roll..




Mas pipiliin ko ang sex.. :p


Halos mag kanda haba ang aking kanang kamay sa
pagkaway sa bus na aking sasakyan..
Bago tuluyang pumasok sa bus hinit-hit at pinitk
ko ang yosing hawak.. Sa kahabaan ng Edsa
kung saan ay mas maingay pa sa talak ng aking nanay..

Sakto!

Tingin sa bandang harapan.. Mas kokonti ang tao..
Na kung titignan mo ay maarteng wala naman pera.
Ngunit mas pinili ko ang likod..
Kung saan siksikan at mas marami ang tao..
Kung saan mas prone sa mga holdaper..
Kung saan mas madami ang vandals sa upuan..
At kung saan halos lahat ng alikabok ay iyong masisinghot.
Tulad ng dati.. Hindi ko maiwasang makinig
sa usapan ng mga tao at maki-isyoso..
Tulad ng iskwelahan, kung saan mas paborito ko
ang row 4 kesa sa row 1..

Kung saan naroon ang lahat ng olats na estudyante..
Kung saan naroon lahat ng kalokohan..
Kung saan eh madalas ako matulog kapag Math na ang subject..
At kung saan mas paborito kong gumawa ng sulat
para ibigay sa aking nililigawan..

Pero.. kung ang buhay ay parang mahabang byahe lamang..
makakailang stop over ka kaya sa 7 eleven at Mini stop?
makakailang jingle ka kaya at yosi break sa iyong mga problema?
makakailang para ka kaya sa drayber, para magpahinga?
Sa tingin ko higit pa sa yosing sinindihan ko..
walang kwentang istorya ng buhay ko kung walang ganito.


---------------------------------------------------

"Nagseselos ka ba?" nakaka-windang na tanong sa akin ni Kath.

"Anak ng put***!" salitang tanging nasabi ko.

"Ano to? Who wants to be a millionaire? Expect the unexpected?
bulong ko sa sarili ko.

Halata ni Kath na nainis ako sa tanong nya.. So pinilit kong
magpakatino.. magpaka-kalmado.. nagtatalo ang dalawang
demonyo sa tabi ko.. pero halos pareho silang may punto.

Tumayo ako at ngumiti..

"Bili lang ako yosi.." paalam ko sa kanya.

"Balik ka agad ha.." sagot ni Kath.

Hindi na ako sumagot.. Dire-diretso sa tindahan na halos
dalawang kanto ang layo at katabi na ang 7 eleven..

"Pabile nga po.. tatlong marlboro lights at kahit
anong kendi.."

"Sarado na kame!!!" sagot ng tindera na nasa loob ng bahay.

Nagtaka..
Napansin ko ang karatula sa harap ng tindahan..

"Open 6am - 10pm"

at sa baba ay..

"Bawal omotang ang walang pangbayad!!!"

Badtrip! Sana sa 7 eleven na ko dumiretso.. 24hrs pa!

..
....
......


Pagkabili ng yosi.. Nag-isip kung babalik pa ba
sa inuman. Alam ko sa sarili kong mababadtrip lang ako
kung sakaling makita ko ang pagmumukha ni Kath.
Pumara ako ng tricycle..


"Boss sa Backside.. Sa Vergara.."

Habang nakasakay sa tricycle, nagsindi ulit ako ng isa pang
yosi at nagmuni-muni.. Nag-iisip ng mga bagay na walang
kwenta.. Tuloy ang hit-hit.. Sa paglalaro ng usok..
Naalala ko kung paano ako natutong manigarilyo..

2nd year student ako noon. Sa Maynila ako nag-aral
imbes na sa Mandaluyong.. at ewan ko sa magulang
ko kung bakit.. Polong puti, Maong na pants at rubber shoes
ang attire ko mula lunes hanggang byernes.
Madalas akong naaasar sa lugar namin.. Mukha daw akong
kundoktor ng bus.

Sa harap ng iskwelahan kung saan may tindahan at
maraming estudyanteng tambay na inuubos ang pera
ng magulang araw-araw. Isang walanghiyang kaklase
ang nag-alok sa akin ng bisyong pangmasa.

Nakakahilo.. Nakaka-ubo.. at ang dyahe sa hininga..
sabi nila.. sabayan lang ng kendi hindi ka na halatang
nagyosi.. Nakakatawang factor pero okei naman.

Naging bisyo ko na ang sigarilyo at malamang hindi
na matatanggal sa akin ito..
Kapag nangligaw ako at sinabi ng babaeng tanggalin
mo muna ang yosi mo. Isa lang sinasagot ko..

Bahala ka sa buhay mo.. Hahahahaha!!!



"Boss dito na ba tayo?" tanong ng drayber.

"Hindi boss! sa banda pa doon.." sagot ko.

Hinatak muli ng drayber ang makina para makarating
sa susunod na kanto.

"Dito na lang boss.. Magkano?" tanong ko sa drayber.

"Pwede na singkwenta boss." sagot nya.

"Ano? bakit ang mahal? Kadalasan 30 lang binabayad ko."
Reklamo ko sa drayber.

"Ganoon talaga bigay namin boss" sagot ulit ng drayber.

Kumapa ako sa bulsa.. Sakto! Tinupi ang pera sabay
abot sa magulang na drayber.

