Kwentong Tambay - Chapter 4

"I look at the world and I notice it's turning, While my guitar gently weeps" - George Harrison



Tama nga sila.. bilog ang mundo, at imposibleng hindi mo dadaanan
ang ilalim kung saan madilim at hindi nasisilayan ng araw..
Pero tulad ng sabi nila.. Bilog ang mundo.. So imbes na mag-emo ka..
kumapit ka na lang ng maiigi at baka sa susunod na pag-ikot ay madala
ka sa ibabaw.. Hindi ko sinasabing umasa ka sa ikot at kumapit lang..
Mas maigi kung isasama mo ang dalawang paa para isabay ang pag-akyat
habang ang mundo'y umiikot.

Walang umakyat nang bundok na hindi nabawasan ang timbang..
Hindi makukumpleto ang inuman ng walang tanggero..
Hindi lulubog ang pako kung tititigan mo lang..
at walang mangyayari sa buhay mo kung tatanga ka lang.

Na-realized ko na nasa ilalim na ko nung dumilim na ang paligid.
fortune na ang yosi ko at hindi na marlboro lights.
namamasahe na ako at hindi na naka motorsiklo.
sa Karinderya na ko naghahapunan na dati ay sa Mcdo.
At ang malupet eh.. wala na pala ako pangbayad sa net.. :(

mag-eemo ka ba? sige sabay tayo.. rakenrol nga lang ako..

---------------------------------------------------

"Dudes, wla eh! gnun tlga..:( hindi na sya tumagal.." txt sakin ni Edgar.

Sandali akong natahimik.. hindi alam kung anung reply ang gagawin ko
sayang.. nakakapanghinayang.. kung kailan natapos sa pag-aaral si Edgar.
Tumino sa mga bisyo.. at umiwas sa barkada.. Tska sya binawian ng
mahal sa buhay.. Tepoks ang erpat nya hindi nahintay ang pagiging
ganap na doktor ng anak.. nagdiliryo sa sakit na pangmayaman lang.

Kanselado ang lakad ko, wala ako ganang magsaya. Hindi ko man
kamag-anak, napakalaki ng epekto sa akin. Sa dahilang parang
erpats ko na rin ang erpats nya.. at sobrang malapit sa akin ang
pamilya nila. Kahit na alam nilang medyo masama ang impluwensya ko
sa anak nila.

Tnxt ko ang buong tropa at sinabing hindi na ako sasama.
Bumalik sa aking kwarto.. nagbukas na lang ng pc..
dateng gawi.. tumambay sa facebook at camfrog..
at konting pornsites..

                           ----------



Miyerkules.. tatlong araw pagkatapos ko mabasa ang txt ni Edgar.
dumayo sa lamay.. may dalang gitara, at may baong kanta..

"Dito tayo Dudes!" alok sa akin ni Edgar. na may hawak na granma.

"Game.." sagot ko sa kanya.

Pinaikot ang tagay.. nag-gitara, nag dramahan..
Maya maya pa ay natanaw ko na si Vincent.
May kasamang bebot at sa malayo pa lang ay kumakaway na.

"Oh.. Himala na late ka ata?" tanong ko sa kanya.

"Ito kasing alalay ko hinintay ko pa, gusto sumama kasi" sagot nya.

"Upo kayo.." alok ni Edgar.

Sakto sa upo.. Isang limesang maliit sa gitna. Apat na plastik
na upuan na may sandalan. Isang pitsel ng malamig na tubig.
Isang kalahating boteng granma. Kalahating kaha ng sigarilyo.
Kornik at Butong pakwan.. At isang malungkot na kanta ang aming
pinagsaluhan..

Song: Darkness Fell by Wolfgang

Kanya-kanyang dampot ng pulutan.. Namumutok na ang labi ko
sa alat ng kornik at sa hit-hit ng sigarilyo.. pero tuloy pa din
ang ritwal. Tinititigan ko si Edgar, mukha syang masaya pero
batid ko sa sarili ko na pinipigilan lang nyang mag-drama.
Sa pagkakaseryoso ng lahat.. Bigla namang sinaniban ng demonyo
si Vincent.


"Halatang PEKE!" komento ni Vincent habang nanonood ng kung anu sa cp.

Tinginan lahat ng tao.. Ultimo ang nanay ni Edgar ay napalingon sa amin.
Siniko ko sa tagiliran ang ga**.. Subalit ngiti lang ang sinagot.

"Vincent, huwag dito.." suway ko sa kanya.

"Huwag kang magulo Dudes, seryoso ako dito" sagot nya sa akin.

Hindi nakatiis ang kasamang babae ni Vincent. Tinignan ang bagay
na pinapanood ni Vincent sa cp. Namula ang babae sa kahihiyan..

"Walang*** ka talaga!" nakakagulat na rebelasyon ng babae.

Inagaw ng babae ang cp at akmang babatukan si Vincent.

"Ahahahaha! SORI! hindi ko sadyang makita.." natatawang paliwanag ni Vincent.

"Sa susunod huwag mong pakikielaman ang laman ng cp ko VICENCIO!!
galit na sagot ng babae sabay walk out.


Tawanan ang lahat, Hindi na din namin napigil na tumawa.
Halos manakit ang tagiliran ni Vincent kakatawa, habang hinahampas
ang kamay sa kanyang hita..

"Ano bang meron dun?" tanong ni Edgar.

"Scandal nila ng BF nya.. Hahahahahahaha! Ahahahahaha!" sagot ni Vincent
habang tumatawa.

