Kwentong Tambay - Chapter 9

"Everything is clearer when you're in love."  -John Lennon


Ang sarap ma-inlab, walang kasing lupit, walang kasing tindi.. Iniisip mo palang panigurado kinikilig ka na..

Pero sa paanong paraan mo ba ma-eexpress ang LOVE?

Depende ba iyon sa tao? Sa Nararamdaman mo? Sa pagpapahalaga mo?

Naaalala ko pa noong HS ako.. Uso ang love letters, kanya-kanyang designs at pakwela.. Merong tipong parang tumutula ka sa mga banat mo.. Meron namang mga linyang hinugot mo lang sa isa sa mga paborito mong labsongs, Na kahit alam mo nang gasgas at wala nang epek eh umaasa ka pa din..

Meron din naman tipong ang dating eh parang secret admirer ka, At ang code name mo ay anonymous o kya shakespear. Ang kulit diba? At kung sa designs naman.. Meron dyang sinusunog pa ng yosi or lighter ang paligid ng papel, or nilulublob sa kape para mag mukhang luma.. At iyong iba nang hihiram ng yellow stabillo, para isulat ang hidden message na kapag tinapat mo sa ilaw eh tska lang lumalabas.. At ang mas malupit pa eh yung isusulat mo sa pagkalaki-laking cartolina ang mensahe mo, na halos kasing laki ng hinliliit ang mga letra.. paramihan ng masusulat na banat, depende sayo kung kaya mong punuin..

Korni kung korni.. Baduy kung sa baduy..

Pero para sa akin ito na siguro ang pinaka astig.. Mas masarap ang pinaghirapan..
Kesa gumastos ka ng sampung piso pang load..


-------------------------------------------------------------------------
DUDES:

Hindi ako mapakali..

Natataranta ako sa bawat kilos..

Daig ko pa tumira ng syento singkwenta, at nag follow-up ng dos kinagabihan..

Hindi na ko nagdalawang isip sa susunod na diskarte ko, Huminga ng malalim.. Dinukot ang cp sa bulsa. Hindi na ako nag-isip.. tnxt ko sya agad..

"Rhea,naka uwi ka na?"

Nagsindi ako ng yosi bago tuluyang umupo sa harap ng pc..

"Heto! kararating lang sa bahay" reply nya.

"Mabuti naman, nag-aalala kasi ako.."

"Bakit naman?"

"Kasi yung drayber mukhang holdaper"

"Hindi naman.. mukha namang mabait.."

"Hindi biro lang.. Uhm.. mag o-online ka ba ngayon?"

"Mamaya pa siguro, may gumagamet ng laptop"

"Pwede ko ba malaman kung sino?"

Ayun sana ang reply ko nang biglang nag "message sending failed".

BADTRIP!!!

Wala na pala akong load.. :(

------

RHEA:

Mula sa bintana ng taxi tanaw ko ang bakery katabi ng bahay namin..

"Manong sa tabi na lang ho.." sabi ko sa driver.

"130 lang po miss.." sagot ng driver.

Pagkatapos magbayad agad akong dumiretso sa bakery para bumili ng miryenda, para din sa kasama ko sa bahay.. na alam kong kanina pa nag hihintay sa akin..

Bago tuluyang pumasok ng pinto, dinukot ko ang susi sa aking bag.. Napansin kong may msg ako sa cellphone..

"Aba ang bilis naman ako ma-miss nito.." Bulong ko sa sarili.

"Rhea,naka uwi ka na?" txt ni Dudes.

Pumasok ako ng bahay bago replayan si Dudes, sumalubong saken si Christian.. O mas kilala sa alyas na Mama Chan.. Gwapo, Buffs ang katawan.. Maputi, at Mahilig sa korean hairstyle na parang anime ang dating.. Pero kung anong kinagwapo nya.. Yun din ang kinahilig nya sa mga gwapong tulad nya..

Mahalay.. Malandi.. at Maharot si Mama Chan.. Daig nya pa ang babae pag dating sa lalaki.

Si Mama Chan ang aking bestfried.. Kapatid ang turingan namin sa isa't-isa.. Kaya para syang ate ko sa labas.. este kuya..

"Heto! kararating lang sa bahay" reply ko kay Dudes.

"Mabuti naman, nag-aalala kasi ako.."

"Bakit naman?"

"Kasi yung drayber mukhang holdaper"

"Hindi naman.. mukha namang mabait.."

"Hindi biro lang.. Uhm.. mag o-online ka ba ngayon?"

"Mamaya pa siguro, may gumagamet ng pc"

Inilapat ang katawan sa malambot na sofa.. nagpapahinga habang hinihintay ang reply ni Dudes..

"Sino ka date mo sis?" tanong ni Mama Chan habang inaabot ang juice sa akin.

"Wala.. Nakilala ko lang sa chat room" sagot ko.

"Hmmm.. may hitsura ba naman?" tanong nya.

"Okei lang.. Hindi kagwapuhan pero mabait.." sagot ko.

"Kaloka ka Sis! Pagdating sa lalaki, talagang wala kang taste!" pang-aasar nya.

"Huwag ka nga.. Mabait yung tao.. Tsaka hindi mo pa naman nakikita!"  sagot ko.

Tuloy pa din sa pang-aasar ang bakla, pero dahil medyo pagod hindi ko na nagawa pang makipagsabayan sa kaharutan nya..

"Hindi kaya naubusan ng load yun?" bulong ko sa sarili.

Sa tagal ng reply.. Naisipan kong mag online baka sakaling naka online din sya..


---------
DUDES:

Badtrip!

Wala akong load.. No choice ako kundi mag log-in ulit.. Binuksan ko ang application ng camfrog at tuluyang nag log-in.. Bago pa man tuluyang makapasok ng chat room.. Narinig ko ang sigaw ni Vincent mula sa baba..