"Okei.. Salamat.." paalam ko sa drayber.

Pinintahan ng drayber ang inabot kong bayad.
Medyo malayo-layo na ko pero tanaw ko pa rin sya.
Natatawa ako sa reaksyon nya. Sa isip-isip ko..
Mas matanda ka nga sakin pero mas magulang
pa rin ako sayo.. Hehehehe!

Pagdating sa bahay.. Kinapa ko ang aking kanang bulsa
para kunin ang susi. Ngunit cp ko ang nadampot ko.
Napansin kong may nag-txt sa akin gamit ang
hindi kilalang numero.

"Saan ka na? Bakit hindi ka bumalik?"

Nireplayan ko agad..

"Kath? lasing na kasi aq at maaga pa q 2mrw." reply ko.

"Uu c kath 2. Cge pahinga kna.. Censya na knina, biro lng un"
reply ni kath.

At dahil nayamot na naman ako.. Hindi ko na sya nireplayan.

Diretso kong hiniga ang aking katawan. Hindi pa ko dinadalaw
ng antok.. So nagbukas ako ng pc.. Tulad ng routine ko.
Nagbukas ng facebook, scroll up at scroll down.. sign out.
Nag log-in sa camfrog. Walang tao.. walang tambay.
Nagbukas ng yahoomail.. Panay e-mail ng mga porn sites ang
laman ng aking inbox. Checked all sabay delete.

Walang magawa.. Nakatunganga.. Nakaramdam ng gutom..
Bumili ng instant mami. pero bago ko pa maubos naramdaman
kong maisusuka ko lahat ng nakain ko.

Humiga ulit.. Hinayaan kong bukas ang aking pc na nka log-in
sa camfrog at yahoomail.

..
....
.....
.......

Binasag ng aking cp ang katahimikan ko..
Sinagot ko ang tawag..

"Dudes, san ka na? ang daya mo ha!"
(Si Vincent ang nasa kabilang linya)

"Ayoko na tsong, lasing na ko.. Next time.."

"Sus! dyahe mo ha! dahil ba kay Kath?

"Hindi.. lasing na talaga.."

"Oh bakit hindi ka nagpaalam kay Edgar?

"Nakalimutan ko na eh"

Sabay binaba ko ang linya.. Kunwari naputol.
Kinalikot ko ang aking inbox, outbox, drafts,
tska ko naalala si SINGLE_AKO..

"Aba mai-txt ko nga to.." bulong ko sa sarili.

"Hi cute! kelan date natin?"

Limang minuto.. walang reply..
Labing limang minuto.. walang reply..
Isang oras.. walang reply..
Nakaubos ng limang yosi.. walang reply..
Natapos ang buffs ng pinapanood kong
porn sa internet.. walang reply..

At sa wakas..
Nakatulog na lang ako sa paghihintay..
at wala pa ring reply..

Kinabukasan.. alas otso ng umaga ang gising ko.. na dapat ay alas diyes.
dahil alas dos ang pasok ko. Pero dahil sa hindi maawat na ingay
ng mga kapitbahay na parang mga kutong nagrarambulan, naalimpungatan
ako.. Masakit ang ulo.. Nahihilo.. Naghilamos.. Nag toothbrush..
Bumaba ako para bumili ng softdrinks at sigarilyo.
Best tundem ko pagdating sa hang-over.

Dire-diretso kong nilagok ang softdrinks..
Dire-diretso ko din hinit-hit ang yosi..

"Sarap.." bulong ko sa sarili.

Binuksan ko ang tv.. naisip ko ang channel 108 sa sogo,
pero wala akong cable, so nilipat ko sa channel na paborito ko.
Sa pagkaka aliw ko sa palabas na hindi ko maintindihan
ang istorya dahil bed scene na lang ang naabutan ko..
Eh biglang nag ring ang phone ko..

"Boss!"

"Pasok ka maaga may bisita tayo at biglaan ang event!"
sagot agad ng boss ko.

So agad ako nagmadali.. Naligo, nag-gel, sinuot ang
paboritong jacket at lumayas.


          -------------

"Boss bayad ho.." sabi ko sa drayber ng jeep,habang pinipilit ko
iunat ang aking braso.

Inabot ng babae na dalawang tao lang ang layo sa akin
ang aking tig be-bente singko kong bayad, at halos parang
malaglag na sa kamay nya..
Napansin kong napangiti ang babae sa akin.
Ang hindi ko malaman eh kung sa bayad ko ba?
O, sa suot kong sunglass na parang hugis star.
Inangat ko ng bahagya ang aking sunglass..

"Anak ng teteng! ang ganda.. pang.." bulong ko sa sarili.

Tinignan ko ang aking sunglass kung meron bang button
para mag-activate ang x-ray vision pero wala..
Biglang nag play sa radyo ng sinasakyan kong jeep
ang careless whisper, at lalong tumayo ang balahibo ko
Mula binti hanggang batok, at mula anit hanggang sa
hindi ko na alam ang punta..

"Saan kaya bababa ito?"
Bulong ko sa sarili ko habang sikretong naka-ngisi.

1 comment/s:

Pink Line said...

oi may chicks na naman..hehe..

Post a Comment