"Hayu* ka Vincent.. akala ko syota mo yun!" sabat ko sa usapan nila.

"Hindi ah! Tropa ko lang yun.. Kukuha ako syempre matino.." sagot ni Vincent.

Hindi ko alam kung bakit.. Pero para akong tinamaan sa sagot nya sa akin.
At kung ano ang inii-isip nyo ay tama!
Pumasok agad sa isip ko si Kath. Napaka-klaro ng isip ko ngayon..
Pero bakit ganun?  Ang dyahe ng utak ko ngayon.

"Pre, anu inii-isip mo? tanong sakin ni Edgar.

"Wala.. wala.." sagot ko sa kanya.

"Kasi yung tagay mo kanina pa.." (sabay turo sa baso, sabay tawa)

"Ahahaha! DUDES! hindi ka na nagbago!" pang-aasar ni Vincent.

"Loko!" sagot ko.

"Kapag lasing na kasi, sabihin na lang.." pang-aasar ni Edgar.

Tawanan na naman ang tropa, sa grupong ito ako ang laging olats.
Hindi ko alam kung bakit, O sadyang nagkataon lng na pansinin
talaga ako, lalo na ng dalawang mokong na to.

Tumayo si Edgar para kunin ang cp nya na naka-charge.
Inagaw ko naman ang gitara kay Vincent.
Tinono ang gitara ng maayos.. At tska binanatan ang paborito
kong pyesa.. at tulad ng inaasahan sa pyesa kong iyon
paniguradong makiki-kanta lahat ng naglalamay sa patay.

Sa kalagitnaan ng kanta, kung saan ang magandang linya
ay bibigkasin na ng aking bibig, kung saan lahat ng tao
ay nakikisabay na. At pati si Vincent ay nahalata kong tumigil
sa pagpapa-cute sa babae sa kabilang limesa.

At sa kalagitnaan ng kanta.. sa climax ng paborito kong kanta..


"Hi Guys! pasensya na na-late ako!"

Nabitiwan ko ang pic ng gitara, Nabangga ko ang tagayan na
may lamang granma. Bumilis ang tibok ng puso ko.
at sa huling pagkakataon.. Nag-hang ang utak ko.

"Anong ginagawa mo dito?!!" sabay naming tanong ni Vincent.

"Oh! nandito kana pala, kanina pa kita tntxt!" nakangiting bati ni Edgar.

Sabay halik sa pisngi ni Kath, sabay akbay..

Naumpog ba ko ng dalawpung beses?

Nagkatinginan kami ni Vincent na may parehas na pagtataka sa mukha.
Naguguluhan ako..
Sila ba?
Kailan pa?
Paano nangyari?
Alam ba ni Edgar kung anong meron sa babaeng ito?
Sino ang lalaking kailan lang ay kasama ni Kath?
Ang gulo ng isip ko..
Sasabihin ko ba lahat kay Edgar?
At bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?
Bakit parang naiinis ako..
Bakit parang gusto ko mag walk-out..
Bakit parang gusto kong tunggain ang alak..
Tagaktak ang pawis ko..
Daig pa naka-tira ng syento singkwenta..


Siguro naman wala ako sa lugar para mag drama ng ganito..
Imbes na isipin ko ang nararamdaman ko, mas maganda
siguro na alalayan ko si Edgar, ayoko syang masaktan.
Hindi dahil sa kaibigan ko sya. Dahil alam ko na talagang
masasaktan sya sa huli kapag nalaman nya..

Ang gulo! wala akong maisip na plano.
Paaano kaya ito? Hindi ko alam kung saan at paano
sisimulan.

Hindi!

Hindi sa mga oras na to..
Hindi sakto sa lugar at eksena..
Hindi din siguro sa harap ni Kath..


"Kumusta Dudes?" Nakakagulat na tanong ni Kath
(At hindi ko namalayan na katabi ko na sya)

"Okei lang.. Ikaw? Uhmm.. Tagay?" alok ko sa kanya.

"Hindi.." sagot ni Kath.

"Anong hindi?" tanong ko.

"Hindi ako umiinom ng hard.." sagot nya sabay kindat.

Sabay abot ni Edgar ng isang boteng beer kay Kath.

"Aba, ang loko.. galante ha.." Natatawa kong bulong.

Sa oras na iyon ay medyo abala si Edgar sa pag-aasikaso
sa mga bisita. At pag kubra ng tong sa sugal.
Kaya naisipan kong samantalahin ang pagkakataon..

"Kailan pa naging kayo?" pauna kong tanong sa kanya.

"Halos isang buwan na.." nakangiti nyang sagot.

"Medyo matagal na pala.." malamya kong kumento.

"Oh bakit malungkot ka? Hindi ka ba natutuwa para sa amin?"

"Syempre masaya! Kaibigan ko yan eh! masaya ako kapag masaya sya"
nakangiti kong sagot sabay kuha ng tagay.

"Huwag mo lang syang lolokohin.."

Napatingin sa akin si Kath at halata kong nagulat sya sa sinabe ko.
Pero sinuklian nya lamang ito ng ngiti. Naiinis ako..
Hindi na ako natutuwa sa pagiging kalmado nya.
At sa hindi inaasahan..


"Alam ko ang lahat sayo.. Kaya huwag mong lolokohin ang kaibigan ko.."
(Sabay tingin ko sa kanya para maatim nya na seryoso ako)



...
....
.....


"May problema ka ba Dudes?"




"Nagseselos ka ba?"

1 comment/s:

Pink Line said...

na-hurt si dudes :(

Post a Comment