Kwentong Tambay - Chapter 7

"Hindi na kelangan ng genre, kung talagang music lover ka"



Tik.. Tak.. Tik.. Tak..

Tumingala ako.. Hindi oras ang nauubos, hindi din araw, mas matindi pa sa mga yan.
Sa tulad kong walang degree.. PANAHON ang nalalagas.

Pressure na ko.. Tensyonado.. Pawisan.. tambak na ang kendi sa bulsa ng maong kong
gasgas ang laylayan, dahil sa sobrang haba. Habang nilalakad ang kahabaan ng mayapis
sa Makati papunta sa ahensyang aking pinasahan ng slum book, este! resume na parang slum book ang dating, dahil sa dadalawang pages na panay personal information lamang ang laman.. At walang matinong background.

Natanaw ko na ang gate at bago dumiretso sinindihan ko ang huling sigarilyo..

Nag-iisip.. Nakikiramdam.. Balisa.. Sa puntong ito maaaring back to zero na naman ako. Teka.. Nakailang apply na ba ako? Tatlo? Lima? Walo? Hindi ko na matandaan.. Kasing dami din yata ng nasindihan kong sigarilyo at kasing dami na din ng babaeng bumasted sakin pagkatapos kong banggitin na "wala ako pera, sagot mo muna pamasahe natin sa jeep.. Okei lang?".

Game.. Tinawid ko na ang kalsada at dumiretso sa gate kung saan naka-paskil sa puting papel ang mga pasado sa exam at interview.. Mula sa tuktok hanggang baba wala ang pangalan ko.. Inulit ko pa.. Inisa-isa.. baka sakaling nagkamali lang ang nagtype at napalitan ang pangalan ko ng iba. Wala! as in wala.. lugaw! PLAIN!  kahit paminta wala.

Paalis na sana ako.. Umihip ang hangin.. Tsaka ko lang napansin na dalawa ang pahina na nakapaskil nasa likod ang isa natatakpan ng nasa unahang papel.. OHYEAH!!!!

slow ako.. hindi ko napansin alphabetical pala..:D




---------------------------------

"Sorry.. talaga.."

"Sampalin mo na lang ako!"

Nakatitig lang sa akin si Kath, matalim ang mata.. Ini-scan ang buong pagkatao ko, tinitigan ako mula ulo hanggang paa.

"Sampalin? gusto mo sampalin talaga kita?" sagot nya.

"Uhm.. hindi.. wag.. masakit yun.." pabawi ko.

"Nakuha mo pa magbiro Dudes"

Napahiya na talaga ako sa puntong iyon.. Wala na ko masasagot, Wasak ang reputasyon ko. Basag ang pagkatao ko.. Tumalikod si Kath, hindi na nagpaalam at tuluyang lumayas.
Binalak kong pigilan sya pero ano naman ang sasabihin ko? Badtrip.. Kainis..
Hinanap ko ang reset button, baka sakaling bumalik sa umpisa.. wala.. wala..
Wala ako magawa.. Para akong newbie sa dota na nagtataka kung bakit kelangan bumili ng sapatos, at bakit may sapatos si Spiderman dito.

Sinarado ko ang pinto.. Pinatay ang ilaw.. at dahil tapatan lang ang bahay namin, dahan-dahan akong sumilip sa bintana baka sakaling tumambay pa sya. Sampayan lang ang natanaw ko walang bakas ni Kath o kahit anino man lang.

"Ang g**o ko talaga.." bulong ko sa sarili.

"Bakit ba ko nagpadala?"

Pero na-alala ko ang tagpong muntikan na.. Sa pagkaka-seryoso ni Kath, talagang hindi ko naman halatang ganon pala ang balak nya. Kahit sino sigurong lalaki ang nasa katayuan ko ay hindi maiiwasang hindi sumubok sa langit.

Nag ring ang cp ko..

"Baka si Kath.." bulong ko sa sarili.

Hindi ko sinagot, hindi ko na rin tinignan kung sino. Dahil sigurado ako hindi naman tatawag sayo ang taong galit para makipag-chikahan lang..

Humiga ako..
Nag-isip..
Muni-muni..

Naalala ko si Allie Sin(Pornstar), pero wala ako sa mood.. walang gana..


                                     ------------

"Iho.. yung nasa dulo dyan na nasa tabi ng basurahan"

Dahan-dahan kong tinayo ang ulo ko mula sa arm chair ng aking upuan.

"Yes mam?" sagot ko sa titser ko na nakangiti pa sa akin.

"UNANG ARAW NG KLASE! UNANG SUBJECT! NATUTULOG KA??!!"
sigaw ng titser ko na nagpataranta sa akin.

Tawanan ang buong klase.. nagkusot pa ko ng mata at nagtanggal ng muta. Hindi ko kasalanan naman kung antukin ako, lalo na at MATH ang unang subject sa umaga na pinangako ko sa sarili kong kaaway ko habang buhay.

"Pwede ka bang tumayo? at magpakilala?" tanong ng titser ko.

Wala ako nagawa.. tumayo ako mula sa kinauupuan ko.. nag-ayos ng gusot na polo.