"Dudes! Nandyan ka ba? Akyat na ko!"

Sakto sa pagbukas ko ng pinto.. Humahangos si Vincent.. pawisan at nauutal-utal..

"Ano problema?" tanong ko.

"Si Kath daw nasa hospital nagtxt sakin si Edgar" sagot nya.

"Eh bakit hindi si Edgar ang pumunta?" tanong ko.

"Nasa trabaho daw sya.." sagot nya.

"Anak ng.. Inuna pa duty kesa gf nya.." bulong ko sa sarili.

Dinampot ko ang wallet ko at lighter, sabay sampay ng jacket sa balikat.. walang ano-ano pa at tuluyan na kaming lumayas.

Pagdating sa hospital, nag inquire sa front desk, at dumiretso sa kwarto kung saan naabutan namin syang tulog.. Maamo ang mukha..

Nilapitan ko sya..

Umupo ng dahan dahan sa tabi ng sa ganoon ay hindi ko sya maistorbo.. Hinawi ko ang malambot nyang buhok sa pisngi..

"Ano bang nangyari sayo?.." Bulong ko sa kanya.

---------
RHEA:

After mag log-in, agad-agad akong dumiretso sa chat room, kung saan madalas kami magkita ni Dudes noon..

Nakakapagtaka..

Online ang loko pero wala sa room.. Na dati naman ay nakababad ang ID nya, Kahit walang kasama.. at solong nag s-sound trip..

"Baka may ginagawa lang, or busy.." bulong ko sa sarili.

Pero dahil hindi ako makatiis at medyo curious na rin.. Napilitan akong mag IM sa kanya.. pero syempre bilang babae, dapat hindi gaano halata.. Mahirap na at baka mag expect ang loko..

SINGLE_AKO: Dudes?
SINGLE_AKO: Kumusta? Nag-enjoy kaba kanina?(Kahit alam kong hindi)

Aba ang loko.. Isnabero..

SINGLE_AKO: Okei.. Dedma well..(May halong inis)

---------
DUDES:

!@#$%*!!!

Halos madurog ang dila ko matapos akong masamid at makagat ito..

"Okei ka lang?" tanong ni Vincent na nahalata ako, dahil biglang nalukot ang mukha ko sa sakit.

"Ah.. wala.. may naka-alala lang siguro.." sagot ko.

"Sino? Wala ka namang syota.." biro nya.

"Shhhh! Baka magising.." mahina kong sabi habang nakaturo kay Kath.

"Ay! Sori.." sagot nya.

Napansin kong bahagyang gumalaw ang mga mata ni Kath.. Dahan-dahang dumilat, at inikot sa paligid.. hanggang sa mapahinto sa akin ang kanyang paningin. Bahagyang naningkit.. na parang sinusuri pa ako, dahil siguro sa malabo pa ang kanyang naaaninag.

"Okei ka lang?" tanong ko.

"Dudes?"

"Oo.. ako ito, ano nangyari?" tanong ko ulit.

"Nasaan si Edgar?"

"Nasa trabaho pa sya Kath!" sabat ni Vincent.

Hindi ko alam pero bahagyang nainis ako.. Kung sino pa ang wala sya pa ang hinanap.. Kung sino pang hindi nag-aalala sayo.. Tumayo ako.. Inis pero hindi ako nagpahalata..

"Mauna na ako.." paalam ko sa kanila.

"Bakit?" tanong ni Vincent.

Syet! ano nga ba idadahilan ko? Maling mali ako sa tyempo.. Walang wala sa diskarte..

"Hindi.. Mag c-cr lang pala ako.." palusot ko.(Naloko na!)

"Huwag kang aalis Dudes.. Samahan mo muna ako.." pigil nya sa akin.

Sa salita nyang iyon, malakas ang pakiramdam ko na may masamang nangyari..

"Wala na kami ni Edgar.. Iniwan nya na ko.." mahina nyang sabi.

---------
RHEA:

Sa halos dalawapung IM.. kahit isa walang sagot ang loko.. Masama ang kutob ko.. Baka may nangyaring hind maganda.. Sinusubukan ko magpaka relax..

Maraming bagay ang naglalaro sa isip ko. Merong masama merong hindi.. Pero sa biglang hindi pag reply, kahit sino mag-iisip ng masama. Tumayo ako, naglakad kung saan ko nilapag ang aking cellphone.. Nag browse ng phonebook.. Hinanap ang number ni Dudes..

At tuluyan kong tinawagan..

---------
DUDES:

Natahimik ako sa sinabi ni Kath.. Hindi ko alam ang isasagot ko..

Magagalit ba ako kay Edgar?
Baka naman may dahilan sya..
Hindi naman kaya si Kath ang nagloko..

Hindi ko talaga alam ang susunod na sasabihin ko.. Parang nag tanong ang titser ko tungkol sa Algebra at halos napanis na ang laway ko dahil sa hindi ko alam ang isasagot.

Biglang nag ring ang phone ko..


Nataranta ako..


Sinagot ko ang tawag nang hindi tinitignan ang caller..



"Hello?" sagot ko habang nakatingin pa din kay Kath.


Matagal bago sumagot ang nasa kabilang linya..


"Hello?" tanong ko pa ulit.


...
.....
.......


"Dudes, si Edgar to.. Kumusta si Kath?"



Nangilid ang luha ko.. Nagngit-ngit ang mga ngipin ko sa galit.. Tumaas ang dugo ko.. Lumakad ako palayo sa kanilang dalawa..



"Bakit? Anong kailangan mo sa kanya?" sagot ko..

0 comment/s:

Post a Comment