"Good Morning sa inyo, sayo din Ma'am.. Ako nga pala si Dionisio Garcia Jr."

"Sa mga magaganda kong kaklase.. Dudes na lang itawag nyo sa akin.."

Tawanan na naman ang buong klase. Sabay kantyaw ng isa kong kaklaseng bading na nasa row 2..

"Matulog ka na lang ulit Dionisio!"

Tawanan na naman ulit ang klase. Sa tingin ko kasalanan ko kung bakit naging tapunan ako ng asar ng buong school year na iyon.

...
.....
.......


Tinamaan na ng sikat ng araw ang aking mata. Umikot ako.. sumunod pa din ang loko.
umikot ulit ako hanggang makarating ang katawan ko sa dulo ng banig. At tulad ng inaasahan sumunod pa din ang lokong araw.. Nagtakip ako ng kumot at bumulong sa sarili.. "Akala mo ha.."

Habang nakikipag-buno ako sa araw ay bigla na lang may kumatok sa pinto ko..

"Sino sila?" tanong ko.

"Bill po ng internet!" sigaw ng lalaki sa labas.

"Lapag mo na lang sa harap ng pinto, kunin ko na lang mamaya naka brief kasi ako"
pabiro kong sagot sa kartero.

"Boss may pipirmahan kayo dito.." sagot ulit ng kartero.

"Ay.. Oo nga pala.." Bulong ko sa sarili.

Tumayo ako.. Pinirmahan ang sulat.. Naghilamos, Nag toothbrush at nag almusal.
Tumingin sa cp.. Nanglaki ang mata ko sa nabasang msg.

"Korni mo pala, hahaha! nakasabay mo ko sa jeep"

Txt msg ni SINGLE_AKO.

"Anak nang.. saang jeep? sino ka dun?" reply ko.

wala pang limang minuto ang bilis nya sa pagreply.

"Ahahaha! secret! pati pangbayad mo, mukhang sa alkansya pa galing"

Nag-isip na naman ang utak kong walang laman..

Teka.. san nga ba?
Lagi naman ganon ang bayad ko sa jeep kasi ayaw ko ng barya sa bulsa..
Hmm.. hmmm.. hmmmmmmmmmm..
Wala talaga..

At dahil ayaw ko na mag-isip dahil mas mabilis ako mapagod kapag ganon, eh hindi ko na sya nireplayan..

"Hindi naman ako manghuhula.." bulong ko.

Sumilip ako sa bintana, umaasang makita ko si Kath.

Paano kaya ako hihingi na tawad sa kanya?
Ano na lang ang sasabihin ni Edgar?

Hindi ko alam kung paano pplantsahin ang gusot.. Nagsindi ako ng yosi..
Nagmatyag sa paligid ng kalsada.. Nagmasid sa mga nanay na nagsusugal, sa mga SOCO na nag memeeting, sa mga tatay na nag-iinuman. Sa mga yero na binulok na ng ulan, sa mga antenna na hindi ko pa din malaman kung baron nga ba talaga, o icon ni Voltes V.

Kath..

Kath..

Kath..

Kath..


Tanging pangalan na sumisiksik sa utak ko, Nagpupumilit sumingit.. Nananaig.

nag ring ang cp ko.. tinignan ko ang caller at agad kong sinagot.

"Oi! napatawag ka?"

"Hindi ka na kasi sumagot sa txt ko.."

"Hirap naman kasi ng quiz mo."

"Hahahaha! Kita na lang tayo ngayon, anu?"

"Teka lang.."

Nagkandarapa ako para kunin ang wallet ko sa drawer at tinignan ang laman..

500? at tig be-bente singkong barya? San kami makakarating nito?

"Hello? San naman tayo punta?"

"Mahilig ka ba sa lugar kung san walang gaanong tao?"

Anu yun? may ganon bang lugar.. Hulaan na naman to. i-hang ko kaya.

"Sige, kahit saan yan sama ako.."

Sumugal na naman ako sa hindi ko sigurado. Wala akong pera.. Meron pala pero hind kasya, at alam kong mapapagastos ako dito.. pero wala na.. rakrakan na!

"Kita tayo sa ano.."

Tulad ng dati.. Naligo.. Nag-gel. Suot ang lumang maong na pants na minahal ko tatlong taon hanggang ngayon, White t-shirt na may tatak na "love" sa gitna.. At naka tsinelas.

.....
.......
...........
...............

"Tagal naman nun.." bulong ko sa sarili habang naghihintay.

Halos trente minutos na ko sa terminal ng jeep. Naka limang yosi na din at limang kendi.

"Kanina ka pa?"

Saktong lingon ko..

"Obvious ba? Kanina pa ko dito trenta minutos na.. Pawisan na nga ako at amoy usok ng nagdaan at pumilang mga jeep dito"

Ayun sana ang isasagot ko.. pero dahil na shock ako.. na stun, nag hang.

"Ikaw?" salitang nasabi ko.

"Oo.. nagulat ka no?" sagot nya.

...
.....
.......


"!.......@#$%*!!!!"

2 comment/s:

Pink Line said...

sya pala yung magandang chicks sa jeep...

Amphie said...

oo yata. nalimutan ko na ang kwentong 'to XD

Post a Comment